Sunday, September 25, 2011

Love Conquers All Chapter 34

One week after the talked about the ring nagpatulong si Sam kay Quen na mamili ng bibilhing ring for Devon, nakipag meet sya dito ng hindi alam ni Devon kasi he was also planning to give Devon a surprise. After class nagkita sila ni Quen sa cafeteria na madalas nitong tambayan matapos nyang maihatid sa bahay si Devon.

Sam: Bro, sorry if I'm late hinatid ko pa kasi si Devon sa kanila.
Quen: Ok lang bro!! Tara na!! Kanina pa kasi nag hihintay yung kapatid ko.
Sam: Sige bro tara!!

Then, the two went to a mall where they were going to meet Quen's brother while in the car nag kwentuhan ang dalawa about Devon.

Sam: What kind of ring do you think will fit to Devon?!
Quen: Devon is a simple person so I think simple ring will fits to her.
Sam: Yeah! Your right but I want something different!! I don't know but I am looking for a unique ring na para lang sa kanya!!
Quen: You can have a personalized ring naman for her ehh..
Sam: Can I?!
Quen: Yes!! You can ask my brother for that!!
Sam: Thanks Quen!!! Devon is lucky to have a BES like you!!
Quen: But she's even more lucky to have a BOYFRIEND like you!!
Sam: And I'm lucky to have her! (naka ngiting sabi nito)
(-After ng ilang minuto pa nakarating na sila ng mall and they meet Quen's brother at the Starbucks.-)
Quen: Sam, this is my brother Javy.
Sam: Hey! Nice to meet you bro. (at inilahad nito ang kamay para makipag shake hands kay Javy)
Javy: Nice meeting you too. Have a sit!! So, tell me what kind of ring are you looking for?!
Sam: I want a ring that is something simple yet unique!!
Javy: Ow!! You want to make your own design?!
Sam: I want, but I don't know how!
Quen: Tell him what you want and he will sketch it for you!
Javy: Yeah! Quen is right then yun yung ipapagawa natin! But it will take a month for you to get it.
Sam: Ok lang yun. Ang plano ko naman kasi is after na ng graduation ako mag po-propose sa kanya ng formal. At yun yung isa ko pa sanang ihihingi ng tulong sayo Quen.
Quen: Ok lang, no worries I'll help you.
Sam: Thanks bro.

Matagal ding ginagawa ni Javy ang style ng ring na magugustuhan ni Sam for Devon at masaya naman sila habang ginagawa yun, sinabi na din ni Sam kay Quen ang plano nya for his proposal at sinang-ayunan naman yun ni Quen. Dahil matalik nyang kaibigan si Devon alam na rin nya ang mga gusto nito, and he advised to Sam to seek help from their other friends na din na syang ginawa naman ni Sam, they called Shey, Char, Kyra and Joe to help them out from planning. They went to Sam's house para mas maging malaki ang space nila para sa pag paplano nila. Inabutan nila doon ang tita Eunice nya na nag be-bake ng cookies and cupcakes.

Sam: Hey tita Eunice.
Eunice: Hi Samuel. (at bumeso ito sa pamangkin)
Sam: Tita I want you to meet Devon and I friends!!
Eunice: Ow!! Hi guys!!
Joe: Sam your tita is pretty is she single?! (bulong nito kay Sam)
Sam: Yeah tita Eunice is single actually she's not that old!!
Javy: Kahit hindi mo sabihin halata naman sa itsura nya na bata pa sya. She's simply pretty.
Eunice: Wow!! Thanks!!
Shey: Wait a minutes and 20 seconds!! How old are you naba?! I might be older than you!
Eunice: Oh well, let's not talk about age, let's put it on this way.Ahmm.. When Sam was born I am just like an angel whose looking for a baby boy to be my playmate. (sabay kindat nito sa mga kausap)
 Sam: Oh well, tita is not that old she's just a bit elder than me but I used to call her tita na kasi talaga though she doesn't look like an Aunt for me.
Eunice: Wag mo na kong bolahin Samuel, sige na mukhang may gagawin pa kayo.
Sam: Sige po tita dun lang kami sa pool side, penge po nyang bini-bake nyo ha.
Eunice: Sure!!

Nasa pool side na sila at doon nila pinag usapan ang tungkol sa proposal ni Sam doon na din tinapos ni Javy ang design nya na ring for Sam. While in the middle of doing their plans Devon called to the phone.

Maid: Excuse me po sir Sam, si Miss Devon po nasa telepono.
Sam: Sige po, thank you po Manang. Excuse lang guys!! (then he pick up the phone to answer Devon's call)
-on the phone-
Sam: Hello Devz?!!
Devon: Hi! Chi-neck ko lang kung andyan kana sa bahay nyo. Naistorbo ba kita?!
Sam: Ah..Hindi naman kaya lang kasi may ginagawa lang ako! Ok lang ba if I'll call you back later na lang?!
Devon: Ahhh..Yah sure!! Pasensya na sa istorbo.
Sam: No!! You don't have to say sorry, kung ikaw din naman ang mang-iistorbo sakin mas gusto ko yun, but I really have to end this call because of something important.
Devon: Ok lang. Sige!! Ba-bye. (she then end the call with out waitng for Sam's answer)

Sam: Di man lang nag I love you. (naka sad face na sabi nito)
Eunice: Why?! Is there something wrong?!
Sam: No tita!! But I think Devon doesn't understand me.
Eunice: Sam, maybe Devon just misses you!!
Sam: Well.. (sabi nito sabay kibit balikat)
Eunice: Anyway, let's go try my cookies and cupcakes.
Sam: Let's go! (then they went to the pool side)
Eunice: Hey guys!! Try my cookies and cupcakes!!
Joe: Wow!!Ang bango!!
Kyra: Oo nga!! Penge po ahhh.. (sabay kuha nito sa isang cup cake)
Eunice: Sure!! (nakangiting sabi nito) Hey Javy give it a try! (at sabay abot nito ng isang cupcake)
Javy: Thanks!! Does it taste good?!
Eunice: Well, I don't know. Just give it a bite then if you doesn't like it you can give it back to me.
Javy: Ok sabi mo yan ahhh.. (then he bite the cupcake)
Shey: It taste good!!
Eunice: Thanks!!
Joe: Pwede ba kong mag take out mamaya?!
Eunice: Sure!! Marami pa yan!! (nakangiting sabi nito)
Quen: So ano Javy ok ba?!
Javy: Well, pwede na!! But can you do it again for me someday?!
Eunice: Yeah sure!! Excuse me guys!! (at iniwan na nya ang mga ito)
Joe: Sam, may asawa na ba yang tita mo?!
Sam: Wala pa noh!! Bata pa nga kasi yan!!
Quen: Eh boyfriend?!
Sam: Wala din!!
Quen: Ayos!! Javy I think I found someone for you!! (sabay kindat nito sa kapatid)
Javy: Shut up Quen!!!
Char: Single ka din?!!
Quen: Oo single sya, wag mong sabihing gusto mo sya?! Paano na ako!? Akala ko ba ako ang mahal mo?! (pagdadrama nito)
Char: Eto naman tinanong ko lang kung single sya ehh selos ka na agad. Oo ikaw mahal ko!
Quen: I love you too Char!! (yumakap pa ito sa babae)
Char: Ay ang ladi mo Quen ahhh.. (at nag tawanan silang lahat sa pangungulit ni Quen kay Char)

Thursday, September 22, 2011

Love Conquers All Chapter 33

Dumating sila Sam sa mall ng saktong lunch kaya mineet na lang nila si Marie sa isang restaurant at kasabay din nilang nag lunch ang tita Eunice nila na kasalukuyang tumatambay sa boutique ni Marie.

Sam: Tita Eunice your here!! (sabay beso nito sa tyahin at sa ina nito, gayun din si Devon)
Eunice: Yeah!! Tambay lang! You know!!
Marie: Nang gugulo sa boutique ko!!
Eunice: Uy hindi ahhh.. Tinutulungan na nga kitang mag benta eh, aminin naka benta na ko!! (sabay tawa nito)
Marie: Fine!! (at nakitawa na rin sya dito)
Eunice: Anyway, kamusta Devon?! Habang tumatagal mas lalo kang gumaganda ahhh..
Devon; Thank you po tita! Ok naman po ako! Kayo po kamusta?!
Eunice: Eto ok naman! Maganda pa rin!! Hahahaha.. (bakla kayo wag kayong kokontra!!!haha)
Marie: Ehem!! Sam umorder kana nga at gutom na ang tita Eunice mo!!
Eunice: I hate you ate!!!
Marie: I'm just kidding!!
Sam: So, what's your order?!
Eunice: I want fresh vegetable salad then, anything same as yours na lang!!
Marie: How about you Devon?!
Sam: Alam ko na pong kay Devon Ma,! Ikaw po?!
Marie: I think I want Lasagna or Pasta! Anything!!
Sam: Ok!!

Masaya silang nag lunch at napuno ng tawanan ang oras nila na yun, dahil mas close na si Devon sa kanila ngayon open na itong makipag biruan sa mga ito, until Eunice open one topic that might change their lives, well nagbago na nga ang buhay nila cause they are already engaged but there's no prove cause they don't have rings.

Eunice: By the way Sam, until now hindi mo pa rin ibinibili ng ring si Devon?! Naku! Wag kang babagal-bagal iho your fiance is pretty baka malusutan kapa ng iba!!
Devon: Hindi naman po mangyayari yun tita!!
Eunice: But you never until such time came in!!
Sam: Don't worry tita bibili na po ako ngayon!
Eunice: Dapat lang dahil hangga't walang suot na ring yan siguradong may magkakainterest pa dyan kay Devon!
Marie: Your tita is right!! So, after this you two buy a ring ok?!
Sam: Yes Mom!!

After nilang mag lunch tumambay muna sila sa boutique ng ina at nagparamihan pa ng maibebenta, naging madali para kay Sam na mangumbinsi ng buyers dahil sa halos damit panbabae ang tinda ng ina nya at sa gwapo nya walang kahit sinong tatanggi dito, pero sa twing nagiging close ito sa mga babae hinihili ito ni Eunice at ipinakikilala si Devon bilang fiancee ni Sam. Pero minsan ayaw maniwala ng mga buyers dahil wala naman daw suot na sing-sing si Devon. Nang si Devon naman ang nakakuha ng buyer si Sam na mismo ang humihila dito at nagpapakilalang fiancee sya ng dalagaw, pero nang ang lalaki na ang hindi maniwala dahil sa wala naman daw itong sing-sing hinila nya agad si Devon palabas ng boutique at tsaka sila nag hanap ng sing-sing.

Devon: Lahat na ng jewelry shop napasok natin wala ka pa ding napipili, eh samantalang ako naman ang magsusuot nyan!
Sam: Gusto ko kasi yung maganda tsaka yung mahal para sa taong mahal!
Devon: Pero hindi ko kailangan ng sing-sing na maganda o mahal o kahit yung may malaking diamond pa!! Ang gusto ko lang yung simple at mura!! Alam mo naman yun ehhh..
Sam: But this time I want to give you the best ring that I can give! Only this time!! Ok?!
Devon: Well, its up to you!!
Sam: Thanks!!

Ilang minuto pa silang nag hanap ng bibilhing sing-sing pero wala pa ring makita si Sam na gusto nya para kay Devon kaya napag pasyahan nyang bumalik na lang muna sila sa boutique ng ina keysa pagurin ang sarili sa kahahanap ng sing-sing.

Marie: Where's the ring?! Can I see it?!
Sam: Wala po kaming nabili!
Eunice: Ha?! Bakit wala?!
Sam: Wala akong mapiling maganda para kay Devon ehh..
Eunice: My gawd Sam ano bang gusto mong ipasuot sa fiancee mo, bato na kasing laki ng kamao mo?! Bakit naman hindi mo gusto ang mga sing-sing dyan eh halos andyan na lahat ng jewelry shop!
Sam: I don't know!! Basta, we'll buy it some other time!!
Marie: Bahala ka!! Napaka choosy mo!!
Devon: Sabi ko nga po sa kanya hindi naman po kailangang mahal o may malaking bato ang ibigay nya sakin eh, simple lang naman po ang gusto ko!!
Sam: But I want to give what best for you!! So, please! Sa ngayon lalagyan ko muna ng tag ang bawat damit na isusuot mo para alam nilang your engage na!!
Devon: Sira!! (sabay pala nito sa balikat ng nobyo)
Sam: Basta!! Walang pwedeng umagaw sayo!! (sabay yakap nito sa bewang ng kasintahan at hinalikan ito sa pisngi)
Eunice: Ang sweet naman!! Kayo na!! You already!!
Sam: Hahaha.. Tita maghanap na po kasi kayo ng boyfriend!!
Eunice: Ayoko nga!! Ako ang hanapin nila!! (sabay tawa nito ng wagas)
Marie: Ang kati mo!!
Eunice: Hahahahah.. Ganun talaga teh!!
Sam: Sige po!! Mauna na kami! Hatid ko na po si Devon sa kanila!
Marie: Sige! Ingat kayo!! (at bumeso na ito sa anak at kay Devon)
Eunice: Higpitan mo na ang hawak dyan Sam baka mahila ng iba yan!! (biro nito sa pamangkin habang papalabas na ang mga ito ng boutique)

Love Conquers All Chapter 32

Days, weeks, and months passed by, naging legal na ang relasyon nina Sam at Devon, bumalik na din sa Bubble U si Nico Hernandez upang makapag turo muli pero hindi pa rin nya iniwan ang trabahong naging life saver nya nung matanggal sya sa Bubble U. Tahimik ang lahat walang nang gugulo, walang umeepal, masaya lang silang lahat lalo pa't ilang linggo na lang graduation na nila Devon at Sam pati na rin ng ibang mga kaibigan nila. Nanatili na din si James sa bansa at kasalukuyan na itong nagtatrabaho sa kumpanya ng ama pero kahit anak pa sya ng CEO hindi pa rin uubra yun para umagat kagad sya, tulad ng iba nag simula ito sa mababa at unti-unting nagsikap upang makarating sa itaas. Pero kahit ganun pa man ngayong gagraduate na ang mortal rival nya unti-unti na syang natatakot dahil baka maagaw nito lahat ng pinaghirapan nya pero para kay James lahat gagawin nya wag lang mawala sa kanya ang mga pinaghirapan nya. It's a Sunday morning Sam went to Devon's place and asked his girl to accompanied him to his Dad's office kahit kasi Linggo nag tatrabaho pa rin ito sa kumpanya nila but unlike before naging mas balance na ang time nito sa work at sa pamilya nya.

Devon: Pasok ka muna, kukunin ko lang yung gamit ko!! (paanyaya nito sa kasintahan matapos na humalik dito)
Sam: Where's everyone?!
Devon: Ah umalis sila, hindi na ko sumama para masamahan kita.
Sam: Sana sinabi mo sakin na may lakad ang pamilya mo para hindi na kita naistorbo at nakasama ka sa kanila.
Devon: Asus!!Ok lang yun noh!! Tsaka alam naman nila kung saan tayo pupunta ehhh. Wait lang ha kunin ko lang bag ko!! (sabay akyat nito sa kanyang kwarto at hindi na hinintay na sumagot ang nobyo nya)

After 30 minutes narating na nilang dalawa ang kumpanya ng ama ni Sam at nakasalubong nila agad si James na papunta din sa opisina ni Thed, dahil kahit walang pasok nung araw na iyon andun pa rin sya para tulungan ang ama, kokonti lang din ang tao sa kumpanya kaya nakakabinging katahimikan lang nakapaligid sa buong kumpanya nung araw na iyon.

Sam: Hey James!!
James: Sam?! What are you doing here?!
Sam: Nothing! I just wanna talk to Dad!
James: Kailangang dito pa sa opisina?! Is it important!
Sam: Ahhhmm.. Kinda!!
James: Oh I see!! Hey hi Devon!
Devon: Hello!! (tsaka ito ngumiti ng mapait sa binata, hindi nya alam kung bakit pero sa twing nakikita nya ito tila mainit na dugo ang dumadaloy sa buong katawan nya, dahil siguro sa nayayabangan sya dito)
Sam: Pupunta kaba sa office ni Dad?!
James: Ahh oo may ibibigay kasi kong papers sa kanya!!
Sam: So, shall we?!
James: Yeah let's go!!

Mag kakasabay silang pumunta sa opisina ng ama ni Sam at James, Sam hold Devon's hand until they reached his Father's office. Naunang pumasok si James dahil wala naman itong secretarya nung araw na iyon kaya diretcho na si James na kumatok sa opisina ng ama.

Thed: Come on in!!!
James: Good morning Sir, I just brought those documents that you are asking for me.
Thed: Oh!! Thanks James!!
James: By the way Sir, your son Samuel is here with his girlfriend Devon!
Thed: Oh really!? Ok thanks!! Let them in when you get out!!
James: Ok Sir!! (at tumalikod na nga ito sa ama lumabas ng opisina tsaka pinapasok si Sam)
Sam: Tapos na agad?!
James: Yeah!! Pumasok ka na daw!
Sam: Ahhh.. Sige thanks!! San kana nyan?!
James: Ahh wala, balik lang sa office ko!
Sam: Ganun ba?! If you don't mind ok lang bang samahan mo muna si Devon?!
Devon: Wag na Sam ok lang ako baka maistorbo ko lang si James!
James: No it's ok!! (tsaka ito tumingin kay Devon at nginitian ito ng nakakaloko) Go ahead Sam, Dad's waiting for you!
Sam: Sige! Thanks bro!! I'll see you later hon. (sabi nito sa kasintahan at tsaka ito hinalikan sa pisngi, pag pasok ni Sam sa opisina ng ama umupo ulit si Devon sa couch na nasa labas ng room nito)
James: Sam told me to accompanied you so don't sit there as if you don't want to come with me!!
Devon: Eh sino bang may sabi sayo na sasama nga ako sayo! I'd rather wait Sam here than walking with you around this big company!! (madiing sabi nito tsaka inirapan ang lalaki)
James: Do you think sasabihan ako ni Sam na samahan ka kung hindi naman sya magtatagal dyan sa loob I don't think so, sabi pa nya sayo see you later.
Devon: So?! (ikot-matang sabi nito)
James: So, kailangan mong sumama sakin sa ayaw at sa gusto mo kung ayaw mong abutin ka ng gutom dyan, ikaw na din ang may sabi malaki itong kumpanya lalo na para sayo dahil hindi mo kabisado ang daan dito pag naligaw ka baka makasalubong mo yung mga taong hindi pala talaga part ng company na ito!!
Devon: Anong ibig mong sabihin?!
James: I know you know what I mean, so kung ayaw mo talagang sumama sakin I'll go ahead!! (tsaka ito nag lakad ng mabagal palayo kay Devon, he's one step away from the elevator when Devon call him)
Devon: Wait!! I feel hungry! Saan pwedeng kumain?! (diretchong sabi nito upang hindi makita ni James na natatakot sya sa sinabi nito)
James: Canteen is closed, there's a cafeteria in front of this company!!
Devon: Ano pang itinatayo-tayo mo dyan?! Tara na?!! (tsaka ito nag martsa papasok ng elevator)
Jame's POV: Sasama ka din pala dami mo pang sinabi. But you looked pretty even though I can see in your eyes that your afraid!!What the F!!James, what did you say?! She's pretty?!!Oh well!!!
Devon: Get in!! (pukaw nito sa nakatulog na presensya ni James)


Isang oras na ang lumipas hindi pa din bumabalik si Sam o tumatawag man lang upang ipalam na tapos na nitong kausapin ang ama, panay ang tingin nya sa kanyang wrist watch na napansin naman ni James.

James: Hindi naman mawawala yang relo mo kanina kapa tingin ng tingin!!
Devon: Ano bang pakialam mo!! Kumain ka na nga lang dyan!
James: Alam mo kung tapos na si Sam at Dad na mag-usap sigurado namang tatawagan ka nun agad!!
Devon: I know!! Pero hindi sya sakin tatawag kundi sayo!!
James: Sakin?! Bakit naman sakin?! Bat hindi na lang sayo?!
Devon: Kasi wala akong cellphone!!
James: Cell phone lang wala ka?! Gaano ba kayo kahirap at cell phone lang ay wala ka pa!!
Devon: Oo mahirap lang kami at hindi kami katulad nyong mayayaman na dahil marami kayong pera at hindi nyo na alam kung saan dadalin ang pera nyo kaya kahit anong gusto nyong bilhin magagawa nyo, pero para saming mga mahihirap unti mo singkong duling mahalaga yun samin, kaya kesa ibili ako ng nanay at tatay ko ng cell phone ipapangkain na lang namin!! (ikot matang sabi nito sa lalaki)
James: Hindi ko alam kung anong meron sayo bakit ka nagustuhan ng kapatid!!!
Devon: Hindi mo makikita ang nakita ni Sam sakin dahil ikaw sa panlabas na kaanyuan ka tumitingin hindi sa kung anong ugali o pusong meron ang isang tao!!
James: You don't know me! So, who do you think you are para sabihin sakin yan!?
Devon: And who do you think you are para sabihing mahirap kami?! Marahil wala nga kaming pera pero hindi ibig sabihin nun mahirap na kami!! Dahil makasama ko lang ng buo ang pamilya ko para sakin kayamanan na yun!!! (sabay walk-out nito, pero bago pa sya makalabas ay hinarang sya ng waiter dahil hindi pa bayad yung mga nakain nya)
Waiter: Excuse me Ma'am, kukunin ko lang muna po yung bayad nyo!!
Devon: Yung bayad ko?! Wag mo sakin kunin sa kanya mo kunin!! (sabay turo nito kay James) Mayaman yan kaya sa kanya mo kunin yung bayad ng mga nakain ko!! (at tuluyan na syang lumabas ng establishimento at diretchong nag martsa pabalik ng kumpanya nila Sam na sya namang nakasalubong nya na palabas na din ng kumpanya)
Sam: Saan kaba galing?! San si James?
Devon: Si James!? Andun pa kumakain!! Tara na uwi na tayo!!
Sam: Sige mag papaalam lang ako kay James!
Devon: Wag na nakapag paalam na din naman ako sa kanya nya ehhh.. Tara na!!
Sam: Sige tara!! Let's go to Mom's boutique!!
Devon: Ok!! (nakangiting sabi nito sa nobyo at sabay akla nito sa braso nito)
Sam: Para kang bata!! (nakangising sabi nito at hinalikan sa ulo ang kasintahan)
Devon: What ever!! leggo!!!

Monday, September 19, 2011

Love Conquers All Chapter 31

Mabilis talaga kumalat ang balita dahil kalat na ulit sa buong school ang engagement nina Sam at Devon marami ang masaya pero syempre may isang taong hindi marunong tumaggap ng pagkatalo. Kung anong saya ni Devon sya namang inis ni Coleen dahil sa nangyari dahil ang lalaking pinapantasya nya ay hindi magiging kanya pero kung inaakala ni Coleen na makakalimutan na ng mga tao sa university ang ginawa nitong pagkakalat ng maling impormasyon sa pansamantalang break up ni Sam at Devon nagkakamali sya dahil may isang taong hindi papayag na hindi sya managot sa kasalanan nya. Kaya naman isang araw outside the campus may isang babaeng humarang sa kanya at mabilis syang sinampal nito na ikinagulat nya at ng mga kaibigan nya pati na rin ng mga taong nakakita dito at malas lang ni Coleen dahil nandun pala ang mga mean girls na pinagtatawanan sya.

Coleen: Who do you think you are to slap me on my face?
Girl: Wag mo kong ini-english dyan wala tayo sa America ahhh..
Coleen: Why?! Maybe you don't know how to speak in English, you do?!
Girl: Excuse me lang ha, wag mo kong maliitin dahil hindi mo kilala kung sino ko!! (madiing sabi nito)
Coleen: Yeah your right I don't know you, so why you did that to me?!
Girl: Dahil isa kang walang kwentang tao!! Sinaktan mo kapatid ko!!
Coleen: Kapatid?! Sinong kapatid?!
Girl: Hindi mo talaga alam kung sino?! Teka magpapakilala ko sayo baka sakaling maalala mo kung sino ang tinutukoy ko!! I'm Catherine Hernandez. (madiing sabi nito sa kanyang apelido)
Coleen: Oh my God! Don't tell me kapatid mo si Devon Hernandez?!
Catherine: Oo!! (at bigla nya ulit itong sinampal) Para yan unang beses na pinahiya mo ang kapatid ko nung tinawag mo syang bayaran ng mga board members!!! (at isa pang sampal sa kabilang pisngi nito) Para naman yan sa panlalait mo sa kanya at pagsasabi mo sa kanya ng gold-digger!! Kulang pa yan!! Pero tama na yan sa ngayon dahil sa susunod na saktan mo ulit ang kapatid ko hindi lang yan ang matitikman mo sakin!! (sabay tulak nito kay Coleen dahilan para matumba ito) Excuse me!!

Nakalayo na si Catherine pero nasa sahig pa rin si Coleen at ngayon ang mean girls naman ang kailangan nyang harapin.

Gille: Ano Coleen masakit ba?!! (nakabungisngis na sabi nito sa babaeng nakaupo pa rin sa sahig)
Erika: Pwede ba tumigil nga kayo dyan!!
Arianne: Your not Coleen so you better shut up!!
Shamee: Ano bang problema nyo ha?! (sabay tulak nito kay Gille na agad din naman syang nasampal)
Aria: Hey!! Why did you do that?!
Gille: Matagal ko ng gustong gawin and now she pushed me to do that!!
Coleen: Ano bang gusto nyong mangyari ha?! (sabay tayo nito)
Arianne: Simple lang! Gusto naming humingi ka, kayo ng sorry sa mga taong nasaktan nyo sa loob ng campus!!
Coleen: Paano kung ayaw ko!!?
Valerie: Ayaw mo?! Edi kami na lang ang gaganti para sa kanila!!!
Carla: Yeah right!! So what?! Masasaktan kayo samin o hihingi kayo ng tawad sa kanila?!!
Coleen: No way!! Get out of my way!! (sabay tulak nito kay Gille)
Gille: Ahhh.. Kanino nyo pa ko tinutulak ahhh.. (sabay tulak nito sa mga babaeng tumalikod sa kanila at doon na nag simula ang rambol, hinablot ni Arianne si Aria sa buhok tsaka ito pinagsasabunutan, while Carla on Shamee, Valerie on Erika and Gille on Coleen)

Pinagtulung-tulungan ng mga mean girls si Coleen matapos tumakbo ng mga kaibigan nya. Halos makalbo na si Coleen sa sabunot sa kanya ni Gille na sinundan pa ng mga sampal ni Arianne. Lumaban sya pero hindi kaya ng kaartehan nya ang pakikipag away. Hanggang sa sinandal sya sa pader ni Gille na kulang na lang makipaglips to lips na ito sa pader at pinalibutan sya ng mga mean girls.

Gille: Eto itatak mo dyan sa kokote mo Coleen ha!! Kahit kailan hinding hindi magiging sayo si Sam!!
Arianne: Si Sam ay para kay Devon at ikaw maghanap ka na lang ng baliw na magkakagusto sayo!!
Coleen: Tama na please, maawa kayo sakin!! (pagmamaka-awa nito sa mga babae)
Gille: Bakit Coleen nung sinasaktan mo si Devon noon sa mga pinag-gagawa mo naawa ka ba sa kanya?! Ha?!!  Tandaan mo to sa susunod na saktan mo ulit sya o guluhin ang buhay nila ni Sam malalagot ka ulit samin at sisiguraduhin kong manghihiram ka ng mukha sa aso!!! (at iniwan na nila ang kawawang si Coleen)

Naiwan si Coleen na nakasandal sa pader at tila naubos na yata nya ang lahat ng luha sa kaiiyak dahil sa physical na sakit na kanyang nararamdaman.

Coleen: Humanda kayo sakin!! Gagantihan ko kayong lahat!!! (malakas na sigaw nito)
Girl: Puro sugat ka na nga ang sama pa rin ng iniisip mo!! Tsk!! Wala ka na ata talagang pag-asang maging mabait!!
Coleen: Ikaw!! Anong ginagawa mo dito?! Gusto mo rin akong saktan!!??Sige gawin mo na!!
Girl: Oo yun nga ang gagawin ko!! Kaya lang mukhang wala ka ng laban at hindi ako mag-eenjoy pag ganun! Pero eto tandaan mo!! Bago ka gumanti sa kanila ako muna ang gaganti sayo dahil sa sinabi mo saking "YOU SHUT UP" hindi ko matatanggap yun!!
Coleen: Wala namang sigurong kwenta yung sinasabi mo nun kaya ko nasabi yun! Pero kahit ngayon kaya kong sabihin sayo ulit yun!! At ikaw!! (trying to tell the girl's name) Kung sino ka man! You get lost!!
Girl: Char!! Char ang pangalan ko!! Tandaan mo yang pangalan na yan dahil ngayon pa lang bibigyan na kita ng bagong hair style!! (sabay labas nito ng gunting at agad-agad na ginupit ang buhok ni Coleen hanggang sa umikli ito ng sobra)
Coleen: Bwisit ka!! What did you do on my hair?!!
Char: (nasampal si Coleen) Ikaw ang bwisit!! Bagay lang sayo yan, baka sakaling nagupit ko pa ang sungay mo!!! Tandaan mo pangalan ko ha para pag may nagtanong sayo kung sinong gumawa sayo nyan makakapag thank you sila sa akin!! Dyan ka na bitch loser!! (madiing sabi nito)

Pero sapat na nga ba ang nangyari kay Coleen upang pagtino sya o gagawin nya pa ring mag higante?! Sino na kaya ang susunod na makaka-away nya sa susunod?!!

Saturday, September 17, 2011

Love Conquers All Chapter 30

Everything sa set according to the plan, at unti-unti na ring dumarating ang mga bisita ni Sam, at syempre hindi mawawala ang mga kaibigan nya na sila Robi, Arron, Neil at Patrick. Andun din halos lahat ng mga kaklase nya, pati ang mga kaibigan nila ni Devon na inimbitahan ni Daiane. Walang kahit anong galit ang mga ito sa kanya kaya ok lang sa mga ito na pumunta sa party nya. Lumabas na din sya para asikasuhin ang mga ito at isang maikling program lang din ang inihanda ng tita at mommy nya, masaya sya pero bakas sa mukha nya na hindi sya lubusang masaya dahil alam nya sa puso nya na may kulang at may isang taong hinihiling nya na sana makasama nya. Nag paparty na ang iba ng nilapitan nya ang mga kaibigan ni Devon.

Sam: Thanks sa pag punta!! (nakangiting sabi nito)
Quen: Wala yun!! Happy birthday nga pala!!
Sam: Thanks bro!! Anyway ok lang ba kung makilala ko yung iba nyong mga kaibigan?!
Kyra: Ay oo naman!! Si Joe kilala mo na sya diba?! Eto naman si ate Shey at si Char.
Sam: Ahh hi.. I'm Samuel.
Shey: Hello. Happy birthday!!
Sam: Thanks!!
Char: Happy birthday!!
Sam: Thanks Char! (sabay beso nito dito) You looked good.
Char: Thanks!! Dahil dyan mahal na kita!!
Sam: And I love you too.. (nakangiting sabi nito)
Daiane: Wow!! ChaSam for the win!!
Sam: ChaSam?!
Daiane: Yeah!! Cha plus Sam = ChaSam!!
Sam: Loko ka talaga!! Anyway I liked it!! (nakangiting pahayag nito) Tara sayaw tayo!! (aya nito sa mga bagong kaibigan)

Ilang oras na din ang lumilipas simula ng mag start ang party ni Sam pero hindi pa rin nya nakikita ang ama kahit man lang ang anino nito, actually kanina pa nya ito hinahanap pero maaga palang wala na ito sa kanilang bahay.

Sam: Mom, where's Dad?!
Marie: Hindi ko nga din alam ehh..
Eunice: Kanina ko pa sya kinokontak hindi naman sumasagot!!
Sam: Well, ano nga naman bang halaga ng birthday ko kumpara sa mga business agenda nya.
Marie: Wag mong sabihin yan, malay naman natin baka papunta na sya!!
Sam: Well!! (iiwan na sana ni Sam ang ina at tyahin nya ng mag bukas ang spot light sa stage at makita ang ama na nakatayo roon)
Marie: Anong nangyayari?!
Eunice: Hindi ko din alam!! (naputol ang usapan nila ng magsalita na si Thed sa stage)
Thed: Good evening everyone! Sorry for interrupting you guys!! But please just me this moment to announce something important!!
Sam: What was that?!
Marie: Hindi ko din alam!! (kibit balikat na sabi nito sa anak)
Thed: Guys, may I have your attention now?! (at tumahimik naman ang lahat at nakinig sa kanya) I know I am not a good father to my children, at alam ko ring lahat na lang ng gusto ko ang nasusunod. Lahat ng gusto ko sinusunod nila. Walang ibang mahalaga sakin kundi ang pera ko, ang business ko, ang apelido ko. Tama kayo I never got the chance to say "anak kamusta kana?!" "anak, kumain ka na ba?" and I don't even care kung umuwi na ba sila ng bahay, kung ligtas ba sila or what. Ang tanging alam ko lang kung pano ko sila lahat kokontrolin. I don't care kung nasasakal o nasasaktan ko man sila, what I cared about is a good future for them na hindi pala tamang ako ang magdesisyon nun para sa kanila. Samuel, I know I'm not a good father to you! I know you hated me so much because of what I've done! Pero hindi ako magsasawang ulit-ulitin sayo na ginawa ko lang yun para sa ikabubuti mo! I'm sorry son if I've hurt you so many times, I'm sorry kung hindi ko man lang pinakinggan ang gusto mo. But this time I want to make a good decision, I want you to stay happy with the woman that you love. Everyone, please welcome my son's fiance Ms. Devon Hernandez. (lumabas mula sa backstage si Devon at talaga namang nag stand out ang beauty nya sa mata ng lahat ng taong nasa party nung gabing iyon) Samuel, iho hindi mo man lang ba sasamahan ang fiance mo dito sa stage?! (pukaw nito sa anak na natulala sa mga sinabi ng ama, pero ilang sandali lang ay umakyat na din si Sam sa stage pagka-akyat pa lang nya niyakap na nya ng mahigpit ang ama)
Thed: I'm sorry son!! I'm sorry!!
Sam: No Dad!! You don't have to say those words!! (kumalas sya sa pagkakayakap ng ama) Thank you Dad!! Thank you so much!!
Thed: I just want you to be happy son!! (then he lead Sam's hand to approach Devon, at pagkahawak na pagkahawak pa lang nya sa kamay ng babae kinabig na nya ito at niyakap)
Sam: I miss you!! I miss you so much!! (sabi nito habang mahigpit na yakap si Devon)
Devon: I miss you too.. And Happy Birthday!! (bulong nito kay Sam)
Thed: (kinuha ulit ang mic at nag salita ng muli) I know its a big revelation but this is true! Devon is my son's fiance from now on. Hindi nyo alam kung anong pinagdaanan nilang dalawa upang mapapayag ako ng ganito at bumagsak ako sa desisyon na ito. Pero tanging hagad ko lang ay ang kaligayahan ng aking anak at alam ko sa piling ni Devon magiging masaya sya.
Sam: Thanks Dad!!
Thed: Your welcome iho!! And I wish and I hope na sana narito din ang kakambal mo para makasama natin sa kasiyahan na ito.
James: (biglang lumitaw sa gilid ng stage) And who tells you that I am not around!?
Sam: James!!! (biglang talon nito pababa ng stage at niyakap ang kakambal at agad nya itong kinayag paakyat ng stage)
Sam: Hey guys!! This is my twin brother James!! (masayang pakilala nito sa kakambal)
James: Hey guys!! (nakangiting sabi nito) By the way congrats bro!! Your engaged!!
Sam: Thanks bro!! By the way this is Devon my girlfriend or should I say my fiance.
James: Hi!! You better think twice before you accept Sam's formal proposal.
Devon: (napataas ang kilay ni Devon sa sinabi ni James) Hello. I think I don't need to do that!! (ngumiti nito ng peke sa kakambal ni Sam dahil pakiramdam nya ay napaka yabang nito)
(Umakyat na din ng stage ang Mommy, kapatid at tita nila Sam upang batiin din James)

Ilang oras na ng matapos ang birthday party ni Sam at inihatid pa sila ni Sam sa kanilang bahay, hindi na ito pumasok sa loob bagkus ay sa labas na lamang sila nag usap ni Devon.

Sam: Akala ko hindi na ulit kita mayayakap at hindi ko na ulit mahahawakan ang mga kamay na toh..
Devon: Ako nga din ehh.. Sobrang na miss kita!!
Sam: Ako din!! Akala ko mababaliw na ko!!
Devon: Sira!!
Sam: Teka! Ano bang nangyari at biglang naging kasundo mo ang Daddy?!
Devon: Hindi ko nga din alam ehh.. Basta kasi ganito yun!! (kinuwento nya ang nangyari simula ng umaga at ng hanggang makarating sya sa hotel kung saan sya inayusan)

Flashback sa hotel....


Naghintay si Devon sa loob ng kwarto ng ilang sandali pa ay may isang pamilyar na taong pumasok...


Thed: You looked good..
Devon: Ano pong ginagawa nyo dito?!
Thed: Maupo ka iha! May sasabihin lang ako sayo!! Alam ko hindi ako naging mabuti sayo at pati na rin sa pamilya mo. Ayoko sayo para kay Sam dahil hindi kayo mayaman, ayoko sayo dahil akala ko pera lang ni Sam ang habol mo sa kanya pero nagkamali ako! Nung inalok kita noon ng pera sa opisina ko mabilis mo yung tinanggihan, doon pa lang nalaman ko na na mahal mo talaga ang anak ko, lalo mo pa kong nakumbinsi ng isuko mo ang pagmamahal mo sa kanya wag lang kaming magkalayo ng anak ko. Patawarin mo sana ko sa nagawa ko. Alam kong mali ako pero sana hindi pa huli ang lahat para mapatawad mo ko.
Devon: Wala naman po kayong dapat ihingi ng tawad Sir, naiintindihan ko po ang nararamdaman nyo. Pero sana po intindihin nyo rin po hindi sa lahat ng bagay pwede nyong contolin ang anak nyo. 
Thed: Alam ko!! Kaya nga ako nandito sa harap mo para hilingin sayo na ipagpatuloy mo ang relasyon mo sa anak ko. Alam kong ikaw ang nagpapasaya sa anak ko at ayokong hadlangan ang kasiyahang iyon. 
Devon: Hindi nyo na po kailangang hilingin yan, dahil alam ko din naman pong kung hindi kami ni Sam sa ngayon umaasa pa rin naman po ako na balang araw pwede na po kami.
Thed: At ito na yung araw na yun iha. At hiningi ko na rin ang kamay mo sa mga magulang mo upang maging asawa ng anak ko. At nasa iyo ang desisyon kung papayag kang maging fiance ni Sam.
Devon: Aba syempre naman po noh!! (naka ngiting sabi nito) 
Thed: Salamat Devon!! 
Devon: Salamat din po!! (at niyakap sya ng huli)
Nico: Balae matagal pa ba yan?! Baka tayo'y wala ng abutan nyan!
Thed: Pasensya na balae!!
Kazel: Ang ganda naman ng anak ko!! 
Devon: Mana lang po sa inyo!!


Devon: Ayun na nga ang nangyari!!
Sam: Salamat naman at natauhan na din si Daddy!!
Devon: Mahal ka lang talaga ng Daddy mo!!
Sam: At mahal ko din naman sya!!
Devon: Oh sya sige na umuwi ka na ng makapag pahinga ka na!!
Sam: Sige.! Good night! I love you so much!!
Devon: I love you too (sabay yakap nito ng mahigpit sa kasintahan)
Sam: Tomorrow is another day!! Bye!

Love Conquers All Chapter 29

Lumipas ang mga araw hindi  pa rin nagpapansinan o nagkakausap si Sam at Devon. At ngayon na mismo ang araw ng birthday ni Sam. Wala ng gana si Sam na ipagpatuloy pa ang party na inihanda para sa kanya ng kanyang ina at tita. Pumatak ng sabado ang birthday ni Sam kaya hindi sya nag alarm para maagang magising, at para sa kanya sana hindi na lang dumating ang araw ng sabado. Pinasok si Sam ng kanyang ina, tyahin at kapatid sa kanyang kwarto doon ginising sya ng mga ito mula sa mahimbing nyang pagkakatulog. Pero wala talaga sya sa mood kaya pinagtalukbungan nya ng kumot ang mga ito at hindi pinansin bagkus sinabi nya lang na umalis na ang mga ito at inaantok pa sya, pero nabigo sya dahil kinulit pa rin sya ng tatlo at pinagkikiliti sya para bumangon ito mula sa pagkakatulog.

Sam: Tama na!! (sigaw nito dahil patuloy pa rin syang kinikiliti ng mga ito at wala na rin syang nagawa kaya tumayo na sya at agad naman syang niyakap ng tatlo at pinaghahalikan)
Daiane: Happy Birthday Kuya!!!
Sam: Thanks Daiane!!
Eunice: So, paano see you later at your party Sam I'll go ahead!!
Sam: I don't think may party pa pong magaganap!! Ayoko na po!!
Marie: But Sam everything was set for tonight's party!!
Sam: Pwede naman po sigurong icancel lahat!!
Eunice: No Sam!! Walang icacancel!! Tuloy ang party whether you like or not! (madiing sabi nito tsaka lumabas ng kwarto ni Sam)
Daiane: You heared tita Eunice kuya, so whether you likoe or not you will like it!! Wag ka nang umarte dyan!!Debut mo ngayon noh!!
Sam: Tumigil ka nga dyan!!
Marie: Sige na ituloy na natin ang party sayang naman kung icacancel pa natin, there are many reasons pa rin naman for you to celebrate your birthday right!!
Sam: Well!! (taas balikat na sabi nito)
Marie: Sige na!! You fix your self and have breakfast with us!!
Sam: Sige Mom, susunod po ako!!
Marie: Ok!! Let's go Daiane!! (at humalik ito sa anak) Happy Birthday Son!! I love you always!! (at yumakap ito ng mahigpit sa anak)
Sam: Thanks Mom!! I lov you too Mom!! (tuluyan na ngang lumabas mula sa kwarto ni Sam ang dalawang babae)
Sam's POV: I wish you were here greeting me and celebrating with me!! I miss you so much Devon!!! (habang tinitignan nya ang picture ni Devon sa cellphone nya)

 Samantalang sa bahay naman nila Devon tahimik lang nyang inaalala ang boyfriend na nag be-birthday ngayon. Gustuhin man nya itong tawagan o puntahan hindi nya pa rin magawa. Ano nga bang magagawa nya para makausap ang lalaki kung alam nyang maraming pwedeng mangyaring hindi maganda pag ginawa nya yun. 

Devon's POV: Happy birthday to you.. Happy birthday to you.. (naiiyak na ito habang kumakanta ng happy birthday song kaharap ang hawak na picture ni Sam) Happy birthday Sam, sana masaya ka palagi!! Mahal na mahal kita sana alam mo yun!!! (malungkot na wika nito habang yakap ang picture ni Sam, at isang katok naman ang nagpabalikwas sa kanya upang punasan ang kanyang mga luha)
Girlie: Devz!! Buksan mo tong pinto!! Lumabas ka na dyan! Kumain na tayo!!
Devon: (binuksan ang pinto) Kung makakatok ka naman teh wagas!! 
Girlie: Kanina pa po kasi ako kumakatok!! At gutom na po ako!!
Devon: Sabi na ehhh.. Tara na nga!! (inakbayan nya ang kapatid tsaka sila pumunta ng kusina)
Kazel: Ang tagal nyo ahhh!! (habang may sinisindihang kandila)
Devon: Ano po yan Ma?! (dinukwang nya ang lamesa at nakita nya ang isang chocolate cake at may nakalagay na "Happy Birthday Samuel")
Catherine: It's Sam's birthday today right?!
Devon: Oo pero wala naman sya dito bakit may cake pa kayo?!
Nico: Pwede pa rin naman siguro nating i-celebrate ang birthday nya diba?!
Kazel: Oo nga naman!! Kung ayaw mo ok lang pero kami i-cecelebrate namin ang birthday ni Samuel kahit wala pa sya dito. Once in our life naging pamilya rin naman natin si Sam, at naging mabuti sya satin kaya I think it's ok to celebrate his birthday though he's not here with us!!
Devon: Thank you po!! (naiyak si Devon sa sinabi ng ina at hindi nya na napigilan ang sarili na yumakap dito) 
Nico: Tama na yan!! Let's sing for Sam!!

Then they sing happy birthday song for Sam at si Devon na din ang nag wish para dito at nag blow ng candle. Tsaka sila kumain ng agahan. Masaya silang nasa kalagitnaan ng kanilang pagkain ng may mag doorbell sa kanilang bahay. Si Girlie ang nag bukas ng pinto at ikinagulat nya ang tumambad sa kanya, may limang lalaking pumasok ng bahay nila pagkabukas na pagkabukas nya ng pinto nila. Natakot silang lahat dahil hindi nila alam kung anong gagawin ng mga ito sa kanila pero hindi naman sila sinaktan ng mga ito.

Lalaki1: Hindi namin kayo sasaktan sumama na lang kayo samin ng wala ng masaktan!
Nico: Hindi kami sasama sa inyo, hindi naman namin kayo kilala kung sino man kayo umalis na lang kayo!
Lalaki2: Sumama na kayo ng hindi na kayo masaktan sige na!!
Devon: Ako na lang sasama sa inyo, wag nyo lang saktan pamilya ko!!
Lalaki1: Hindi nga pwede!! Lahat kayo kailangang sumama!!
Kazel: Sige sasama kami, pero iiwan nyo si Nanay Rosa at pag hindi kami nakabalik dito sa bahay namin ipapakulong kayo ni Nanay Rosa!!
Girlie: Mama, ayoko ikaw na lang sumama!!
Kazel: Hayaan mo na!! Mukha namang hindi sila masasama ehh..
Nico: Pero Kazel hindi pwedeng...
Lalaki2: Tama na yan!! Sumama na kayo samin!! (at isa-isa na silang hinila ng mga ito at piniringan sila)

Nahiwalay si Devon sa pamilya nung bandang nasa kalagitnaan na sila ng daan wala ng nagawa ang ama at ina nya kahit sya sumama na lang sa mga lalaki dahil natatakot sya na baka mas lalo pa silang masaktan. Pumasok na sa isip ni Devon ang kung ano-anong dahilan kung bakit o sino ang may pakana ng lahat ng ito. Ilang oras pa binaba si Devon ng lalaki at kinayag papasok sa isang kwarto at ng tanggalin nya ang piring may mga tao sa kwarto at nakangiting tinitignan sya at ilang minuto lang ginalaw ng mga ito ang buhok, mukha at kung ano-ano ang  mga pinasusuot sa kanya. 

Devon: Teka nga!! Ano ba toh?!! Ano bang nangyayari!!
Gay1: Wag ka ng umarte teh!! Sumunod ka na lang samin dahil bayad tong trabaho namin na ito!! 
Gay2: Sige na umupo ka na dun!! Mabilis lang toh!!!
Babae: Mga bakla sandali ano bang ipapasuot natin sa kanya?!
Gay1: Yan na lang purple!! May pak yan!!
Gay2: Ay betching ko yan!! Bagay sa kanya yan!! Marunong ka namang mag suot ng high-hills teh?!
Devon: Oo!! 
Babae: Ok!! Sige na!! Simulan nyo na yan!!
Gay2: Ok!! Let's get it on!!

Sinimulan na ng mga ito ang pag-aayos kay Devon kung para saan yun hindi alam ni Devon pero sinunod na lang nya ang mga ito.  Ilang oras din syang inayos ng mga ito at pagkatapos ipinasuot na sa kanya ang damit na napili ng mga ito. At ilang oras pa ang nakalipas iniwanan sya ng mga taong nag-ayos sa kanya at sinabihang mag stay lang sa kwarto dahil may darating na tao para kausapin sya.

Love Conquers All Chapter 28

Agad-agad ding umalis ng bahay si Sam at Eunice papunta sa opisina nito. At pagdating nila doon binuksan ni Eunice ang t.v na nakaset sa loob ng opisina nya at ikinabit nya ang isang usb cord kung saan napanood nila ang usapan ng ama nya at ni Devon. Tahimik lang na pinanood ni Sam ang recorded video na ipinakita sa kanya ng kanyang tita Eunice kahit pa nagtataka rin sya kung bakit meron ito ang tita nya, pero hindi na nya yun pinagkaabalahan bagkus nilalaban nya ng luhang pinipigilan nyang tumulo sa kanyang mata. Doon nalaman nyang hindi totoo ang sinabi ng kanyang ama, doon nalaman nya kung bakit kailangan syang i-give-up ni Devon. Nasaktan man sya ngunit merong isang bahagi ng puso nya na nagsasabing masaya sya sa naging desisyon ni Devon dahil kahit sya mismo hindi nya makakaya kung malalayo sya kay Devon.

Eunice: Sam, are you ok?!
Sam: Yes tita!! (sabi nito upang mapagtakpan ang sakit na nararamdaman nya)
Eunice: Hindi totoo ang sinabi ng Daddy mo!! Ano ng gagawin mo ngayon?!
Sam: Hindi ko po alam tita!! Hindi ko alam!! (at tuluyan na ngang bumigay si Sam at nasapo na lang nya ang mukha upang maikubli ang mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata) Hindi ko po alam kung magagalit ba ko kay Devon o hindi, pero alam ko nagawa nya lang po yun dahil ayaw nya ring mawala ako sa kanya, at ayaw nyang may masaktan na kahit na sino!! Tita, tell me what to do?!!! (sabay yakap nito sa kanyang tita at doon lalo pa syang humagulgol ng iyak)
Eunice: I'm sorry Sam, kahit ako hindi ko din alam kung anong gagawin. I'm sorry iho!! (sabi nito habang inaalo ang pamangkin at hinahagod ang likod nito)

Kinabukasan pag pasok ni Devon ang dami nanamang matang nakatingin sa kanya at may mga kasabay na irap at bulungan ang mga tingin na yun pero hindi na nya pinansin ang kahit na sino man sa kanila dumiretcho lang sya sa paglalakad hanggang sa makasalubong nya ang mga kaibigan.

Devon: Oh!! San kayo susugod ng gera?! Ang aga-aga yung mga kilay nyo nag aabot na!! (birong bati nito sa mga kaibigan pero way lang yun upang mapagtakpan ang kabang kanyang nararamdaman dahil hindi normal para sa sistema nya sa araw-araw na makita ang mga kaibigang magkakasama na nasa building pa nila)
Shey: Baka pag nalaman mo at nakita mo kung anong kumakalat sa buong campus mas hindi mo na makuhang mag joke!
Devon: Anong ibig mong sabihin ate Shey?!
Char: Here!! Look at this!! (sabay abot nito sa isang papel)
Devon: Ano ba toh?! (tinignan nya ang papel na ibinigay sa kanya ni Char at bigla naman syang nanginig sa galit) Where did you get this?!
Kyra: Kalat na yan sa buong campus kaya kahit saan pwede mong makuha yan!!
Quen: Ano bang nangyari Devz?!
Joe: Wala na ba talaga kayo ni Sam?
Devon: Yeah!! Wala na kami ni Sam pero hindi totoo toh!! Hindi ko sya iniwan dahil lang sa pera!!
Char: Kung ganun bakit yan ang kumakalat?! At sino ang may gawa nyan?!
Devon: Hindi ko din alam!! At kung sino man sya hinding-hindi ko sya mapapatawad!! (patuloy pa silang nag uusap na magkakaibigan ng biglang dumating si Coleen kasama ang maarte nyang kaibigan)
Coleen: Look who's here!! The gold-digger!! (nakangising sabi nito)
Kyra: Ikaw siguro ang nagkalat nitong maling balita na toh noh!!
Shamee: Oo kami nga!! Bakit?!
Char: Kasi nakakatawa at nakaaawa kayo!! Magkakalat lang kayo ng balita mali pa!! (ikot-matang sabi nito)
Coleen: You shut up!! Anong mali dyan?! Totoo naman ang lahat noh!! Binoyfriend lang nyang si Devon si Sam upang makuhanan nya ng pera at para sumikat sya sa school na toh!!
Char: Ikaw ang tumahimik dyan kung ayaw mong sungalngalin ko yang bunganga mong sing dumi ng pwet mo!!
Devon: Tama na ate Char!! (awat nito sa kaibigan at tsaka hinarap si Coleen, at nagulat silang lahat ng bigla nya itong sampalin ng dalawang beses) Ano Coleen masakit ba?! Pero kahit anong sakit pa nyan pwedeng mawala yan, at wala yan sa sakit na nararamdaman ko ngayon! Hindi lang ito ang unang beses na sinira mo ang pangalan ko sa eskwelahang ito, pero kahit ilang beses mo pang gawin yun hindi ako magsasawang labanan ka lalo pa't alam kong hindi naman totoo ang mga sinasabi mo!! At eto ang tandaan mo! Kahit kailan hindi ko ginamit si Sam para sumikat ako, in the first place hindi ko sinabi sa kanyang mahalin nya rin ako!! At kahit kailan hindi ko ibebenta ang sarili kong kaligayahan at kahit kailan hindi ko ipagbibili ang pagmamahal ko para kay Sam!! (madiing sabi nito sa babae na wala rin namang nagawa kundi tumayo at makinig lang sa mga sinabi ni Devon, at marami ring mga estudyante ang nakarinig ng mga sinabi ni Devon)
Quen: Tama na Devz!! Tara na!! (aya nito sa mga kaibigan habang inaalalayan si Devon)
Char: Teka lang!! (balik nito at sabay baling kay Coleen at sa mga kaibigan nito) Umpisahan nyo nang ligpitin ang mga kalat na ginawa nyo at pag may nakita pa ako ni isa man sa mga kalat na yun sisiguraduhin kong hahanapin kita at ipalulunok ko sayo ang papel na yun! Tandaan mo yan!! (mataray at madiing sabi nito sa nakatulalang si Coleen)

Matapos ang insidente na yun dumiretcho na si Devon at si Quen sa classroom nila habang ang iba nilang mga kaibigan ay pumunta na rin sa kanya-kanyang mga building nito. Pagpasok pa lang nila ng room nakita na agad ni Devon si Sam na tahimik lang na nakaupo sa upuan nito, tinignan sya nito pero mabilis ding nagbawi ito ng tingin sabay yuko. Dumiretcho na lang si Devon sa upuan nya kung saan katabi nya si Quen, hindi nya alam kung alam na ba ni Sam ang tungkol sa mga kumalat na balita o kung alam man nito hindi kaya galit ito sa kanya kaya hindi sya nito pinansin o kinulit man lang. Gusto man nyang kausapin ang lalaki hindi nya rin pwedeng gawin dahil natatakot sya na baka malaman ng ama nito na nag-uusap nanaman silang dalawa at natatakot sya isang araw hindi na nya makita ang lalaki.

Tuesday, September 13, 2011

Love Conquers All Chapter 27

Matapos umalis ni Devon sa opisina ni Mr. Lopez hindi na sya pumasok sa eskwelahan at dumiretcho sya sa isang park malapit sa kumpanya ng mga Lopez. Doon mag hapong lang syang nanunuod sa mga batang naglalaro at masaya nyang tinitignan ang bawat pamilyang makita nyang dumadaan sa harapan nya. Hanggang sa mga oras na yun hindi pa rin alam ni Devon ang kung anong gagawin nya, iiwan at pakakawalan ba nya si Sam o ipaglalaban nya ang pagmamahal nya para dito.

Tama bang iwan kita?! Pero natatakot akong malayo ka sakin, mahal kita pero mahal ko rin ang pamilya ko at ayokong may masaktan na kahit sino! Mali nga bang mahalin kita?! Hindi ko alam kung kaya kong mawala ka sakin pero ayokong masira ang pamilya ng dahil lang sakin at ayokong mas lalo pang lumaki ang galit mo sa ama mo! Sakin ka na lang magalit Sam, sorry kung hindi magagawang ipaglaban ka!! Patawarin mo ko!! Mahal kita alam ng Diyos yan at ayokong masaktan ka ng husto ng dahil lang sakin!! 


Bulong ni Devon sa kanyang sarili habang nakatingala sya.. At ilang oras pa ang lumipas napag pasyahan na nyang umuwi ng bahay. Madilim na ng marating nya ang bahay nila at laking gulat nya ng makita si Sam na nakasandal sa kotse nito. Tumigil sya sandali sa paglalakad at humugot ng lakas ng loob bago mag patuloy.

Devon: Anong ginagawa mo dito?!
Sam: Devz?! San kaba galing nag-aalala ko sayo sinabi kasi ni Kyra sakin ang nangyari. (niyakap nya ng mahigpit si Devon na para namang ikinadurog ng puso ng dalaga)
Devon: Umalis ka na Sam! (matigas na sabi nya pero deep inside her heart nasasaktan sya)
Sam: Ano bang sinasabi mo?!
Devon: Sabi ko umalis ka na!! (sabay talikod nya sa binita pero bago pa man sya makalayo nahila na sya nito)
Sam: Ano bang nangyayari sayo?! May sinabi ba sayong hindi maganda ang Daddy ko?! Devz, sabihin mo sakin kung ano ng magawan ko ng paraan!
Devon: Wala ka ng magagawa Sam!! Umalis ka na at simula ngayon ayaw na kitang makita!!
Sam: Pero Devz bakit?!!
Devon: Dahil hindi kita mahal!!!! (pagsisinungaling nya sa binata, at sa huli hindi rin naman sya makatingin ng diretcho dito)
Sam: Hindi totoo yan!! Alam kong nag sisinungaling ka lang!!
Devon: Maniwala ka!! Wag mo ng saktan ang sarili mo!! Hindi kita mahal!!
Sam: (hinawakan ang dalawang braso ni Devon) Tumingin ka sa mga mata ko tsaka mo sakin sabihing hindi mo ko mahal!!
Devon: (hindi makatingin sa mga mata ni Sam)
Sam: Sabi na eh.. Mahal mo ko! Mahal mo ko!!
Devon: (biglang nag angat ng ulo at tinignan sa mata si Sam) Hindi kita mahal! (malumanay na sabi nito tsaka nya tinalikuran ang binata ng maramdaman nyang lumuwag ang hawak nito sa kanya, pag talikod nya rito tsaka naman nag unahan ang mga luha nya sa pagpatak at dali-dali syang tumakbo papasok ng kanilang bahhay habang naiwan namang tulala si Sam sa kinatatayuan nya)
Manang Rosa: Devon anak bakit ka umiiyak?! (tanong nito sa dalaga matapos makabangga pagpasok nito ng pinto, yumakap naman sya sa matanda at doon mas lalo syang humagulgol ng iyak)
Devon: Nanay Rosa, mahal ko sya!! Mahal na mahal ko po sya!! (sabi nito sa matanda at hinayaan lang syang umiyak, at ilang sandali pa tumakbo na si Devon papasok ng kwarto nya)

Umalis na rin si Sam at dumiretcho sa kanilang bahay at pagdating nya hinanap nya agad ang ama at natagpuan nya ito sa mini library nito na kausap ang tita Eunice nya.

Sam: Anong ginawa mo kay Devon?!
Thed: Hiniwalayan ka na ba nya?!
Sam: Oo! Masaya ka na!?
Thed: Kung ganun tinanggap nya pala ang perang inalok ko sa kanya, mabuti naman kung ganun!!
Sam: Anong sabi mo?!
Thed: I offered money to Devon hiwalayan ka lang nya, at mas mabuti na rin yun dahil at least ngayon nalaman na natin pare-pareho na pera mo lang ang habol nya sayo!
Sam: Hindi totoo yan! Nagsisinungaling ka lang para magalit ako kay Devon.
Thed: Common iho!! Hindi ko kailangang mag sinungaling!!
Sam: Pero bakit mo ginawa yun?!
Thed: Dahil ayokong dumating ang araw na may pagsisihan ka sa buhay Sam kaya ko yun ginawa at nag tagumpay naman ako na ipakita sayo ang tunay na kulay nung babae na yun!
(hindi na sumagot si Sam at lumabas na ito ng mini library ng kanyang Daddy)
Eunice: Bakit mo ginawa yun?!
Thed: It's none of your business Eunice!!
Eunice: Ang sama mo talaga kahit kailan kuya! Pati sarili mong anak sinasaktan mo ng ganyan!!
Thed: Kung wala ka ng sasabihin umalis ka na!!
(hindi na nag salita pa Eunice dahil ayaw na nyang makipag kumpronta pa sa kapatid bagkus pinuntahan na lang nya si Sam sa kwarto nito)
Eunice: Sam iho!!
Sam: Tita Eunice, please leave me alone just for now!
Eunice: Sam, hindi makatutulong yang pag iyak mo para sulusyunan ang problemang ito!
Sam: Tita niloko nya ko!! Nag tiwala ako sa kanya minahal ko sya ng higit pa sa kaya ko!! At ipinangako ko sa sarili ko naipaglalaban ko sya hanggang sa huli kahit pa si Daddy ang makalaban ko, pero lahat yun tita bale wala lang pala!!
Eunice: So are trying to tell me na igigive-up mo na nga lang si Devon magagalit sa kanya at paniniwalaan ang iyong ama na wala namang ibang ginusto kundi controlin ang buhay mo?!
Sam: Pero tita wala na kong magagawa!!
Eunice: Alam mong hindi totoo yan Sam. Kung mahal mo talaga si Devon alamin mo kung ano ang totoo at kung sino ang nagsasabi sayo ng totoo.
Sam: Pero sinabi na sakin ni Devon na hindi nya talaga ko mahal!!
Eunice: Pero naramdaman mo ba talagang hindi ka nya mahal?!
Sam: Hindi po! Alam ko at naniniwala ako na mahal nya ko!!
Eunice: Ayun naman pala ehhh.. Sam, don't jump into conclusion! Don't worry I'll help you to find the truth!!
Sam: Pero paano po tita?!
Eunice: Tomorrow sumama ka sakin sa opisina ko. Ok?! Dun malalaman natin kung ano talaga ang totoo!! Sige na! Big boys don't cry Sam!!
Sam: But I can't help tita!! Pwede po bang ngayon na lang tayo pumunta sa opisina nyo?!
Eunice: Bukas na!!
Sam: Tita please ngayon na po!!
Eunice: Ay ang kulit ha.. Sige na nga! Tara!!

Love Conquers All Chapter 26

Isang linggo na lang birthday na ni Sam at wala pa rin syang plano para sa sariling kaarawan, kaya naman isang gabi ng makasabay nyang kumain ang Mama at tita Eunice nya nagulat sya mga pinag uusapan ng dalawa dahil parang ang mga ito pa ang excited para sa kaarawan nya.

Eunice: I think it's better if sa pool side na lang natin gawin ang venue.
Marie: Your right, tapos lagyan na lang natin ng mga candlelight sa side para maging magaan sa mata.
Eunice: Then, ako ng bahala sa food at ikaw na ang bahala sa mga magiging bisita ni Sam.
Sam: Ha?! Bisita ko po?! What do you mean.
Marie: Sam iho have you forgot that next is your birthday!
Sam: So you mean your planning for my birthday?!
Eunice: Yes Sam and it's all set!
Sam: But..
Marie: Sorry Sam but I and your tita Eunice can't acknowledge your but's!!!
Eunice: Yeah right! So you better leave it up to me and to your mom! But, don't worry iho after all hindi naman namin ii-invade ang privacy mo.
Marie: Yes anak! No business on your birthday or any agenda na hindi mo gusto!
Sam: But all I know is a simple birthday with those person I love!!
Eunice: But, do you think magagawa mo yun kung hindi kami mag pe-prepare ng mami mo ng birthday mo?! Remember Sam your Dad doesn't want your girl.!
Marie: At sa simpleng birthday bash mo natin patutunay that Devon deserved to be part of this family.
Sam: But in the end, ang magiging desisyon pa din ng Daddy ang masusunod.
Eunice: But after your birthday you have all the rights to disobey his will.
Marie: Your tita Eunice is right! When you got 21 your free!!
Sam: How come?!
Eunice: One you'll find how!! Anyway, I have to go now!! Bye!! (sabay tayo nito at humalik na sa dalawa at tuluyan na ngang umalis)
Marie: What's your plan for today son?
Sam: I'm going to school then go to Devon's house!
Marie: Ok! So, kailangan ko na ding umalis mauna na ko sayo!
Sam: Ok Mom! Take care.
Marie: Ok! Bye son, I'll see later. (umalis na rin si Marie at pumasok na si Sam sa kwarto nya para kunin ang mga gamit nya)

Papasok pa lang si Devon ng school ang dami na kagad tao sa gate kung bakit ay hindi nya alam. Pero nag diretcho na lang sya sa paglalakad papunta ng room nya. Bigla naman syang natigilan ng makita nya ang kaibigang si Kyra na tumatakbo papunta na kanya.

Devon: Kyra, ano bang nangyayari sayo?! Bakit ka tumatakbo?!
Kyra: Meron kasing mga lalaking naghahanap sayo.
Devon: Ha?! Eh bakit naman nila ko hinahanap?
Kyra: Hindi rin namin alam pero nililigaw na sila nila Quen at Joe para hindi ka makita.
Devon: Teka nga lang! Hindi kita maintindihan eh.. Bakit ba kasi?!
Kyra: Narinig kasi ni Quen kanina na kausap nung isang lalaki sa phone yung pangalan ng papa ni Sam, eh iniisip namin baka kukunin ka nila para dalin kay Thed Lopez! (lumingon sya sa likod at nakita nya ang mga lalaking nag-hahanap kay Devon, hinila nya si Devon para tumakbo pero hindi sumunod ang dalaga sa kanya)
Kyra: Ano ba Devz tara tumakbo ka na.
Devon: Hindi Kyra, sasama ko sa kanila.
Lalaki1: Ikaw ba si Ms. Hernandez?
Devon: Oo ako nga! Ano bang kailangan nyo sakin?!
Lalaki2: Kami wala pero ang boss namin meron!!
Devon: Sige sasama ko sa inyo.
Kyra: Devz!!
Devon: Babalik din ako agad. (at hinarap nya ang dalawang lalaki) Tara na! May klase pa kasi ko para makabalik ako agad!

Sumama nga si Devon sa dalawang lalaki at dinala sya ng mga ito sa opisina ni Thed Lopez, pinapasok naman agad sya ng secretarya nito at agad din naman syang pumasok.

Secretary: Sir, Ms. Hernandez here!
Mr. Lopez: Thank you, iwan mo na kami.
(sandaling katahimikan ang namagitan sa dalawa, nakatayo lang si Devon sa harap ng table ni Mr. Lopez at hindi man lang sya inalok nito na maupo, ilang sandali pa binasak na din ni Mr. Lopez ang katahimikan)
Mr. Lopez: Ikaw pala si Devon Hernandez.
Devon: Yes Sir ako po si Devon Hernandez.
Mr. Lopez: Hindi na ko mag papaliguyligoy pa, didiretchuhin na kita! Hindi kita gusto para sa anak kong si Samuel. At lalong hindi ko rin gusto makita kayong dalawa na laging magkasama! At hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na ako ang dahilan kung bakit natanggal ang Papa mo sa Bubble U, ginawa ko yun para iparamdam syo kung anong kaya kong gawin pag ipinag patuloy mo pa rin ang makikipagkita mo kay Sam, kaya lang nagkamali ata ako, imbes na magkahiwalay kayo naging nobyo mo pa ang anak ko! Magkano ba ang kailangan mo para hiwalayan at iwan mo ang anak ko!? Name it and I will give it to you.
Devon: Sorry Mr. Lopez pero hindi po kayang bayaran ng pera nyo ang pagmamahal ko kay Sam, kahit ilang milyon pa ho ang isuhol nya sakin hindi ko po tatanggapin yun. Hindi ko po iiwan ang anak nyo kung hindi lang din naman po nya ko iiwan, at naniniwala po akong hindi ako iiwan ng anak nyo kahit ano pa hong mangyari.
Mr. Lopez: (lalong nag dilim ang aura nya dahil sa sinabi ni Devon) Kung ganon sige hindi kita pipiliting tanggapin ang pera ko, pero kaya kong baliktarin ang mundo mo at ang mundo ng pamilya mo. Hindi ko kayang saktan ang anak ko pero kaya kitang saktan pati ang pamilya mo. Kung ang pananakit sa pamilya ang tanging paraan para iwan mo ang anak ko gagawin ko!
Devon: (nagulat sa sinabi ni Mr. Lopez) Ako na lang po ang saktan nyo wag na ang pamilya ko!
Mr. Lopez: Kung ganun tama nga ako na ang pamilya mo ang kahinaan mo! But I'm sorry Ms. Hernandez madamay na ang madadamay hiwalayan mo lang ang anak ko!
Devon: Sa tingin nyo po pag ginawa ko yun hindi nyo na masasaktan ang anak nyo?! Sariling kaligayahan at kalayaan nya ang ninanakaw nyo sa kanya!
Mr. Lopez: Wala akong pakialam! Ang mahalaga sakin ay yung makapag asawa ang anak ko ng level namin, at hindi ikaw iyon!! Kung hindi pa rin magiging sapat sayo ang masaktan ka o ang pamilya mo para hiwalayan si Sam, kung ganun si Samuel na lang ang ilalayo ko sayo!
Devon: Ano pong ibig nyong sabihin?!
Mr. Lopez: Ipadadala ko na lang si Sam sa ibang bansa kung yun lang ang tanging paraan magkalayo at makalimutan ka lang nya!!
Devon: Wag!! (sabi nito na pinipigilan ang luha ng tumulo mula sa mga mata nya) Wag mong ilayo si Sam sakin! Lalong lalo na sa pamilya nya. Sayo! Kung gagawin mong ilayo ang sarili mong anak mula sayo baka lalong magtanim ng galit ang anak mo sayo!.
Mr. Lopez: Anong ibig mong sabihin!?
Devon: Hindi ko kadugo si Sam, hindi rin kami nag kakasama sa bahay bente kwatro oras pero alam ko at nababasa ko sa mga mata nya na may sama sya ng loob sa inyo. Konting oras lang naman ang hinihingi ni Sam mula sayo pero hindi mo pa rin maibigay sa kanya o sa pamilya mo! Tapos ngayon dahil lang sakin ilalayo mo pa sya, hindi kaba natatakot na baka lalong lumayo ang loob ng anak mo sayo?!
Mr. Lopez: Hindi! (maidiing sabi nito) Dahil kahit ano pang sama ng loob ang meron si Sam sakin after all ako pa rin ang ama nya! Umalis ka na!!! (pagtataboy nya sa dalaga, pero ang totoo matapos marinig mula kay Devon ang mga katagang yun parang pinipiga ang puso nya sa sakit na nararamdaman)
Devon: Hindi pa po huli ang lahat Mr. Lopez, try to give your son a chance na mapasaya kaya at maiparamdam sa inyo na hindi lang pera ang makapagpapaligaya sa inyo! (yun lang at nag paalam na sya at hindi na rin naman sumagot si Mr. Lopez)

Sunday, September 4, 2011

Love Conquers All Chapter 25

Araw,linggo at buwan na ang lumipas tahimik lang ang ama ni Sam sa mga nangyayari sa buhay ni Sam at hindi na ulit nakita ni Sam ang tita Eunice nya, hindi nya rin alam kung saan ito kokontakin kaya isang umaga pagbaba nya ng kusina nila nagulat sya ng makita ang tita Eunice nya na nag peprepare ng breakfast nila.

Eunice: Bakit naman ganyan ang mukha mo?! Para kang nakakita ng multo!
Sam: Nagulat lang po ako tita kasi hindi man lang namin nalaman na nandito ka na pala sa bahay.
Eunice: Pasensya na ha. Marami kasi kong inaayos eh kaya di ako gano nakikipag kita sa inyo, pero simula ngayon dito na ko sa bahay nyo ulit titira.
Sam: Talaga tita?! That's good!!
Eunice: Anyway, have your breakfast na bago ka pumasok!!
Sam: Sige po!! (umupo na sya at magkasabay silang kumain ng kanyang tita)
Eunice: By the way Sam malapit na ang birthday mo hah. So, whats your plan?!
Sam: Honestly tita hindi ko po balak na icelebrate ang birthday ko eh.
Eunice: Bakit naman?!
Sam: Kasi wala rin naman pong sense eh, James is not here my Dad?! He's busy with his money and work!
Eunice: But that doesn't mean na wala kami dito ng Mommy at kapatid mong si Daiane para samahan kang mag celebrate.
Sam: Ahmm.. Di bale na lang po siguro tita!!
Eunice: Hay naku! Ako na nga lang ang bahala!
Sam: Saan po?!
Eunice: Just leave it to me Samuel!! Sige na bilisan mo na sa pagkain mo at umalis ka na din baka malate kapa!

Masayang kinwento ni Sam kay Devon ang tungkol sa tita Eunice nya at nakita naman ni Devon sa mukha ni Sam na masaya talaga ito. Pagdating hapon hinahanap nya si Devon pero hindi nya ito makita hindi kasi ito nag paalam sa kanya at bigla na lang itong nawala matapos ang kanilang huling subject.

Sam: Excuse me Quen, nakita mo ba si Devon?!
Quen: Hindi eh. Bakit hindi mo ba sya kasama?!
Sam: Hindi eh, bigla kasi syang nawala eh.
Quen: Andyan lang yun baka may pinuntahan lang babalik din yun.
Sam: Baka nga! Sige thank you bro! (bigla namang tumunog ang cellphone nya) Excuse lang bro!
Quen: Sige aalis na din ako!!
Sam: Sige Bro!! (umalis na si Quen at sinagot ang tawag na galing sa kanyang ina)
-Sam & Marie tawag convo-
Sam: hello Mom?!
Marie: Sam iho I just want you to know that Devon is with me!
Sam: Ganun po ba?! Kanina ko pa nga po sya hinahanap eh, nasan po kayo pupuntahan ko kayo.
Marie: Wag na anak it's a girl bonding Son. Suduin mo na lang sya mamaya sa boutique pagtapos na kaming mag bonding.
Sam: Ok Mom. Take good care of my girlfriend Mom.
Marie: Yes I will Son.
Sam: Sige po Mom. Call me na lang po later.
Marie: Sige iho. You take care!!

Dinala ni Marie si Devon sa isang beauty salon at doon sila nag bonding na dalawa. Nag pamassage at nag pa ayos din sila ng buhok pareho, nag pamanicure at pedicure sila. Pinamake-upan din ni Marie si Devon at magkatapos nila sa salon dumiretcho sila sa boutique ni Marie at doon binihisan sya ni Marie. Pagdating doon nag taka na si Devon kung bakit yun ginawa ni Marie kaya nag tanong na sya kay Marie.

Devon: Tita, bakit po ba kailangan pa natin tong gawin?!
Marie: May ipakikilala kasi ako sayo ngayon, masyado kasing high profile yung tao na yun kaya kailangan presentable ka pag nakipag kita ka sa kanya.
Devon: Pero sino po ba sya?!
Marie: Mamaya makikilala mo din sya. Hintayin mo na lang si Sam at sya na ang maghahatid sayo doon.

Ilang oras pa dumating na si Sam at natulala sya ng makita si Devon sa ayos nito, sobrang ganda kasi ni Devon nung oras na yun ibang iba talaga ito sa ordinaryong Devon na nakakasama nya. Simple pero lumitaw talaga ang ganda ni Devon sa suot nyang dress na simpleng simple lang din. Pati ang make-up nya ay very light lang.

Sam: Wowrr!! You look so good! Ang ganda mo!!
Marie: Syempre naman, ako yatang me gawa nyan.
Sam: Thanks Mom. (sabay halik sa ina)
Devon: Pero sino po ba talaga ang i-mi-meet ko?!
Sam: Oo nga Mom sino po ba sya?!
Marie: Soon malalaman nyo din sige na umalis na kayo.  Here's the address kung san nyo sya imi-meet.
Sam: Sige po Mom. We'll go ahead.
Marie: Sige! Enjoy the night.
Sam: Let's go!
Devon: Sige po tita thank you po.
Marie: No worries! (at bumeso ito kay Devon)

Umalis na sila Sam at nag punta sa address ng restaurant na binigay ni Marie sa kanya. Pagdating nila doon isang pamilyar na tao ang nakita ni Sam at natawa na lang sya ng makita ang tao na imi-meet nila.

Sam: Tita Eunice!!
Eunice: Hey Sam!!
Sam: Ikaw lang po pala ang imi-meet kinabahan ako doon. Hey tita I want you to meet my girlfriend Devon. (pagpapakilala nya kay Devon)
Devon: Hello po. (at nag beso naman sa kanya ang tita ni Sam)
Eunice: Hi! Mas maganda ka pala talaga pag nakaayos ka at hindi umiiyak o kaya naman bagong gising! (natatawang sabi nito)
Sam: What do you mean tita?!
Eunice: it's a long night indeed kaya mamaya ko na ikukwento sa inyo. Let's have our dinner first!

Kumain na nga sila at nag kukwentuhan din sila habang si Devon naman ay panay ang tingin kay Eunice hanggang sa..

Devon: Naaalala ko na!! Ikaw yung babaeng nag hatid sakin nun sa bahay nung hindi ako nasundo ni Quen sa rehearsal ng fashion show nun.
Eunice: Yeah right! Ako nga!!
Devon: Sabi na eh!! Pero parang hindi lang ito ang pangalawang beses nating magkita. Hindi ko lang po matandaan kung kelan yun isa pa eh..
Eunice:  Have you still remember nung muntik ka ng madisgrasya nun?!
Devon: Opo! Ibig sabihin!! Ikaw din po yun?!
Eunice: Yes it's me!!
Devon: Naku! Kung ganon po ang dami ko po palang utang sa inyo!!
Eunice: Wala yun noh!!
Devon: Salamat po talaga hah.
Sam: Ehem! Excuse me! I'm still here!
Eunice: I know Sam but its between Devon and I. Cause I'm her hero! (natatawang sabi nito)
Sam: And I should thank you because of that!!
Eunice: I know! So this time be her knight and shinning armor!
Sam: I know tita!!
Devon: Salamat po talaga!
Eunice: No problem Devon. At mas madalas na rin tayong magkikita. Kaya dahil dyan kumain na ulit tayo.

Finally nakilala na din ni Devon ang kanyang tagapag ligtas nung panahong muntik na syang mapahamak at its really a small world dahil kadugo pala ito ni Sam.
 

Love Conquers All Chapter 24

Pinuntahan ni Sam ang ama sa opisina nito at doon nya ito kinompronta.

Secretary: Teka lang po Sir Sam, busy po kasi ang Daddy nyo at ayaw nyang mag paistorbo!! (pigil nito kay Sam na nagpupumilit na makapasok sa opisina ng ama)
Sam: Anak nya ko kaya kahit gano pa sya kabusy haharapin nya ko!! (dumiretsyo na si Sam sa loob ng opisina ng ama at hindi na pinansin ang secretarya nito)
Secretary: Sir, sorry po nag pupumilit po kasi si Sir Sam.
Thed: Hayaan mo na sya! Iwan mo na kami. (lumabas na ang secretarya nya at tsaka naman nya hinarap ang anak) Bakit ka nandito?!
Sam: Bakit nyo po pinatanggal si Tito Nico sa pagiging professor ng Bubble U.?
Thed: Bakit hind Sam?! May karapatan naman akong mamili ng mga professor na tatanggapin ko sa university na yun cause half of the pond na meron sila ay nang gagaling sakin.
Sam: Pero wala pa rin po kayong sapat na basihan para tanggalin nyo sya! Magaling at mahusay na professor si Sir Nico kaya deserving syang maging prof ng Bubbe U.
Thed: Pero tapos na yun Sam, tanggal na sya at wala ka nang magagawa dun. Ayaw mo kasing makinig sakin eh.
Sam: What do you mean Dad?!
Thed: Sinabihan na kita noon na pag hindi ka tumigil makipag kita sa kanila may mangyayaring hindi mo magugustuhan.
Sam: Pero Dad bakit kailangan nyo silang idamay?!
Thed: Dahil yun lang ang alam kong paraan para sumunod ka sakin. At pag hindi ka pa rin tumigil sa pakikipag kita sa kanila lalo na sa Devon na yan, hindi lang yan ang mangyayari sa kanila.
Sam: Hindi po ako natatakot sa inyo Dad. Poprotektahan ko sila lalo na po si Devon!
Thed: At paano mo naman magagawa yun kung sa akin ka lang din naman nakasandal.
Sam: Kung kinakailangang kalimutan kong anak nyo ko gagawin ko po maprotektahan ko lang si Devon pati ang pamilya nya!!
Thed: Sinusubukan mo talaga ko Samuel ha. Wag mo kong subukan! (akmang sasampalin nya ang anak ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Thed)
Girl: Wag na wag mong sasaktan ang pamangkin ko kung ayaw mong ilayo ko sila sa iyo!!(matigas na sabi nito)
Thed: Anong ginagawa mo dito?! Kelan ka pa bumalik?!
Girl: Hindi na mahalaga kung kelan ako bumalik. Pero ayokong sinasaktan mo ang pamangkin ko!! (sabay lapit nito kay Sam) Sige na Sam umalis ka na!!
Sam: Thanks Tita Eunice!! (humalik lang ito sa pisngi ng kanyang tita at umalis na rin ng opisina)
Thed: Anong ginagawa mo dito?!
Eunice: Bakit kailangan mong saktan ang anak mo ng ganyan?!
Thed: Huwag mo kong pakialaman sa gusto kong gawin!
Eunice: Hindi ako papayag na saktan mo ang mga pamangkin ko! Kakalimutan ko na lang na magkapatid tayo, huwag mo lang saktan ang mga pamangkin ko!
Thed: It's none of your business Eunice!!
Eunice: Alam mo kung ano kuya?! Hanggang ngayon kasi yang puso mo punong-puno pa rin ng galit at sama ng loob, kaya pati ang mga anak mo nadadamay sa sama ng loob na nararamdaman mo! Utang na loob kuya matagal ng wala ang Papa matuto ka na sanang magpatawad!
Thed: Wag mong ibalik ang matagal ng tapos Eunice!
Eunice: Tapos?! Tapos na ba talaga kuya?! Huwag mong idamay ang mga anak mo dyan sa galit na nararamdaman mo dahil hindi naman nila naging kasalanan kung bakit mo naranasan ang mga pinagdaanan mo! At huwag mo ring ibaling sa pamilya mo ang sakit na nararamdaman mo! Kuya alam mo kung ano ang pinagdaanan natin noon mula kay Papa kaya wag mong hintayin na unti-unti kang talikuran ng mga anak mo at huwag mong hayaang maramdaman ng isang araw ng asawa mo na hindi ka na nya mahal.
Thed: Kahit ano pang sabihin mo Eunice ako pa rin ang ama nila sakin pa rin sila babagsak!
Eunice: Oo nga't ama ka nila. Pero ni minsan ba ipinaramdam mo sa kanila ang pagiging ama mo?! Kay James, have you ever remember when was the last time you've talk to him, kelan ang huling araw na kinamusta mo sya?! Kuya lumilipas ang mga araw at unti-unti ng lumalaki ang mga anak mo, wag mong hintaying dumating ang araw na magkaroon sila ng lakas ng loob na talikuran at iwan ka! At tandaan mo kuya hindi ka maaalagaan nyang pera mo pag tumanda ka! Kaligayahan ang nakikita ni Sam sa pamilya ni Devon kaya mas gusto pa nyang nakakasama ang mga ito kesa sa iyo na sarili nyang ama! Wala naman kasing ibang mahalaga sayo kundi ang pera mo!!
Thed: Tama na Eunice! Umalis ka na!!
Eunice: Mag isip ka na kuya hangga't maaga pa!
Thed: Tama na! Umalis ka na! (lalabas na sana si Eunice pero bago pa nya buksan ang pinto may sinabi pa sya sa kanyang kapatid)
Eunice: Kuya, one more thing! Leave Devon's life alone and leave her family alone!! (madiing sabi nito at tsaka pa lang sya lumabas ng opisina ng kapatid)

Nung umalis si Sam sa opisina ng ama dumiretcho sya sa bahay nila Devon at doon ipinaalam nya sa mga ito ang tunay na dahilan kung bakit natanggal ang ama ni Devon sa Bubble U.

Sam: Sorry po talaga tito. Hindi ko po alam kung bakit pati kayo dinadamay ng Daddy sa sama ng loob nya sa akin.
Nico: Wala yun Sam, ok na ako!!
Devon: Wag mo ng intindihin sa Papa may trabaho na naman sya eh.
Sam: Talaga?!
Kazel: Oo, may tumawag dito kanina at kinukuha syang maging professor sa isang international school.
Sam: Talaga po?! Kung ganun congrats po tito.
Nico: Salamat Sam kaya wag mo na akong alalahanin.

Matapos nun inaya ni Sam si Devon na pumunta ng park malapit sa subdivision nila Devon. Habang naka upo sila sa isang bench may isang batang lumapit sa kanila at binentahan ng rosas si Sam.

Bata: Kuya, kuya.. Bili ka na ng rosas para po dyan sa magandang babae na kasama nyo.
Sam: (tinignan si Devon) Sige! Bibilhin ko na lahat yang tinda mong bulaklak para dito sa magandang babae na kasama ko.
Bata: Talaga po kuya?! Sige po! Eto po! 100 pesos lang po lahat.
Sam: Sige eto oh!! (inabot nya ang bayad sa bata at umalis na ito) Para sa magandang babaeng sa buhay ko!!
Devon: Huh!!
Sam: Devon, kaya mong lumaban para sa mga taong mahal mo?!
Devon: Ano ba naman yang tanong mo?!
Sam: Kasi ako gagawin ko lahat wag lang masaktan ang taong mahal ko!
Devon: Oo lalaban ako kung kinakailangan pero kung alam kong sa huli parepareho lang din kaming masasaktan siguro mas pipiliin ko na lang na sumuko hanggat alam ko namang makakasama ko pa rin sila.
Sam: Eh ako! Kaya mo bakong ipaglaban?!
Devon: Kung ikaw yung tatanungin ko! Maipaglalaban mo ba ko kahit ang maging kapalit pa nun ay ang pagkakalayo mo sa pamilya mo?!
Sam: (tahimik lang si Sam at hindi rin nya malaman kung ano ang isasagot sa kasintahan)
Devon: Hindi mo kailangang sumagot ngayon Sam. Pero alam kong darating ang araw na may mananaig pa rin sa mga puso natin. Kung ano o sino yun kailangan lang nating matutong magtiwala at maniwala.
Sam: Salamat Devz.. Salamat sa pagmamahal at sa kaligayahang pinaramdam mo sakin. Kahit anong mangyari lagi mong tatandaan na ikaw lang ang babaeng mahal ko!! (sabay yakap at halik nito sa kasintahan)

Love Conquers All Chapter 23

Kinabukasan pag pasok ni Devon kasabay nya ang Papa nya sa pag punta ng school at nasa gate pa lang sila ng university pinag titinginan na sya ng ibang mga estudyante at ng pumasok na sila sa lobby ng eskwelahan naabutan nila doon si Sam na nakasandal sa pader.

Devon: Sam?!
Sam: Hey! Good morning po tito este Sir Nico.
Nico: Good morning din. I'll god ahead. Devon I'll see you later, lets eat lunch together.
Devon: Sige po. (umalis na ang ama at nauna na itong nag lakad sa kanila)
Sam: Buti sabay kayong pumasok.
Devon: Tinanghali na kasi si Papa ng gising kaya hinintay nya na lang ako. Teka lang! May mali ba sa mukha ko?! Kasi kanina pa nila ko tinitignan eh. (bulong nito sa kasintahan)
Sam: Wala noh!! Kaya ka nila tinitignan kasi ang ganda mo na nga tapos kasama mo pa ang pinaka gwapong estudyante sa campus!! (nakangiting sagot nito sa dalaga)
Devon: Ang kapal mo talaga!! Dyan ka na nga!! (sabay lakad nito ng mabilis)
Sam: Tignan mo to, matapos kong hintayin eh iiwan naman ako. (habol nito sa kasintahan sabay akbay dito)
Devon: Wag mo nga akong akbayan!!
Sam: Bakit naman?! Pag si Arron ang umaakbay sayo ok lang sayo tas pag ako bawal?!! (nakangusong sabi nito)
Devon: Ay ang arte lang ha!! (sabay kapit naman nito sa braso ng binata na ikinangiti naman iyon ni Sam)
Sam: Ikaw na!!
Devon: Ako na talaga!! Ganda ko kaya!!
Sam: Sinabi mo pa!! (at nag tawanan naman silang dalawa at hanggang makarating sila ng room nila magkahawak kamay pa din sila, inabutan naman nila si Coleen na parang batang umiiyak at isa-isa silang nilapitan ng mga elite girls)
Aria: Congrats sa inyo!! (sabay beso nito kay Devon)
Ericka: Congrats!!
Shamie: Congrats sa inyo!!
Coleen: Congratulations sa inyong dalawa! (habang humihikbi ito dahil sa pag-iyak)
Carla: Masaya kaba talaga?! Bakit ka umiiyak?!
Coleen: Tears of joy lang yan!
Aria: Plastik!! (sabay sabi nito at umalis na ang mga elite girls)
Valerie: Anyways, congrats sa inyo.
Aria: Have a happy relationship guys!!
Carla: Congrats sa inyo!! (at umalis na rin naman sila agad at bumalik na sa inuupuan nila)
Devon: Ang bilis talaga kumalat ng balita!!
Sam: Ganun talaga! Pero mas ok na yan para at least alam na nila na akin ka lang!!
Devon: Nabili lang?!! Dyan ka na nga!! (iniwan na nya si Sam at umupo sa kanyang upuan, sa bandang likod kasi sya nakaupo katabi ni Quen samantalang si Sam naman ay sa bandang harapan kaya nag hiwalay na sila, pag upo ni Devon nakipag kulitan na sya sa kaibigang si Quen at hindi naman yun nakaligtas sa mga mata ni Sam)
Quen: Tumigil ka na nga dyan baka mamaya upakan ako ng boyfriend mo!!
Devon: Hindi naman noh!!
Quen: Hindi eh ang sama na kaya ng tingin nya sakin.
Devon: Ganyan lang yan. Yaan mo sya!! (natatawang sabi nito habang nahuli naman nya ang boyfriend na nakatingin sa kanya kaya binelatan nya ito at kinindatan naman sya ni Sam)
Quen: Try nyo na lang kayang mag tabi noh!! (madiing sabi nito)
Devon: Yoko nga!! Ikaw pinagtatabuyan mo nanaman ako wah!! Anyway kamusta na nga pala kayo ni Daiane.?
Quen: Tigilan mo nga ako!!

Ilang sandali pa dumating na ang professor nila at nagulat naman sila ng ibang professor ang dumating supposed to be dapat ang Papa ni Devon ang professor nila nung oras na iyon pero ibang professor ang pumasok sa kanila.

Devon: Nasan si Papa bakit hindi sya ang umatend satin ngayon.
Quen: Baka naman hindi pumasok?!
Devon: Anong hindi?! Eh mag kasabay kaming pumasok eh.
Quen: Kung ganun bakit hindi sya ang umatend sa klase natin ngayon. (natigil ang usapan nila ng mag salita na ang professor nila)
Prof: Good morning sa inyo. From now on ako na ang magiging professor nyo sa major subject nyo na ito. (diretchong sabi nito)
Sam: Excuse me Ma'am pero diba po dapat si Prof. Hernandez ang teacher namin ngayon?!
Prof.: I'm sorry to tell it to you but Mr. Hernandez is no longer part of this university!
Quen: Po!? Bakit naman po?! (pati si Devon at natulala sa sinabi ng bago nilang professor)
Prof.: Hindi ko rin alam kung bakit. I'm sorry guys I know he's been a good professor but no one can change the reality. Anyway, I am Ms. Maribeth Tamayo your new professor.

Matapos malaman ni Devon ang nangyari sa ama hindi nya maisip kung anong naging dahilan para tanggalin ito sa trabaho, buong araw din syang tahimik at madalas lumilipad ang isip nito sa kalagayan ng Papa nya. May practice sana sila sa dance troupe pero wala sya sa mood kaya umuwi na lang sya. Habang si Sam naman ay nagpaalam sa kanya bago pa matapos ang huli nilang subject. Kay Quen sya sumabay pauwi at ni hindi man lang sila nag uusap na dalawa hanggang marating nila ang bahay nila Devon.

Devon: Salamat sa paghatid. (malungkot na sabi nito sa kaibigan at pumasok na ito sa kanilang bahay kahit pa hindi pa ito sumasagot)

Pag pasok naman ni Devon ng bahay inabutan nya ang ama at ina na nanood lang ng t.v at nag tatawanan pa na para bang walang hindi magandang nangyari sa ama. Tinabuhan nya ang ama at niyakap ito.

Nico: Oh bakit, nag away ba kayo ni Sam?!
Devon: Hindi Papa pero ikaw!! Bakit po kayo natanggal sa university?!
Nico: Hindi ko rin alam eh.. Pero ok lang yun nak!
Devon: Bakit po parang hindi sumama ang loob nyo Papa?!
Nico: Hindi naman sa ganun nak pero wala naman na kasi kong magagawa eh, tsaka ok lang yun na natanggal ako kasi may bagong offer na sakin na trabaho at mas malaki ang sweldo.
Devon: Talaga po Pa?!
Kazel: Oo, kaya wala ka namang dapat ipag-alala Devon.
Devon: Kasi po nalungkot lang ako kasi hindi man lang natin nalaman kung bakit natanggal si Papa.
Nico: Ok lang yun! Hayaan na natin.

Natuwa naman si Devon sa nalaman mula sa ama pero kahit ganun pa man malaking palaisipan pa rin sa kanya kung bakit ito natanggal sa trabaho. Sa kabilang banda naman tinunton naman ni Sam ang dahilan kung bakit natanggal ang ama ni Devon at sa huli nalaman nyang ang ama pala ang dahilan ng pagkakatanggal ng ama ni Devon.

Love Conquers All Chapter 22

Buong araw lang magkasama ang dalawa at wala silang ibang ginawa kundi kumain sa dance studio, mag tawanan, mag titigan at mag kulitan. Para sa kanila yung araw na yun na ang pinaka masaya at pinaka importante sa lahat. Nang mag agaw na ang liwanag at dilim nagpasya na si Sam na ihatid na si Devon sa bahay nito at ng makapag pahinga na sila dahil may pasok na ulit sila kinabukasan. At nang marating na nila ang bahay nila Devon inaya muna sya ng dalaga na pumasok at pinaunlakan naman nya yun, magkahawak kamay silang pumasok at nadatnan nila sa salas ang pamilya ni Devon na nanonood ng television.

Girlie: Wow! Holding hands lang ang peg!!
Catherine: Oo nga! At ano naman ang ibig sabihin nya?!
Devon: Kasi, Mama, Papa, mga Ate si Sam po boyfriend ko!! (nakangiting balita nito sa kanyang pamilya)
Kazel: Talaga kayong dalawa na?! Ay! Natutuwa naman ako para sa inyo! Pero Sam ha wag na wag mong sasaktan ang prinsesa ko!!
Sam: Opo tita K, makakaasa po kayo!
Nico: Sa wakas Samuel napasagot mo rin ang bunsong anghel ko!! Congrats sayo! You deserved that! Pero sa oras na paiyakin mo ang anak ko ako mismo ang maglalayo sa kanya mula sayo! Tandaan mo yan!! (madiing sabi nito)
Sam: Don't worry tito I promise not to hurt your daughter.
Girlie: Edi mabuti!! Kasi pag hindi kakalbuhin talaga kita!!
Devon: Kayo naman! Tinatakot nyo naman si Sam!
Catherine: Hindi naman pero sinasabi lang namin sa kanya ang pwedeng mangyari pag sinaktan ka nya.
Sam: Don't worry I'll take care of her, as I promise! (nakangiting sagot nito)
Kazel: Anyway, kumain na ba kayo?!
Sam: Yes tita!
Devon: Busog na busog na nga po ako sa dami naming kinain kanina eh.
Sam: Opo ako din. Hinatid ko lang naman po ang prinsesa ko, este ang prinsesa nyo po pala. (natatawang sabi nito) Sige po mauna na rin po ako!!
Nico: Kung ganun, sige mag-iingat ka iho!
Sam: Salamat po tito.
Devon: Hatid ko na po sya sa labas.
Kazel: Sige! Ingat ka Sam.
Sam: Thanks tita. Bye ates!!
Girlie & Catherine: Bye Sam!! Ingat.
Devon: (hinatid si Sam sa labas ng bahay nila) Ingat sa pagda-drive.
Sam: Yes I will. Cause tomorrow I still wants to hold you and see you smiling back at me. (mahinang sabi nito kay Devon tsaka yumakap sa dalaga ng pagkahigpit-higpit)
Devon: Ang corny mo talaga! Sige na!! Bye!!
Sam: I love you!! (nakangiting sabi nito sa dalaga habang wagas ang pagtitig sa mga mata ni Devon)
Devon: Alam ko!! And I..Love..You..Too!!! (nakangiting sagot naman nito sa kasintahan) Sige na!! Ba-bye na!! Ingat ka!!
Sam: (aalis na sana pero bumalik ulit sya) Ahhhmmm.. Wala bang goodnight kiss?!
Devon: Ikaw talaga!! (pero hinalikan pa rin nya ang kasintahan sa pisngi nito) Sige na!!
Sam: Sige!! Ba-bye!! (sumakay na sya ng kotse pero binuksan nya ang window ng kotse kung saan side nandun si Devon) Goodbye kiss wala ba?!
Devon: Buang ka talaga!! Sige na! Umuwi kana!! Ingat sa pagda-drive.
Sam: Sige! Bye!! Pasok ka na!! (hinintay muna nyang pumasok si Devon tsaka nya pinaandar sa kotse nya, at ng nakalayo na sya ng konti bumusina pa ito tanda ng pag papaalam nya sa dalaga, pumasok na rin sya sa loob ng kanilang bahay at talaga namang nakaabang sa kanya ang dalawang kapatid)
Girlie: Ehem! Eto na po ulit ang in a relationship na kapatid ko!!
Devon: Ate!! Parang ikaw hindi!!
Girlie: Aba! Hindi naman talaga!!
Devon: Weh?!! Eh sino si Diego Loyzaga ba yun?!
Girlie: Ui wala hah!! Iniiba mu lang ang usapan ehh..
Catherine: Asus!! Kunwari pa kayong dalawa!!
Girlie: Humirit ka pa!! Eh inggit ka lang naman!!
Devon: Ayun! Inggit ka daw ate Catherine!! Ibig sabihin meron nga ate Girlie?!!
Catherine: Papa, si ate may ligaw na din pala!!
Girlie: Wala ah!! Akyat na nga ako!! Inaantok na ko eh..
Devon: Ate!! Kwentuhan mo muna kami tungkol kay Diego!!
Girlie: Tse!! Dyan na kayo!! (tuluyan na nga itong nag walk-out)
Nico: Ginalit nyo na naman ate nyo!! Kayo talagang dalawa!!
Devon: Wala naman kaming ginagawa Pa!! (nakangiting sabi nito at nag apir pa silang dalawa ni Catherine)
Catherine: Dyan na po kayo!! Tulog na ko!! Good night. (at humalik na ito sa mga magulang)
Kazel: Ikaw Devon mag pahinga ka na din at may pasok pa kayo bukas.
Devon: Opo Ma. Good night sa inyo!! (humallik at dumiretcho na rin sya sa kanyang silid pagkatapos)
Nico: Dalaga na talaga ang mga anghel. Darating ang araw tayong dalawa na lang ang maiiwan sa bahay na ito.
Kazel: At sino namang may sabi sayo nyan. Aba! Hindi ako papayag mahiwalay dyan sa tatlong anghel ko!!
Nico: Ano dito mo sila patitirahin pati mga magiging asawa nila.?!
Kazel: Abay oo naman! Kahit sa banyo ka na matulog basta andito ang mga anak ko ayos lang sakin!! (natatawang sabi nito)
Nico: At ako talaga ang matutulog sa banyo?!
Kazel: Alangan namang ako!!
Nico: Alam ko na!! Gumawa na lang tayo ng isa pang anghel para may maiwan pa rin satin!! (sabay yakap nito sa asawa)
Kazel: Buang!! Ayoko na noh!! Hirap-hirap kayang manganak!! Dyan ka na matutulog na din ako!!
Nico: Hintayin mo na ko! Sabay na tayo!!

Samantalang sa kwarto naman ni Devon hindi matapos-tapos ang pag ngiti nya at bawat pikit ng kanyang mga mata ang mukha ni Sam ang nakikita nya.

Devon's POV: Buang na ako!! Bakit ba iniisip pa din kita magkikita naman tayo bukas!!? Hay naku Samuel Lopez nakakabuang ka!!

Sa kabilang banda hindi naman nalalayo ang nangyayari kay Sam sa mga nangyayari kay Devon hindi rin ito makatulog at panay lang ang tingin nya sa mga picture nila ni Devon. At ginawa pa nyang wallpaper ang isa sa mga picture nilang dalawa.

Sam's POV: Mahal kita Devon! Ikaw ang buhay ko ngayon at sa susunod pang mga araw! Hindi ko hahayaang may ni isa mang tao ang sumira sa ating dalawa.

Saturday, September 3, 2011

Love Conquers All Chapter 21

All the way hanggang sa venue nakapiring pa rin si Devon at hindi naman sya pinabayaan ni Sam todo alalay sya dito hanggang sa tanggalin ni Sam ang piring nya at pagdilat nya ng mata nasa dance studio sila ng Bubbles Dance Troupe at hindi lang isang ordinaryong araw iyon para kay Sam dahil nung time na yun umaasa sya maririnig na nya ang matagal ng hinihintay na OO mula kay Devon. Makikita namang pinaghandaan talaga ni Sam ang araw na yun dahil sa ganda ng ayos ng studio, punung-puno ng mga bulaklak at may mga bubbles pa na nag liliparan sa paligid ng studio. Walang sinabi na kahit ano si Devon dahil sa pagkakatulala, may isang note naman syang nakita at dahilan yun para hilahin nya ang tali at paghila nya dito isang malaking tarp ang lumadlad sa harapan nya, may picture nila ni Sam ang tarp at sa gilid nito ay may nakasulat "Be my dance partner forever, stay with me and let me the one to put a smile on your face" matapos mabasa ni Devon unti-unting tumutulo ang luha nya at nilapitan naman agad sya ni Sam.

Sam: Bakit ka naman umiiyak?! Hindi naman kita pinapaiyak ah!!
Devon: Kasi naman!! Hindi ko naman ineexpect na darating sa buhay ko yung ganito!! Thank you talaga!!
Sam: You deserved that Devz! Kahit sino sigurong lalaki mamahalin ka hindi dahil sa ganda lang ang meron ka! Yang puso, yang mabuting ugali mo ang minahal ko sayo! Yang ganda mo given na yan eh, pero pag sinamahan mo ng good attitude mo, naks! Daig ko pa ang nanalo sa loto!
Devon: Buang ka! Niloloko mo naman ako eh!
Sam: Of course not!! (hinawakan nya ang mukha ni Devon tsaka ito tinitigan sa mga mata) Devz, from the moment I saw you, the moment I look into your eyes there's something about you I knew, I knew that you were once in a lifetime a treasure near impossible to find and I know how lucky I am to have you.. (matapos sabihin ni Sam yun may tumugtog na music at...) Can I have this dance with you?! (at sabay abot nito ng kamay kay Devon)

Tahimik lang nag sayaw ang dalawa sa saliw ng musika na "beautiful as you". (ang lalim ko!Hahah). Wala ni isa man sa kanilang dalawa ang bumasag sa katahimikan habang nag sasayaw sila. Whole heartedly  nila sinasabay ang kanta sa pagsasayaw nila at ng matapos na ang kanta.

Sam: Devon Mae Hernandez, will you be my girlfriend?! My girl forever?!
Devon: Samuel Lopez! YES! I will be your girl forever!!
Sam: Thanks Devz!! (niyakap at inikot pa nya ang dalaga bago ito ibaba)
Devon: Thank you din Sam! (nakangiting sabi nito sa bagong kasintahan)
Robi: Congrats bro!! (lumabas ito galing sa sound system room)
Devon: Robi?!
Sam: Nag patulong kasi ko sa kanya kaya nandyan sya!! Thanks bro!!
Robi: Stay happy guys, no matter what!! Iwan ko na kayo!!
Sam: Thanks bro! Nga pala pakitawagan naman ni Daiane pakisabi hindi na kami makakasunod sa kanila!
Robi: No problem bro!! Sige Devz, congrats sa inyo! Sa wakas natuloy din!!
Devon: (natawa sa sinabi ni Robi) Thanks Robi!!

Nang iwan sila ni Robi walang ibang ginawa si Sam kundi titigan at hawakan ang kamay kasintahan nya.

Devon: So, ganito na lang tayo hanggang mamaya?! Unahan mangawit sa pag tayo?!
Sam: Ay sorry!! Ang ganda mo kasi!!
Devon: Isang milyong beses mo na sakin sinabi yan Sam, at ok na!! Napasagot mo na ko eh, di mo na ko kailangang bolahin!
Sam: Ikaw talaga kahit kailan na lang lagi mong sinasabi na binobola kita eh hindi naman talaga!!
Devon: Talaga lang ha?!!
Sam: Talaga naman!! Hindi na kita kailangang bolahin dahil totoo naman kasi sinasabi ko!
Devon: Aysus!!
Sam: Ewan ko sayo, basta ang alam ko lang (bumulong kay Devon) I LOVE YOU!!! (sabay yakap sa dalaga at inangat pa nya ito)
Devon: Oo na!! Mahal din kita!! (nakangiting sabi naman nya dito)

Bakas sa mukha nilang dalawa ang saya at tunay na kaligayahan nung mga oras na yun, bawat salitang binibitawan nila sa isa't isa ay talaga namang tumatatak sa mga puso nila. Nung mga oras ring yun merong isang taong hindi natutuwa sa mga nangyari. Mag patuloy kaya ang kaligayahan nilang dalawa o merong isa o dalawang tao ang sisira nito?! Do love is enough to win a big battle?! May maging kakampi at sandigan kaya silang dalawa o mismong sila ring dalawa ang susuko?!

Love Conquers All Chapter 20

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan patuloy lang si Sam sa panliligaw kay Devon, mas madalas na silang magkasama ngayon kesa noon. Dahil open naman ang panliligaw ni Sam sa pamilya ni Devon nagpupunta sya sa bahay ng dalaga ng mas madalas para doon makasama ang dalaga. Lagi naman syang welcome sa pamilya ni Devon dahil kasundo naman nya ang mga ito. Pero madalas din syang palalahanan ng ama ni Devon na si Nico sa mga bilin nya nun nung nag punta sila ng Tagaytay at mukhang hindi naman mabibigo si Nico doon. Sobrang caring, thoughtful at halata talagang mahal na mahal ni Sam si Devon. Kahit maging sa eskwelahan nila open ang dalawa sa pagliligawan nila dahil halos araw-araw may natatanggap na bulaklak si Devon mula kay Sam. Dumating man si Sam sa buhay ni Devon may isang tao namang lumalayo sa dalaga na hindi naman gustong mangyari ni Devon.

Devon: Bes!! (tawag nito sa kaibigan na kanina pa nya inaabangang lumabas ng bahay)
Quen: Anong ginagawa mo dyan?!
Devon: Wala! Inaabangan ka! Sama ko sayo sa pag jojogging mo!
Quen: Ikaw bahala! (at nag simula na itong tumakbo na sinundan naman ni Devon)

Nakaugalian na ni Quen na mag jogging around the village every morning at alam ni Devon yun kaya inabangan nya ang kaibigan para makasama naman nya ito at ng makausap na rin nya. Nang marating nila ang clubhouse ng subdivision nila naupos si Devon sa isang bench doon at inaya nya si Quen na tumabi sa kanya.

Devon: Bes, galit kaba sakin?! (seryosong tanong nito sa kaibigan)
Quen: Yung totoo?! Hindi ko alam eh.. Gusto kong magalit sayo pero hindi ko magawa! Mas madalas mo na ngayong kasama si Sam kesa sakin, mas madalas na sya na ang naghahatid sayo pauwi ng bahay nyo.
Devon: Nag seselos kaba kay Sam?!
Quen: Wala naman akong karapatang mag selos eh. Mag kaibigan lang tayo at alam kong hanggang dun na lang yun. Masaya ko pag nakikita kitang masaya na kasama ni Sam, pakiramdam ko nga nung tayong dalawa pa ang madalas na magkasama kala ko napapasaya na kita pero hindi pa pala. Yung mga ngiti at tawa mo ngayon, ibang iba sa mga nakikita kong ngiti sayo noon.
Devon: Bes?!!
Quen: Alam kong hanggang kaibigan na lang ang papel ko sa buhay mo, hindi na ko umaasang mabago yun, pero sana pag kayo na ni Sam hindi mo makalimutang may isang Enrique Gil ang nag mahal sayo bilang ikaw! Bilang kaibigan mo!! Hindi na rin ako hihiling ng mas maraming oras mula sayo dahil alam ko namang hindi na yun mangyayari.Hindi naman sa nilalayuan kita, hinahanda ko lang yung sarili ko at sinasanay dahil alam kong one of this day marami ng magbabago.
Devon: Pero walang kahit sino ang makakapagpabago ng friendship natin!! Ikaw lang BES ko!!!
Quen: Oo naman noh!! (sabay yakap nito kay Devon) Tara na nga uwi na tayo!
Devon: Mamaya na! Ngayon nga lang ulit tayo nagkasama eh.
Quen: Eh anong gagawin natin dito?!
Devon: Wala ganito lang! Namiss kita eh.. (sabay sandal nito sa balikat ni Quen na ikinagulat naman ng binata)
Quen's POV: Tama na Devon! Mas lalo lang akong nahuhulog sayo, baka makalimutan kong kaibigan mo lang ako at hindi kita ibigay kay Sam!!
Quen: Ang arte mo!! Tara na!! (tumayo na sya at tumakbo)
Devon's POV: I'm sorry Quen!!! Sorry!!
Devon: Oi! Hintayin mo ko!! Ilibre mo na lang ako!!
Quen: Oh sya sige!! Tara!!

Pagbalik nila from jogging inabutan nila sa labas ng bahay ni Quen si Daiane kasama ang iba nilang kaibigan na sina Char,Shey,Kyra at Joe.

Quen: Anong ginagawa nyo dito?!
Char: Itong si Daiane kasi gusto ka daw makita!!
Quen: Ha?! Bakit?!
Joe: Punta daw tayo EK ngayon!!
Daiane: Yup! Gusto ko kasing mamasyal. Kaya tara na sa EK!
Quen: Kasi ano weh...
Kyra: Pumayag ka na Quen! Minsan lang toh noh!!
Daiane: Sama ka din Devz!!
Devon: Ako?! Hindi ako pwede eh.. Kasi may pupuntahan daw kami ni Sam eh..
Daiane: Ako ng bahala kay Kuya basta sama ka na!!
Devon: Tignan ko, pero hintayin ko na lang si Sam tapos pag pumayag sya sunod na lang kami. Ok lang ba yun?!
Daiane: Ok!! So Quen, ano sama ka na?!
Quen: Pasensya na ha.. Marami pa kasi talaga kong gagawin eh..
Devon: Ano ka ba bes! Sumama ka na! Nang makapag unwind ka na din! Kailangan mo yan! Tignan mo nga yang eye-bag mo malaki pa ata sa mata mo eh.
Quen: Oh sya, sya! Sige! Tara sa loob nyo na lang ako hintayin!! Dami mong sinabi! (bulong nito kay Devon) Umuwi ka na nga! Maligo kana amoy araw ka!!
Devon: Buang! Kala mo naman ikaw hindi!! Sige guys ba-bye! Enjoy!!

Nag hiwalay na sila, pumasok sa bahay nila Quen ang mga kaibigan nila at sya naman ay dumiretcho na sa kanila. Ilang oras lang ang nakalipas ng dumating na si Sam at kasabay naman nun ang paglabas nila Quen para ituloy ang balak nila. Lumabas din ng bahay si Devon para pag buksan at papasukin si Sam.

Daiane: Kuya!!
Sam: Hey! What are you doing here?!
Daiane: I asked them kasi mag punta ng EK eh, tara sama kayo ni Devon!!
Sam: Hmmm.. Sunod na lang kami, may pupuntahan lang kami.
Daiane: Promise?!
Sam: Yup! Sige na! Enjoy!
Daiane: Sige!! Bye Devz!!
Devon: Bye! Enjoy kayo!!! (at tuluyan na ngang umalis ang mga ito)
Sam: Are you ready!?
Devon: Yup!! Pero san ba talaga tayo pupunta?!
Sam: Basta!! Oh eto!! (sabay labas nito ng panyo at tinakpan ang mata ni Devon)
Devon: Para san naman toh?! Kelangan talagang may ganito?!
Sam: Oo kailangan yan para surprise!!
Devon: Ang arte ha!!
Sam: Ang daldal mo!
Devon: Sira! (sabay hampas nito kay Sam)
Sam: Aray! Nakapiring kana nga tinamaan mo pa rin ako!!
Devon: Ganun talaga! Talent yun eh!!
Sam: Tara na nga!! (inalalayan nya si Devon maglakad at sumakay ng kotse nya tsaka sila nag punta kung saang lugar yun si Sam lang ang nakakaalam)

Love Conquers All Chapter 19


Hindi na nakapag practice ng sayaw sila Devon dahil na rin sa laro nila Sam. Pumunta sila ni Sam sa cafeteria na madalas nilang tambayan nila Quen, pagdating nila doon si Quen at Daiane ang inabutan nila.

Sam: Daiane?! What are you doing here?!
Daiane: Why kuya, wala ba kong karapatang pumunta dito? Eh ikaw anong ginagawa mo dito?!
Sam: I’m just asking Daiane!! Huwag mo kong pilosopohin!
Daiane: Sorry kuya!!
Sam: Wala ka na bang klase?!
Devon: Ehem!! Ah gusto mo bang sermunan muna ang kapatid mo?! Aalis muna kami ni Quen baka nakakaistorbo kami sayo!
Daiane: Oo nga naman kuya! Tsaka don’t worry wala na kong klase.
Sam: Sorry! (sabay tingin nit okay Devon)
Devon: Oks lang! Ah bes buti magkasama kayo ni Daiane!! (nakangiting bati nito sa kaibigan)
Quen: Iniiwan na kasi ko ng BES ko ngayon eh!
Devon: Ui tampo! Di naman kita iniiwan noh!! (sabay yakap nito sa likod ni Quen at tumaas naman ang kilay ng magkapatid sa ginawa ni Devon)
Quen: Hindi daw!! (tampo mode)
Devon: Talaga naman noh!! (at kiniliti pa nya si Quen)
Daiane: Excuse me!! Gusto nyo bang kami naman ni kuya ang umalis?!
Devon: Ahh hindi!! Pasensya na! (sabay tawa nito)
Quen: Sige kumain na kayo ni Sam mukhang gustom na gutom ka na!! Yung mga cobra mo sa tyan nag wawala na naririnig ko dito!!
Devon: Buang!! (at sabay hampas nit okay Quen) Tara Sam dun na lang tayo! (sabay turo nito sa isang bakanteng lamesa)
Daiane: They look good together! Right Quen?!
Quen: Ha?! Oo!! (at ngumiti ito pero ramdam ni Daiane na peke ang mga ngiti nito)
Daiane: Do you like her?!
Quen: Sino si Devon?!
Daiane: Oo! Mukha kasing nag seselos ka kay Sam!
Quen: Hindi noh! Magkaibigan lang kami nyan!
Daiane: For real?! Walang kahit anong hidden desire?!
Quen: Wala nga! Kumain ka na nga dyan!
Daiane: Sige na nga!! Wala na kung wala!!

-sa table nila Devon at Sam-
Devon: Yung kilay mo gusto mo lagyan ko ng tape para natural na ang pagkakunot?!
Sam: That’s not funny!
Devon: Ano bang problema mo kasi?! Ahh alam ko na! Kasi magkasama si Quen at Daiane! Bakit muka namang masaya si Daiane with Quen eh..
Sam: I know! And I’m happy seeing Daiane smiling and laughing!!
Devon: Yun naman pala eh!! Eh anong ikinakukunot ng noo mo?!
Sam: Don’t ever do that again!!
Devon: Alin?! Ahhhh.. Nag seselos ka noh kasi hinug ko si Quen! Sus! Ano kaba yakap kaibigan lang yun!!
Sam: Kahit na! Ayoko pa din!!
Devon: Ay ang arte lang ha!! Kumain ka na nga lang dyan!!
Sam: Promise me first, you’ll never do that again!!
Devon: Why should I need to do that?! You’re not my boyfriend though!!
Sam: Maybe hindi pa ngayon but sooner or later you will be mine!!
Devon: Wow! Lakas ng loob! Well, edi tignan natin!!
Sam: I promise you, you will be mine soon!! (nakangiting sabi nito sabay kindat kay Devon)
 Devon: (nag kibitz balikat na lang)
Ilang oras na nanatili sila Devon at Sam sa cafeteria dahil matapos nila kumain inaya ni Sam si Devon sa boutique ng ina nito. Habang si Quen at Daiane naman ay may ibang pinuntahan.

Devon: Ano bang gagawin natin ditto sa boutique ng Mama mo?!
Sam: Wala lang, I just wanna saw my Mom.
Devon: Pwede mo naman syang makita sa bahay nyo wah. Ang corny mo!!
Sam: Pwedeng hindi pwedeng oo!
Devon: Anong ibig mong sabihin?!
Sam: Pwedeng magkita kami pwedeng hindi!!
Devon: Bakit naman!?
Sam: Kasi it depends with her pa rin kung uuwi sya sa bahay naming o sa bahay ng mga lola sya matutulog. Hindi din naman kasi masarap matulog ng mag-isa eh. May asawa nga sya hindi naman nya nakakatabi sa pagtulog edi parang mag-isa pa rin sya sa buhay!
Devon: Ganun ba?! Sorry ha!! (malungkot na sabi nito at sabay labas naman ni Marie)
Marie: Hey Sam! What are you doing here?!
Sam: Hi Mom! Wala lang po, I just wanna check you!
Marie: Oh!! How sweet of you Sam!! Hey Devon! (nang makita nya si Devon na nakaupo sa couch)
Devon: Hi po Ma’am Marie!
Marie: Ma’am ka dyan!! Tita Marie na lang noh!!
Devon: (napa smile sa sinabi ni Marie) Sige po ti-ta Marie. (nakangiting sabi nya)
Marie: Mas lalo kang gumaganda iha!! Kamusta ka naman?!
Devon: Ok lang po ako!!
Marie: Have you guys eat?!
Sam: Yes Mom, kumain po kami sa school.
Marie: Oh! That’s good! Katatapos ko lang din kasing kumain eh.
Sam: By the way Mom, are you going home tonight?!
Marie: No, I’m not! And you know why!
Sam: I know Mom! But I want to spend time with you tonight! Catch up some times!!
Marie: Hmmm.. Ok! Hindi ko naman pwedeng tiisin ang anak  ko! I see you tonight at home! Ok?!
Sam: Ok Mom!
Marie: Wait! May ibibigay ako sayo Devon. I think it will suit to you!
Devon: Po!? Ano po yun?!
Marie: Just wait me here! (at iniwan muna nito ang dalawa)
Devon: Ano naman ang ibibigay sakin ng Mama mo?!
Sam: Hindi ko din alam!
Marie: (bumalik na at may dalang paper bag) Here!! (at iniabot nit okay Devon ang dalang paper bag)
Devon: Ano po ito?! (tinanggap naman nya ang laman ng paper bag)
Marie: It’s just a dress. A way for thanking you for making my son happy!
Devon: Pero tita hindi naman nap o ito kailangan! (binabalik nya nag paper bag)
Marie: No! I will get mad if you won’t accept that!
Sam: Sige na! Take it!! Masamang magalit yang si Mommy!! (bulong nit okay Devon)
Devon: Sige po! Thank you po tita!!
Marie: Your welcome Devon!! Thank you din sayo!! Alam ko kung gano mo napapasaya ang anak ko!
Devon: Wala po yun! Masaya din naman pong kasama tong si Sam eh. Sana po minsan makasama din po naming kayo!
Marie: Sana nga iha!
Sam: Time will come makakasama din natin si Mommy! (nakangiting sabi nito)

Ilang oras pa nag stay si Sam at Devon sa boutique ni Marie para hintayin nan i Sam ang ina upang sabay na silang umuwi nito. Masaya naming nakipag kwentuhan si Devon kay Marie at sa ibang sales lady ni Marie at pati si Sam ay namangha sa galling ni Devon makisama. Halos lahat ng sales lady ni Marie ay nakasundo ni Devon at halos hindi matigil ang tawanan ng mga ito dahil sa kakulitan ni Devon. Pati si Sam ay inaasar nya at sinasakyan naman sya ng binate sa kakulitan nya. Hanggang ilang oras pa ang lumipas ay natapos na ang trabaho ni Marie kaya nauna na silang umuwi, hinatid muna sila si Devon sa bahay nito at tsaka dumiretsyo ng bahay. Pagdating nila ng bahay sa garahe pa lang rinig na nila ang sigawan ng mag-amang si Thed at Daiane kaya agad silang napatakbo papasok ng bahay.
Thed: Lahat ng hiningi mo sakin ibinigay ko sayo! Bakit sa dinami-dami ng lalaki sa mundo yung Enrique Gil pa nay un?! Hindi mo ba alam na mortal na kaaway ng pamilya nya ang negosyo natin?!
Daiane: Pero Dad hindi naman sapat na dahilan yun para pagbawalan mo kong makipag kaibigan kay Quen!! (umiiyak na sabi nito)
Thed: Tumigil ka!!
Marie: Thed!!!  Stop it!!
Thed: Wag kang makialam ditto Marie!!
Marie: At bakit hindi?! Anak ko yang sinasaktan mo!!! (sabay yakap nito sa umiiyak na anak)
Thed: Pag sabihan mo yang anak mo! Sa susunod na makita ko pa yan kasama ang lalaki na yun hindi lang yan ang aabutin nya!! (sabay walk-out nito)
Marie: Sam, take Daiane on her room! (sinundan nya ang asawa)
Sam: Let’s go Daiane. (inalalayan nya ang kapatid papasok ng kwarto nito)

Kinompronta naman ni Marie ang asawang si Thed matapos nitong pumasok sa kwarto nila.
Marie: Ano bang problema mo?!
Thed: Hindi mob a nakikita namamali ng landas ang mga anak mo!!
Marie: Namamali ng landas?! Baka naman nagkakamali ka lang sa nakikita mo at sinasabi mo!! Hindi mo ba nakikita kung gano kasaya ang mga anak mo kasama ang mga taong hindi naman nila kadugo?! Palibhasa kasi hindi nila nararamdaman ang isang pamilya sa loob ng bahay nito kaya sa iba sila naghahanap ng kasiyahan! Imbes na mag simula ang pagmamahalan sa bahay na ito kabaliktaran pa ang nangyayari!! Thed, kelan kaba magigising sa katotohanan na hindi lang pera ang dahilan para maging masaya kami!! (at iniwan na nya ang asawa)
Thed’s POV: Patutunayan ko sa inyo na mali ang iniisip nyo!!! (madiing sabi nito sa sarili)

Matapos makipag diskusyon sa asawa pinuntahan nya si Daiane sa kwarto nito at inabutan nya rin doon si Sam.

Marie: Daiane iha, are you ok?!
Daiane: Gusto ko lang naman maging masaya Mom!! Akala ko nun pag nakuha ko lahat ng gusto ko magiging masaya na ko! Hindi pala! Ang dami-dami pa palang kulang sa buhay ko! Hindi pala sapat ang mga material na bagay para maging masaya.
Marie: I’m sorry anak!!
Daiane: Wala kang dapat ihingi ng tawad Mom. Mabuti na nga poi tong maaga kong narerealized ang lahat para ng sa huli wala po akong pagsisihan.
Sam: What your plan now?!
Daiane: I’ll still do what I want!! Hindi naman maling makipag kaibigan, diba po Mom?!
Marie: Tama anak! Fight for your right!!
Sam: Fight for our right!! (masayang sabi nito)
Marie: I’ll promise I will always be here for you!!
Daiane: I hope James will come back na!
Marie: Maybe at the right time!!
Sam: Group hug!! (nagyakap silang tatlo)
Daiane: You sleep here Mom!!
Sam: Can I sleep here too?!!
Marie: Yes you may Sam!! Dyan ka sa sahig!!
Sam: It’s ok!! All I want is to be with the most two beautiful girls in my life!!
Daiane: Dalawa lang ba talaga?!
Marie: Oo nga! Si Devon hindi kasali?!
Sam: Syempre kasali po! Given na po kasi yun!!
Daiane: Nililigawan mo na ba sya kuya?!
Sam: Well.. (sabay labas nito ng kwarto)
Marie: San ka pupunta Samuel?!!
Sam: I’ll just take shower and get my stuffs!! (sigaw nito)
Daiane: Kuya is definitely happy!
Marie: At gusto ko ang mga ngiti nya ngayon ha.. (nagtawanan naman silang mag-ina