Saturday, April 7, 2012

Love Conquers All Chapter 40

Ilang buwan na ang lumipas simula ng mag trabaho si Devon sa Lopez Company at abot-abot ang papuri sa kanya ng ama ng kanyang nobyo dahil sa dedikasyong ipinapakita nito sa pag tatrabaho, sa ilang buwan na yun masasabing nabawi na ng Lopez Company ang perang nawala sa kanila noon, sa higpit ni Devon sa loob marketing team unti-mo singkong duling ang tsinecheck nya talaga at hands-on din sya sa bawat perang pumapasok sa kumpanya. Pero sa nangyayaring ito may dalawang tao ang  higit na nababahala at hindi masaya sa mga nangyayari..

James: What the.. Until now wala ka pa ring nakukuhang pera?! Hindi mo ba talaga kayang lusutan yang si Devon? Ngayon alam ko na wala ka nga pala talagang ibubuga sa babaeng yun!!'
Coleen: Wag mo kong pag salitaan ng ganyan, bakit ikaw may nagawa ka na bang paraan para makakuha ka ng pera?! Kaya siguro mas gusto ng President si Sam kaysa sayo dahil mas magaling sayo si Sam.
James: (akmang sasampalin si Coleen pero hindi nya tinuloy imbes naisuntok nya ang kamay sa pader) Bwiset!! Bwiset talaga!! (sigaw nito)
Coleen: (nag ring ang phone) Tumatawag nanaman si Mr. Yu!!
James: Sagutin mo!!
Coleen: Pero anong sasabihin ko!!
James: Just answer his call!! (sigaw nito sa babae)
Coleen on the phone: Hello, Mr. Yu!?! Yes Mr. Yu! (bumaling kay James) Gusto ka daw kausapin!
James:(inagaw yung phone kay Coleen) Hello Mr. Yu, this is James speaking! Sorry for some troubles Mr. Yu that happened weeks ago. Yes Mr. Yu. Ok let's meet later tonight! Ok bye!
Coleen: Makikipag kita ka kay Mr. Yu?!
James: Wala na kong magagawa kundi ang makipag kita sa kanya!
Coleen: Pero san ka kukuha ng pera!?
James: I'll use my own money!
Coleen: Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?!
James: Yun na lang ang tanging paraan para mailigtas natin ang mga sarili natin sa tiyak na kapahamakan Coleen, magkita na lang ulit tayo mamaya! Sabay na tayong lumabas at dun na tayo dumiretcho sa meeting place natin with Mr. Yu. (at iniwan na nya ang dalaga)

-Devon and Quen-

Quen: Bes, san ba talaga tayo pupunta at bakit ako pa ang tinawagan mo, mamaya mag selos pa sakin si Sam ipabugbog pa ko nun!!
Devon: (pinalo sa balikat si Quen) Wag ka ngang maingay dyan bes, hindi kasi pwedeng si Sam ang isama ko dahil siguradong mabubuko!
Quen: Ano bang mabubuko ang pinag sasabi mo dyan bes!!??
Devon: (hindi sinagot si Quen bagkus nag patuloy ito sa pag silip sa bintana ng sasakyan ni Quen) Ayan na yan na sila bes, yuko  dali!. (tsaka ito yumuko na akala mo may malaking atrasong nagawa)
Quen: Ano bang nangyayari sayo bes?!
Devon: Wag kang maingay tsaka wag kang malikot dyan, mamaya ipapaliwanag ko sayo! (bulong nito kay Quen, at ng masigurado na nyang nakaalis na ang mga taong pinagtataguan nito inaya na nya si Quen na umalis at tinuro nya sa bes nya ang sasakyang kanila daw susundan)
Quen: Bes bakit naman kailangan nating sundan yang sasakyan na yan?!
Devon: Bes kotse ni James yan!
Quen: Oh, ano naman ngayon kung kotse ni James yan?!
Devon: Pupuntahan nila si Mr. Yu bes!
Quen: Sino namang Mr. Yu??!
Devon: (ikinuwento kay Quen ang lahat ng narinig nya kanina sa pag uusap ni Coleen at James pati na rin ang tungkol kay Mr. Yu) Kaya bilisan mo na bes at wag mo silang hayaang makalayo satin.
Quen: Bes kinakabahan ako sa ginagawa natin na ito eh, baka mapahamak ka!!
Devon: Hindi naman siguro tayo mapapahamak bes!
Quen: Dapat ipaalam mo ito kay Sam.
Devon: Sige mamaya tatawagan ko sya pag nakarating na tayo sa pupuntahan natin.


-Coleen and James-

Coleen: James, look at that car parang sinusundan tayo?!
James: I don't think so, baka pareho lang ang way natin sa way na pupuntahan nila!

-Devon and Quen-

Devon: Bes nahalata yata na sinusundan natin sila!
Quen: Pansin ko nga! (tsaka nya nilagpasan ang sasakyan nila James upang hindi mahalata ng mga ito na sinusundan nga nila ang mga ito)
Devon: Galing mo talaga bes!! (habang nakatingin sya sa likod upang tignan ang sasakyan nila James)

Ilang sandali pa narating na din nila Quen at Devon ang sinasabing meeting place nila James, nakita nilang bumaba ng sasakyan ang dalawa at naglakad papasok sa isang parang building na para bang hindi natapos. Habang nakatago naman ang sasakyan nila sa matataas na puno at halaman bumaba na rin ang dalawa upang sundan si James at Coleen.

Devon: Tara na bes dali!!
Quen: (hinila ang kamay ni Devon) Dito na lang tayo dumaan bes may pasukan din dito. Isa pa tawagan mo na si Sam!
Devon: Sige itetext ko na lang sya mamaya, tara na dali!! (hila nito kay Quen)

Pumwesto ang magkaibigan sa isang gilid kung saan nakikita at nadidinig din nila ang mga usapan nila James at Mr. Yu, pero wala doon si Coleen. Habang tumatagal mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ni Devon, hindi lang nya ito pinahahalata kay Quen upang hindi mag-alala ang kaibigan sa kanya. Ilang sandali pa narinig nilang nag salita si James.

James: Mr. Yu, sorry pero baka ito na rin ho ang huli nating pagkikita.
Mr. Yu: Bakit naman?!
James: Masyado na hong mahirap kumuha ng pera sa kumpanya dahil sa higpit ng bagong head ng marketing team namin. Hindi sya basta bastang babaeng pwede naming utuin at hingan ng pera mula sa kumpanya. At yang huling pera na yan ay akin!
Mr. Yu: Pero James malaking pera ang naibigay ko sa inyo nung una pa lamang at itong pera na ito ay wala pa sa kalahati ng naibigay ko sa inyo, kung ititigil mo ang transaction natin malamang mahirapan kang ibalik ang perang nakuha nyo mula sa akin.
James: 'Wag kayong mag alala Mr. Yu sigurado kong pagkatapos nitong huli mong naibigay sakin na cocaine malaki ang perang kikitain ko dito dahil marami ngayon ang naghahanap. Kaya maibabalik ko din sa inyo ang pera nyo at siguradong mas doble pa!

Nabigla si Devon ng marinig nya mula kay James ang sinabi nitong cocaine, hindi sya makapaniwalang isang drug addict ang kapatid ni Sam. Pero mas lalo syang nagulat ng biglang mag salita si Coleen mula sa likuran nila.

Coleen: Sinasabi ko na nga ba at may sumusunod sa amin kanina ehh.. Anong ginagawa nyo rito?!
Devon: (nasampal si Coleen) Alam ko na ang dahilan kung bakit hindi mo maibigaybigay sakin ang hinihingi kong mga papeles tungkol sa investment ni Mr. Yu sa kumpanya! Ang sasama ng ugali nyo!!
Quen: Bes tama na! (awat nito kay Devon dahil alam nakikita nya mula sa mata ng kaibigan ang matinding galit)
Coleen: Well, sabi naman kasi sayo ni James wag mo nang pakialaman ang tungkol dun eh, pero mapilit ka yan tuloy inilagay mo lang sa panganib ang buhay mo! At nandamay ka pa! (sabay tingin nito kay Quen) Sige na dalin nyo yang dalawa na yan sa baba. (utos nito sa mga lalaking kasama nya)
---------------
Coleen: Hey James! May bisita ka!!! (sabay tulak nito kay Devon)
James: Devon?!! Anong ginagawa mo dito?!!
Mr. Yu: Who's she??!!
Coleen: Sya lang naman ang dahilan kung bakit nahihirapan kaming kumuha ng pera sa kumpanya!
Mr. Yu: Oh well, sa palagay ko ngayon hindi na kayo mahihirapan!
James: What do you mean Mr. Yu?!
Mr. Yu: Use her para madali kayong makakuha ng pera, isa pa siguradong hindi mag dadalawang isip na mag bigay ng pera ang kapatid at ama mo!
Coleen: I think Mr. Yu is right!! Siguradong mabilis pa sa alas kwatro na makakakuha tayo ng pera mula sa pamilya mo James dahil andito ang babaeng inaasam na pakasalan ng kapatid mo!! (sabay ngiti nito ng nakakaloko)
James: No!! Let them go!! (madiing sabi nito)
Mr. Yu: Sorry James, pero hindi ako maghihintay sa perang maibibigay mo sakin kung alam kong mas malaking pera ang pwede kong makuha kung gagamitin ko ang fiancee ng kapatid mo!! (at tsaka ito lumapit kay Devon at hinawakan ang mukha ng dalaga)
Devon: Wag mo kong mahawak-hawakan!! (tabig nito sa kamay ni Mr. Yu)
Mr. Yu: (tumawa ng malakas) Ang tapang mo naman, alam mo bang nasa bingit ngayon ng kamatayan ang buhay mo??!!
Devon: Wala akong pakialam kahit ano pang gusto nyong gawin!! Napaka walang kwenta mong kapatid at anak James!! (baling nito kay James) Pati sarili mong pamilya niloloko mo!!
James: Manahimik ka at wala kang alam!! (akmang sasampalin nito si Devon pero nahawakan ni Quen ang kamay nya)
Quen: Wag na wag mong masaktan saktan si Devon!!
Coleen: Wow!! Ang dami namang tagapag tangol nitong ni Devon, ang haba ng hair mo girl, si Sam kaya mga anong oras makakarating?!
Devon: Anong ibig mong sabihin??!
Coleen: I called Sam at halatang halatang galit na galit na ang nobyo mo!! (tsaka ito tumawa ng malakas)

Ilang oras lang ang nakalipas dumating agad si Sam sa kinaroroonan nila Devon kasama nito ang kanyang ama.

Sam: Devon!! (tawag nito sa kasintahan matapos makitang nakasalampak sa sahig katabi si Quen ng nakagapos)
Devon: Sam, bakit ka pa nag punta?! Umalis kana!! (maiyak iyak na sabi nito sa kasintahan)
Sam: Devz, hindi naman kita pwedeng pabayaan!! (gusto nyang lapitan ang kasintahan pero hindi nya magawa dahil may mga baril na nakatutok sa kanila)
Coleen: Wow ang tamis tamis nyo naman!!Nakakakilig kayo kaya lang mukhang eto na ang huling beses nyo makakapg lambingan!! Tsk tsk tsk tsk....
Sam: Nasan si James?!! (galit na sabi nito)
James: Nandito ko!! (sabay labas nito kasama ni Mr. Yu)
Thed: Ano bang nangyari sayong bata ka at napasok sa ganito?!
James: Bakit kaya hindi nyo tanungin ang sarili nyo kung anong pagkukulang ang nagawa nyo at nagka ganito ang anak ninyo!!
Sam: Wag mong sabihin yan dahil alam mong hindi naman nagkulang sayo ang Daddy!!
James: Wow!! Parang totoo Sam ah, hindi ba galit ka din dyan sa tatay natin dahil sa dami ng pagkukulang nya?! Tignan mo nga yang sarili mo, hindi mo naman gusto yan diba?!!
Sam: Noon oo pero ngayon naiintindihan ko na si Daddy!!
Mr. Yu: Tama na yang drama nyo!!! Dala nyo ba ang perang hinihingi namin??!
Thed: Oo dala namin kaya pakawalan nyo na ang mga bata!!
Mr.Yu: Ibigay nyo muna ang hinihingi naming pera!!
Thed: Eto! (sabay hagis nito sa isang bag na pinaglalagyan ng mga pera, na agad namang pinulot ng isa sa mga tauhan ni Mr. Yu)
Mr.Yu: Salamat naman at marunong kayong tumupad sa usapan ang bait nyo palang talaga, kaya lang humihingi ako ng tawad sa inyo dahil hindi nyo ako katulad!
Sam: Anong ibig mong sabihin?!?
Mr.Yu: Pakawalan nyo na yung lalaki!! At iwan ang babaeng yan!!
Sam: Hayop ka!! Pakawalan mo si Devon!!!
Mr.Yu: Sorry pero magagamit ko pa ang babaeng yan kaya akin muna sya!! (sabay tawa nito ng malakas)
Quen: Si Devon na lang ang pakawalan nyo wag na ako!! (habang tinatanggal ang tali sa mga kamay nya)
Sam: Hayop ka James!! Kasalanan mong lahat ng ito!!
James: Wag ako ang sisihin mo kundi yang magaling mong fiancee masyado kasing pakialamera yan tuloy nadamay pa!!
Sam: Walangya ka!! (sinugod na nito si James at si Quen din hindi na napigilan ang sariling nakipag buno na rin ito sa ibang tauhan ni Mr. Yu)
Devon: Sam tama na!!! Quen!!!
Coleen: Kasalanan mo kasi ang lahat ng ito eh kaya ayan tuloy!!! (at sinampal nya si Devon) Yan ang ganti ko sa pag sampal mo sakin kanina! Wag kang mag-alala may kasunod pa yan para sa kabayaran ng ginawa mo sakin noon!!

Natigilan ang lahat ng biglang may mga wangwang ng pulis na narinig ang lahat.

Mr.Yu: Bakit may mga pulis?!!
Coleen: Mga walangya kayo, ipapahamak nyo pa kami!!!
Mr.Yu: Let's go, let's go!!! (patakbo na sana ito ngunit naharang na sya ng mga pulis, si Coleen naman na malapit kay Devon ay agad na hinawaka ng dalaga at tinutikan ng baril)
Coleen: Wag kayong lalapit kundi babarilin ko tong babaeng ito!
Sam: Coleen please wag si Devon, bitawan mo na sya!!
Coleen: Hindi!!! (nalolokang sabi nito) Hindi ko rin maintindihan kung bakit ba sa babaeng ito ka pa magpapakasal Sam, ako buong buhay ko ikaw lang ang minahal ko pero hindi mo yun nakita!!
James: Coleen, give me that gun!!
Coleen: Hindi ikaw ang kausap ko James kaya wag kang makialam!! Akala ko pa naman kakampi kita, diba gusto mo din itong si Devon bakit hindi mo sya agawin sa kapatid mo!! Wala ka ring kwenta!!
Sam: (nagulat sa sinabi ni Coleen) Totoo ba James???!
James: OO!! Oo mahal ko si Devon!! At naiinis akong sa dinami dami ng lalaki sa mundong ito ikaw pa ang minahal nya!!!
Mr.Yu: That's enough!! Coleen let's go!!! (akay nito kay Coleen) Get out off our way kung ayaw nyong patayin namin ang babaeng ito!
Sam: Coleen please let Devon go!!
Mr.Yu: No Coleen, don't let her go, isipin mo sya ang babaeng umagaw sa lalaking pinakamamahal mo!!
Devon: Coleen please let me go!! (mangiyak ngiyak sa pakiusap nito kay Coleen)

Habang naglalakad palayo si Coleen hawak si Devon para naman syang inuusig ng sariling konsensya dahil alam naman nya sa kanyang sarili na walang kahit na anong inaagaw ang babae sa kanya kaya unti-unting lumuwag ang hawak nya sa dalaga dahilan para makatakbo na si Devon papalayo sa kanila, ngunit sa pagtakbo ni Devon palayo kay Coleen inagaw naman ni Mr. Yu ang baril kay Coleen at itinutok ito kay Devon pero hindi naman nya naiputok ang baril dahil naunahan na sya ng mga pulis na mabaril sya. Agad namang nayakap ni Sam si Devon at wala ng nagawa si Devon kundi ang umiyak sa bisig ng kanyang kasintahan habang hinuhuli ng mga pulis si Mr. Yu at Coleen pati ang mga tauhan nito, pati si James ay binitbit na din ng mga pulis pero bago pa makalayo ang mga ito nag salita si Thed.

Thed: Nag kamali kami sa iyo James, sana noon pa lang hindi ka na namin inampon! Kaya huwag mong ipag taka kung mas mahal ko si Sam kaysa sayo dahil si Sam ang tunay kong anak at hindi ikaw, at hindi ako nag sisising ibagay ang mas malaking oras ko kay Sam kaysa sayo!
James: Bakit?! Bakit ngayon mo lang sinabi yan?!
Thed: Dahil hindi ko inakalang ganito ka pala kasama!!!
James: Mas lalo nyong sinira ang buhay ko!!! (galit na sabi nito at hinila na sya ng mga pulis pero hindi pa man nakakalayo ang mga ito nakuha ni James ang baril ng isa sa mga pulis at ipinutok ito sa lugar kung saan nandoon ang ama pero naharang ito ni Sam)
Devon: Sam!!! (sigaw nito habang patuloy ito sa pagluha)
Thed: Sam!! Sam!!
Sam: Dad.. (sambit nito sa hirap na tinig) Dad please take good care of my wife!!
Devon: Sam wag mong sabihin yan!!! (iyak nito habang nakayakap kay Sam)
Quen: Wag ka ng magsalita Sam, dadalin ka namin sa ospital!! (agad naman nyang binuhat si Sam papunta sa sasakyan ng ama ni Sam at agad silang nag punta sa pinakamalapit na ospital)
Devon: Sam, sorry!! Sorry!!! Please wag mo kong iwan Sam!
Thed: Tama na iha, hindi tayo iiwan ni Sam..
Devon: Sorry po tito!
Thed: You have nothing to sorry about!!

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa isang ospital at doon inoperahan si Sam upang matanggal ang bala ng baril sa likod nitomalapit sa balikat. Abot din ang dasal ni Devon matapos malamang marami na ring dugo ang nawala sa kasintahan.

Devon's POV: Lord please iligtas nyo po si Sam, ang lalaking tanging minahal ko. Lord, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawawala sakin si Sam. Si Sam lang ang lalaking pinangarap ko buong buhay ko, sya lang din po ang lalaking nag mahal sakin ng ganito at nag pahalaga sakin ng sobra sobra!! Lord, please wag mo muna syang kunin sakin nagmamakaawa po ako sa inyo. (iyak nito sa Panginoon habang nasa chapel ng ospital)

No comments:

Post a Comment