Friday, September 2, 2011

Love Conquers All Chapter 16

Another Sunday came in at syempre ang araw na yun ay wala ng iba kundi family day. Maaga nagising sila Devon para sa first mass na aatenan nila. Pero sa aga nila may mas maaga ba yatang isang taong hindi nila inaasahan.

(dingdong)
Kazel: Aba! Sino naman kaya yan?! Ang aga ha?!
Nico: Baka naman si Enrique yan.
Devon: Si Quen?! Wala naman po syang sinabi na pupunta sya ngayon eh.
(dingdong)
Girlie: Teka! Ako na titingin!! (tumayo at lumabas ng bahay para tignan kung sino ang dumating)
Kazel: Nasaan na ba si Catherine?!
Devon: Teka po at titignan ko na.
Nico: Sige at bilisan nyo na ng makaalis na tayo.
Devon: Sige po! (pinuntahan ang nakatatandang kapatid at pumasok naman na si Girlie kasama ang kanilang bisita)
Kazel: Sam?!
Sam: Hello po. Good morning.
Nico: Ang aga mo naman iho, may problema ba?!
Sam: Ayoko lang po kasing malate para sa first mass.
Girlie: Gusto daw nya kasi sumabay satin mag simba.
Nico: Oo naman sige. Sandali lang at hintayin lang natin si Catherine. Nalunod na ata yung bata na yun, napaka tagal!
Catherine: Eto na ko!! Pasensya na po!!
Devon: (napansin si Sam) Samuel!! Anong ginagawa mo dito?! (nakangiting bati nito sa binata)
Sam: Ayoko kasing mag simba mag-isa eh..
Manang Rosa: Oh sya sa daan na tayo mag kwentuhan baka malate pa tayo nyan kung mag dadaldalan lang tayo rine! (nakangiting sabi ng matanda)
Nico: Oh sya tara na!!!

Dahil may dalang sasakyan si Sam doon na sila lahat sumakay at si Papa Nico ang nasa passenger seat masaya nilang binaybay ang simbahan at napuno ng kwentuhan ang 30 minutes travel nila na iyon. Pero ni minsan hindi nag open si Sam ng kahit na ano tungkol sa pamilya nya at yun naman ay hindi na rin hinalungkat ng mag-anak cause still they repect Sam's privacy. Pagdating nila ng simbahan dumiretcho agad sila sa loob at nag hanap ng mauupuan sa dami ng tao nagkahiwahiwalay sila ng upo. Si Manang Rosa, Kazel at Nico ang magkakasama habang si Girlie at Catherine naman napunta sa bandang likuran. At si Devon at Sam ay napunta sa kabilang opposite side ng mga magulang ni Devon. Tahimik ang lahat na nakikinig sa misa maging si Devon at Sam ay tahimik lang ding nakikinig. Nang malapit na matapos ang misa nag salita sa si Sam malapit sa tenga ni Devon.

Sam whisper on Devon's ear: Salamat!! (mahina pero sapat na para marinig ni Devon ang sinabi ng binata)

 Pag kalabas nila ng simbahan dumiretcho silang lahat sa parking lot para kuhanin ang kotse ni Sam at pagdating nila roon...

Sam: Tito Nico, ok lang po ba kung sa labas na lang po tayo kumain treat ko po.
Nico: Naku Sam hindi naman yun kailangan.
Sam: Pero tito sige na po.
Kazel: Sam pwede naman tayong kumain sa bahay eh.
Manang Rosa: Bakit ayaw mong kumain sa bahay?! Ayaw mo ba ng luto ko?!
Sam: Naku! Hindi po sa ganun. Gusto ko lang po kasing idaan ang pag t-thank you ko sa ganoong paraan.
Girlie: Pero ok lang naman Sam kahit hindi noh! Ok na samin yung mag thank you ka verbally!
Sam: Pero...
Devon: Ayaw yata nila eh.. Pero ako gusto ko!! Tayong dalawa!! (sabay tingin nito sa ama)
Nico: Oh sige na sasama na kami sayong kumain sa labas.!
Sam: Talaga po?! Thanks tito!!
Kazel: Nico?! (taas kilay nito)
Nico: Baka hindi na ulit ito maulit sa susunod hindi na nya tayo yayain kaya sumama na tayo ngayon!
Kazel: Pero hindi naman kailangang sa labas pa tayo kumain.
Sam: Pero tita Kazel sige na po.. I insist!!!
Nico: Oh he insist na daw!! Wala na tayong magagawa kaya sumama na tayo!!
Kazel: Kayo na ngang bahala. Oh sige tara na!!
Sam: Thanks tita K!!

Sa isang simpleng restaurant lang naman sila kumain at kahit ganun pa ay mababakas naman sa mukha ni Sam ang tunay na kasiyahan at ni minsan hindi mawala ang mga ngiti sa labi ni Sam, ramdam sa kilos ng binata kung gaano sya kasabik na magkaroon ng isang buong pamilya na ginagawa ang mga bagay na iyon, pero ang masakit sa ibang pamilya pa nya nararamdaman ang tunay na kasiyahan. At habang kumakain sila..

Sam: Ahmmm.. Let's go somewhere were we can relax. (masayang aya nito sa buong pamilya ni Devon)
Devon: Ha?! At saan naman tayo pupunta?!
Sam: Kahit saan!! Gusto nyo mag tagaytay tayo?!
Nico: Tagaytay for one day?!
Sam: Opo! OK lang naman po siguro yun!
Catherine: Ay! Go ako dyan!!
Girlie: Ako rin sama ko dyan!!
Sam: Yun oh!! Kayo po tito?! Tita K?!
Kazel: Abay syempre ok lang sakin, ewan ko lang dito sa asawa ko!!
Nico: (tumingin kay Devon)
Devon: Ok lang sakin!! (sabi nito habang nakatingin sa ama nya)
Nico: Aba kung ok sa inyong lahat eh ayoko namang maiwan mag-isa!!
Manang Rosa: Ako rin ba pwedeng sumama?!
Sam: Syempre naman po Nay!! (masayang sabi nito)
Catherine: Ayos!! Ano pang hinihintay natin?! Tara na!! (sabay nito at sinundan na din naman siya ng iba)

Ilang oras din ang naging byahe nila papunta ng Tagaytay at halos lahat sila ay nakatulog maliban na lang kay Sam na driver at Nico na sinasabayan ang binata sa pagkakamulat ng mga mata upang may kakwentuhan ito. At si Sam naman ay abot-abot ang pasasalamat sa padre de pamilya nila Devon. Habang palapit sila ng palapit sa pupuntahan isang usapan naman ang nabuksan sa pagitan ng dalawang lalaki.

Sam: Tito Nico thank you at pumayag kayo.
Nico: Wala yun! Wala na rin naman akong magagawa dahil pumayag na silang lahat eh.
Sam: (natawa sa sinabi ni Nico) Ahmm.. Tito ok lang po bang mag tanong?!
Nico: Oo naman! Wala namang bayad ang mag tanong eh. Ano ba yun?!
Sam: Ah tito. Kasi po.. (hindi matuloy-tuloy ang sasabihin)
Nico: Tungkol ba ito sa aking Devon?
Sam: (napakamot sa ulo)
Nico: Gusto mo ba ang anghel ko?!
Sam: Kasi po...
Nico: Ok lang naman sakin kung gusto mo ang anak ko, pero ito lang ang sasabihin ko sayo Samuel, Devon never had a boyfriend since then, kaya kung may balak kang mahalin ang anak ko, please lang siguraduhin mong hindi mo paiiyakin ang anak ko.
Sam: Pangako po tito!
Nico: Alagaan mo ang anghel katulad ng pag-aalaga namin sa kanya.
Sam: Opo tito, hindi ko man po mahigitan yun pero gagawin ko po ang lahat mapasaya lang ang anak nyo. Ah tito, so payag po kayo kung liligawan ko ang anak nyo?!
Nico: Oo Sam pumapayag ako pero sa oras na saktan mo ang anak ko, ako mismo ang papatay sayo, naiintindihan mo?!
Sam: Opo tito!! Salamat po!

Hanggang sa narating nila ang Tagaytay abot tenga ang ngiti ni Sam at hindi iyon maalis sa kanya kahit na minsan ay nahuhuli sya ni Devon na nakatingin sya dito tanging ngiti at tango lang ang sinusikli nya sa dalaga. Para kay Sam itong araw na ito ang pinaka masayang araw na nangyari sa kanya buhay.

Devon: Alam mo para kang buang!! Ngiti ka ng ngiti dyan wala namang nakakatawa!!
Sam: Ano bang pakialam mo kung sa masaya ko weh.
Devon: Naku!! Edi ikaw na masaya!! (sabay walk-out nito at punta sa mga kapatid)

1 comment: