Sunday, April 1, 2012

Love Conquers All Chapter 39

Kinabukasan nga ay nag simula na si Devon mag trabaho sa kumpanya nila Sam at nung umaga ring iyon ay sinundo mismo sya ni Sam sa kanilang tahanan upang sabay na silang pumasok sa opisina. Pag pasok pa lang sa lobby ng kumpanya napansin na agad ni Devon ang pag tingin sa kanya ng ibang empleyado doon mas lalo tuloy syang kinabahan sa mga tingin ng mga empleyado.

Devon: Sam, may mali ba sa suot ko o kaya may dumi ba ko sa mukha?!
Sam: Wala naman, bakit?
Devon: Kasi naman halos lahat sila nakatingin sakin para tuloy ako matutunaw sa mga tingin nila.
Sam: Ha?! (sabay tingin nito sa paligid nila) Oo nga noh! Teka baka maubos ka!! (sabay akbay nito sa dalaga at takip sa mukha nito)
Devon: (tinatanggal yung kamay ni Sam sa mukha nya) Ano ba yang ginagawa mo Sam?! (sabay hampas sa balikat ng huli)
Sam: Sabi mo kasi parang matutunaw ka sa tingin nila kaya tinakpan ko mukha mo baka hindi ka umabot sa araw ng kasal natin! (at tsaka ito ngumisi ng nakakaloko)
Devon: Sira ka talaga!! Halika na nga!! (tsaka ito lumakad muli)

Hindi na lamang ulit pinansin ni Sam at Devon ang ibang empleyadong panay ang tingin sa kanila sa bawat department na nadadaanan nila. Hanggang sa makarating sila sa mismong magiging opisina ni Devon. Sam lead her way hanggang sa makapasok sila sa isang room doon.

Devon: Teka lang Sam, bakit dito mo ko dinala?! Diba dabat sa mga cubicle lang ako!
Sam: Cubicle?! Sa tingin mo ba makakapag trabaho ng maayos ang isang head ng marketing team kaung nasa isang cubicle lang sya?!?
Devon: Anong sabi mo? Head?!! Seryoso ka dyan?!
Sam: Oo naman!! Nabakante tong posisyon na ito 3 weeks after kitang irecommend kay dad. Ayun pumayag naman sya kaya dito ka napunta tsaka nga yung tungkol dun sa alam mo na!! (sabay ngisi nito at taas ng kilay kay Devon)
Devon: Pero hindi ba parang mali naman ata bago lang ako tapos andito na agad ako sa posisyon na ito?!
Sam: Hayaan muna alam naman ng lahat na magiging asawa na kita at magiging part ka na din ng pamilya namin kaya ok lang yan!! (tumingin ito sa kanyang relos) Oh pano iwan na kita dito may gagawin pa kasi ako sa opisina eh kita na lang tayo ng lunch sabay tayo.
Devon: Pero Sam pano ko magpapakilala sa kanila?!
Sam: Ay oo nga pala!! Sige tara sa labas! (at hinila ulit ni Sam si Devon mula sa opisina nito) Hey guys!!Good morning! (masayang bati nito sa mga empleyado sa marketing department) Guys, I would like you to meet my fiancee Devon May Hernandez and she will be your new head. Hope you guys help her to adjust in here and please take good care of her!! 
Devon: (sinisiko si Sam sabay bulong dito) Ano ba yang sinasabi mo dyan!!
Sam: Ipinapakilala lang naman kita! Oh pano kayo nang bahala sa bagong head nyo! Bye guys! (tsaka na toh nag lakad papalayo at wala ng nagawa si Devon kundi harapin ang mga bagong makakasama nya)
Devon: Ahhh.. Hi po sa inyo lahat. Sana magtulungan tayo sa pag tatrabaho! 
Employees: Yes Ma'am!! 
Devon: (nangiti na lang sa pagtawag sa kanya ng Ma'am ng mga kasamahan) Sige salamat! Meron nga pala kong gustong malaman, sino po yung mga humahawak ng papers nung nabakante ang posisyon na ito?!
Gail: Ay! Ako po Ma'am! (sabi ng isang employee)
Devon: Ahh.. Pwede ba tayong mag-usap?!
Gail: Sige po! 
Devon: Sige thank you sa inyo.!Pwede na ulit tayo mag start mag trabaho! Thank you ulit! (tsaka ito tumalikod papasok ng opisina nya kasama si Gail, ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ng may kumatok at mag bukas ng pinto ng opisina ni Devon)
Sam: May nakalimutan ako!
Devon: Ha?! Ano yun?! 
Sam: (biglang hinalikan si Devon sa pisngi) Yun! yun ang nakalimutan ko! Sige ok na!! Good luck sa first day mo! (at umalis na nga ito iniwan si Devong namumula ang pisingi)
Devon: Pa-pasenya kana kay Sam.
Gail: Ok lang po Ma'am!!

After makausap ni Devon si Gail nakakapag adjust-adjust na din sya sa bago nyang environment at agad na nya ding ginawa ang dapat nyang trabahuhin at malaman ang dapat nyang malaman. Ilang oras pa ang lumipas lumabas si Devon ng opisina nya upang kunin kay Gail ang mga pinagawa nya ditong report ng sales at investment na pumasok at lumabas sa kumpanya. 

Devon: Excuse me, Ms. Gail ok na ba yung pinagawa ko?! 
Gail: Ahh yes ma'am. Kaya lang po meron akong isang hindi makuha yung sale at investment po last month lang po na kay Coleen po kasi yun, pag po dumating sya kukunin ko na lang po sa kanya at isusunod sa inyo! 
Devon: Kay Coleen? Bakit nasa kanya?! Tsaka bakit wala pa sya?!
Gail: Hindi ko po alam kung bakit wala pa sya. Yun naman pong papers na wala pa dyan kaya po nasa kanya yun kasi sinabihan ako ni Sir James na si Coleen na daw po ang makikipag usap dun sa taong mag iinvest na yun dahil kilala naman daw po yun ni Coleen kaya po binagay ko na po kay Coleen at wala na po akong nalaman tungkol dun sa investment na yun kasi po si Sir James at Coleen na po ang nag uusap tungkol dun.
Devon: Ah ganun ba?! Sige pag dumating si Coleen paki sabi na lang na hinahanap ko sya at yung report nung sinasabi mong naging investment na yun!
Gail: Sige po Ma'am.!

Nang bumalik si Devon sa kanyang opisina agad itong nag isip kung bakit si James ang nakakaalam ng tungkol sa investment na yun ganung wala namang kinalaman ang trabaho nito sa mga ganung bagay dahil hindi nya iyon sakop. At kung ganun nga alam kaya ni Sam at ng ama nito na pinakikialaman ni James ang tungkol sa mga invest ng ibang tao sa kanilang kumpanya.?! Yung mga tanong na iyon ang umikot sa isipan ni Devon kaya't hindi nya namalayang ala una na pala ng hapon at hindi pa sya nag lalunch. Kung hindi pa dumating si Sam sa kanyang opisina ay hindi na ntio mamamalayan ang kalam ng kanyang sikmura.

Sam: Mukhang busyng busy ka dyan ahhh.. 
Devon: Sam!! Sorry! Kanina ka pa ba dyan! Teka anong oras na ba?!
Sam: Ms. Hernandez ala una na po ng hapon at kanina ko pa po kayo tinetext at tinatawagan hindi po kayo sumasagot, gutom na gutom na ko kahihintay sayo. (tsaka ito sumimangot)
Devon: Naku pasensya na ha. Naka silent kasi yung phone ko eh tsaka may iniisip kasi ako!
Sam: Ano?! Wag muna kasi akong isipin andyan lang naman ako sa 3rd floor pwede ka namang pumunta dun pag namimiss mo ko!
Devon: Sira!! Gutom ka na nga kung anu-ano na sinasabi mo dyan ehhh.. Tara na nga kain na tayo! (at hinila na nya si Sam palabas ng kanyang opisina)

Habang kumakain sila ng lunch sa canteen hindi na napigilan pa ni Devon na mag tanong kay Sam tungkol sa mga bagay na gumugulo sa isipan nya.

Devon: Sam, diba hindi naman under ng department ni James ang marketing??
Sam: Oo bakit??!!
Devon: Edi ibig sabihin wala din syang karapatang mag appoint sa mga tao sa loob ng marketing department??
Sam: Oo! Pero nung nabakante yung posisyon mo noon, si Dad yung nag appoint kay Gail pansamantala para ayusin yung mga papers doon.. Bakit ba??!!
Devon: Ah wala naman, sabi kasi sakin ni Gail kanina meron daw isang client na nag invest ata ang pinahawakan ni James kay Coleen dahil kilala daw yun ni Coleen??
Sam: (tumaas bahagya ang kilay ni Sam sa kanyang narinig) What?? Who??! Bakit parang hindi ko yata alam yang bagay na yan? Though hindi ko under ang marketing department pero dahil tungkol sa investment yan dapat alam ko pa rin. Bakit ganun??!
Devon: Ewan ko!! (sabay kibit balikat nito)
Sam: Itatanong ko na lang kay James mamaya!!
Devon: Huwag!!! (madiing pagtutol nito) 
Sam: Huwag??? Bakit naman??!
Devon: Ahh basta wag muna ngayon!! Promise mo sakin yan!?? Ok??!!
Sam: Pero.... (naputol ang sasabihin nito dahil nag salita nang muli si Devon)
Devon: Basta ipromise mo sakin hindi mo tatanungin si James about sa sinabi ko sayo! (sabay pacute nito sa harap ni Sam)
Sam: Oo na sige na hindi ko na sasabihin kay James wag kana mag pa cute dyan dahil matagal ka ng cute!! (tsaka nito pinisil ang ilong ng dalaga) Kumain ka na nga lang dyan ng makabalik na tayo sa trabaho!.. 

Naubos ang lahat ng oras ni Devon sa pag tingin ng lahat ng files na ibinigay sa kanya ni Gail simula pa kaninang umaga kanina pa nya ito pabalik-balik na tinitignan pero wala man lang syang makitang mali para maging dahilan ng nasabing pagkawala ng ibang sales at investment ng company nila Sam. 

Devon's POV: Kung wala dito ang hinahanap ko. Maaring nasa ibang papeles na hawak ng ibang tao??!! Ay naku Devon wala ka pang pruweba kaya wag ka ngang mambintang. (sabay gusot nito sa kanyang buhok)


Kinabukasan pag pasok ni Devon sa opisina...

Gail: Good morning po Ma'am!! (masayang bati nito sa dalaga)
Devon: Good morning din Ms. Gail...
Coleen: So, totoo pala!! Ikaw na ang bagong head dito?! (taas kilay na singit nito sa usapan ng dalawa)
Devon: Oo Coleen ako nga! Bakit may problema ba?!
Coleen: (tumawa ng nakakaloka) Problema?! Wala naman! (may pag ngising sabi nito)
Devon: Kung wala naman pala edi mabuti! (tatalikod na sana ito ng may maalala sya) Ah Ms. Coleen yun nga palang papels about dun sa investment ni Mr. Yu last two months ago, I think! Pwede ko bang makita?! (nakita ni Devon sa mukha ni Coleen ang pagkabigla at pag-aalala)
Coleen: Ba-bakit??! (nauutal na tanong nito kay Devon)
Devon: Like what you said ako na ang head dito kaya sa pagkakaalam ko pwede kong makita ano mang papeles about sa kumpanya lalo na kung under sya ng Marketing! Yet, kahit two months ago na yung nakalipas about sa investment na yun for sure pwede ko pa din naman makita yun. Right Gail??
Gail: Ahh.. Yes Ma'am kasi pwede nyo pong gamitin yun para makita nyo po yung difference ng ba... (naputol na si Gail sa sasabihin nya dahil biglang nagsalita si Coleen)
Coleen: Oo pwede mo yung makita, dadalhin ko na lang mamaya sa loob ng opis mo!(tatalikod na sana si Coleen ng mag salita ulit si Devon)
Devon: No! I want it now Ms. Garcia! Actually, kahapon pa sana kaya lang hindi ka pumasok kahapon kaya ngayon na lang. Gusto kong makita ang mga papeles na yun about sa investment ni Mr. Yu in 10mins. Thank you! Excuse me! (tsaka na ito tuluyang pumasok ng opisina nya)

Devon's POV: Alam ko may mali!! May mali talaga!! (biglang nag flashback sa kanya ang itsura ni Coleen nung hinihingi nya ang papeles tungkol sa investment ni Mr. Yu)

Nakalipas na ang trenta minutos pero hindi pa din dinadala ni Coleen ang mga papeles sa opisina ni Devon. Lalabas na sana sya para i-check pero biglang dumating si James nang hindi man lang kumatok bago pumasok...

Devon: Hindi ka man lang ba marunong kumatok??
James: Hindi naman ito bahay o kwarto mo para kumatok pa ko!
Devon: At least, just a sign of respect!
James: Whatever!
Devon: So, anong masamang hangin ang nagdala sayo ngayon dito??
James: About Mr. Yu's investments wag mo ng pakialaman yun!
Devon: At bakit naman?!
James: Cause that project is mine!!
Devon: Yours?! Bakit ikaw na ba ngayon ang may-ari ng kumpanya kaya SAYO ang project na yun??! At isa pa, hindi mo naman under ang marketing team diba?!
James: Oo nga!! Pero bilang anak ng may ari ng kumpanya inuutusan kitang wag mong pakialaman ang investment ni Mr. Yu!! (madiing sabi nito sa mataas na boses)
Devon: (hindi na napigilan ni Devon ang sarili kaya nagtaas na din sya ng boses at napatayo sa kanyang kinauupuan) As far as I know ang Daddy mo ang nag lagay sakin sa posisyon na ito at ang suswelduhin ko dito ay sa kanya mang gagaling at hindi sa kanyang ANAK! Isa pa, ginagawa ko lang kung anong trabaho ko! Bakit James?! May itinatago kaba, kayo ni Coleen tungkol sa investment ni Mr. Yu na yun?! (taas kilay na sabi nito kay James)
James: Wala! Pe.. (hindi na nya naituloy dahil pinutol na sya ni Devon)
Devon: Kung ganung wala naman pala kayong itinatago bakit hindi nyo sakin ipakita ang papeles, or kung gusto mo kay Sam mo na lang ipaalam, siguro nga ako walang karapatan pero si Sam bilang anak din ng CEO malamang mag karapatan syang malaman ang tungkol dun sa investment ni Mr. Yu. Tama ba?!
James: Wag mong ipasok ang magaling mong fiancee sa usapan, dahil una sa lahat hindi nya hawak ang marketing department at wala syang pakialam sa mga investment ng ibang tao sa kumpanya.
Devon: Parang ikaw lang James, wala ka rin namang karapatang pakialaman ang investments dito sa kumpanya diba?! (pambabara nito kay James)
-Ilang segundo ring natahimik si James sa sinabi ni Devon kaya binasag na ni Devon ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.-
Devon: Kung wala ka nang sasabihin pwede ka ng umalis!!
James: (palabas na ng pinto ng opisina ni Devon) Binabalaan kita Devon, wag mong pakialaman ang tungkol sa investment ni Mr. Yu sa kumpanyang ito kung gusto mo pang maging Mrs. Samuel Lopez!! (matapos nun ay tuluyan na ngang lumabas ng opisina ni Devon si James)
-Matapos ang sagutan ni James at Devon hindi na nawala sa isip nito ang pababantang sinabi ni James sa kanya, ngayon mas lalong gumulo ang lahat para sa kanya. Mas maraming tanong ang umikot sa kanyang isipan. Ano nga bang meron sa investment ni Mr. Yu na iyon?!-

No comments:

Post a Comment