Isang linggo na lang birthday na ni Sam at wala pa rin syang plano para sa sariling kaarawan, kaya naman isang gabi ng makasabay nyang kumain ang Mama at tita Eunice nya nagulat sya mga pinag uusapan ng dalawa dahil parang ang mga ito pa ang excited para sa kaarawan nya.
Eunice: I think it's better if sa pool side na lang natin gawin ang venue.
Marie: Your right, tapos lagyan na lang natin ng mga candlelight sa side para maging magaan sa mata.
Eunice: Then, ako ng bahala sa food at ikaw na ang bahala sa mga magiging bisita ni Sam.
Sam: Ha?! Bisita ko po?! What do you mean.
Marie: Sam iho have you forgot that next is your birthday!
Sam: So you mean your planning for my birthday?!
Eunice: Yes Sam and it's all set!
Sam: But..
Marie: Sorry Sam but I and your tita Eunice can't acknowledge your but's!!!
Eunice: Yeah right! So you better leave it up to me and to your mom! But, don't worry iho after all hindi naman namin ii-invade ang privacy mo.
Marie: Yes anak! No business on your birthday or any agenda na hindi mo gusto!
Sam: But all I know is a simple birthday with those person I love!!
Eunice: But, do you think magagawa mo yun kung hindi kami mag pe-prepare ng mami mo ng birthday mo?! Remember Sam your Dad doesn't want your girl.!
Marie: At sa simpleng birthday bash mo natin patutunay that Devon deserved to be part of this family.
Sam: But in the end, ang magiging desisyon pa din ng Daddy ang masusunod.
Eunice: But after your birthday you have all the rights to disobey his will.
Marie: Your tita Eunice is right! When you got 21 your free!!
Sam: How come?!
Eunice: One you'll find how!! Anyway, I have to go now!! Bye!! (sabay tayo nito at humalik na sa dalawa at tuluyan na ngang umalis)
Marie: What's your plan for today son?
Sam: I'm going to school then go to Devon's house!
Marie: Ok! So, kailangan ko na ding umalis mauna na ko sayo!
Sam: Ok Mom! Take care.
Marie: Ok! Bye son, I'll see later. (umalis na rin si Marie at pumasok na si Sam sa kwarto nya para kunin ang mga gamit nya)
Papasok pa lang si Devon ng school ang dami na kagad tao sa gate kung bakit ay hindi nya alam. Pero nag diretcho na lang sya sa paglalakad papunta ng room nya. Bigla naman syang natigilan ng makita nya ang kaibigang si Kyra na tumatakbo papunta na kanya.
Devon: Kyra, ano bang nangyayari sayo?! Bakit ka tumatakbo?!
Kyra: Meron kasing mga lalaking naghahanap sayo.
Devon: Ha?! Eh bakit naman nila ko hinahanap?
Kyra: Hindi rin namin alam pero nililigaw na sila nila Quen at Joe para hindi ka makita.
Devon: Teka nga lang! Hindi kita maintindihan eh.. Bakit ba kasi?!
Kyra: Narinig kasi ni Quen kanina na kausap nung isang lalaki sa phone yung pangalan ng papa ni Sam, eh iniisip namin baka kukunin ka nila para dalin kay Thed Lopez! (lumingon sya sa likod at nakita nya ang mga lalaking nag-hahanap kay Devon, hinila nya si Devon para tumakbo pero hindi sumunod ang dalaga sa kanya)
Kyra: Ano ba Devz tara tumakbo ka na.
Devon: Hindi Kyra, sasama ko sa kanila.
Lalaki1: Ikaw ba si Ms. Hernandez?
Devon: Oo ako nga! Ano bang kailangan nyo sakin?!
Lalaki2: Kami wala pero ang boss namin meron!!
Devon: Sige sasama ko sa inyo.
Kyra: Devz!!
Devon: Babalik din ako agad. (at hinarap nya ang dalawang lalaki) Tara na! May klase pa kasi ko para makabalik ako agad!
Sumama nga si Devon sa dalawang lalaki at dinala sya ng mga ito sa opisina ni Thed Lopez, pinapasok naman agad sya ng secretarya nito at agad din naman syang pumasok.
Secretary: Sir, Ms. Hernandez here!
Mr. Lopez: Thank you, iwan mo na kami.
(sandaling katahimikan ang namagitan sa dalawa, nakatayo lang si Devon sa harap ng table ni Mr. Lopez at hindi man lang sya inalok nito na maupo, ilang sandali pa binasak na din ni Mr. Lopez ang katahimikan)
Mr. Lopez: Ikaw pala si Devon Hernandez.
Devon: Yes Sir ako po si Devon Hernandez.
Mr. Lopez: Hindi na ko mag papaliguyligoy pa, didiretchuhin na kita! Hindi kita gusto para sa anak kong si Samuel. At lalong hindi ko rin gusto makita kayong dalawa na laging magkasama! At hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na ako ang dahilan kung bakit natanggal ang Papa mo sa Bubble U, ginawa ko yun para iparamdam syo kung anong kaya kong gawin pag ipinag patuloy mo pa rin ang makikipagkita mo kay Sam, kaya lang nagkamali ata ako, imbes na magkahiwalay kayo naging nobyo mo pa ang anak ko! Magkano ba ang kailangan mo para hiwalayan at iwan mo ang anak ko!? Name it and I will give it to you.
Devon: Sorry Mr. Lopez pero hindi po kayang bayaran ng pera nyo ang pagmamahal ko kay Sam, kahit ilang milyon pa ho ang isuhol nya sakin hindi ko po tatanggapin yun. Hindi ko po iiwan ang anak nyo kung hindi lang din naman po nya ko iiwan, at naniniwala po akong hindi ako iiwan ng anak nyo kahit ano pa hong mangyari.
Mr. Lopez: (lalong nag dilim ang aura nya dahil sa sinabi ni Devon) Kung ganon sige hindi kita pipiliting tanggapin ang pera ko, pero kaya kong baliktarin ang mundo mo at ang mundo ng pamilya mo. Hindi ko kayang saktan ang anak ko pero kaya kitang saktan pati ang pamilya mo. Kung ang pananakit sa pamilya ang tanging paraan para iwan mo ang anak ko gagawin ko!
Devon: (nagulat sa sinabi ni Mr. Lopez) Ako na lang po ang saktan nyo wag na ang pamilya ko!
Mr. Lopez: Kung ganun tama nga ako na ang pamilya mo ang kahinaan mo! But I'm sorry Ms. Hernandez madamay na ang madadamay hiwalayan mo lang ang anak ko!
Devon: Sa tingin nyo po pag ginawa ko yun hindi nyo na masasaktan ang anak nyo?! Sariling kaligayahan at kalayaan nya ang ninanakaw nyo sa kanya!
Mr. Lopez: Wala akong pakialam! Ang mahalaga sakin ay yung makapag asawa ang anak ko ng level namin, at hindi ikaw iyon!! Kung hindi pa rin magiging sapat sayo ang masaktan ka o ang pamilya mo para hiwalayan si Sam, kung ganun si Samuel na lang ang ilalayo ko sayo!
Devon: Ano pong ibig nyong sabihin?!
Mr. Lopez: Ipadadala ko na lang si Sam sa ibang bansa kung yun lang ang tanging paraan magkalayo at makalimutan ka lang nya!!
Devon: Wag!! (sabi nito na pinipigilan ang luha ng tumulo mula sa mga mata nya) Wag mong ilayo si Sam sakin! Lalong lalo na sa pamilya nya. Sayo! Kung gagawin mong ilayo ang sarili mong anak mula sayo baka lalong magtanim ng galit ang anak mo sayo!.
Mr. Lopez: Anong ibig mong sabihin!?
Devon: Hindi ko kadugo si Sam, hindi rin kami nag kakasama sa bahay bente kwatro oras pero alam ko at nababasa ko sa mga mata nya na may sama sya ng loob sa inyo. Konting oras lang naman ang hinihingi ni Sam mula sayo pero hindi mo pa rin maibigay sa kanya o sa pamilya mo! Tapos ngayon dahil lang sakin ilalayo mo pa sya, hindi kaba natatakot na baka lalong lumayo ang loob ng anak mo sayo?!
Mr. Lopez: Hindi! (maidiing sabi nito) Dahil kahit ano pang sama ng loob ang meron si Sam sakin after all ako pa rin ang ama nya! Umalis ka na!!! (pagtataboy nya sa dalaga, pero ang totoo matapos marinig mula kay Devon ang mga katagang yun parang pinipiga ang puso nya sa sakit na nararamdaman)
Devon: Hindi pa po huli ang lahat Mr. Lopez, try to give your son a chance na mapasaya kaya at maiparamdam sa inyo na hindi lang pera ang makapagpapaligaya sa inyo! (yun lang at nag paalam na sya at hindi na rin naman sumagot si Mr. Lopez)
No comments:
Post a Comment