Thursday, October 13, 2011

Love Conquers All Chapter 35

Ilang araw at halos umabot na din ng linggo ang pagiging busy ni Sam para sa formal proposal nya kay Devon kaya naman naging maikli ang oras nya para sa dalaga at ikinatampo naman ito ng kanyang fiance bilang nasanay na itong mas madalas silang magkasama sa buong araw kesa kasama ang ibang tao.


Devon on the phone with Sam:
Devon: Ok lang! Wag kang mag alala halos araw-araw naman na ganyan na tayo eh, sanay na ko! Sige na ingat ka nalang!
Sam: Galit kaba?!Wag ka ng magalit. Please! Importante kasi toh para sakin.
Devon: At ako hindi?!
Sam: Of course not! You're the most important person in life Devz, you know that. Please wag kang magalit sakin.
Devon: Sige na! Matutulog na lang ako!
Sam: Sunday ngayon Devz, hindi ba kayo lalabas nila Tita K?!
Devon: Hindi! May kanya kanya silang lakad. Sige na! Bye! (then she ends the conversation)

-Sa bahay nila Sam-
Sam's POV: Wag ka namang magalit sakin please! This is for you Honey! (sabay kamot nito sa batok)
Quen: Is it Devon!?
Sam: Ah yeah! She's getting mad at me!
Quen: I know her. Nag seselos lang yun!
Sam: Pero wala naman syang dapat pagselosan ehhh..
Quen: Wala nga pero wala din syang alam na para sa kanya ang ginagawa mo.
Char: Alam mo Sam, intindihin mo na lang din si Devz kasi nga nasanay na rin yung tao na madalas kayong mag kasama kaya naninibago lang yun dahil ilang araw mo na din syang hindi nakakasama ng matagal diba?! Namimiss ka lang nun!
Kyra: Oo nga naman Sam, bakit ikaw hindi mo ba namimiss si Devz?
Sam: Namimiss ko sya pero kailangan kong gawin to para ma perfect ang lahat!
Eunice: Kaya nga iho wag ka ng mag emote dyan at tapusin na natin itong mga toh para at least hindi na lalong mag tampo sayo si Devz.
Sam: Sige, sige! Let's go!

-Sa bahay nila Devon-
Dahil walang kasama si Devon sa bahay nila ngayon wala syang ginawa kundi ikutin ang buong bahay nila. Manuod ng TV, maglakad sa garden, mahiga sa kwarto nya. Sa huli wala pa rin syang malamang gawin kundi mag paikot-ikot.

Devon: Hay naku naman!!! Ano bang gagawin ko naiinip na ko!!!!!!!! Lord tulungan mo ko, ano bang dapat kong gawin?!!! (nasapo na lamang nito ang noo sa pagiging helpless nya dahil hindi nya malaman kung ano nga bang dapat nyang gawin)
Devon: Ahhh.. Hindi ako dapat maburyong dito sa bahay mag isa. Lalabas na lang ako kahit ako lang mag isa. Bahala na kung saan ako mapunta! (at tsaka ito umakyat ng kwarto nya at nagbihis)

Alas kwatro ng hapon ng maisipan ni Devon na lumabas mag isa. Dahil hindi naman maluhong tao si Devon hindi sya nag punta ng mall like what other girls do when they are bored. Nakarating si Devon sa isang park at alam nyang malayo-layo iyon sa kanilang lugar pero inenjoy na lang ni Devon ang park dahil sa maganda ito, maaliwalas at bago sa kanyang paningin. Naupo sa isang bench at doon pinanood nya ang mga batang nag lalaro na masayang-masaya, napapangiti na lang si Devon sa kanyang mga nakikita dahil talaga namang naging refreshing para sa kanya ang hapon na iyon. Ilang oras na rin ang lumipas at lumubog na rin ang araw, ang kaninang mga batang pinapanood nya habang nag lalaro ay unti-unti na ring nawala. Around 6:30pm ng maisipan ni Devon na umuwi na rin dahil ayaw rin naman nyang abutan sya ng paglalim ng gabi sa daan.

Devon's POV: Saan na kaya ako pwedeng sumakay pauwi?! Naku naman Devon bakit ba kasi dito ka pa napunta eh. Hay naku! Huli na para magsisi.

Naglakad-lakad si Devon para maghanap ng sakayan pauwi sa kanila at lingid sa kaalaman nya nung mga oras na yun ay alalang-alala na sa kanya ang mga magulang pati ang kanyang nobyo.

Kazel: Saan na kaya nag punta ang batang yun, hindi naman umaalis yun ng bahay ng hindi man lang mag paalam or mag iwan ng notes.
Sam: Tita K pasensya na po talaga, kasalanan ko po ito.
Kazel: Huwag ka na ngang humingi ng paumanhin dyan Sam, wala ka namang kasalanan.
Sam: Hahanapin ko nalang po si Devon. (at mabilis na lumabas ng bahay nila Devon si Sam para hanapin ang dalaga, napunta sya roon matapos tawagan ni Kazel upang hanapin sa kanya si Devon)
Sam's POV: Saan ka ba nag punta Devz?! (sabi nito sa sarili habang palinga-linga sya daan dahil nagbabakasali syang makasalubong nya ang dalaga)

Umabot na ng dalawang oras si Devon sa paglalakad pero hindi pa rin nya alam kung saan sya makakasakay ng jeep o taxi man lang para makauwi ng bahay nila. Abot na din ang kaba nya dahil habang tumatagal nag didilim nagiging strange na para sa kanya ang lugar na nilalakaran nya, hindi pa din naman nya kabisado ang lugar kaya ganun na lamang ang takot ng dalaga. Ilang segundo, minuto at oras pa ang lumipas hingal kabayo na si Devon sa paglalakad at mas lalo pang nag abot ang kanyang kaba dahil sa pakiramdam nya na para may sumusunod sa kanya. Kahit hingal na ang dalaga hindi sya huminto sa paglalakad at ngayon lakad-takbo na nag ginagawa nya para lang marating na nya ang lugar kung saan dapat sya mapunta upang makauwi ng bahay. Maraming kotse ang nagdadaan at marami ring taxi kaya naman alam ni Devon na hindi sya mapapahamak lalo pa't sa gilid ng kasalda sya nag lakad upang mailigtas nya ang sarili sa tiyak na kapahamakan. Ilang minuto pa ang lumipas may isang sasakyang huminto sa gilid nya at bumusina ito ng pagkalakas-lakas na ikinagulat naman ng dalaga.

Devon: Ay palakang bakla!!
James: What did you say?! (habang nakadungaw ito sa binta ng sasakyan nya)
Devon: James!? Anong ginagawa mo dito?!
James: Ako dapat ang magtanong sa iyo nyan. Get in!
Devon: Sige! Thank you ha. (hindi na sinayang ni Devon ang pagkakataon dahil alam nyang tanging si James na lang ngayon ang pwede nyang hingan ng tulong kahit pa inis sya dito)
James: So, anong ginagawa mo sa lugar na yun?! Hindi mo ba alam na delikado ang mag lakad dun lalo na't gabi?!
Devon: Hindi ko talaga alam! Wala kasi akong magawa kanina at hindi ko nga din alam paano ko napunta dun ehhh..
James: Nag papatawa kaba o nag karoon ka na ang amnesia! Anyway, mag sit belt ka at baka mahuli pa ko dahil sayo! Manahimik ka na lang dyan!
Devon: Ang sungit mo naman! Ahhh teka pwede bang pakitawagan mo si Sam?! Baka kasi nag aalala na sakin yun eh.
James: I don't have his number. Ihahatid na naman na kita eh tsaka ka na lang mag paliwanag sa kanya. (hindi na sumagot si Devon bagkus nanahimik na lang sya, at ilang minuto lang ay nakatulog sya sa kotse habang naglalakbay sila pauwi ni James dahil na rin siguro sa sobrang pagod nito)

No comments:

Post a Comment