Sunday, August 28, 2011

Love Conquers All Chapter 2


Chapter 2: New Environment and New Life….

Dahil sa trabaho ng ama ni Devon bilang isang professor ay nakatanggap ito ng magandang offer sa kamaynilaan ng isang trabaho sa isang university.
Girlie: Pa, kailangan pa po ba talaga nating lumipat sa Manila?
Kazel: Oo nga naman, hindi ba pwedeng dumito na lang tayo?
Catherine: Tsaka Pa, pag lumipat po tayo paano na yung pag-aaral naming ni Devon dito?
Nico: Pwede naman kayong mag transfer dun sa university na papasukan ko eh.
Girlie: Parang mahirap ata Pa, para kay Devon kasi po diba she’s running for Cumlaude?
Nico: Baka i-consider naman nila yun. Tsaka ayaw nyo bay un mas magandang university ang papasukan nyo?
Devon: Papa, wala naman po yun sa ganda o sa kasikatan ng unibersidad eh, oo nga’t maganda kundi naman kasingaling nyo ang professor dun edi non-sense lang din po. Tsaka maganda nga yung university doon kung di naman pinapahalagahan ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral edi wala din po. Diba?!
Catherine: Korak ka dyan kapatid!! (sabay high-five ng dalawa)
Girlie: Papayag kabang lumipat Devon, kahit pa pangarap mong grumaduate ng isang Cumlaude, baka kasi pagdating doon hindi nila i-consider yun?!
Devon: Ok lang sakin yun. Basta para kay Papa. Ok lang!! (sabay yakap nito sa ama)
Nico: Salamat anak! (at hinalikan nito ang noo ng anak)
Kazel: Pero kung gusto mo talaga sa Maynila na mag-trabaho, edi sige susuportahan ka naming dyan, diba mga anak?!
Girlie: Ok lang po sakin madali lang naman siguro maghanap ng trabaho doon eh.
Catherine: Pero… (hindi nya natapos ang sasabihin ng mag-salita si Devon)
Devon: Ok lang po sakin, madali kang naman siguro mag transfer dun. Bahala nap o, basta po talaga para sa inyo Papa lahat ok lang.  
Nico: Ikaw Catherine ok lang ba sa iyo?!
Catherine: Pero po kasi….
Kazel: Ano ba yun Catherine?
Catherine: Pero po kasi….. Kailan po ba tayo lilipat at saan tayo titira?
Nico: Huwag na kayong mag alala dahil may lilipat na tayo at sa sembreak after this sem tayo lilipat.
Girlie: Ikaw naman akala ko na kung ano na sasabihin mo! Akala ko hindi ka papaya eh.
Catherine: Ako hindi papayag?! Imposible naman yun, tagal ko na kayang gusting pumunta ng Manila.
Devon: Pareho tayo ate!! So, Papa saan po tayo titira doon?
Nico: Doon tayo titira sa bahay ng tito Sonny nyo kasi aalis na sila papuntang America ng pamilya nya at nung nalaman nyang may offer saking trabaho doon sa Manila, pinaubaya nya ang kanilang bahay para sa atin, kaysa daw ibenta nila.
Kazel: Edi ibig sabihin doon tayo sa subdivision nila titira?
 Nico: Ganoon na nga! Ok lang naman yun diba?!
Devon: Ok na ok po yun pa!! (may excitement sa tinig ng dalaga)
Girlie: Excited lang sis?!
Catherine: Bakit ikaw hindi?!
Girlie: Excited din syempre.
Catherine: Tamo na!!
Devon: Tara na!!
Girlie: Saan?!
Devon: Sa kwarto at makapag empake na!!
Kazel: Anak ang tagal pa ng dalawang buwan bago tayo lilipat!
Catherine: Para sure na walang maiiwanan Ma.
Devon: Tumpak ka dyan! Kaya let’s go!! (at tumakbo na siya papunta ng kanilang kwarto)
Girlie: Excited much?!
Nico: Hayaan mo na sila mga nag-aalala yan sa kanilang pag-aaral eh.. (nag tawanan naman silang tatlo sa naging aksyon ng dalawa)
Mabilis lang lumipas ang dalawang buwan at mabilis lang din naman naiayos ni Catherine at Devon ang mga kakailanganin nila sa kanilang pag tatransfer kaya naman ilang araw na lang pwede na silang lumipat ng Manila at sa mga natitirang araw nila wala na silang ibang ginawa kundi mag empake ng mga gamit nila, dahil hindi din naman madadala ng tito Sonny nila ang mga gamit nila sa bahay hindi na rin nila dinala ang gamit pambahay nila, tanging mga damit at mga importanteng papeles na lang ang dinala nila. Hanggang dumating ang araw ng paglipat nila sa Manila at wala na din doon sa bahay ang pamilya ng tito Sonny nila, dahil noong isang lingo pa umalis ang mga ito. Kaya pagdating nila sa bahay tanging mga katulong na lang ang inabutan nila doon.
Manang Rosa: Sir Nico?!
Nico: Hi manang Rosa!
Devon: Manang Rosa…! (sabay yakap nito sa matandang katulong)
Manang Rosa: Aba! Ang Devon ko! Ikaw na bay an?! Dalagang dalaga ka na ha.
Devon: Syempre naman po! Namiss kop o kayo, kaya lang po baka eto na rin ang huling pagkikita natin. (nakangusong saad nito habang nakayakap pa din sa matanda)
Manang Rosa: At sino naman ang may sabi sa iyo nyan?!
Kazel: Bakit po Manang Rosa, ano pong ibig nyong sabihin?
Manang Rosa: Dahil itinuring ko na itong aking pangalawang tahanan nakiusap ako kay Sir Sonny na kung pwedeng dumito na lang ako at pagsisilbihan kayo.
Nico: Pero manang Rosa wala po kaming ipasusweldo sa inyo.
Manang Rosa: Wala naman kayong dapat ipag-alala doon dahil ang sabi sa akin ni Sonny ay sya pa rind aw ang magpapasahod sa akin wag lang ako umalis dito.
Devon: Talaga po?! Ang bait talaga ng tito Sonny.
Girlie: Pero nakakahiya po!!
Manang Rosa: Wag na kayong mahiya dahil napag-usapan na naming ito, at wala na kayong magagawa kundi tanggapin. (sabay tawa ng matandang katulong)
Nico: Tatawagan ko na lang si Sonny mamaya ng makapag pasalamat.
Manang Rosa: Oh sya ilagay nyo na yang mga gamit nyo sa kwarto at pagkatapos ay bumaba na kayo ng makakain na kayo ng tanghalian.
Catherine: Pwede po bang gamitin lahat ng kwarto ditto sa bahay?!
Manang Rosa: Yun ang bilin ng Tito Sonny nyo, ang ipagamit lahat ng kwaryo dito sa bahay.
Devon: Hay! Salamat naman po at hindi ko na makakatabi ang babaeng malakas humilik! (sabay takbo nito paakyat ng kwarto at may pahabol pang sigaw) Akin ang gitna hah..!!
Girlie: Hay!! Babae ka!! Bumalik ka nga dito sino malakas humilik!?
Catherine: Nag tanong ka pa!! Sino pa nga ba?! Eh wala naming iba yun kundi ikaw!!
Girlie: Isa ka pa!! kayo naman ke lilikot nyo mag si tulog!!
Catherine: Ok lang!Kesa naman sa yo lakas mo humilik! (sabay tawa nito ng malakas at akma naman syang papaluin ng kapatid kaya mabilis na itong tumakbo paakyat ng kwarto)
Kazel: Tumigil nga kayo dyan!!
Nico: Hayaan mo na yang mga anak mo, hindi ka na nasanay sa mga iyan! Tara na’t mag ayos na din tayo ng gamit natin at ng makakain na tayo!
Kazel: Sige tara na!! Bitbitin mo na yang mga yan!! (at tuluyan na silang umakyat ng kwarto nila)
Nico: Gawin daw ba kong katulong?!
Bandang alas dose y media, isa-isa silang kinatok ni Manang Rosa para ayaing kumain. At sabay-sabay naman silang nag labasan ng kanikanilang mga bagong kwarto.
Devon: Nanay Rosa, hindi nyo naman po kami kailangang asikasuhin isa-isa.
Kazel: Oo nga naman po Manang Rosa, hindi naman ho kami ang nagpapasweldo sa inyo.
Manang Rosa: Naku! Ito naming mga ito wag nyo nga akong utusang huwag kayong asikasuhin, hindi man kayo ang nag papasweldo sa akin kung masaya naman ako sa aking ginagawa ayos lang iyon ano?!!
 Catherine: Pero Manang hindi nyo po kailangang magpakapagod para lang sa amin.
Manang Rosa: Oo na nga sige na!! Mukang mas matitigas ang ulo ng mga bago kong amo. Mukang mahihirapan ako! (sabay tawa ng matanda)
Devon: Kayo talaga nanay Rosa! Tara na nga po, kain na tayo miss ko na po ang masarap nyong luto eh.. (sabay akbay sa matanda)
Manang Rosa: Oh sya sige tara na kayo!!

Sabay-sabay na silang kumain at pati si Manang Rosa ay kasabay din nila sa pagkain. At pagkatapos noon ay  mag hapon lang silang nasa bahay at nag aayos ng kani-kaniyang mga gamit nila. Bandang alas kwatro ng hapon naisipan ni Devon na lumabas para magpahangin. Tahimik lang sa lugar nila palibhasa kasi isa itong subdivision. Lumabas sya hanggang gate nila at habang nakatayo sa gate may isang lalaking lumapit sa kanya.

Guy: Hi miss... (may ngiting sabi nito sa kanya)
Devon: (hindi pinansin ang lalaki at papasok na sana sya ng biglang lumabas si Manang Rosa upang magtapon ng basura)
Manang Rosa: Oh Devon nandito ka pala sa labas, at papasok ka na ba nyan?
Devon: Hindi pa po sana kaya lang... (sabay tingin nito sa lalaking kumausap sa kanya kanina)
Guy: Nanay Rosa, kamusta po.? Sila na po ba ang bagong nakatira dyan?
Manang Rosa: Oo iho!!
Guy: Mukha pong masungit. (bulong nito sa matanda)
Manang Rosa: Ano ka ba naman, hindi yan masungit syempre bagong lipat lang sila dito kaya naman hindi pa sya gaanong nasasanay.
Guy: Sabagay may point naman po kayo dyan Nanay Rosa.
Manang Rosa: Halika at ipakikilala ko sya sa iyo. Devon, iha ito si Quen nakatira sya dyan sa tapat (sabay turo sa isang malaking bahay) at kaibigan din sya ng mga ate Dhemy mo, matagal ko na rin syang kilala at napakabait ng batang ito kaya wala kang dapat ikabahala sa kanya.
Quen: Hi ulit, Devon?! (sabay abot nya ng kamay sa dalaga upang makipag shakehands)
Devon: Hello. (at kinuha naman nya ang kamay ng binata) Pasensya ka na kanina hindi kita pinansin.
Quen: Ok lang yun. So, pwede na tayong maging magkaibigan ngayon?!
Devon: Oo naman. Pero sa susunod na lang ulit tayo mag kwentuhan ha, may gagawin pa kasi ko tsaka kailangan ko pa kasing asikasuhin yung mga dadalin ko bukas para sa pag tatransfer namin ng ate ko sa bagong university na papasukan namin. Sige maiwan na kita. 
Quen: Ah ganun ba?! Sige! Teka, sang school ka nga pala papasok?
Devon: Sa Bubbles University. Sige pasok na ko! (hindi na nya hinintay na mag salita pa ulit si Quen at tuluyan na syang pumasok sa loob)

Kinabukasan maagang umalis sina Devon at Catherine para maayos na nila ang pag tatransfer nila. Silang dalawa lang ang umalis kaya medyo nnaninibago pa silang dalawa at hindi din alam ang gagawin at kung saan nila pupuntahan ang Administration office kaya naman nagtanong-tanong na sila bago pa sila maligaw sa loob ng campus dahil sa laki nito.

Catherine: Excuse me miss!
Girl1: Yes? Why?
Devon: Pwede po bang magtanong?!
Girl2: Bago kayo dito noh?!
Catherine: Ah oo..
Girl1: So, ano ba yung kailangan nyo?
Devon: Hinahanap kasi namin yung admin office san ba namin makikita yun?
Girl1: Ah yun ba?! Dun din kami pupunta, kung gusto nyo sumabay na lang kayo samin.
Catherine: Ah ganun ba?! Sige sabay na kami sa inyo.\
Girl2: So, tara na?! (sabay-sabay na nga silang nag lakad papunta ng admin office) 

Nasa gitna na sila ng hallway ng may dalawang lalaki at isang babae ang lumapit sa kanila at kilala pala ito ng dalawang babaeng napag tanungan nila kanina, pero mas nagulat si Devon ng makita nya ang lalaking nakilala nya kahapon sa subdivision nila.

Devon: Quen?
Quen: Devon! Nice to see you here!
Devon: Hindi mo naman sinabi sakin dito ka pala nag aaral. 
Catherine: Teka Devz, kilala mo ba sya?!
Devon: Oo ate, kapit bahay natin sya. Nga pala Quen ate ko si ate Catherine.
Quen: Hello po! (sabay abot nito ng kamay sa kapatid ni Devon)
Catherine: Hi neighbor! (nakangiting bati nito sa bagong kakilala at nakipag shake-hands din sya dito)
Quen: (bumaling kay Devon) About nga pala dun sa tanong mo. Hindi mo kasi ko hinintay na sumagot kahapon eh, iniwan ko agad ako.
Devon: Ay oo nga pala!! Pasensya na ha. (nakangiting sabi nito)
Guy: Pre, baka naman pwedeng ipakilala mo rin ako dyan sa mga kapitbahay mo.
Quen: Ahh.. Nga pala, mga kaibigan ko dito sa university, at pwedeng pwede nyo din silang maging mga kaibigan. Eto si ate Shey, Char, Kyra at Joe.
Devon: Hello po sa inyo. Ako pala si Devon at eto naman ang ate Catherine ko!
Catherine: Hello sa inyo, nice meeting you guys!
Char: Nice meeting you din. Pero mamaya na lang tayo mag chismisan baka kasi abutan tayo ng lunch gabihin pa tayo sa pag-eenrol.
Shey: Oo nga!! Tara na!!
Joe: Lezzgo!

Naghiwahiwalay na silang sandali pero si Quen at Kyra sinamahan na sila Devon at Catherine sa admin office. Agad naman na na process ang mga papers for transferee  nila Devon at Catherine kaya hindi rin sila gaanong nag tagal. Dumiretcho sila ng cafeteria malapit sa school matapos nilang makapag enrol pare-pareho, doon sa cafeteriang iyon madalas tumambay ang barkada nila Quen. Pagdating nila sa cafeteria andun na sila Joe, Shey at Char.

Joe: Kamusta?! Natapos nyo ba?1
Devon: Oo, nakapag enrol na din kami ni ate.
Char: That's good! Ano nga ba ulit ang course nyo?!
Catherine: Computer Engineering ako!
Devon: Ako naman business management.
Quen: Talaga?! Parehas pala tayo ng course, tapos pareho pa taong 3rd year na. Sana maging magkaklase tayo.
Devon: Oo nga ng may kakilala ako!
Catherine: Kayo anong course nyo?
Shey: About fashion designing ang tinetake ko!
Char: Ako naman Med-tech.
Kyra: Tourism ako!
Joe: HRM naman ang akin!! Bagay sakin diba?! (nagtawanan naman sila sa sinabi ni Joe)
Catherine: Wala pala akong makakasama.
Joe: Ok lang yun noh! Gusto mo samahan kita araw-araw eh..
Catherine: Sira!! Pero teka lang lang ha, ayoko kasing ma misinterpret nyo kami ni Devon at iexpect nyo samin ni DEvon ang mali.
Shey: What do you mean?
Devon: Ang ibig sabihin lang ni ate, hindi nyo kami katulad, hindi kami mayaman katulad nyo, andito lang kamii dahil sa Papa namin.
Char: Teka! Eh diba dun kayo nakatira sa subdivision nila Quen?!
Devon: Oo, pero hindi sa amin yung bahay na yun, nakikitira lang kami sa tyuhin namin.
Shey: Di ko magets! Can you please elaborate?
Devon: Ganito kasi yun, taga Cebu talaga kami napunta lang kami dito dahil kay Papa, nakatanggap kasi sya ng offer namagturo dito sa university nyo, kaya kami nalipat dito. At kaya naman kami napunta sa subdivision na yun dahil sa Tito Sonny namin, nag migrate na kasi sila ng pamilya nya sa America at iniwan samin yung bahay nila para may matirahan kami.
Char: Ahhh.. Ok!! Anyway, it's not a big deal naman kung hindi kayo mayaman or what, at least mga totoong tao kayo! No pretension!
Quen: Korak ka dyan Char! Kaya love kita eh..
Char: Matagal ko ng alam yan kaya wag muna ko bolahin. (nag tawanan naman silang lahat sa sinabi ni Char)

Matagal din silang nag kwentuhan at hindi nila namalayang nag aagaw na pala ang liwanag at dilim sa labas ng cafeteria. Nagkatinginan naman ang mag kapatid at nag sesenyasan ang dalawa dahil hindi nila alam kung anong gagawin dahil nag aalala sila na baka hinahanap na sila ng mga magulang. Napansin naman ni Quen na natahimik ang magkapatid.

Quen: may problema ba?
Devon: Ah kasi nag-aalala lang kami na baka hinahanap na kami sa bahay.
Kyra: Mag text na lang kayo para malaman nila.
Catherine: Wala kasi kaming phone eh..
Joe: Hindi problema yan. Eto oh, tawagan nyo na mga magulang nyo para di na sila mag-alala sa inyo. (sabay abot nito ng kanyang cellphone)
Catherine: Thanks Joe!

Mabilis tinawagan ni Devon ang ama upang ipaalam na ok lang sila ng ate nya at pauwi na rin silang dalawa.

Devon: Eto na Joe, thanks ha. (binalik na nya ang cellphone ni Joe) Sabi ni Mama umuwi na daw tayo.
Catherine: Sige guys ha, mauna na kami sa inyo. Salamat sa pag sama nyo sa amin ha.
Devon: Oo nga! Thank you talaga sa inyo ha. Kita kits na lang ulit tayo next week.
Quen: Uuwi na rin ako, sumabay na kayo sa akin.
Devon: Huwag na mag cocomute na lang kami ni ate.
Shey: Naku! Sumabay na kayo kay Quen noh. Baka mapano pa kayong dalawa dami pa namang loko loko dyan sa may sakayan.
Char: Oo nga, sumabay na kayo sa kanya same way lang naman kayo eh.
Devon: Ok lang ba talaga kung sumabay kami sa iyo?
Quen: Oo naman noh, mag-ooffer ba ko kung hind?!
Catherine: Sige sasabay na kami sa iyo. Thanks ha.
Quen: Pano guys, una na kami sa inyo. 
Joe: Sige pre! Ingat kayo ha. See yah soon!!
Kyra: Babye!! Ingat kayo!!

Umalis na silang tatlo at tulad nga ng napag usapan sumabay ang magkapatid kay Quen. Sa passenger seat nakaupo si Devon habang ang ate naman nya ay sa likod. Hindi matapos tapos ang kwentuhan nila na para bang matagal na silang magkakakilala hanggang makarating sila ng kanilang bahay.

Devon: Thanks ulit Quen.
Quen: Anytime!
Catherine: Thanks! Sige ingat ka ha. 
Quen: Ingat din kayo! Pasok na! Good night sa inyo. 
Devon: Good night din sayo!! (pumasok na sila ng ate nya at umalis na din si Quen pauwi ng kanilang bahay)

Pag pasok nila ng bahay nakaupo sa sala ang mama at ate Girlie nila habang masayang nanonood ng tv. Tinabihan nila ang mga ito at abot sa kwentuhan ang nangyari sa kanila hanggan dinalaw na ng antok ang dalawa dahil na rin sa sobrang pagod ng mga ito. 

Devon: Mama, mauna na po ako sa inyong matulog ha inaantok na po kasi ako eh.
Catherine: Ako din po! Good night. (sabay halik nito sa ina at sa ate Girlie nya)
Kazel: Mag linis muna kayo ng katawan ha bago kayo matulog!
Catherine: Opo mama!! (nauna na itong umakyat kaysa kay Devon)
Devon: (humalik na rin sya sa ina at sa ate Girlie nya nang maalala nya ang Papa nya) Asan nga po pala si Papa?!
Kazel: Nasa minilibrary nya. Huwag mo ng istorbohin at may ginagawa kasi sya, ako na lang ang bahalang mag sabi sa kanya.
Devon: Ok po! Akyat na po ako. Good night Ma, good night ate! (umakyat na rin sya ng kwarto nya)

Matapos mag linis ni Devon ng katawan nahiga na sya ng kama nya at masaya syang nakatulog sa kanyang kama.

No comments:

Post a Comment