Inubos ng pamilya ni Devon at pati na rin ni Sam ang oras nila ng hapon na yun sa pangangabayo at pamamasyal sa Tagaytay, nag picnic din sila doon kahit pa wala naman silang dalang picnic basket, bumili sila ng mga chichirya sa isang convenient store at mga inuman tsaka naupo sa mga damuhan sa gilid ng park. Masaya silang nag kwentuhan at nag laro ng mga kung anu-ano.
Sam: Nanay Rosa, bakit hindi ko po ata kayo nakitang sumakay ng kabayo?!
Girlie: Natatakot kasi si Nanay baka daw mahulog sya.
Kazel: Hindi naman ho kayo malalaglag dyan Nay.
Sam: Gusto nyo nay tayong dalawa sa isang kabayo para po ma experience nyo.
Manang Rosa: Naku! Hindi na bale! Masaya na akong nakikita kayong nag sasaya!
Devon: Nay, hindi magiging kumpleto ang pag punta nyo dito kung hindi nyo itatry!
Catherine: Oo nga po Nay, tara na try nyo na!! (sabay hila nito ng marahan sa matanda)
Girlie: Tara Sam, isakay natin si Nanay Rosa sa kabayo. Tara!!
Catherine: Ma, picturan mo si Nanay Rosa, tara po dali!!
Devon: Sige dito na lang kami ni Papa kami na mag babantay ng mga gamit!
Nico: Sira! Wala naman tayong gamit eh!!
Devon: Kunwari lang Pa!! (sabay tawa ni ng wagas)
Naiwan nga ang mag-ama sa pwesto nila at sinamantala naman ni Devon ang pagkakataon na iyon para magpasalamat sa ama. Alam kasi ni Devon na naiintindihan ng ama ang kalagayan ni Sam matapos nilang mag-usap nung gabi ring hinatid sya ni Sam nun.
-flashback-
Nico: Bakit gising kapa?! (matapos makita ang anak sa kanilang biranda)
Devon: Hindi po kasi ako makatulog eh..
Nico: Bakit anak?! May problema ba?!
Devon: Hindi, wala naman po!!
Nico: Kung gayon bakit hindi ka makatulog?!
Devon: Naiisip ko lang po kasi kung gaano ako ka swerte na hindi ako ipinanganak na isang mayaman!
Nico: Ha?! Bakit mo naman nasabi yan. (sabay tabi nito sa anak)
Devon: Kasi Pa, kahit hindi po tayo mayaman at sapat lang ang meron tayo, masaya naman po tayo, diba?!
Nico: Oo naman! Hindi naman kasi batayan ang kayaman upang maging maligaya ang isang tao anak. Si Sam ba?!
Devon: Po?!
Nico: Si Sam ba ang iniisip mo?!
Devon: Papa kasi nararamdaman ko po kung gaano kasabik si Sam na magkaroon ng isang masayang pamilya. Oo nga po't nasa kanya na ang lahat yun nga lang po, lahat ng kaligayahang nararamdaman nya ngayon ay wala pa sa kalahati ng kalungkutang bumabalot sa puso nya. Kung kaya ko lang po sana syang mapasaya Papa gagawin ko po para sa kanya.
Nico: Bakit?! Pwede naman yun hindi ba?!
Devon: Pwede nga po kaya lang...
Nico: Kaya lang ano anak?! Natatakot ka na baka isang araw makita mo ang sarili mong minamahal mo na rin sya!?
Devon: Papa!! Hindi po noh!!.. Kayo talaga kung anu-ano sinasabi nyo!! Dyan na nga po kayo matutulog na po ako!! Good night Pa!! (sabay halik nito sa noo ng ama)
Nico's POV: Sana nga'y maging masaya kayong dalawa..
Devon: Papa, thank you po ha!!
Nico: Sabi ko naman sayo mapapasaya mo rin sya eh..
Devon: Nang dahil na rin po sa inyo yun Pa!!
Nico: Naku!! Ikaw talaga!! Halika nga rito!! (sabay yakap sa anak) Napaka swerte ko at ikaw ang naging anak ko, dahil hindi lang sarili mong kapakanan ang mahalaga sayo!! At maswerte rin yang Samuel na yan dahil tama ang babaeng pinili nya!!
Devon: Ha?! Ano pong sinasabi nyo dyan Papa?!
Nico: Wala!! Sabi ko tara na doon sa kanila at ng makauwi na rin tayo, mag gagabi na rin at babyahe pa tayo.
Devon: Tara po!! (sabay hila nito sa ama) Ang bigat mo Pa!!
Nico: Payatot ka kasi Devon!! (at magka-akbay nilang pinuntahan ang iba pang kasama upang ayain ng umuwi)
Si Nico na ang nag drive pabalik ng Manila dahil alam nya ring pagod napagod na si Sam. At si Kazel na rin ang nakaupo sa passenger seat habang sa back seat naman ay magkakatabi sila Girlie, Catherine at Manang Rosa, nasa dulo ng upuan sila Devon at Sam. Tulog lang si Devon sa buong byahe habang nakahilig ang ulo nya sa balikat ni Sam at ang ulo naman si Sam at nakasandal din sa ulo ng dalaga at nakatulog din ito buong byahe. Nagising na lang sila na nasa bahay na pala ang mga ito.
Nico: Sam, iho maraming salamat sa iyo ha.
Sam: No tito ako po yung dapat mag thank you sa inyo dahil pumayag po kayong mag spend ng time kasama ko.
Kazel: Walang problema doon Sam. Tulad ng sabi namin sayo nun anytime you count on us!!
Sam: Salamat po Tita K! Thank you din sa inyo. (sabay baling nito kila Devon)
Girlie: Wala yun noh!! Enjoy ka naman kasama eh kaya ok lang kahit araw-araw ka pang nandito.
Sam: Salamat ate Girlie.
Nico: So pano, can we call it a day!!?
Sam: Opo tito!! Thank you po ulit!! Sige po mauna na ko.
Kazel: Sige!! Ingat sa pag da-drive iho!!
Sam: Salamat po! Bye po! Good night!!
Catherine: Good night din!!
Sam: Sige po!!
Nico: Sige na!! (natatawang sabi nito)
Manang Rosa: Ayaw pa atang umalis eh.. Ahhh.. Alam ko na!! Pumasok na kasi tayo ng makapag-usap naman sila nitong si Devon.
Girlie: Siguro nga po Nanay Rosa!! Tara na Ma, Pa!! Hoy Catherine tara na!
Catherine: Oo na!! (pumasok na silang lahat at si Devon na lang ang naiwan sa labas)
Devon: Ano!? Wag mo kong tignan ng ganyan!! (namumulang pahayag nito)
Sam: Ganda mo kasi eh, kahit gabi na at yang buhok mo gulo-gulo na rin dahil sa pagkakatulog mo kanina!!
Devon: Bulero!!
Sam: Hindi ah..!! Anyway! Thanks nga pala Devz!!
Devon: Wala yun noh!! Siguro sa buong araw na to naka isang milyong thank you na!!
Sam: Di ako magsasawang sabihin sayo lalo na sa pamilya mo dahil tinanggap nila ko kahit pa hindi nyo ko kadugo!!
Devon: Hindi kailangang maging magkadugo ang dalawang tao para tanggapin nila ang isa't isa noh!!
Sam: Tama ka!! Kung sino pa nga yung hindi ko kadugo sya pang tumatanggap sakin eh.. Weird noh!! (natatawang sabi nito)
Devon: Ano ka ba wag mo ngang sirain ang masayang araw natin dahil lang dyan sa kadramahan moh!! Sige na! Masyado ng late!! Ingat ka sa pagda-drive!
Sam: Thank you ulit!! Kita na lang tayo bukas.
Devon: Sige! Ingat!!
Sam: Sige pumasok kana!!
Devon: Sige!! (at pumasok na nga si Devon ng bahay at umalis na din si Sam)
No comments:
Post a Comment