Days,weeks and months had past at dumating na ang araw ng pagtatapos nila Devon at Sam. Dahil sa simula pa lamang ay isang likas na matalino at angat na sa klase si Samuel, magtatapos ito ngayon ng may magandang karangalang dadalin para sa pamilya nya. Si Samuel lang naman kasi ang napiling Cumlaude ng kanilang batch. Pero syempre hindi naman papatalo si Devon kay Sam kahit pa naging transferee student lang si Devon sa school nila Sam na recognized pa din naman ang aking katalinuhan ni Devon magtatapos din sya ng may flying-colors. Ngayong araw na ito ang petsa ng pagtatapos ng dalawa sa kolehiyo at pag nangyari yun pwede na silang mag desisyon para sa kanilang buhay na dalawa. Dahil na-announced na noong b-day ni Sam ang tungkol sa engagement nilang dalawa hindi na din malayong sa kasalanan na ang tuloy ng relasyon nilang dalawa. Ngunit ang hindi alam ni Devon may isang bagay na gusto si Sam, ang magawa nito ang formal proposal na matagal din nyang pinaghandaan, at ngayong araw na ito magaganap iyon kasabay ng kanilang pagtatapos. Dahil si Sam ang Cumlaude may inihanda syang speech..
Sam (on his grad.vow): I won't be here without the help of my professors, this recognition is nothing without the hard-works, the patience and the courage. Life is too short para sayangin natin. Hindi ako perpekto katulad ng iniisip ng iba. Ngayon gagraduate ako sa kursong kelan man ay hindi ko ginusto gayunpaman nag papasalamat pa rin ako sa taong nag pushed sakin para i-take tong course na toh, dahil kung hindi dahil sa pagiging diktador nya sa buhay ko baka hindi ko din nakilala ang babaeng mahal ko ngayon. Tulad nga ng sinabi ko hindi ako perpekto, minsan sa buhay ko dumaan ang mga problemang akala ko wala ng sulusyon kundi ang sumunod sa gusto ng mga magulang ko. Sa gusto ng Papa ko para sakin, noon naiinis ako tinatanong ko sa sarili ko bakit ko sya susundin kung ama ko lang naman sya kung sa huli sariling buhay ko rin naman ang hahawakan ko, bakit ko gagawin ang mga bagay na kahit kailan hindi ko naman nagustuhan. Pero nagkamali ako, mali ako na nagalit sa kanya, mali ako dahil ang tanging kaligayahan ko lang ang mahalaga sakin noon, hindi ko iniisip na ang tanging kabutihan ko lang naman pala ang gusto nyang mangyari. Ngayon thankful ako dahil sya ang naging ama nang dahil sa kanya naging isang matatag na tao ako. Papa Thed, salamat, salamat po sa pagiging isang diktador na ama kundi dahil sayo Papa hindi maiisip kung gaano kahalaga na pahalagahan din ang buhay ng iba, buhay ng mga taong nakapaligid at naniniwala sa akin. Pero hindi ko rin naman kakalimutan ang Mama ko na ginawa ang lahat para mapabuti ako at ang pamilya namin. Mama, salamat po sa pagmamahal at pagintindi sa buhay na meron tayo. Sabi nga nila hindi ka mag go-grow bilang isang tunay na tao kung hindi ka matututo sa mga napagdaanan mong problema. You have to learn those single things na akala mo wala lang pero sa huli marerealize mo na mahalaga pala yun. Yang mga grades na nakuha ko, balewala lang naman yan ehh, oo malaki ang maitutulong nyan pero kahit ano pa mang mangyari numero lang naman yan na pwedeng mabago pero yung pinagdaanan mo para makuha yang numero na yan yun hindi yun pwedeng mabago ng kahit sino. Sabi nga no pain no gain. Lahat kailangang paghirapan, lahat kailangang pagsikapan. Kaya ngayon may isang bagay akong gustong gawin at gusto kong masaksihan ninyong lahat sana pagbigyan nyo ako. Pangako mabilis lang po ito. (saka ito bumaba ng stage at pinuntahan ang upuan kung saan nandoon si Devon) Devon, hindi na ko magpapaliguygoy pa kasi iisa lang naman talaga ang gusto kong mangyari. (tsaka ito lumuhod sa harap ng dalaga at may inilabas na maliit na box mula sa kanyang bulsa) *ehem* Devon May Hernandez, will you marry this Samuel Lawrence Lopez promising nothing to you but just his surname?! You, you are the woman that I wanted to be with, the woman whom I wanted to be the mother of my children. Devon, will you be my wife? Will you grow old with me?! (sandaling tumigil ang mundo sa pagitan ni Devon at Sam at ang lahat halos ay hinihintay na lang ang sagot ni Devon, pero matapos ang ilang minutong katahimikan nakasagot na din ang dalaga kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha)
DEVON: Yes!! Yes Sam, I will marry you! (sabay yakap nito kay Sam matapos maisuot ng binata ang singsing na laman ng box na hawak nito)
SAM: I love you Devz.. (tsaka nito hinalikan sa labi ang kanyang fiance)
Yun ang pinaka di makakalimutang pangyayari sa pagtatapos ng dalawa sa kolehiyo. Hindi lang naman sila ang naging masaya noong araw na iyon kundi pati ang mga kaibigan at mga magulang nila maliban na nga lang sa iilang taong umaasang mapapasa kanila pa si Sam. Pero sorry na lang sila dahil iisang babae lang ang gustong makasa ni Sam sa kanyang pagtanda at yun ay walang iba kundi si Devon May Hernandez.