Thursday, April 12, 2012

Love Conquers All Chapter ENDING

------tunog ng kampana-------

Devon's POV:

Sabi nga nila kahit gaano pa kahaba ang prosisyon sa simbahan din naman ang tuloy...
Hindi ko alam kung bakit ako nandito ngayon nag lalakad sa gitna ng isle ng simbahan na ito, ni minsan hindi ko naman pinangarap na makasal pero mas hindi ko inakalang may isang lalaking mamahalin ako kahit pa para kaming langit at lupa. Langit sya na pinapangarap ng maraming babae, isang lalaking papangarapin ng maraming lalaking makasama nila sa kanilang pagtanda, hindi ko alam kung anong meron sakin na nakita nya at ako ang pakakasalan nya. Pero pagkatapos ng araw na ito apelido na rin nya ang gagamitin ko, hindi ko alam pero unti-unti ng tumutulo ang luha ko, nasa gitna pa lang ako ng isle pero iyak na ng iyak tong mata ko. Ganito ang pakiramdam ng isang babaeng ikinakasal sa taong una at huli nyang mamahalin. Salamat sa Panginoon at binigyan nya ng pangalawang buhay ang lalaking magiging kabiyak ng puso ko, makakasama sa pag tanda ko at lalaking magiging ama ng mga anak ko. Lord, salamat sa buhay ng lalaking kasama kong haharap sa inyo sa altar. Thank you Lord for giving us strength to conquer all the battles na gumitna sa pagmamahalan naming dalawa, salamat at pinatatag ng mga problemang iyon ang pagsasama namin dalawa. Bukas, pagkatapos ng lahat ng ito hindi na lamang sarili ko ang iisipin ko, dahil mayroong isang lalaki na ang kailangan kong isaalang-alang at ang magiging pamilyang bubuuin namin sila ang magiging buhay ko. Pero kahit kailan hindi ko makakalimutan ang mga taong nag bigay ng buhay sakin na kung hindi dahil sa kanila wala rin ako ngayon dito, Lord thank you sa pamilya ko at sa pamilya ni Sam. Lord, keep them safe. Lord, may you bless me and my husband Samuel Lopez para sa bagong buhay na papasukin namin ng magkasama.

--------Devon and Sam on the altar... (ceremony)-----------

Author's note: Hindi ko alam kung ano yung mga sinasabi pag kinakasal ehh, pasensya na ha, gawa-gawa ko na lang toh talaga!! Lol :P

Father: You, Devon Mae Hernandez will you take Samuel Lopez to be your husband, to be the man who will be part of yours?!
Devon: Yes, I do. (sabay tingin nito kay Sam ng may ngiti sa mga labi)
Father: You, Samuel Lopez will you take Devon Mae Hernandez to be your wife, to be the woman who will be part of your?!
Sam: Yes father, I do.!

Sam's POV:

Yes!!! Kasal na kami!! Kasal na kami ng unang babaeng minahal ko ng ganito ang sarap sa pakiramdam.! Ngayon meron na kong misis!! Magkaka pamilya na ko!! Thank you Lord for giving me Devon, the woman that I dream't of!! Now she's with me hinding hindi ko hahayaang mawala pa sya sakin Lord.!

-----Sam and Devon exchanging messages for each other.. (Someone by Sam Concepcion playing at the background)------

Devon: Sam...(choking because of tears) Salamat!! Salamat sa pagmamahal na ibinigay mo sakin at sa pamilya ko. Salamat sa pag respeto at pag-aalaga, marami tayong pinagdaanan bago makarating dito pero hindi ka huminto sa paglaban para sa pagmamahal mo sakin, ni minsan hindi mo hinayaang mawala ako sayo, salamat!! (at tsaka ito humikbi) Alam kong hindi ako ang perpektong babaeng hinahanap ng ibang lalaki, pero ikaw pinatunayan mong hindi ko kailangang maging perpekto para sa pagmamahal mo. Wala akong ibang gustong sabihin sayo kundi salamat, salamat sa buong pusong pagmamahal mo sakin. Bukas ikaw at ako ang magkasamang lalaban sa lahat ng pagsubok ng buhay, ikaw ang lalaking makakasama kong mangarap para sa darating na mga araw, ipinapangakong hindi ako bibitaw sa iyong kamay hanggang makarating tayo sa finish line. Samalat Sam, salamat ng marami!! Mahal kita, at kahit kailan ikaw lang ang lalaking mamahalin ko.. (tsaka ito ngumiti ng matamis sa asawa)

Sam: Devon, my wife.. Thank you!! Thank you din sa pagmamahal mo sakin, alam ko ding hindi ako perpekto pero masaya kong kahit ganun pa minahal mo pa din ako. Ikaw at ang pamilya mo ang unang nag paramdam sakin ng ibig sabihin ng tunay na pagmamahal, ikaw din ang dahilan para maintindihan ko ang ama ko, salamat sa pagtanggap mo sakin sa kabila ng lahat ng nangyari. I know you know how much I love you, but here I am in front you, in front of you family and my family, Devon, I am promising nothing to you but happiness, ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama saking pag tanda ang babaeng gusto kong maging ina ng mga anak at ang babaeng gusto kong gumamit ng pangalan ko. I love you Devon Mae Hernandez at hindi ako magsasawang sabihin yan kahit araw-araw pa. (at tsaka nito hinalikan ang kamay ng asawa)

Father: And now, I pronounce you husband and wife!! (at nag palakpakan naman ang mga audience) Mr. Lopez you can now kiss your wife..

Hinalikan nga ni Sam si Devon at tsaka nag yakap ang dalawa at nagpalakpakan naman ang kanilang mga audience at isa-isa nang lumapit ang kanilang mga pamilya at kaibigan...

Thed: Congratulations to the both of you, Sam, alagaan mo ang asawa mo!
Sam: I will Dad..
Nico: Wag mong sasaktan ang baby namin kundi babawiin ko sayo ang anak ko!!
Quen: Tito, ako na lang po ang babawi kay Bes pag sinaktan at pinaiyak sya ni Sam.
Sam: I won't let that happen bro!!
Char: Picture taking na!!!
Joe: Oo nga bilis pose na at ng makapunta na tayo ng reception gutom na ko!! (sabay tawa ng mga tao sa paligid)

Natapos na nga ang mahabang paglalakbay ni Sam at Devon para maging isa ang kanilang buhay bilang mag-asawa. Ngayon marami nang magbabago at ngayon hindi lang ang mga sarili nila ang kailangan nilang isipin dahil ngayon kailangan na nilang isaalang-alang ang kapakanan ng bawat isa.Kahit kailan hindi natatapos ang kwento ng buhay sa ikaw lang dahil in one way or another maraming taong darating sa buhay ng bawat isa atin magbibigay ngiti, kasiyahan at katuwaan, pero meron din namang mga taong nakalaan para saktan at paiyakin tayo pero sa huli ang mas mahalaga pa rin ay kung sino nga bang maninindigan at lalaban para sa taong mahal nila. Ang pagmamahal na dapat ay unang nabubuo sa loob ng tahanan minsan mauuna pa nating makita at maramdaman sa iba, pero minsan isipin din natin kung meron na nga din ba tayong nagawang paraan para maging masaya ang pamilyang inaalagaan natin, minsan kailangang malaman din natin ang mga kulang at sobra upang makamtan natin ang tunay na pagmamahal. Afterall, hindi lang ang buhay mo ang mahalaga dahil maging buhay ng mga taong nasa paligid mo ay mahalaga rin. :)


--------------------------------2 years later--------------------------

Devon: Sam!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Ayoko na!!!!!!!!!!!!!!!!
Sam: Hon, konting tiis na lang malapit na!!!!!!!!!!!!
Devon: Pagkatapos nito ayoko na talaga!!!!!!!!!!!Hindi na talaga ko uulit!!!!!!!!!!
Sam: Devz, naman wag kang ganyan nakakaisa pa lang tayo ayaw mo na agad!!!
Devon: Sige ikaw na lang ang mag buntis at manganak!!!!! Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!
Doctor: Sige misis isang malakas na ire na lang at lalabas na ang anak ninyo!!
Devon: Huh-Huh!!! Sam, lagot ka talaga sakin pagkatapos ko dito!! Ikaw ang mag-alaga sa anak mo!!!
Sam: Oo sige dalawa ko kayong aalagaan!! Please baby lumabas kana at wag mo ng pahirapan si Mommy anak!! (habang hinahaplos nito ang tyan ni Devon)
Doctor: Sige na misis ire na!!
Devon: Ahhhhhhhhhhh.. (ireng malakas at lumabas na nga ang anak nila)
Doctor: Ayan na ang baby nyo!! It's a boy!!
Sam: Yes!!!!!!!! (at inabot ang anak mula sa nurse at hinarap kay Devon) Hon, tignan mo ang pogi ng anak natin kamukha ko!! (nakangiting sabi nito)
Devon: Hello anak ko!! Lawrence!!
Sam: Lawrence??!!
Devon: Oo Lawrence ang gusto kong ipangalan sa kanya! (nakangiting sabi nito habang hinahawakan ang kamay ng anak)
Sam: Pero Von ang gusto ko!!
Devon: Edi Von Lawrence Lopez ang ipangalan natin!!
Sam: Sige pwede!! (nakangiting sabi nito at ibinigay na ang anak sa nurse ulit para linisin ito)

----------On Devon's room-------

Nurse: Eto na po ang baby boy nyo!! (nakangiting sabi nito)
Sam: Ayan na ang anak ko!! Baby!! (sabay kuha nito sa anak) Thank you Nurse! (at lumabas na ang nurse)
Devon: Pakarga naman sa baby ko!! (at inabot naman sa kanya ni Sam ang anak nila) Ang pogi naman ng baby boy ko... Baby, mommy loves you so much!
Sam: (nakatitig sa mag ina) Devon, salamat!!
Devon: Hah??! Para san?!
Sam: Sa buhay mo at buhay ng anak ko!! Ngayon pwede ko na talagang masabi na buo na ang pamilya ko!! (tsaka nito niyakap ang mag ina nya, nasa ganoong posisyon sila ng biglang dumating ang mga kaibigan at magulang nila)
Daiane: Asan na ang pamangkin ko!!???
Thed: Mamaya kana lolo muna!!
Nico: Lolo muna, ako muna!!
Thed: Teka Nico, ako muna!!
Kazel: Oh mag aaway pa kayo mailaglag nyo ang apo namin ni Marie!
Marie: Pag nalaglag nyo yang apo namin lagot talaga kayo samin!!
Girlie: Magiging under de kulambo kayo pag nasaktan nyo si baby Von Lawrence!! (at nag tawanan naman ang lahat)

Days, weeks and months past by at nabingyagan na din si Baby Von Lawrence Lopez one day at the church...

Sam: Dito sa simbahan na ito ko binuo ang pangarap na ngayong nakamtan ko na!! And I am very thankful dahil tinupad ng Panginoon ang mga pangarap na binuo ko..
Devon: Ako rin, at hindi ko inakalang ganito pala kasaya pag natutupad mo ang mga pangarap mong akala mo nung una ay imposible. Ang sarap sa pakiramdam!!
Sam: And I can't explain how happy I am hugging you at this moment, you and our son is my life!! (sabay halik nito sa noo ng asawa)

At hawak kamay na nilisan nila ang simbahan kasama ang anak, na may mga ngiti sa labi na kahit gaano kalaking pera ay hindi nito kayang tumbasan...........

---------------------------------THE END------------------------

Note: Sorry guys kung di ganon kaganda ending ko ha.. wala na kasi kong time na marami para mag isip ehhh... hahaha... actually lahat naman ng sinusulat ko on the spot lang pag may maisip type at publish na agad..hehehe... Anyways, salamat sa inyong lahat sa pag basa ng ff ko!!Sana pag sumulat ulit ako ng bago subaybayan nyo pa rin!! Love you guys!! Thank you ulit....

No comments:

Post a Comment