Lumipas ang mga araw, linggo at buwan patuloy lang si Sam sa panliligaw kay Devon, mas madalas na silang magkasama ngayon kesa noon. Dahil open naman ang panliligaw ni Sam sa pamilya ni Devon nagpupunta sya sa bahay ng dalaga ng mas madalas para doon makasama ang dalaga. Lagi naman syang welcome sa pamilya ni Devon dahil kasundo naman nya ang mga ito. Pero madalas din syang palalahanan ng ama ni Devon na si Nico sa mga bilin nya nun nung nag punta sila ng Tagaytay at mukhang hindi naman mabibigo si Nico doon. Sobrang caring, thoughtful at halata talagang mahal na mahal ni Sam si Devon. Kahit maging sa eskwelahan nila open ang dalawa sa pagliligawan nila dahil halos araw-araw may natatanggap na bulaklak si Devon mula kay Sam. Dumating man si Sam sa buhay ni Devon may isang tao namang lumalayo sa dalaga na hindi naman gustong mangyari ni Devon.
Devon: Bes!! (tawag nito sa kaibigan na kanina pa nya inaabangang lumabas ng bahay)
Quen: Anong ginagawa mo dyan?!
Devon: Wala! Inaabangan ka! Sama ko sayo sa pag jojogging mo!
Quen: Ikaw bahala! (at nag simula na itong tumakbo na sinundan naman ni Devon)
Nakaugalian na ni Quen na mag jogging around the village every morning at alam ni Devon yun kaya inabangan nya ang kaibigan para makasama naman nya ito at ng makausap na rin nya. Nang marating nila ang clubhouse ng subdivision nila naupos si Devon sa isang bench doon at inaya nya si Quen na tumabi sa kanya.
Devon: Bes, galit kaba sakin?! (seryosong tanong nito sa kaibigan)
Quen: Yung totoo?! Hindi ko alam eh.. Gusto kong magalit sayo pero hindi ko magawa! Mas madalas mo na ngayong kasama si Sam kesa sakin, mas madalas na sya na ang naghahatid sayo pauwi ng bahay nyo.
Devon: Nag seselos kaba kay Sam?!
Quen: Wala naman akong karapatang mag selos eh. Mag kaibigan lang tayo at alam kong hanggang dun na lang yun. Masaya ko pag nakikita kitang masaya na kasama ni Sam, pakiramdam ko nga nung tayong dalawa pa ang madalas na magkasama kala ko napapasaya na kita pero hindi pa pala. Yung mga ngiti at tawa mo ngayon, ibang iba sa mga nakikita kong ngiti sayo noon.
Devon: Bes?!!
Quen: Alam kong hanggang kaibigan na lang ang papel ko sa buhay mo, hindi na ko umaasang mabago yun, pero sana pag kayo na ni Sam hindi mo makalimutang may isang Enrique Gil ang nag mahal sayo bilang ikaw! Bilang kaibigan mo!! Hindi na rin ako hihiling ng mas maraming oras mula sayo dahil alam ko namang hindi na yun mangyayari.Hindi naman sa nilalayuan kita, hinahanda ko lang yung sarili ko at sinasanay dahil alam kong one of this day marami ng magbabago.
Devon: Pero walang kahit sino ang makakapagpabago ng friendship natin!! Ikaw lang BES ko!!!
Quen: Oo naman noh!! (sabay yakap nito kay Devon) Tara na nga uwi na tayo!
Devon: Mamaya na! Ngayon nga lang ulit tayo nagkasama eh.
Quen: Eh anong gagawin natin dito?!
Devon: Wala ganito lang! Namiss kita eh.. (sabay sandal nito sa balikat ni Quen na ikinagulat naman ng binata)
Quen's POV: Tama na Devon! Mas lalo lang akong nahuhulog sayo, baka makalimutan kong kaibigan mo lang ako at hindi kita ibigay kay Sam!!
Quen: Ang arte mo!! Tara na!! (tumayo na sya at tumakbo)
Devon's POV: I'm sorry Quen!!! Sorry!!
Devon: Oi! Hintayin mo ko!! Ilibre mo na lang ako!!
Quen: Oh sya sige!! Tara!!
Pagbalik nila from jogging inabutan nila sa labas ng bahay ni Quen si Daiane kasama ang iba nilang kaibigan na sina Char,Shey,Kyra at Joe.
Quen: Anong ginagawa nyo dito?!
Char: Itong si Daiane kasi gusto ka daw makita!!
Quen: Ha?! Bakit?!
Joe: Punta daw tayo EK ngayon!!
Daiane: Yup! Gusto ko kasing mamasyal. Kaya tara na sa EK!
Quen: Kasi ano weh...
Kyra: Pumayag ka na Quen! Minsan lang toh noh!!
Daiane: Sama ka din Devz!!
Devon: Ako?! Hindi ako pwede eh.. Kasi may pupuntahan daw kami ni Sam eh..
Daiane: Ako ng bahala kay Kuya basta sama ka na!!
Devon: Tignan ko, pero hintayin ko na lang si Sam tapos pag pumayag sya sunod na lang kami. Ok lang ba yun?!
Daiane: Ok!! So Quen, ano sama ka na?!
Quen: Pasensya na ha.. Marami pa kasi talaga kong gagawin eh..
Devon: Ano ka ba bes! Sumama ka na! Nang makapag unwind ka na din! Kailangan mo yan! Tignan mo nga yang eye-bag mo malaki pa ata sa mata mo eh.
Quen: Oh sya, sya! Sige! Tara sa loob nyo na lang ako hintayin!! Dami mong sinabi! (bulong nito kay Devon) Umuwi ka na nga! Maligo kana amoy araw ka!!
Devon: Buang! Kala mo naman ikaw hindi!! Sige guys ba-bye! Enjoy!!
Nag hiwalay na sila, pumasok sa bahay nila Quen ang mga kaibigan nila at sya naman ay dumiretcho na sa kanila. Ilang oras lang ang nakalipas ng dumating na si Sam at kasabay naman nun ang paglabas nila Quen para ituloy ang balak nila. Lumabas din ng bahay si Devon para pag buksan at papasukin si Sam.
Daiane: Kuya!!
Sam: Hey! What are you doing here?!
Daiane: I asked them kasi mag punta ng EK eh, tara sama kayo ni Devon!!
Sam: Hmmm.. Sunod na lang kami, may pupuntahan lang kami.
Daiane: Promise?!
Sam: Yup! Sige na! Enjoy!
Daiane: Sige!! Bye Devz!!
Devon: Bye! Enjoy kayo!!! (at tuluyan na ngang umalis ang mga ito)
Sam: Are you ready!?
Devon: Yup!! Pero san ba talaga tayo pupunta?!
Sam: Basta!! Oh eto!! (sabay labas nito ng panyo at tinakpan ang mata ni Devon)
Devon: Para san naman toh?! Kelangan talagang may ganito?!
Sam: Oo kailangan yan para surprise!!
Devon: Ang arte ha!!
Sam: Ang daldal mo!
Devon: Sira! (sabay hampas nito kay Sam)
Sam: Aray! Nakapiring kana nga tinamaan mo pa rin ako!!
Devon: Ganun talaga! Talent yun eh!!
Sam: Tara na nga!! (inalalayan nya si Devon maglakad at sumakay ng kotse nya tsaka sila nag punta kung saang lugar yun si Sam lang ang nakakaalam)
No comments:
Post a Comment