Thursday, October 13, 2011

Love Conquers All Chapter 36

Dahil hindi malaman ni James kung saan ba nyang bahay ihahatid ang dalagang natutulog sa kanyang passenger sit napag desisyunan nyang sa bahay na lang nila ito iuwi at bahala na ang kanyang kakabal na si Sam ang mag hatid dito sa bahay nito. Habang nilalakbay nila ang daan pauwi sa kanilang bahay hindi maiwasan ni James na lingunin si Devon habang natutulog ito. At ilang minuto pa ang lumipas narating na nila ang kanilang bahay ginigising nya si Devon ngunit sadya atang napagod ito kaya natagalan sya sa pag gising sa dalaga. Tinitigan nya ito at doon nya nakita ang tunay na ganda ng dalaga.

James POV: Ang swerte naman ni Sam sayo, ang ganda mo. Kaya ka siguro nya nagustuhan, pilik-mata mo pa lang panalo na. Sana nauna na lang akong nakakilala sayo. (yun ang mga katagang gumulo sa isip ni James habang tinititigan nya ang dalaga hindi nya tuloy namalayang nagising na pala ito)
Devon: Saan na tayo?!
James: Andito ka sa bahay namin, hindi ko kasi alam kung saan kita ihahatid kaya dito na kita dinala patatawagan ko na lang si Sam kay Mom para sya na ang maghatid sayo pauwi. (nauutal pang sabi nito dahil sa kaba at tsaka sya bumaba ng kanyang sasakyan at sinundan na din naman sya ni Devon)

Habang nakatayo si Devon sa labas ng bahay nila Sam doon nya napag tanto na ito pala unang beses na mapapasok nya ng bahay ng binata dahil noong nag birthday ito hindi naman sya gaanong inilibot ni Sam sa kanilang bahay.

Devon's POV: Grabe ang laki pala ng bahay nila. (makhang sabi nito sa sarili habang nakatulalang nakatayo at  nilapitan sya ng Mom at Tita ni Sam)
Marie: Devon iha saan ka ba nag punta? Alam mo bang alalang alala na sayo si Sam pati ang mga magulang mo.
Devon: Pasensya na po tita, medyo naligaw lang po kasi ako. Si Sam po ba....
Eunice: Wag ka ng mag-alala tinawagan ko na sya at pauwi na rin sya. Tara muna sa loob, kumain ka na ba?!
Devon: Hindi pa po pero hindi pa naman po ako nagugutom kaya ok lang po. Dito ko na lang po hihintayin si Sam sa garden.
Marie: Hindi pwede iha, parating na rin si Thed at siguradong mapapagalitan kami kapag hindi ka man lang namin pinapasok.
Devon: Ganun po ba sige po. (tsaka sila nag lakad pa punta ng salas at tahimik lang si Devon na sumunod sa dalawa)

Ilang sandali pa dumating na si Sam at agad nitong niyakap si Devon pagkakitang pagkakita pa lang dito. Halata sa mukha ng binata ang sobrang pag-aalala sa dalaga kaya halos hindi na makahinga si Devon sa sobrang higpit ng yakap nito.

Eunice: Sam baka na mamatay si Devon nyan sa sobrang higpit mong yumakap.
Sam: Sorry! (sabay bitaw nito sa dalaga) Saan kaba nag punta?! Pinag-alala mo kami ng sobra!
Devon: Sorry ha. Nainip kasi ko sa bahay kaya lumabas ako tapos napunta ko sa isang park yun nga lang inabutan ako ng gabi sa sobrang pagkaaliw ko sa nakikita ko dun sa park at ayun hindi ko alam kung saan ako sasakay pauwi. Sorry talaga!
Sam: Basta sa susunod wag mo na ulit yun gagawin ha. Alam mo namang hindi mo ganong kabisado tong Manila eh, kahit pa sabihin mong matagal na din kayong nandito.
Marie: Tama na yan iho wag mo ng pagalitan yang fiance mo, ihatid mo na sya sa kanila ng hindi na mag alala pa ang mga magulang nya.
Sam: Mabuti pa nga. Tara na!
Devon: Sige po, thank you po sa inyo. Asan po pala si James para po makapag thank you ako sa kanya?!
Eunice: Wag mo ng alalahanin si James kami ang mag sasabi sa kanya.
Devon: Sige po.
Sam: Aalis na po kami! tell Dad na lang na hindi na po namin sya nahintay.
Marie: Sige don't worry ako ng bahala sa Daddy mo. Drive safe son.
Sam: Yes Mom. (at tuluyan na ngang umalis ang dalawa upang ihatid na si Devon sa kanilang bahay)

-Sa bahay nila Devon-
Kazel: Saan kaba nag puntang bata ka!?Pinag-alala mo kami. Halos malibot na ni Sam lahat ng luagar dito malapit satin kahahanap sayo.
Devon: Sorry na po Mama. (sabay yakap sa ina)
Nico: Sam iho pakisabi na lang sa kakabal mo na salamat. At hindi rin sa ipinagtatabuyan kita. Pero mas mabuti pa sigurong umuwi ka na dahil malaking abala na ang nagawa namin sa iyo. Magpahinga ka na iho.
Sam: Wala po yun tito. Obligasyon ko din pong hanapin ang anak nyo lalo pa't sya ang mapapangasawa ko.
Kazel: Maraming salamat talaga Sam.
Sam: Wala po yun tita K. Sige po mauna na po ako.
Devon: Ihahatid na kita sa gate.
Sam: Sige! Sige po! (pagpapaalam nito sa mga magulang ni Devon)

-Sa labas ng bahay-
Devon: Sam, thank you ha.
Sam: Thank you san?! Eh hindi naman ako ang nakahanap sayo.
Devon: Kahit na! Hindi man ikaw ang nakahanap sakin alam ko naman kung gaano ka nag-alala sakin.Salamat dahil alam kong mahal mo talaga ko.
Sam: Devz, kahit saan ka pa mag punta hahanapin kita, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may nangyaring hindi maganda sayo.
Devon: Walang mangyayaring masama sakin hanggang alam kong nandyan ka sa tabi ko Sam. (at tsaka ito yumakap sa binata)
Sam: Sayo na toh. (sabay abot sa kanyang phone)
Devon: Ayoko nga, sayo yan ehhh..
Sam: Kung anong akin sayo na rin yun! Kaya sayo na toh ng sa susunod na mawala ka madali na kitang makikita dahil makokontak na kita. Kaya sige na sayo na toh pag hindi mo to kinuha mas lalo akong magagalit sayo,
Devon: Oo na sige na. Thank you ha.
Sam: Sige pumasok ka na! (at sabay nyang hinalikan ang dalaga sa pisngi nito) I love you Devz.
Devon: I love you too Sam. Ingat ka sa pag da-drive ha. Ba-bye. (sabay kaway nito sa nobyong pasakay na ng kotse nito)
Devon's POV: I'm so lucky to have you in my life Sam. (sabi nito sa sarili habang pinapanood ang sasakyan ng nobyo na papalayo)

No comments:

Post a Comment