Agad-agad ding umalis ng bahay si Sam at Eunice papunta sa opisina nito. At pagdating nila doon binuksan ni Eunice ang t.v na nakaset sa loob ng opisina nya at ikinabit nya ang isang usb cord kung saan napanood nila ang usapan ng ama nya at ni Devon. Tahimik lang na pinanood ni Sam ang recorded video na ipinakita sa kanya ng kanyang tita Eunice kahit pa nagtataka rin sya kung bakit meron ito ang tita nya, pero hindi na nya yun pinagkaabalahan bagkus nilalaban nya ng luhang pinipigilan nyang tumulo sa kanyang mata. Doon nalaman nyang hindi totoo ang sinabi ng kanyang ama, doon nalaman nya kung bakit kailangan syang i-give-up ni Devon. Nasaktan man sya ngunit merong isang bahagi ng puso nya na nagsasabing masaya sya sa naging desisyon ni Devon dahil kahit sya mismo hindi nya makakaya kung malalayo sya kay Devon.
Eunice: Sam, are you ok?!
Sam: Yes tita!! (sabi nito upang mapagtakpan ang sakit na nararamdaman nya)
Eunice: Hindi totoo ang sinabi ng Daddy mo!! Ano ng gagawin mo ngayon?!
Sam: Hindi ko po alam tita!! Hindi ko alam!! (at tuluyan na ngang bumigay si Sam at nasapo na lang nya ang mukha upang maikubli ang mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata) Hindi ko po alam kung magagalit ba ko kay Devon o hindi, pero alam ko nagawa nya lang po yun dahil ayaw nya ring mawala ako sa kanya, at ayaw nyang may masaktan na kahit na sino!! Tita, tell me what to do?!!! (sabay yakap nito sa kanyang tita at doon lalo pa syang humagulgol ng iyak)
Eunice: I'm sorry Sam, kahit ako hindi ko din alam kung anong gagawin. I'm sorry iho!! (sabi nito habang inaalo ang pamangkin at hinahagod ang likod nito)
Kinabukasan pag pasok ni Devon ang dami nanamang matang nakatingin sa kanya at may mga kasabay na irap at bulungan ang mga tingin na yun pero hindi na nya pinansin ang kahit na sino man sa kanila dumiretcho lang sya sa paglalakad hanggang sa makasalubong nya ang mga kaibigan.
Devon: Oh!! San kayo susugod ng gera?! Ang aga-aga yung mga kilay nyo nag aabot na!! (birong bati nito sa mga kaibigan pero way lang yun upang mapagtakpan ang kabang kanyang nararamdaman dahil hindi normal para sa sistema nya sa araw-araw na makita ang mga kaibigang magkakasama na nasa building pa nila)
Shey: Baka pag nalaman mo at nakita mo kung anong kumakalat sa buong campus mas hindi mo na makuhang mag joke!
Devon: Anong ibig mong sabihin ate Shey?!
Char: Here!! Look at this!! (sabay abot nito sa isang papel)
Devon: Ano ba toh?! (tinignan nya ang papel na ibinigay sa kanya ni Char at bigla naman syang nanginig sa galit) Where did you get this?!
Kyra: Kalat na yan sa buong campus kaya kahit saan pwede mong makuha yan!!
Quen: Ano bang nangyari Devz?!
Joe: Wala na ba talaga kayo ni Sam?
Devon: Yeah!! Wala na kami ni Sam pero hindi totoo toh!! Hindi ko sya iniwan dahil lang sa pera!!
Char: Kung ganun bakit yan ang kumakalat?! At sino ang may gawa nyan?!
Devon: Hindi ko din alam!! At kung sino man sya hinding-hindi ko sya mapapatawad!! (patuloy pa silang nag uusap na magkakaibigan ng biglang dumating si Coleen kasama ang maarte nyang kaibigan)
Coleen: Look who's here!! The gold-digger!! (nakangising sabi nito)
Kyra: Ikaw siguro ang nagkalat nitong maling balita na toh noh!!
Shamee: Oo kami nga!! Bakit?!
Char: Kasi nakakatawa at nakaaawa kayo!! Magkakalat lang kayo ng balita mali pa!! (ikot-matang sabi nito)
Coleen: You shut up!! Anong mali dyan?! Totoo naman ang lahat noh!! Binoyfriend lang nyang si Devon si Sam upang makuhanan nya ng pera at para sumikat sya sa school na toh!!
Char: Ikaw ang tumahimik dyan kung ayaw mong sungalngalin ko yang bunganga mong sing dumi ng pwet mo!!
Devon: Tama na ate Char!! (awat nito sa kaibigan at tsaka hinarap si Coleen, at nagulat silang lahat ng bigla nya itong sampalin ng dalawang beses) Ano Coleen masakit ba?! Pero kahit anong sakit pa nyan pwedeng mawala yan, at wala yan sa sakit na nararamdaman ko ngayon! Hindi lang ito ang unang beses na sinira mo ang pangalan ko sa eskwelahang ito, pero kahit ilang beses mo pang gawin yun hindi ako magsasawang labanan ka lalo pa't alam kong hindi naman totoo ang mga sinasabi mo!! At eto ang tandaan mo! Kahit kailan hindi ko ginamit si Sam para sumikat ako, in the first place hindi ko sinabi sa kanyang mahalin nya rin ako!! At kahit kailan hindi ko ibebenta ang sarili kong kaligayahan at kahit kailan hindi ko ipagbibili ang pagmamahal ko para kay Sam!! (madiing sabi nito sa babae na wala rin namang nagawa kundi tumayo at makinig lang sa mga sinabi ni Devon, at marami ring mga estudyante ang nakarinig ng mga sinabi ni Devon)
Quen: Tama na Devz!! Tara na!! (aya nito sa mga kaibigan habang inaalalayan si Devon)
Char: Teka lang!! (balik nito at sabay baling kay Coleen at sa mga kaibigan nito) Umpisahan nyo nang ligpitin ang mga kalat na ginawa nyo at pag may nakita pa ako ni isa man sa mga kalat na yun sisiguraduhin kong hahanapin kita at ipalulunok ko sayo ang papel na yun! Tandaan mo yan!! (mataray at madiing sabi nito sa nakatulalang si Coleen)
Matapos ang insidente na yun dumiretcho na si Devon at si Quen sa classroom nila habang ang iba nilang mga kaibigan ay pumunta na rin sa kanya-kanyang mga building nito. Pagpasok pa lang nila ng room nakita na agad ni Devon si Sam na tahimik lang na nakaupo sa upuan nito, tinignan sya nito pero mabilis ding nagbawi ito ng tingin sabay yuko. Dumiretcho na lang si Devon sa upuan nya kung saan katabi nya si Quen, hindi nya alam kung alam na ba ni Sam ang tungkol sa mga kumalat na balita o kung alam man nito hindi kaya galit ito sa kanya kaya hindi sya nito pinansin o kinulit man lang. Gusto man nyang kausapin ang lalaki hindi nya rin pwedeng gawin dahil natatakot sya na baka malaman ng ama nito na nag-uusap nanaman silang dalawa at natatakot sya isang araw hindi na nya makita ang lalaki.
No comments:
Post a Comment