Wednesday, August 31, 2011

Love Conquers All Chapter 15

Matapos ang aksidente na nangyari kay Devon hindi na sya pinayagan ng ama na sumali pa sa fashion show. Personal naman nyang kinausap si Ms. Marie upang ipaalam dito na mag baback-out na sya. Naintindihan naman ni Marie ang kalagayan nya kaya pinayagan din naman sya agad nito.

Devon: Pasensya na po talaga Ms. Marie.
Marie: Ok lang yun iha, mas mahalaga pa rin ang safety mo kaysa sa ano mang bagay.
Devon: Salamat po.
Marie: But still I am inviting you to watch the grand fashion show, ok?!
Devon: Sige po, no problem.
Marie: Sige iha maiwan na kita. Keep safe always ok?!
Devon: Salamat po. (at tuluyan na nga syang iniwan ni Marie)

Sa kabilang banda naman, tila naging parang personal body guard ni Devon si Quen. Bawat oras laging nakadikit ito sa kanya, kahit saan sya mag punta lagi itong nakasunod sa kanya.

Devon: Bes, daing ko pa ang maraming pera nyan dahil sa ginagawa mong pag babantay sakin eh.
Quen: Di bale ng oras-oras nakadikit ako sayo basta masigurado ko lang na safe ka!
Devon: Bes, hindi naman na siguro mauulit yun noh!
Quen: Ah basta kung nasan ka dun din ako! Mahirap na! (sabay akbay nito kay Devon at naglakad na sila papunta sa kotse nya para bumalik ng school pero hindi pa man sila nakakalabas may humarang na sa kanila)
Devon: Daiane?!
Daiane: Hi Devon! Hi Enrique!
Quen: Hello! (sabay ngiti nito sa dalagang si Daiane)
Daiane: Devon, I heard what happened glad your ok!
Devon: Thank you!
Quen: Ah sige mauna na kami ni Devon ah, babalik pa kasi kami ng school.
Daiane: I guess ok lang naman siguro kung sasabay ako sa inyo papunta ng school diba?! (kinindatan nya si Devon indication na humihingi ito ng tulong sa kanya)
Devon: Ahh oo naman pwedeng pwede. Mabait naman tong si Quen eh.. (naramdaman ni Devon ang pinahihiwatig ni Daiane na yun mula sa pagkinditan nito kaya sinakyan na din nya ang babae)
Daiane: That's good! So, let's go!! (humawak sya sa braso ni Quen at nag patuloy sa pakikipag usap sa lalaki, ng marating nila ang sasakyan ni Quen nilapitan nya si Devon at binulungan)
Daiane: Ok lang naman sayo kung sa back seat ka na lang diba?!
Devon: Ha?! Ah!! Oo sige!!
Daiane: Thank you! (sabay ngiti nito kay Devon) Ahm, excuse me, Quen, ok lang naman siguro sayo if ako ang mauupo sa passenger seat diba?! Nahihilo kasi ako pag sa back seat ako nauupo.
Quen: (tumingi kay Devon)
Devon: Oo ok lang yan, keas naman sumuka ka pa sa loob ng kotse mas mahirap yun! Sige dyan kana! (at sya naman ay sumakay na sa backseat)
Daiane: Thanks Devon!

Habang binabaybay nila ang way papunta ng Bubble University walang tigil sa kadadaldal si Daiane na sinasakyan naman ni Devon, pero ang totoo natutuwa naman talaga sya sa babae. Kahit din naman si Quen ay natatawa na din sa mga ikinukwento nito. Pagdating nila ng school dumiretcho sila sa cafeteria.

Devon: Siguro dito mo na lang ako hintayin Quen kung talagang hihintay mo nga ako!
Quen: Pero, ok... (hindi pa nya natatapos ang sasabihin ng marinig nilang magsalita si Daiane)
Daiane: Oh no!!
Devon: Bakit may problema ba?!
Daiane: Cancelled daw ang last subject namin. Pano na yan!? Wala pa naman akong dalang sasakyan!
Devon: Ok lang mag stay ka muna dito mag kwentuhan muna kayo ni Quen, may practice kasi ko sa dance troupe!
Daiane: Ganun ba?! Ok lang ba Quen?!
Quen: Oo ok lang mukha namang hindi ako maiinip kung ikaw makakasama ko eh.
Devon: Yun naman pala eh! Oh pano mauna na ko! Ba-bye!! (tumakbo na sya palabas ng cafeteria at naiwan na sila Quen at Daiane)
Quen: You can here! (sabay turo nito sa isang bakanteng silya)
Daiane: Can we go out?! Samahan mo naman ako sa mall.
Quen: Pero hihintayin ko pa si Devon.
Daiane: Don't worry tatawagan ko na lang si Sam at sya na lang pag hahatirin ko kay Devon tutal naman magkasama lang naman sila eh.
Quen: Pero kasi...
Daiane: Please?!!!!!!!!!! (sabay hila nito kay Quen at wala ng nagawa ang binata kundi samahan ang dalaga)

Pagdating naman ni Devon sa dance studio nag wawarm-up na ang mga boys.

Devon: Sorry guys late ako! Nag punta pa kasi ako dun sa venue ng fashion show eh.
Arron: Ok lang. Sinabi na samin ni Sam!
Neil: Ok ka na ba?!
Devon: Oo naman noh!! Don't worry!
Sam: Nga pala hindi ka na daw mahihintay ni Quen, pinilit kasi sya ni Daiane na sumama sa mall.
Devon: Ganun ba?! (biglang nag dilim ang mukha nya hindi dahil sa galit o ano pa man kundi dahil natatakot sya na baka mag taxi nanaman sya, simula kasi ng mangyari sa kanya yun hindi na ulit sya sumakay ng taxi)
Patrick: Bakit naging ganyan ang mukha mo?! Selos kaba?!
Devon: Sira! Hindi noh! Iniisip ko lang kung pano ko uuwi!
Neil: Ride a cab! (nasiko sya ni Arron matapos sabihin yun) Ay! Sorry!
Devon: Ok lang!
Sam: Don't worry I'll drive you home, kapatid ko naman ang may kasalanan kung bakit iniwan ka ni Quen eh.
Devon: Huwag na! Ok lang!
Sam: Wag ka ng makulit! Sige na mag start na tayo!

Inabot na din ng gabi ang practice nila Devon kaya hindi na sya tumangging mag pahatid kay Sam pauwi ng kanilang bahay. Buong ride ay tahimik lang silang dalawa wala ni isa man lang sa kanila ang nag lakas loob na mag salita hanggang sa narating nila ang bahay nila Devon.

Devon: Salamat sa paghatid.
Sam: Your welcome! (pababa na ng sasakyan si Devon ng hinawakan ni Sam ang kamay nya)
Devon: Bakit?! (baling nito sa binata)
Sam: Diba sabi naman ng mga magulang at kapatid mo anytime pwede kong pumunta dyan sa bahay nyo?!
Devon: Oo naman!! Bakit?! Gusto mo bang pumasok ngayon?! Tara!!
Sam: Nope! Ok lang ba kung pumunta ko bukas?! Sunday na ulit bukas diba?!
Devon: Bukas?! Oo ok lang!
Sam: Alam mo simula ng makasama ko kayo nun, lagi ko ng hinihiling na sana lagi na lang Linggo para kahit isang araw lang pwede kong makaramdam ng tunay na kasiyahan.
Devon: Ayan ka na naman! Mag dadrama ka nanaman! Ano kaba!? Sige, basta bukas sa simbahan na tayo magkita, ok?!!
Sam: Ok sige!! Salamat ulit ha!! (nakangiting sabi nito)
Devon: Ok lang! Sige na!! Ingat sa pag dadrive!!
Sam: Ok!!
Devon: Good night! (nakababa na sya ng sasakyan ng buksan ni Sam ang window ng kotse at tawagin ulit sya)
Sam: Ah Devon!!
Devon: Hmmmm?!
Sam: Pwede ko bang mahingi number mo?!
Devon: Naku! Sorry ha, pero wala kasi kong phone eh.
Sam: Ah ganun ba?! Sige pasensya na!! (napakamot na lang sya sa batok dahil bigla syang nahiya sa nasabi nya)
Devon: Ok lang! Sige ba bye!!
Sam: Sige! Good night! (umalis na nga si Sam at pagpasok naman ni Devon ng pinto sinalubong agad sya ng ina at dalawang kapatid)
Girlie: Bakit si Sam ang nag hatid sayo ha?! (may panunuksong sabi nito kay Devon)
Devon: Ano ka ba naman ate Girlie papatayin mo ko sa gulat!! (nakahawak pa sya sa puso nya habang sinasabi yun sa kapatid)
Catherine: Naku! Wag mong ibahin ang usapan!
Devon: Wala! Si Quen kasi hinila ng kapatid nya sa mall kaya na obliga syang ihatid ako!!
Kazel: Totoo ba yan Devon Mae Hernandez?!
Devon: Oo naman po Mama!! Dyan na nga kayo!!
Girlie: Oi si Devon may itinatago!!
Devon: Ate Girlie?! Wala naman ah...
Catherine: Talaga lang ha?!
Girlie: Crush mo si Sam noh!!?
Devon: Hindi noh!!
Kazel: Talaga?! Bakit nag bablush ka?!
Devon: Si Mama naman nakisali ka pa sa mga yan!!
Kazel: Eh sa kinikilig din ako eh, naku pag nalaman ng Papa mo yan lagot ka!!
Devon: Bakit naman po ako malalagot kay Papa wala naman po akong ginagawang masama.
Catherine: Talaga lang ha?!!
Devon: Ewan ko sa inyo, dyan na nga kayo!!
Girlie: Oi!! Umiiwas!! (at nag tawanan naman silang tatlong mag-iina habang pinapanood si Devon papasok ng kwarto nito)
Kazel: Kung makatukso kayo dyan kay Devon akala nyo naman wala kayong mga crush!
Catherine: Ay ako mama wala po talaga. Pero si ate Girlie meron ata yung si ano!! (natahimik sya bigla ng takpan ng ate nya ang kanyang bibig)
Girlie: Hindi mama wala po! Ikaw tumigil ka nga dyan.. (sabay kurot sa tagiliran ng kapatid)
Catherine: Defensive lang?!!
Girlie: Dyan na nga kayo inaantok na ko!!
Kazel: Hoy ikaw Girlie may tinatago kaba sakin?!
Girlie: Wala po Mama wag kang makinig dyan kay Catherine!! (sabay takbo nito papasok ng kanyang kwarto)
Kazel: Ate mo talaga! Oh sya sige na magpahinga ka na din!!
Catherine: Sige po ma. Good night. (at sabay halik nito sa ina at umakyat na rin sa kwarto nya)
Kazel's POV: Pero itong si Devon may inililihim talaga ito eh, anyway boto naman ako para kay Sam. (pumasok na rin sya sa kanyang kwarto para makapag pahinga na din)

Love Conquers All Chapter 14

Natapos ang subject ni Devon sa klase ng Papa na hindi man lang nya kita si Sam at kahit ang Papa nya hinanap ang binata yun kasi ang unang beses na hindi pumasok si Sam. Inaya sya ni Quen na pumunta ng cafeteria pero sa hindi nya malamang dahilan hindi sya sumama rito at nag dahilan na kailangan nyang sumunod sa Papa nya dahil may sasabihin sya rito. Pero ang totoo dinala si Devon ng paa nya sa studio ng Bubbles Dance Troupe at pagdating nya doon nakita nya si Sam na nagsasayaw at kung titignan tila pagod na ang lalaki pero sige pa rin ito sa pagsasayaw, pinanood lang ni Devon si Sam na magsayaw mula sa pinto at ng huminto nakita nyang napaluhod ang lalaki at unti-unti nya itong nilapitan at ng makalapit na sya dito narinig nya ang ilang hikbi mula sa lalaki.

Devon: Are you ok?!
Sam: Anong ginagawa mo dito?!
Devon: Hindi ka kasi pumasok ng first subject natin kaya naisip kong baka nandito ka.
Sam: Umalis kana!! (mahinang sabi ni Sam pero sapat na yun upang marinig ni Devon)
Devon: Kung kailangan mo ng kaibigan nandito ko maikikinig ako sayo.
Sam: Sabi ko umalis kana!!
Devon: Yun ba talagang gusto mo?! Sige aalis na ko. (nag lakad si Devon palayo kay Sam at ilang hakbang na lang mararating na nya ang pinto pero natigil sya ng marinig ang lalaking mag salita)
Sam: Simple lang naman ang gusto ko yun ay ang makasama sya, hindi ko kailangan ng kahit anong kayaman o pera para maging maligaya, isang yakap lang naman mula sa kanya ang hinihintay ko pero isang dekada na kong naghihintay hindi ko pa rin yun maramdaman. Ni minsan hindi ko sinuway ang mga gusto nya, buong buhay ko sya lagi ang sinusunod ko kahit ayoko. Ok lang naman saking mabuhay ng mahirap, kahit dalawang beses lang akong kumain sa isang araw sapat na sakin basta maramdaman ko lang ang pagmamahal nya. Wala naman akong hinihiling na malaki mula sa kanya kundi kaligayahan na sana maibigay nya samin kahit minsan lang. Hindi ko naman kailangan ng pera nya eh. Ok lang kahit isang araw mamalimos ako, bastat maibigay nya lang ang oras na hinhingi ko mula sa kanya. Yun lang naman ang kailangan ko! Ang maramdamang mahal nya rin ako. (sa bawat salitang binibitawan ni Sam ramdam ni Devon ang sakit na nararamdaman ng binata, hindi nya rin alam kung lalapitan nya ba ito o hindi pero ilang sandali pa si Sam na mismo ang lumapit sa kanya at niyakap sya nito tsaka nag iiyak sa balikat nya) Ayokong makita mo kong umiiyak, ayokong maawa ka sakin mas gugustuhin ko pang umiyak sa likod mo kesa makita mo ang bawat patak ng luha ko. (hinayaan naman ni Devon na gamitin ni Sam ang balikat nya sa pag iyak nito, wala rin syang sinabi na kahit ano sa binata tanging pag haplos na lang sa likod ni Sam ang nagawa nya upang iparamdam nito ang kanyang pagiging concern)

Hindi rin naman nag tagal si Devon sa studio umalis din sya agad dahil yun ang hiling ni Sam sa kanya matapos nitong umiyak sa kanyang balikat. Hanggang makarating si Devon ng cafeteria ramdam pa rin nya ang bigat sa kalooban ni Sam at ngayon iniisip nya kung may paraan ba para matulungan nya ang binata. Nang marating nya ang cafeteria si Quen lang ang nandun at wala ni isang anino ng iba nilang kaibigan.

Devon: Nasan sila?!
Quen: Wala eh, si Joe kaalis lang may klase pa kasi sya si ate Shey naman nag punta sa boutique ni Ms. Marie Lopez. Nga pala kamusta?! Anong nangyari sa usapan nyo ng Papa mo?!
Devon: Ha?! Ah.. A-ayun ok naman. (nauutal na sagot nito kay Quen)
Quen: Bakit parang kinakabahan ka?! May nangyari bang hindi maganda?!
Devon: Ah wala nagugutom lang siguro ko. (hindi alam ni Devon kung bakit kailangan pa nyang mag sinungaling sa kaibigan gayung wala naman syang ginagawang masama)
Quen: Sige oorder na lang muna ko ng makakain natin!
Devon: Sige! (at iniwan sya ni Quen sa table nila, at bumalik nanaman sa ala-ala nya ang nangyari kanina sa Dance studio, habang si Quen naman na nasa counter ay pinag mamasdan lang ang kaibigan)
Quen's POV: Bakit kailangan mong mag sinungaling sakin Devon?

Matapos nilang kumain at tumambay sa cafeteria pinasukan na nila ang iba pa nilang subject at pumasok na din sa Sam, sa twing tinitignan ni Devon si Sam hindi nya makita ang emosyon na kanina ay pinakawalan ni Sam sa balikat nya, ngayon isang nakangiti at masayang Sam na ang nakikita ng mga mata nya napansin din naman ni Quen na panay ang tingin ni Devon kay Sam pero hinahayaan na lang nya ito. Hanggang sa matapos ang klase nila Devon kailangan na nyang mag punta sa practice ng fashion show dahil ilang araw na lang ay gaganapin na ito. Doon makakasama nya ang iba't ibang ramp model kaya naman pursigido talaga sya sa pag papractice ng hindi sya mapahiya sa araw ng fashion show. Alam nyang ihahatid sya ni Quen may emergency sa Call Center nila Quen at kailangan nyang puntahan iyo.

Quen: Devz, pasensya na ha emergency lang kasi talaga. Hindi na din ako mangangako na susunduin kita baka kasi matagalan eh.
Devon: Ok lang yun noh, ngayon sure ng hindi na kita kailangang hintayin.
Quen: Pero check mo munang mabuti kung nandyan ang wallet mo.
Devon: Oo don't worry dala ko.
Quen: Ok sige pano mauna na ko sayo (bago pa umalis si Quen hinalikan nya si Devon sa noo at ikinagulat naman yun ng dalaga pero hindi na nya nagawang mag reklamo dahil tumakbo na si Quen malayo sa kanya at ng malingon sya kay Sam nakita nya tong nakatingin sa kanya at ilang sandali pa ay lumabas na din ito ng classroom nila)

Matapos yun dumiretcho na si Devon sa labas ng campus at nag abang ng taxi para sakyan papunta sa lugar kung saan gaganapin ang rehearsal for fashion show. Ilang oras na rin syang nag aabang ng taxi pero wala pa rin syang mapara dahil kundi may sakay ayaw naman huminto ng mga taxi na pinapara nya. Ilang minuto pang nag hintay si Devon ng sa wakas may tumigil na rin na taxi sa harapan nya. Pagsakay nya ng taxi sinabi nya agad kung saan sya baba. Kung tutuusin malapit lang naman ang pupuntahan nya mga isang oras lang pwede na syang makarating sa venue pero tila dalawang oras na hindi pa rin nya nararating ang venue at para bang hindi na yun ang daan pa punta sa venue kaya nag tanong na sya sa driver dahil abot abot na ang kabang nararamdaman nya.

Devon: Manong, naliligaw po ba tayo?! Kasi kanina pa tayo paikot-ikot dito tsaka hindi naman ho ata ito yung way papunta sa pupuntahan ko.
Driver: Hindi mag sho-short-cut lang tayo?!
Devon: Short-cut po!? Eh halos dalawang oras na po tayo paikot-ikot dito.
Driver: Hindi iha. Sa katunayan malapit na tayo. (nang sabihin ng driver yun tumahimik na lang ulit muna si Devon)

Pero ilang minuto lang ang lumipas huminto ang taxi sa isang isolated na lugar at kinabahan na si Devon ng mabilis kaya agad nyang binuksan ang pinto ng taxi at mabilis na nag tatakbo pero inabutan sya ng driver at hinila pabalik sa taxi nito.

Devon: Manong ano po bang ginagawa natin nito, aalis na lang po ako kung ayaw nyo kong ihatid sa pupuntahan ko! Bitawan mo ko! (pilit na nag pupumiglas si Devon pero sadyang malakas talaga ang lalaki)
Driver: Sandali lang naman tayo dito! Mabilis lang toh!! (at tili hinahalikan na nito ang ulo ni Devon pababa sa tenga nito, pilit namang nanlalaban si Devon kahit pa nanghihina na sya pero hindi iyon ang oras para makaramdam sya ng panghihina, nag-ipon si Devon ng lakas at nang makakuha ng tyempo tinuhuran ni Devon ang lalaki sa maselang bahagi nito at tsaka sya nagtatakbo, pilit pa rin syang hinahabol ng driver kahit pa sakit na sakit na ito, nabuhayan naman ng loob si Devon ng makakita sya ng isang ilaw na nang-gagaling sa isang sasakyan, hinarang nya ito para humingi ng tulong at hindi naman sya binigo ng taong nakasakay sa kotse)
Devon: Tulong! Tulungan mo ko!! (hindi na nagawa ni Devon na tignan kung sino ang taong naharang nya ang tanging alam nya lang ay isa itong babae)
Girl: Bilisan mo pumasok ka na ng sasakyan. (ng matanto nito kung bakit ganun na lang ang takot ng babaeng humarang sa kanya, agad din naman syang sumakay ng sasakyan at mabilis na pinaandar ito at pininahan pa nya ang lalaki dahilan para mabangga nya ang gilid nito)

Pagdilat ng mata ni Devon nakita nya doon ang Mama at Papa nya kasama ang mga kaibigan niya.

Devon: Mama!!
Kazel: Devon anak ano bang nangyari sayo?!
Devon: Mama!! (nang maalala nya kung anong nangyari yumakap sya sa ina at humagulgol ng iyak dito habang yakap-yakap sya nito)
Nico: Mabuti na lang at may nakakita sayo doon at walang kahit na anong nangyari sayo kundi hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko!!
Kazel: Tama na anak ko, ligtas ka na!!
Devon: Nasan na po yung babaeng nag ligtas sakin?! (nang maalala nya ang babae na hinarang nya)
Quen: Umalis na sya at walang iniwan na kahit ano para malaman natin kung sino sya.
Catherine: Pagdating namin dito wala na sya eh, ni hindi na nga kami nakapag thank you eh. Pati bills mo dito binayaran na rin nya.
Devon: Sino kaya sya?! Kailangang makapag pasalamat ako sa kanya!
Kazel: Pero paano naman nating sya hahanapin kung hindi man lang natin malaman kung sino sya, ikaw hindi mo ba matandaan ang mukha nya?!
Devon: Hindi po eh. Hilam na hilam na po sa luha ang mga mata ko nung harangin ko sya eh. Ang tanging natatandaan ko lang po pinasakay nya ko ng kotse nya tas ng pinahan nya yung lalaki nawalan na po ata ako ng malay hindi ko na po alam kung anong nangyari.
Char: Maswerte ka at nadaan yung babae na yun sa lugar na yun at nahuli na nga rin pala yung gagong taxi driver na yun.
Joe: Oo nga! Kundi baka nasa kankungan ka na ngayon!
Kyra: (siniko si Joe) Tumigil ka nga dyan!!
Joe: Sorry!!
Devon: Matatagal daw po ba ko dito?
Nico: Ah hindi actually anytime pwede ka na din naman daw lumabas.

Tuesday, August 30, 2011

Love Conquers All Chapter 13

Another Sunday came in at syempre family day iyon para kila Devon at tulad ng dati sama-sama silang nag simba. Maaga silang nag punta sa simbahan dahil gusto nilang umpisan ang first mass. Magkakasama sila at pati ang Manang Rosa nila ay kasama din nila. Nauna ng pumasok ang mga magulang at kapatid ni Devon at si Devon naman kasama si Manang Rosa ay  bumili muna ng kandila. Papasok na sila ng simbahan ng may makasabay syang sumawsaw sa holy water sa unahan ng simbahan at para bang nakuryente si Devon kaya tignan nya kung sino ang taong nakasabay nya sa pagsawsaw.

Devon: Sam?!
Sam: Oh Devon! Nice to see you here!
Devon: You too.. Sinong kasama mo?!
Sam: Wala ako lang! Ikaw?!
Devon: Ahh.. I'm with my family!
Sam: Ahh ganun ba?! Sige dun na ko! (aalis na sana sya ng hilahin sya ni Devon)
Devon: Dun ka na lang din sa pwesto namin.
Sam: Wag na ok lang ako dun!
Devon: Wag kang maingay nakakahiya!
Sam: Ok lang nga ako dun!! (pero narating na nila ang pwesto nila Devon)
Devon: Pa, patabi daw po!
Nico: Oh Sam! Sige-sige tara dito!! (tumabi na nga si Sam sa upuan nila Devon at katabi nya ang Papa ni Devon at sa kabilang gilid naman nya ay ang Manang Rosa nila Devon at tsaka pa lang si Devon)

Tahimik lang na nakinig ng mga ito sa misa at hanggang sa natapos ang mass ay wagas ang abot-abot na sulyapan nila Devon at Sam napapansin na nga rin iyon ng Manang Rosa nila pero hindi na lang nya ito pinapansin. At ng matapos na ang mass napag desisyunan ng pamilya ni Devon na umuwi na lang ng bahay at doon na lang sila mag bonding at mismong si Nico ang umaya kay Sam para sumama sa kanila at hindi naman yun tinanggihan ng binata. At buong mag hapong nag tawanan, nag kwentuhan, nag laro, nag kainan at nag kantahan lamang sila. Nag shine ang buong araw ni Sam na iyon dahil ngayon lang nya naranasang makakita ng isang buong pamilya na masayang nag sasama-sama. Pakiramdam ni Sam naging buo sya kahit isang araw lang. Ianabot na rin sya ng gabi sa bahay nila Devon at ng mag aalas otso na ay napag desisyunan na nyang umuwi kaya nag paalam na sya sa pamilya ni Devon.

Sam: Sir Nico, Ma'am Kazel thank you po at shinare nyo sakin ang meron kayo.
Nico: Your welcome Sam, anytime.
Kazel: Tsaka wag mo na din akong tawaging Ma'am hindi naman ako teacher. Tita na lang.
Sam: Sige po tita. Thank you po ulit! Mauna na po ako.
Nico: Sige ingat ka sa pag-da-drive.
Kazel: Devon, ihatid mo na lang si Sam sa labas.
Devon: Sige po! Tara Sam.
Sam: Thank you po ulit sa inyong lahat!
Girlie: Wala yun nag enjoy din naman kaming kasama ka, sa susunod ulit.
Catherine: Oo nga, at sana madalas. Ingat ka!
Sam: Sige po! Mauna na ko! (at hinatid naman sya ni Devon palabas ng gate)
Devon: Ingat sa pag-uwi.
Sam: Sige thanks! Good night! Pasok ka na!
Devon: Sige good night din!

At tuluyan na ngang umuwi si Sam sa kanilang bahay. At sa hindi nya inaasahan andoon ang ama nya sa kanilang salas na nakaupo na tila bago para kay Sam.

Sam: Dad! Glad your here!
Thed: Saan ka galing?!
Sam: Dyan lang po kasama ng mga kaibigan ko!
Thed: Yung totoo saan ka galing?! (tumaas na ang boses nito at ramdam ni Sam ang galit sa tono ng boses ng ama)
Sam: Bakit Dad?!
Thed: Ayan! (sabay hagis kay Sam ng isang envelope at ng tignan ito ni Sam andun ang mga picture nila ni Devon na kumalat noon at ngayon may mga picture na kasama nya ang pamilya ni Devon na kuha kanikani lang)
Sam: Ano naman pong ibig sabihin nito Dad?!
Thed: Isa lang Samuel! Ayokong nakikipag kita sa babaeng yan at sa pamilya nya!
Sam: Bakit naman po Dad?! Ngayon na nga lang po tayo magkikita ganyan pa ang sasabihin nyo sakin?!
Thed: Cause I am your father!
Sam: Pero kahit kelan hindi ko naramdaman yun! Ang masakit pa dun kahit wala kayo sa bahay nato nagagawa nyo pa rin kaming manipulahin.
Thed: Dahil walang ibang pwedeng masunod sa pamamahay na ito kundi ako!! At sa susunod na makita kita na kasama ang mga taong yun hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!
Sam: Bakit Dad?! Anong gagawin mo? Tatanggalan mo ko ng mana at karapatan sa apelido mo!? Ok lang! Mas gugustuhin ko pa po kasing maging isang mahirap kesa mag karoon ng ganitong buhay! May pamilya nga ako pero madalang pa sa patak ng ulan kung makasama ko sila! Di bale na po na maging mahirap ako ok lang bastat makasama ko lang ang mga taong mahal ko!
Thed: Hindi mo alam kung anong sinasabi mo Samuel. Para sa inyo naman tong lahat ng ginagawa ko!
Sam: Pero hindi ko po kailangan ang lahat ng yan! Kayo po ang kailangan ko! Ang kahit minsan sana maiparamdam nyo samin na mahal mo rin kami! (iniwan na nito ang ama at hindi na hinintay na mag-salita)

Pag pasok ni Sam sa kanyang kwarto tanging unan lamang nya ang nayakap nya at nasandalan para iyakan. Samantalang...

Marie: Masakit ba?!
Thed: Pag sabihin mo ang anak mo!!
Marie: Bakit Thed, tama naman si Samuel eh, mas mahal mo pa ang pera mo kesa sa amin!! Kulang na lang mag paparty kami sa twing uuwi ka ng lintik na bahay nato!! Sana kahit minsan malaman at maisip mong hindi lang pera at kayamanan mo ang kailangan namin! (pagkatapos nun ay pumasok na rin sya ng kanyang kwarto)

Love Conquers All Chapter 12

Mabilis lang natapos ng ang issue tungkol kay Sam at Devon, hindi naman napagalitan ng ama si Devon dahil mismong si Sam ang kumausap sa ama nya at humingi ng dispensa sa nangyari. Naging normal na rin ang lahat at hindi rin naman naging dahilan ang issue na yun para mag iwasan si Devon at Sam sa katunayan naging mas malapit pa nga sila sa isa't isa. Lalo na't kasali si Devon sa mga kinuhang model ng ina ni Sam para sa grand fashion show nagaganapin sa isang buwan. Madalas magkita ang dalawa inside and outside the campus. Tumataas na rin ang tensyon sa pagitan ni Sam at Quen dahil sa mga nangyayaring closeness ng dalawa. Madalas kasing sumama si Quen pag may rehearsal sila Devon para sa fashion show at nakilala na rin ni Devon ang kapatid na babae ni Sam nung umpisa ay naging asiwa sya dito dahil kitang kita ang pagiging spoiled brat nito kaya isang araw na may rehearsal sila nagulat na lang si Devon ng tabihan sya nito.

Daiane: Hi Devon!
Devon: H-hi din.
Daiane: Alam mo kulang ka lang sa height eh pero inferness naman kasi sayo ang ganda mo at galing mong rumampa!
Devon: Salamat!
Daiane: Anyways hindi na ko mag papaliguygoy pa! I want your friend Quen at tulungan mo ko sa kanya.
Devon: Ha?! Si Quen?!
Daiane: Oo si Quen! Alam ko namang wala kayong ralasyon na dalawa bukod sa pagiging mag kaibigan eh, kaya tulungan mo kong mapalapit sa kanya.
Devon: Pero kasi, kahit naman siguro ikaw lang mag-isa kaya mo ng maging close kay Quen, madali lang naman kasi syang maka close tsaka mabait naman kasi yang si Quen.
Daiane: Sa tingin mo magiging madali lang talaga.
Devon: Oo, kaya lang...
Daiane: Kaya lang ano?!
Devon: Kaya lang kasi ayaw ni Quen sa babaeng masyadong maarte at spoiled!
Daiane: Ganun ba?! Don't worry hindi naman ako maarte at ang pagiging spoiled ko pwede namang mabago yun. Kahit ano gagawin ko magustuhan nya lang ako! Sige maiwan na kita! (umalis na nga ito at hindi na hinintay si Devon na magsalita pa)
Devon's POV: Grabe! Ang haba ng hair ng bes ko!!

Gabi na rin natapos ang rehearsal nung mismong araw na yun at wala pa rin si Quen para sunduin si Devon. Usapan kasi nilang mag kaibigan susunduin nya si Devon after nitong makipagkita sa Mommy nya. Unti-unti ng nauubos ang tao sa lugar kung saan sila nag rerehearse pero wala pa rin si Quen. Tulad ng dati hindi nya magawang tawagan ito dahil hanggang ngayon ay wala pa rin itong cellphone. Nag sara na ang studio at sa labas na lang sya nag hintay kay Quen. Ilang minuto at oras na rin ang lumilipas ay wala pa rin si Quen gusto mang umuwi ni Devon mag isa hindi nya rin magawa dahil naiwanan pala nya ang wallet nya sa kanilang bahay. Nawawalan na ng pag-asa si Devon dahil nagdidilim na talaga at ilang oras na rin syang nag hihintay sa kaibigan pero wala pa rin ito. Hanggan sa naiidlip na sya sa kinauupuan nya ng may isang tunog ng sasakyan syang narinig.

Girl: Why are you still here?!
Devon: Hinihintay ko po kasi ang kaibigan ko wala pa po kasi sya!
Girl: Hindi mo ba alam kung anong oras na at ilang oras ka na ring naghihintay dyan bakit hindi na lang kasi umuwi ka mag-isa.
Devon: Gusto ko po sana kaya lang wala po kasi kong pera naiwan ko kasi yung wallet ko sa bahay.
Girl: Then, why don't you text him?!
Devon: Wala po kasi kong cellphone.
Girl: OMG! When God shower all the kamalasan siguro lahat nasalo mo!! Come on in! I'll bring you home!!
Devon: Talaga po?! Naku salamat po!
Girl: No problem! Let's go!!

At hinatid nga si Devon ng babaeng nakausap nya kanina. Hanggang sa makababa sya ng sasakyan nito hindi manlang nya naitanong ang pangalan nito. Though hindi nya talaga kilala ang taong yun, hindi nya alam pero magaan ang pakiramdam nya sa babae.

Devon's POV: Ang tanga mo naman Devon! Nag thank you ka nga, hindi mo naman inalam kung anong pangalan nya. Naku ang malas mo talaga!! (papasok na sana sya ng gate ng may isang kotse ang huminto sa may tapat nila)
Quen: Bes!!!
Devon: Hay naku! Dumating ka pa!!
Quen: Bes sorry! Ayaw kasi kong paalisin ng Mommy kanina, hindi naman kita maitext kasi wala ka namang phone! Namasahe ka ba pauwi?!
Devon: Hindi! May nag hatid sakin!
Quen: Sino?!
Devon: Hindi na mahalaga kung sino sya pero thankful ako sa kanya at dumating sya kung hindi baka doon na ko matulog sa labas ng studio!
Quen: Bes, sorry talaga ha!
Devon: Ano pa bang magagawa ko?! (ikot-matang sabi nito sa kaibigan)
Quen: Sorry talaga bes!!
Devon: Oo na sige na! Dyan kana pasok na ko! Inaantok na ko!
Quen: Ah bes may binili pala ko para sayo! Eto oh! (sabay abot nito sa isang chocolate bar)
Devon: Talagang may nakahanda ka pang palubag loob hah!
Quen: Hindi naman!
Devon: Naku! Whatever Quen! Dyan kana!
Quen: Sige! Good night bes!
Devon: Sige good night!
Quen: Dream of me Bes!! (mahinang sabi nito ng makapasok na si Devon sa loob ng bahay nito at umalis na din naman sya at umuwi sa kanilang bahay)

Love Conquers All Chapter 11

Kinabukasan pagkakita ni Sam kay Robi iniis agad sya nito. At ngiti lang naman ang isinusukli nya sa kaibigan. Pero aminado naman sy sa sarili nya na gusto nya ang mga picture na pinasa sa kanya ni Robi sa katunayan hindi nya nga ito binubura sa cellphone nya. Kahit ang mga picture na nakuha nya nung nag model si Devon para sa kaibigan na si Shey. It is just a regular day pareho lang ang lahat pero hindi inaasahan ni Sam na magiging disaster ang hapon nya bago sya umuwi.

Sam: Shit!! (habang may hinahalungkat ito sa kanyang bag)
Arron: Bakit braw?!
Sam: My phone is missing.
Neil: Andyan lang yan hanapin mo na lang mabuti.
Sam: Pero wala talaga eh.
Patrick: Sige tulungan ka na naming mag hanap.

Hinanap nga nilang magkakaibigan ang cellphone ni Sam at binalikan ang mga lugar kung saan huling pumunta si Sam pero naikot na nila lahat ng pinuntahan ni Sam hindi pa rin nya nakita ang cellphone nya.

Neil: Hayaan mo na yun braw makakabili ka pa naman ng bago eh.
Sam: Hindi pwede! I want my phone back!
Arron: Teka braw ngayon ka lang ata nag-alala ng husto sa cellphone, may bago sa phone mo na yun
Robi: Oo meron! (sabay ngiti nito) Wag kang mag-alala Sam may kopwa pa naman ako eh ipapasa ko na lang ulit sayo.
Sam: Sira! Higit pa dun ang ipinag-aalala ko!
Robi: Ano yun?!
Sam: Ha?! Wala! Sige na tara na bahala na nga kung di ko na makita ulit yun. Mauna na kong umuwi sa inyo.

At ilang Linggo na ang lumipas hindi na talaga naibalik kay Sam ang cellphone kaya naman bumili na lang ito ng bago. Pero mas malaking issue ang lumabas maliban sa pagkawala ng cellphone ni Sam.

Girl1: Hey girls! Look at this!
Girl2: Oh my gawd! Anak pa naman sya ng professor!
Girl3: Grabe ang landi nya!!
Girl1: Akala ko pa naman kung sinong mabait yun pala may landing itinatago.
Girl2: Shii..Gurls andyan na si Sam.

Pagdaan ni Sam sa tatlong babae na kanina ay nag uusap-usap biglang natahimik ang mga ito. At pag pasok nya ng kanilang room sinugod agad sya ni Coleen.

Coleen: I hate you, I hate you!! (habang pinagsusuntok nito si Sam)
Sam: Hey! Stop it! What the hell are you doing?! (hinawakan nya ang kamay ng babae tsaka ito tinulak palayo)
Coleen: Wala kang kwenta! Pumapatol ka sa isang dukha!!
Sam: What?!! (nagtatakang tanong ni Sam at yung eksena naman na yun ang inabutan ni Devon at Quen)
Coleen: Ikaw! (biglang sugod nito kay Devon) Ang landi mo! Anak ka pa naman ng isang professor tapos isang malanding babae ka lang pala!
Quen: Teka! Wag mo ngang sabihin yan kay Devon dahil hindi yan totoo!!
Coleen: Hindi totoo?! Sige ipaliwanag mo nga yang mga picture na yan! (sabay abot nito kay Quen ng cellphone nya)
Quen: (hinarap ni Quen si Devon at ipinakita ang litratong nasa cellphone) Anong ibig sabihin nito Devz?!
Devon: (hindi sya makasagot at tinignan nya lang si Sam, inagaw naman ni Sam kay Devon ang cellphone ni Coleen)
Sam: Saan mo to nakuha?! (gigil na tanong ni Sam kay Coleen) Saan mo na kuha to?! (sa pangalawang ulit ni Sam ay makikita na ang galit sa kanyang mukha)
Coleen: S-somebody just send me that picture!!
Sam: Sino?!
Coleen: I don't know!!
Sam: Makinig ka! Pag itong mga picture na to ay kumalat pa papatayin kita!
Ariane: Excuse me! Sam, kumalat na nga yang mga picture na yan at pati sa mga professor nakarating na rin yan. (singit nito sa usapan)
Devon: Ano?! Pati sa mga professor?! (nag-aalalang tanong ni Devon)
Carla: Oo! At lahat ng source ay galing sa grupo ng elite girls!!
Sam: Ipabura nyo lahat ng mga picture na yan ngayon din kundi hindi magugustuhan ang gagawin ko sayo!! (madiing banta nito kay Coleen)
Coleen: Ano ba kasi talaga ang relasyon nyong dalawa?!
Sam: It's none of your business!! Asikasuhin mo ang pagpapabura ng picture sa ibang estudyante kundi malalagot ka sakin!!
Coleen: Pano kung ayoko?!
Quen: Ako ang makakalaban mo!! (madiing sabi ni Quen na kanina pa nag pipigil ng galit sa babae)
Coleen: Wow Devon ang swerte mo naman ang dae mong tagapag tanggol!! Ilang beses sa isang araw ka ba nilang nagagamit?! (isang malutong na sampal naman ang natanggap ni Coleen mula kay Sam)
Sam: Bawiin mo ang sinabi mo!!
Coleen: Ayoko! Dahil iyon naman ang totoo diba?!
Sam: Sinabi ng bawiin mo ang sinabi mo eh. (hindi na nakapagpigil si Sam at hinawakan nya ang dalawang braso ni Coleen ng pahigpit)
Coleen: Aray ko Sam bitawan mo ko nasasaktan ako!!
Sam: Talagang masasaktan ka hanggat hindi mo binabawi ang sinabi mo!!!!
Coleen: Ok fine!! Let me go!! (at binitawan naman sya ni Sam) Sorry for what I've said! (ikot-matang sabi nito kay Devon)
Sam: Umpisahan mo na ang pagpapabura ng mga picture!! Ngayon na! (sabay balibag nito sa cellphone ni Coleen sa sahig at hinarap nya si Devon) Sorry for what happened! (yun lang at tinalikuran na nya ang babae)

Matapos ang nangyari nag punta si Sam sa studio nila at inabutan niya doon ang mga kaibigan pati na rin sila Shamie at Erika.

Sam: Anong ginagawa ng mga yan dito?!
Arron: Meron kasi silang gustong ibalik sayo braw!!
Shamie: (may kinuha sa bag at inabot kay Sam) Sorry!!
Sam: Kayo ang nakakuha nitong phone ko?
Neil: Hindi lang nila basta nakuha yan, sinadya talaga nilang kunin yan!!
Sam: What?!!
Erika: Nakita kasi naman kayo nung nagpapractice kayo at nakita namin na pinicturan kayo ni Robi at narinig naming may isesend sa iyo si Robi kaya nung nakita ka naming nag lalaro sa court mag isa pumasok kami sa locker room ng basketball team at kinuha namin tong phone mo! Gusto kasi ni Coleen na makaganti kay Devon.
Sam: What?! Pwes, eto ang iparating mo kay Coleen, kahit kailan hindi nya magagawang saktan si Devon hanggat nandito ko!! Give my phone! At umalis na kayo bago ko pa makalimutan na kapatid ka ni Patrick, Shamie!!
Shamie: Sorry talaga Sam!!
Sam: Wag kayong mag sorry sakin! Hangga't hindi nauubos ang kopya nitong mga picture na to sa ibang estudyante hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa nyo!!!
Erika: Oo gagawin namin lahat para mabura ang mga yun.

Mag hapong tahimik lang si Devon at hindi makapaniwala sa mga nangyayari. At natatakot din sya na baka kung ano ang sabihin o isipin ng mga estudyante tungkol sa kanya. Pero hindi naman sya iniwan ng kaibigan na si Quen kahit pa naninibago ito sa kanya. Ang dating Devon na laging lumalaban pag sinasaktan ay tahimik na lang ngayon. Bago sila dumiretchong umuwi inaya ni Quen sa isang park na malapit lang sa kanilang subdivision.

Quen: Wag mo ng isipin yung nangyari.
Devon: Bakit ba sila ganun?! Wala naman akong ginagawang masama sa kanila.
Quen: Hayaan mo na sila naiingit lang ang mga yun sayo.
Devon: Inggit?! Eh kung tutuusin ako nga ang dapat na mainggit sa kanila eh. Lahat meron sila samantalang ako wala naman ako ng meron sila eh.
Quen: Alam mo kung anong kinaiinggitan nila sayo?! Yan! Yang magandang mukha mo at ang magandang ugali mo.
Devon: Ako maganda?! Parang hindi naman! Simpleng tao lang naman kasi Quen, at alam mo yan.
Quen: Oo nga. Pero ikaw ang gusto ng Samule Lopez na yun!
Devon: Si Sam?! At bakit naman napasok sa usapan si Sam?
Quen: Hindi mo ba napapansin at nararamdaman? May gusto sayo si Sam.
Devon: Bes, imposible yun noh! Hindi pwedeng magkagusto sakin ang isang anak mayaman!
Quen: Sana nga wala talaga syang gusto sayo. (mahinang sabi nito)
Devon: Ano yun?!
Quen: Wala! Sabi ko kain na lang muna tayo ng ice cream! Tara libre kita ng mangiti kana!
Devon: Sige na nga!! Let's go!!

Monday, August 29, 2011

Love Conquers All Chapter 10

Am I in love with her?!


Hindi makatulog si Sam ng gabing iyon at wala syang ibang ginawa kundi tignan ang mga pictures na nakuha nya mula kay Devon habang rumarampa ito kanina.

Sam: You look so beautiful! Simple yet beautiful. (bulong ni Sam sa kanyang sarili) Waaaaaaahhhhhhh... Samuel ano bang nangyayari sayo?! Matulog ka na nga lang! (at inilapag na nya ang camera sa table na malapit sa bed nya)

Kinabukasan pag pasok ni Sam may mga pictures na pinagkakaguluhan ang mga kaklase nya at nakita nyang ang may hawak noon ay ang isa sa mga myembro ng mean girls na si Ariane. At ilang sandali lang naglapitan na rin ang mga elite girls para tignan ang litratong pinagkakaguluhan ng iba.

Coleen: Sino ba yang tinitignan nyo dyan?! (sabay agaw nito sa isang litrato)
Erika: OMG! Is it Devon?! (malakas na sabi nito dahilan para marinig iyon ni Sam)
Ariane: Oo si Devon yan. Ang ganda nya noh. Mas maganda pa sa inyo.
Coleen: No! She's not!! Kahit ilang make-up pa ang ubusin sa muka nya at kahit sinong sikat na designer pa ang gumawa ng damit nya sa huli panget pa rin sya at mas maganda pa rin ako sa kanya.
Carla: Parang hindi naman yata! Kasi ilong pa lang talo ka na sa kanya.
Coleen: That's not true! (ikot-matang sabi nito sa babae)
Gellie: Wait bakit hindi na lang tayo may botohan kung sino ang mas maganda sa inyong dalawa. Our classmates will going to choose between you and Devon.
Coleen: Hindi na kailangang lahat sila ay bumoto pa, dahil sa huli sa boto ng isang tao pa rin ako maniniwala. (sabay lapit nito kay Sam) Excuse me!
Sam: Yes?!
Coleen: Look at this picture, it's Devon. Mas maganda ko sa kanya right?! (deretchong tanong ni Coleen kay Sam at yun ang narinig ni Devon na kadarating lang)
Sam: No! Your not beautiful. (diretsyong sagot ni Sam kay Coleen na ikinatawa naman ng mga mean girls)
Coleen: What did you say?!
Sam: I said your not beautiful and Devon is more beautiful than you, nang higit pa sa dalawang beses. (tinalikuran na nya si Coleen at hinarap nya si Devon) Ang ganda mo kagabi, and even in a regular day mas maganda ka pa din. (namula naman si Devon sa sinabing iyon ni Sam)
Devon: Thank you! (papasok na sana sya ng room nila ng mag salita ulit si Sam)
Sam: By the way pinapasabi nga pala ni Arron na may rehearsal daw kayo ngayon at hindi ka na pwedeng mawala doon)
Devon: Ok sige, pakisabi sa kanya na this time darating na talaga ko. (yun lang at lumabas na si Sam ng room nila at sya naman ay naupo na sa kanyang upuan)
Ariane: Pano ba yan, si Sam na mismo ang nag sabing mas maganda si Devon kesa sayo. 3-0! Baon kana Coleen!
Coleen: Shut up!! (inis na sabi nito)
Ariane: Ok loser! (at sabay talikod nito sa babae)

Dumating na ang hapon at tapos na rin ang lahat ng klase nila Devon at ready na syang pumunta sa studio para siputin naman ang practice ng dance troupe. Pero bago pa man sila magkahiwalay ni Quen may ibinilin na ito sa kanya.

Quen: Basta kahit anong mangyari susunduin kita mamaya ha.
Devon: Wag na nga sabi eh, hindi ko alam kung anong oras matatapos ang rehearsal.
Quen: Ok lang kahit mag hintay ako ng matagal basta susunduin ka! Sige na babye! (at iniwan na sya ni Quen kahit pa may gusto pa sana syang sabihin dito)

Dumiretcho na si Devon sa studio, nakapag bihis na rin sya ng damit pang sayaw at inabutan nya sila Arron, Robi, Neil at Patrick na nag sasayaw.

Devon: Sorry late ako!
Neil: Ok lang, actually nag i-start pa lang naman kami eh.
Patrick: Tara mag warm-up ka muna din.
Devon: Ako lang ba talaga ang babae dito?!
Arron: Oo ikaw lang, pero wag kang mag-alala safe ka naman samin eh.
Devon: Hindi naman yun ang ibig kong sabihin eh.
Robi: Pero ok lang din naman yun kahit ikaw lang ang babae samin, gagawin ka naming prinsesa.
Devon: Sira di na kailangan noh! (sabay hampas nito kay Robi)
Robi: Mukang hindi nga kailangan. Ang sakit nun ha. (angal nito habang inihimas ang braso)
Devon: Ay sorry!
Neil: Ok lang yan! Ngayon kasama kana sa barkada namin. Your one of the boys! (at nag tawanan naman silang lahat)

Matapos nilang mag warm-up nag practice na sila ng iba't ibang sayaw at talaga namang napahanga nya ang mga lalaki dahil sa bilis nyang pumik-up ng mga steps. Kaya hindi nahirapan ang mga itong turuan sya ng mga sayaw nila, at para rin naman kasing lalaki sumayaw si Devon, may anggas at pitik ang bawat galaw nito at ikinatuwa naman iyon ng mga bago nyang kaibigan. During the break dumating sa studio si Sam.

Arron: Braw.. Natagalan ka ata ngayon?!
Sam: Pasensya na, dami kasing sermon ngayon ni manager eh.
Robi: Hindi ka na nasanay!
Neil: Oo nga braw!
Sam: Hahah.. Ang sabihin nyo, sanay na sanay na ko!
Patrick: Buti na lang magaling tong swagger princess natin hindi ka mahihirapan sa kanya.
Devon: Ha?! (nagtatakang tanong nito)
Arron: Hindi mo ba alam member din si Sam ng dance troupe.
Devon: Ah ganun ba?! (nauutal na sabi nito)
Neil: At hindi lang yun, sya talaga ang presidente ng troupe.
Robi: Wag kang mag-alala hindi naman masungit yan.
Sam: Tama na yan! Balik practice na tayo!
Robi: Sabi sayo hindi masungit yan eh.. (bulong nito kay Devon)

Balik practice na ulit sila at ng nakuha na lahat ni Devon ang step sa unang sayaw na ineensayo nilatinuruan naman sya ng mga ito ng lyrical dance at mismong si Sam ang kapartner nya sa sayaw. May ilangan man sa pagitan nilang dalawa naging maganda pa rin ang mga moves nila at tila kinikilig si Robi sa mga nakikita nya kaya gamit ang phone nya kinuhanan nya ng picutes ang dalawa. At ilang oras pa ang nakalipas natapos na sila sa rehearsal nila.

Arron: Devon, ihahatid ka na lang namin.
Devon: Ah hindi na, susunduin naman kasi ko ni Quen. Salamat na lang. Sige mauna na ko sa inyo.(at umalis na nga sya at hindi na hinintay magsalita sila Arron)
Robi: Sam, may itetext pala ko sayo mamaya ha. Sige una na ko!

Naghiwahiwalay na sila at si Devon ay sinundo nga ni Quen. At pagdating naman ng bahay ni Sam nakatanggap na sya ng text mula kay Robi ng tignan nya ito isang litrato nila ni Devon ang bumungad sa kanya at napangiti naman sya ng makita ito. Ilalapag na sana nya ang cellphone nya ng tumunog ulit ito at si Robi ulit iyon at tila kinilig naman sya sa sumunod na picture na pinasa sa kanya ni Robi, kung titignan kasi ang picture para bang mag kikiss na sila ni Devon doon.

Sam's POV: Sira ka talaga Robi! (naiiling na sabi nito sa sarili habang nakangiting pinagmamasdan ang litrato nila ni Devon)

Love Conquers All Chapter 9

The Swagger Princess and The Best Model...


Makalipas pa ang ilang Linggo, nalaman na ni Devon mula kay Arron na sya ang napiling maging bagong myembro ng Bubbles Dance Troupe at masayang masaya naman si Arron na ibalita ito kay Devon.

Arron: Devon, congrats ha, and welcome to the group!
Devon: Ha?! Bakit?!
Arron: Nakapag decision na kasi mga head na ikaw na ang bagong member ng dance troupe!
Devon: Talaga?! Wow! Thank you! Grabe ah.. Ang tagal bago lumabas ng result kala ko nga may iba ng nakuha eh kaya hindi mo ko kinakausap about that.
Arron: Hindi noh! Nagkaroon lang kasi ng konting problema kaya natagalan sa paglalabas ng result. Nga pala mamaya may unang dance rehearsal ka na kasama namin.
Devon: Ah talaga?! Kaya lang wala akong dalang damit eh, pero ok lang magpapadala na lang ako sa ate.
Arron: Sige, so pano kita na lang tayo mamaya sa studio.
Devon: Sige!

At dumiretcho na si Devon sa cafeteria, nauna kasing lumabas si Quen ng campus dahil may dadaanan ito sa kabilang building pero pagdating nya ng cafeteria wala pa din doon si Quen tanging si Shey, Char, Kyra at Joe lang ang inabutan nya doon.

Devon: Wala pa si Quen dito?!
Joe: Wala baby Devz, bakit hindi ba kayo magkasabay ngayon?!
Kyra: Parang bago ata yun?!
Devon: Sira! May dadaanan daw kasi sya sa kabilang building kaya nauna syang lumabasa sakin akala ko naman andito na sya wala pa pala.
Char: Baka parating na din yun.
Shey: Ah Devon, ano ready ka na ba para mamaya?!
Devon: Ayun na nga po eh, kinakabahan ako baka po kasi magka mali ako mamaya.
Shey: Hindi yan, basta tandaan mo lang lagi lahat ng mga tinuro ko sayo.
Devon: Sige po! Anong oras nga po ulit yun?!
Shey: Siguro let's meet at 3pm here at the cafeteria.
Devon: Naku! Magkakasabay..
Kyra: Ang alin?!
Devon: Kasi may dence rehearsal daw mamaya sa dance troupe.
Quen: Dance troupe?! (biglang singit nito nakadarating lang)
Devon: Ah oo hindi ko pa pala nasasabi sa inyo, kasi nung nakaraan nag audition ako sa dance troupe ng school ayun ngayon lang lumabas yung result at sabi ni Arron ako daw napili para maging bagong member ng grupo.
Shey: Ganun ba?! Baka naman pwedeng hindi ka muna mag rehearse!
Devon: Kakausapin ko na lang po si Arron mamaya.
Quen: Wag na! Ako na lang ang bahalang kumausap sa kanya mamaya, pupuntahan ko na lang sya sa studio nila mamaya.
Devon: Pero siguro mas maganda kung ako na lang yun magsabi sa kanya.
Quen: Wag na baka malate ka pa sa fashion show nila ate Shey, kakapusin ka sa oras kaya ako na lang ang bahala.
Devon: Pero ka...
Char: Wag ka ng mag-alala Devz, sasamahan ko na lang si Quen mamaya. Ok?!
Devon: Sige po!.

Ilang oras na rin ang lumipas kahit pa gustong puntahan ni Devon si Arron para personal na magpaalam hindi na rin nya nagawa kasi late na silang dinismis ng huling klase nila kailangan na nyang mag madaling pumunta ng cafeteria para maayusan na sya ni Shey at ng makapag practice pa ulit sya ng paglalakad. At tulad nga ng inaasahan andun na si Shey sa cafeteria at hinila na sya agad nito papunta ng building nito para doon na lang sya ayusan, pagdating nila doon nagulat si Devon sa mga nakita nya dahil ang gaganda at ang tatangkad ng mga model na kinuha ng ibang kaklase ni Shey. Kaya naman mas lalo pa syang kinabahan sa kanyang nakita, gusto man nyang mag back-out pero huli na kasi walang magiging model si Shey.

Devon: Ate Shey, kinakabahan po ako ang gaganda at ang tatangkad ng mga model nila.
Shey: Ano kaba wag kang kabahan, relax ka lang at sigurado ko mas magiging maganda ka kesa sa kanila. Tara na dali aayusan na kita.

Tanging si Shey lang ang nag ayos sa kanya mula sa buhok hanggang sa make-up nya. Ilang oras din ang tinagal ng pag aayos nila at ilang oras na lang ay mag sisimula na rin ang show. Nang bihisan na sya ni Shey dun lang nya nakita ang sarili nya talaga namang mas lalo pa syang gumanda at nag mukha talaga syang model. Magkakaroon ng tatlong rounds ang show, una ang casual wear sunod ay ang semi-formal at huli ang formal wear. Simpleng make-up lang ang ginawa sa kanya ni Shey hindi naman na kasi kailangang bonggahan ang make-up nya dahil may likas na kagandahang taglay naman si Devon. Ilang minuto na lang at simula na ng show.

Shey: Are you ready?! Ikaw na susunod. Galingan mo kaya mo yan.
Devon: Kinakabahan po talaga ko ate Shey.
Shey: Wag kang kabahan kayang kaya mo yan! Ikaw na! Go!

Paglabas ni Devon mula sa backstage tumambad sa kanya ang dami ng tao at sa dami ng tao na yun ikinagulat nya ang pagkakita nya kay Sam na nakaupo kasama ng mga audience. Nakita nya rin ang Papa at Mama nya pati na rin si Manang Rosa na kasama nila Quen na nanonood. Masaya ang mga ito at doon nakahugot ng lakas ng loob si Devon kaya naman taas noo syang rumampa at napawi ng saya ang kabang kanina ay nararamdaman nya. Pag balik nya ng backstage may itinanong sya kay Shey.

Devon: Ate Shey, may mga judges pala?!
Shey: Oo! At nandyan ang sikat na ina ni Sam isa sya sa mga judges.
Devon: Ang mama ni Sam?!
Shey: Oo. Si Marie Lopez, sikat na fashion designer yun, mamaya na tayo mag kwentuhan at mag palit ka na.

Nag enjoy na lang si Devon sa kanyang pag-rampa at natutuwa talaga sya sa twing nakikita ang ina na pumapalakpak para sa kanya. Sa huling pag rampa nila kailangang bigyan ng paliwanag ng mga designer ang mga ginawa nilang design. At natuwa naman sya ng puruhin ng Mama ni Sam ang gawang damit ng ate Shey at pati na rin sya ay pinuri nito. At sa huli ang mga designs na damit ni Shey ang nanalo sa competition. Biglang premyo makakasama ang mga gawang design ni Shey sa mga ibebentang damit sa boutique ng tanyag na fashion designer na si Marie Lopez, at ikinagulat nilang dalawa ang pag sadya pa nito sa kanila sa backstage.

Marie: Hi, excuse me.
Shey: Miss Marie.
Marie: Hi. Congratulations! Ang gaganda ng mga gawa mong damit.
Shey: Naku salamat po.
Marie: Bukod nga pala sa maisasama ang mga gawa mo sa mga ibinebenta ko sa boutique ko, I am inviting you to design a dress para sa nalalapit na grand fashion show ko at miss...
Shey: Devon po, sya po si Devon.
Marie: Ah yah!! I want you to be part of it na rin.
Devon: Po?! Ako po. Bakit naman po?! Hindi naman po ako professional model.
Marie: Maybe your not professional but the way you walk, you look very professional. Kaya please come and join the fashion show.
Devon: Ah.. Sige po.
Marie: Wow! Thank you so much! By the way you look so pretty while walking at the run-way.
Devon: Naku! Thank you po talaga.
Marie: Your welcome. So, I excuse myself. Good job for the both of you.
Shey: Salamat po Ms. Marie. (at tuluyan na ngang umalis ang babae)

At hindi na rin nag tagal lumabas na rin sila Devon at Shey mula sa backstage at abot-abot ang papuri ng mga kaibigan sa tagumpay na nakamit ng dalawa. Pati ang mga magulang ni Devon ay tuwang-tuwa sa kanya.

Shey: Thank you sa inyong lahat guys! It's a dream come true kaya let's go! Lilibre ko kayo ng dinner!
Joe: Ayos! Gutom na rin ako! Ginutom ako kachi-cheer sa inyo. (at nag tawanan naman silang lahat sa sinabi ni Joe na yun)

At nung gabi rin na yun may isang taong hindi makatulog at panay ang tingin nito sa kanyang camera, panay ang scan nya sa mga pictures na simula pa kanina ay pinagmamasdan na nya.

Love Conquers All Chapter 8

Sunday and it's family day!!!


Nakalipas na rin ang ilang araw, linggo at buwan ng pagtira ng pamilya nila Devon sa kamynilaan habang tumatagal mas lalo pa silang nagiging masaya sa bagong buhay nila roon, at syempre kahit bago na ang environment nila hindi pa rin nila nakakalimutan ang mga bagay na ginagawa nila noong nasa Cebu sila, every Sunday lumalabas sila at sama-sama lang silang nasa bahay nag kukulitan matapos nilang mag simba. Pero ngayong araw na ito ay importante dahil kaarawan ng isang kasama nila sa bahay kaya naman lumabas silang mag-anak kasama ang Manang Rosa nila. At matapos nilang mag simba dumiretcho na rin agad sila sa mall na malapit lang sa pinag-simabahan nila para doon na lang mananghalian.

Manang Rosa: Kayo naman, hindi nyo naman na ako kailangang dalin dito.
Kazel: At bakit naman hind Nanay Rosa?!
Nico: Oo nga naman ho Nanay, tsaka mahigpit pong bilin ni Sonny na dapat ilabas daw ho namin kayo kundi palalayasin nya kami sa bahay.
Manang Rosa: Aysus! Parang hindi naman magagawa ni Sonny yun.
Devon: Pero nanay Rosa dapat talaga i-celebrate natin ang birthday nyo noh. Ilang taon na nga ho ba ulit kayo!? 18 ba?!
Manang Rosa: Aba ang batang ito masyado mo naman ata akong pinatatanda 17 pa lang kaya! (at nag tawanan naman sila sa sinabi ng matanda)
Girlie: Dito na lang po tayo, masarap dito tsaka mura!
Nico: Ano Nanay Rosa ok na ba sa inyo toh?!
Manang Rosa: Aba'y oo naman, kahit nga sa turo-turo lang tayo ok na sa akin eh, basta't kasama ko kayo.
Catherine: Aysus! Baka maiyak pa ho kayo nyan Nanay Rosa!!
Kazel: Tumigil na nga kayo dyan, mapaiyak nyo pa si Nanay Rosa, tara Girlie umorder na tayo.
Girlie: Sige po!
Devon: Mag c-c.r lang po ako ha.
Nico: Sige ingat ka, bumalik ka kaagad!!
Devon: Opo!!

Pabalik na si Devon galing ng c.r ng may makabangga syang isang babae.

Devon: Naku! Sorry po, hindi ko po sinasadya!
Girl: Naku! Iha, ok lang ako nga dapat ang mag sorry hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko, pasensya na iha.
Devon: Pasensya na din po.
Girl: Sige iha, pasensya na ulit ha, excuse me.
Devon: Sige po. (at lumakad na rin sya malayo ng makarinig sya ng isang pamilyar na boses at ng pag lingon nya may isang lalaking lumapit sa babaeng nakabangga nya ngunit hindi nya na nakita kung sino toh dahil na rin sa dami ng taong nagdadaan at naharangan na ang mga ito)
Catherine: Ang tagal mo naman mag c.r isang drum ba ang inihi mo.
Devon: Sira, may nakabangga kasi akong isang babae.
Girlie: Kahit kailan ka talaga walking disaster ka, ang hilig mong mangbangga.
Devon: Hindi ko naman sinasadya eh..
Kazel: Tama na yan, kumain na lang kayo. (biglang tumunog ang phone nya) Hello, sino toh?! Ah oo, eto sandali lang!
Kazel: Nak, si Shey oh, gusto ka daw makausap. (sabay abot ng phone kay Devon)
Devon on the phone: Hello ate Shey?! Ahmmm.. Ngayon na po?! Sige po, mag papaalam na lang po ako kay Papa. Ok po! Babye!!
Nico: Ano yun!?
Devon: Kasi po gustong makipag kita ni ate Shey sakin ngayon.
Kazel: Bakit daw?!
Devon: May gagawin daw po kasi kami about dun sa sinasabi ko po sa inyo na gagawin nya kong model, mag fifitting daw po kami ngayon.
Nico: Eh nasan ba sya?!
Devon: Sabi po nya pupuntahan na lang daw po nya ko dito eh.. Ok lang po ba Papa?!
Nico: Ok lang, sige pero huwag kang mag papagabi ha.
Devon: Opo. Siguradong ihahatid naman po ako ni ate Shey eh.
Kazel: Ok! Basta ma iingat ka lang ha, at makitext ka kung nasan na kayo or pag-pauwi ka na.
Devon: Opo mama.

Ilang oras na rin ang nakalipas ng iwan si Devon ng mga magulang at kapatid nya, dahil dun sa mall din naman yun sila magkikita ni Shey at napagkasunduan nilang sa Starbucks na lang sila magkikita kaya umakyat pa si Devon ng second floor para doon hintayin si Shey, ngunit isang oras na ang lumilipas wala pa din ang hinihintay nya, hindi naman nya toh magawang tawagan o itext man lang dahil wala syang cellphone. Habang nakatingin sya sa malayo may nakita syang isang pamilyar na tao sa loob ng isang boutique at hindi naman malaman ni Devon kung bakit dinala sya ng mga paa sa boutique na iyo.

Devon: Sam?!
Sam: Uy Devon! Anong ginagawa mo dito?! (masayang bati nito sa lalaki)
Devon: Ah nandyan kasi ko sa may Starbucks ng makita ka, hinihintay ko kasi si ate Shey kaya lang isang oras na lumilipas wala pa din sya eh. Ikaw anong ginagawa mo dito?!
Sam: Ah kasi yu... (hindi pa natatapos ni Sam ang sasabihin ng may isang babaeng lumapit sa kanya)
Marie: Sam, iho.. (nang mapansin si Devon) Hey! It's you again.
Devon: Po?!
Marie: Ako yung nakabanggaan mo kanina.
Devon: Ay oo nga po! Naku! Pasensya na po.
Marie: Ok lang! Teka Sam, magkakilala ba kayo?!
Sam: Ah opo Mom, mag kaklase at mag kaibigan po kami.
Marie: Oh really?! Well, ang ganda naman nitong kaibigan mo.
Devon: (namula naman sya sa sinabi ng Mama ni Sam) Ay!! Hindi naman po, pero salamat na rin po.
Marie: So, iha anong ginagawa mo dito?! Bibili kaba, sige I'll give you a discount. Ano bang gusto mo?! (at naghanap sya ng mga damit para ipakita kay Devon)
Devon: Naku! Hindi po ako bibili. (nahihiyang pahayag nito)
Sam: Ah Mom, matagal ka pa naman po diba?! Dyan lang ako sa may Starbucks mag kakape muna kami ni Devon. Sige Ma. (sabay halik nito sa kanyang ina at hinila na si Devon)

Pagdating nila ng Starbucks wala pa din doon si Shey, at sinamahan na ni Sam si Devon sa paghihintay at ibinili rin nya ito ng maiinom.

Sam: Pasensya ka na kay Mommy ha.
Devon: Ha?! Bakit naman?!
Sam: Ah wala, wala... Wag mo na lang akong intindihin. Nasan na ba kasi yang ka-meet mo?! Tawagan mo na kaya sya!!
Devon: Gusto ko sana kaya lang wala naman kasi kong phone kaya hindi ko sya matawagan o matext man lang.
Sam: Ahmmm.. Alam mo ba ang number ng phone nya?!
Devon: Ah.. Oo!!
Sam: Oh eto. Tawagan mo na sya. (sabay abot ng phone nya kay Devon, at tinawagan na din ni Devon si Shey)
Devon: Eto na. Salamat!
Sam: Oh nasan na daw sya?!
Devon: Hindi na daw sya makakapunta eh. Nasiraan kasi yung sasakyan nya.
Sam: Ganun ba?! So, anong balak mo na nyan?!
Devon: Edi uuwi na lang ako.
Sam: Uuwi ka na?!
Devon: Oo, wala na rin naman akong gagawin dito eh..
Sam: Ok lang ba kung samahan mo na lang ako?!
Devon: At saan naman tayo pupunta?! Tsaka baka hanapin ka pa ng mama mo.
Sam: Hindi yan, itetext ko na lang sya. Tara na! (at hinila na ulit sya ni Sam at hindi sya nito binitiwan kaya naman hindi na sya naka tanggi kay Sam)

Dinala ni Sam si Devon sa isang lugar tanging silang dalawa lang ang nandoon. Hapon na yun at hindi na mainit kaya ok lang. Nasa rooftop sila ng isang building.

Devon: Bakit tayo nandito?! Tsaka alam Sunday ngayon dapat family mo ang kasama mo.
Sam: Ano naman kung Sunday ngayon!? Bakit kailangan pamilya ko ang makasama ko?!
Devon: Alam mo kasi Sunday is a family day!
Sam: (nangiti sa sinabi ni Devon) Siguro oo, sa ibang pamilya at hindi sa pamilya ko.
Devon: Ha?! Ano namang ibig mong sabihin!?
Sam: (lumapit kay Devon at tinabihan ito sa pagkakatayo) Hindi uso sa pamilya ko ang family day, ang totoo nga nyan parang wala naman akong pamilya eh.
Devon: Bakit mo naman nasabi yan?!
Sam: I have a twin brother but he's not here he's leaving at Australia and my younger sister, mas gugustuhin pa nung makasa ang mga gamit nya sa kwarto buong araw kaysa kaming pamilya nya ang makasama nya, my Mom she's busy on her own business pero oo kahit papano naman kinakamusta pa rin nya kami. And my Dad?! Hindi ko alam, I don't remember na nga when was the last time I saw him eh.
Devon: Hindi ba kayo magkakasama sa bahay?!
Sam: Bahay?! Sa bahay namin mas madalas ko pang makita ang boy at driver namin pati ang mga katulong kesa sa Daddy ko, lagi kasi syang busy, kahit nga madaling araw na ko umuuwi minsa nauunahan ko pa sya eh. Kundi naman lagi syang out of the country for his business. Kaya pano naman kami magkakaron ng family day?!
Devon: Sorry ha, di ko alam.
Sam: Ayan ka nanaman sa sorry mo. Wala ka naman kasalanan dun eh. Alam naiingit nga ako sa iba kong mga kaibigan eh kasi kahit busy ang mga ama nila sa trabaho nagagawa pa rin nilang makabonding ang mga ito. Samantalang ako hindi ko na nga sya nakakabonding natatakot pa kong suwayin sya. Wala kasing ibang pwedeng masunod kundi sya kahit pa hindi naman nya kami madalas makita.
Devon: Pero ginagawa naman ng Daddy mo yun para sa inyo eh, para mabigyan kayo ng magandang buhay.
Sam: Pero aanhin naman namin ang magandang buhay kung sya mismo na kailangan namin hindi man lang namin masandalan pag kailangan namin sya. (bigla naman natahimik si Devon at alam ni Sam na hindi na rin alam ni Devon kung anong sasabihin nito sa kanya) Hay naku! Bakit ko ba sinasabi sayo toh!!? Pasensya ka na ha. Tara ihahatid na lang kita sa inyo.
Devon: Siguro nga mas mabuti pang ihatid mo na lang ako samin.

At hinatid na nga ni Sam si Devon sa bahay ng mga ito. Hindi na rin naman sya nag tagal doon dahil hinahanap na ito ng kanyang Mommy.

Devon: Sige ha. Salamat sa paghatid. Ingat sa pag da-drive.
Sam: Sige. Salamat din.

At tuluyan na ngang umalis si Sam habang si Devon naman ay pinapanood na mawala sa paningin nya ang sasakyan ni Sam at ng hindi na nya ito matanaw pumasok na rin sya sa loob ng kanilang bahay.

Love Conquers All Chapter 7

Can we be friends?!


Hindi pa rin maka get over si Coleen sa nangyari hindi nya talaga inakala na ganun kagaling sumayaw si Devon. Lalo syang nainis sa dalaga at yamot na yamot syang bumaba ng stage at nilapitan pa sya ng mga mean girls at tila pinariringgan sya ng mga ito na lalong ikinataas ng dugo nya.

Ariane: Kawawa naman! Napahiya pa!
Valerie: Well, wala naman kasi talaga syang ibubuga eh.
Erika: Tumigil nga kayo dyan. Wag nyo ngang paringgan si Coleen!
Gellie: Excuse me! Pero hindi naman namin sya pinariringgan!! It's not our fault kung affected sya sa pinag-uusapan namin.
Ariane:  Korek! Tsaka eh ano naman ngayon kung paringgan namin sya?! Eh totoo naman yun mga sinasabi naman, wala naman kasi syang talent eh, kundi landiin si Sam!
Carla: Yun nga lang kahit siguro mag hubad pa sya sa harap ni Sam hindi sya papatulan nito! (sabay tawa ng mga ito)
Coleen: Hindi totoo yang mga sinasabi nyo, makikita nyo magiging akin din si Sam!
Valerie: Ah talaga lang ha. Tignan na lang natin loser!!
Shamie: Aba!! Sumusobra na kayo wah!! (akmang susugurin nito ang mga babae)
Gellie: Oh my gawd!! Sige subukan mo lang!! Paranoid!! (at ikot-matang sabi nito sa babae)
Ariane: Tama na yan girls!! Let's not waste our time sa mga talunan na katulad nila.
Aria: Sinong talunan ha?!
Ariane: Sino pa nga ba?! Edi kayo!! Alam you better changed your name, nakakinis kasi na malapit masyado ang name natin sa isa't isa. Baka mapagkamalan pa nilang ako ikaw, nakakahiya naman sayo! (mainsultong sabi nito sa babae at hindi na nila hinintay na sumagot ang mga ito at tuluyan na silang umalis)

Habang si Devon naman ay matapos nyang mag CR lumabas muna sya ng bar para mag pahangin, naupo sya sa isang bench na malapit sa gilid ng bar at ipinikit nya ang mga mata habang nakatingin sa langit. Tahimik lang si Devon na dinarama ang ihip ng hangin sa kanyang mukha ng may isang taong nag salita sa likod nya.

Guy: Bawala pong matulog dito.
Devon: Hindi naman ako tulog eh.. (hindi man lang nya tinignan ang lalaki)
Guy: Eh bakit ka nakapikit?
Devon: Wala lang gusto ko lang! Tsaka sino kaba bakit mo ko pinakikialaman? (sabay lingon nito at ikinabigla naman nya ng makita kung sino ang lalaking kausap nya)
Guy: Ang galing mong mag sayaw! (at naupo ito sa tabi ni Devon)
Devon: Sam?! Bakit nandito ka sa labas?
Sam: Masyado na kasing mainit sa loob sa dami ng tao kaya lumabas muna ko para mag pahangin, tapos nakita kita dito kaya nilapitan kita, kaya lang mukang ayaw mo naman magpaistorbo kaya aalis na lang ako. (akmang tatayo na si Sam ng biglang hawakan ni Devon ang kamay nya, at tili nakuryente naman si Devon sa pagkakahawak sa kamay ni Sam kaya mabilis nya itong binitawan)
Devon: O-ok lang naman, hindi ko naman nabili tong bench na to kaya ok lang mag stay ka!! (nabubulol at kabadong sabi nito)
Sam: Well, thanks!! Anyway, ang tapang mo talaga! Diba bago lang kayo dito?! Pero, pinahanga mo ko sa katapangan mo, hindi ka natakot na labanan si Coleen at ngayon nakaka-two points ka na sa kanya.
Devon: Hindi ko naman sya gustong labanan eh, kaya lang hindi naman kasi pwedeng hindi ako lumaban, hindi naman kasi porket bago kami dito magpapa-api na kami sa kung sino-sino lang na katulad ni Coleen. Kahit naman kasi na mayaman sya, pare-pareho lang naman tayong mahal ng Diyos ah. Oo nga mas maganda, mas maputi mas ok sya kesa sakin, pero hindi naman sapat na basehan yun para laitin nya ko.
Sam: Hindi totoo yan! Mas maganda at mas ok ka kesa kay Coleen.
Devon: Ha?! Sinasabi mo lang yan kasi ako ang kaharap mo nagyon.
Sam: Hindi ah.. Totoo ang sinasabi ko. Actually nung unang beses na mag harap kayo ni Coleen, ipagtatanggol sana kita nun kaya lang binara mo agad ako eh, hindi na tuloy ako nakapag salita. (natatawang sabi nito, at natawa na rin naman si Devon sa sinabi nya) Alam mo mas bagay sayo yan!
Devon: Ha?! Ang alin?!
Sam: Yan! Yang ganyan! Yung ngiti mo! Ang sarap mo palang panooring humahalakhak. Nakakadala!
Devon: Sira! (at napalo naman nya ang braso ni Sam na ikinagulat naman ni Sam at pati na rin sya ay nagulat sa nagawa) Naku! Sorry ha!! Hindi ko sinasadya!
Sam: Alam mo, favorite dialogue mo yan noh! Palagi ka na lang nag sosorry! Alam mo bang sa mundong ito hindi na uso ang sorry kasi aanhin mo pa ba ang mga pulis at ang mga batas na yan kung sa isang sorry lang pwede ng magpatawad!
Devon: Hindi totoo yan, siguro nga hindi sapat ang isang sorry para pag bayaran mo lahat ng mga kasalanan mo sa mundo, pero sapat na rin naman siguro ang isang sorry para matuto kang magpatawad. Maraming tao ang hirap na mag sabi ng salitang sorry. Pero para sakin, ang sorry ang tanging salitang masarap bigkasin lalo na kung alam mong mali talaga ang nagawa mo.
Sam: Pero pano kung ang taong nagawan mo ng masakit hindi tanggapin ang sorry mo?!
Devon: Pwes, hindi mo na problema yun tanggapin man nya o hindi ang sorry mo, at least you've done your part. Kung ang Diyos nga pinatawad tayo sa mga kasalanan natin eh, tayo pa kayang mga likha lang nya ang hindi magpapatawad sa kapwa natin?!
Sam: Alam para kang matandang mag salita, ilang taon kaba ha?! Early 30's 40's o baka naman 50 years old kana talaga!
Devon: Sira! Hindi noh! Nagsasabi lang ako ng totoo.! (sabay tingala ulit nito at tingin sa kalangitan) Ang ganda ng langit noh!?
Sam: Oo sobrang ganda! (habang sinasabi nya yun sa mukha naman ni Devon sya nakatingin, at yun ang eksenang inabutan ni Quen)
Quen: Excuse me!
Devon: Oh Quen! Kanina ka pa ba dyan?!
Quen: Ah hindi kararating ko lang, hinahanap ka na kasi ng mga ate mo kaya hinanap na rin kita, nag aaya na kasi silang umuwi.
Devon: Ah ganun ba?! Sige tara na! Inaantok na din naman ako eh. (sabay baling naman nito kay Sam) Ah, sige mauna na kami. See around at the school.
Sam: Sige! Ingat! (ilang hakbang na ang nagagawa ni Devon ng tawagin ulit ito ni Sam) Ahhh.. Devon sandali.
Devon: Ha?! Bakit?!
Sam: Gusto ko kasi sanang itanong kung ok lang bang maging magkaibigan tayo?!
Devon: Oo naman noh. Bakit hindi.
Sam: Friends?! (sabay abot nito ng kamay kay Devon)
Devon: Yah!! Friends!! (at nakangiti rin naman nyang inabot ang kamay ni Sam, at ikinasimangot naman iyon ni Quen)
Quen: Devon, let's go!! naghihintay na sila satin.
Devon: Sige, ba-bye! Ingat kayo.
Sam: Sige ingat din!! (at tuluyan na nga syang iniwan ni Devon, pero matapos yun naupo pa rin si Sam sa bench na inupuan nila ni Devon, at ilang minuto lang ang lumipas dumating naman si Robi sa pwesto nya)
Robi: Braw! Andito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap!
Sam: Pasensya na braw! Ang init na kasi sa loob eh, kaya nag pahangin na lang muna ko dito sa labas.
Robi: Pero braw mukang may malalim kang iniisip ah.
Sam: Hindi noh! Wala!
Robi: Sa kanila pwede mong sabihin yan baka mapaniwala mo sila. Pero sakin hindi! Alam kong may problema braw!
Sam: Sira! Wala talaga! Dyan ka na nga! Mauna na kong umuwi sa inyo. May gagawin pa kasi ko! (sabay tayo nito)
Robi: Ang daya mo talaga!!
Sam: Sige na! Bumalik ka na dun! Ingat na lang kayo pag uwi! (at tumakbo na sya papunta ng parking lot para hindi na sya kulitin ni Robi)

At umuwi na nga sya ng bahay nila. Madaling araw na yun pero pagdating nya wala pa ang sasakyan ng ama nya at hindi na yun bago para sa kanya pero sa puso nya alam nyang gusto naman nyang makasama ang ama kahit ilang oras lang o kahit isang buong araw man lang. Pumasok na sya sa loob ng bahay nila at naupo muna sa may sala nila.

Sam's POV: Pano ko nga ba magagawang patawarin ang taong hindi naman nakikita ang pagkakamali nya.?! Paano ako mag papatawad kung ni minsan hindi naman sya humingi ng sorry sa mga kasalanan nya?! Paano?! (nasabunutan na si Sam ang sariling buhok at bago pa tuluyang tumulo ang luha nya umakyat na sya sa kanyang kwarto at pag pasok nya roon nahiga na lang sya sa kanyang kama at doon naibuhos nya ang luhang pinipigil nya hanggang sa nakatulugan na nya ang pag iyak at hindi na rin nya nagawang mag palit ng kanyang damit)

Love Conquers All Chapter 6

The Party!!


Nung mismong araw din na yun pinuntahan si Devon ng mga kaibigan upang ayaing lumabas kasama si Quen at pati na rin sana ang mga ate nya.

Manang Rosa: Kazel, andito si Quen kasama ang mga kaibigan nila ni Devon sa eskwelahan.
Quen: Hi po tita Kazel. (sabay beso nito sa Mama ni Devon)
Kazel: Hi Enrique.
Quen: Tita nasan po sila Devon?
Kazel: Si Devon nasa kwarto nya, maupo muna kayo dyan at tatawagin ko lang sya.
Quen: Sige po tita. (naupo naman sila sa isang mahabang couch at doon hinintay si Devon, at binigyan naman sila ni Manang Rosa ng maiinom.)
 Manang Rosa: Eto ang juice uminom muna kayo.
Shey: Naku! Salamat po hindi na po sana kayo nag abala.
Joe: Oo nga po, pasensya na po sa istorbo ha.
Manang Rosa: Ok lang yun ano ba naman itong mga batang ire. Oh sya sige iwanan ko muna kayo.
Quen: Sige po Nanay Rosa, salamat po ulit.
Kyra: Baby Devz.!! (masayang bati nito sa kaibigan matapos makitang pababa na ito ng hagdan)
Devon: Anong ginagawa nyo dito?! Gabi na ah..
Char: Aayain sana namin kayong lumabas.
Devon: At saan naman po tayo pupunta eh gabi na po.
Joe: Marami tayong pwedeng puntahan wag kang mag alala.
Kyra: Asan nga pala yung dalawang kapatid mong babae? Sabi kasi ni Quen bukod kay Catherine may kapatid ka pa daw na babae eh.
Devon: Ah oo si ate Girlie kaya lang wala pa sya eh, si ate Catherine naman kasama ni Papa.
Kazel: Tsaka isa pa baka naman hindi na sila payagan ng Papa nilang lumabas, gabi na kasi eh.
Char: Etong si Mommy naman, ok lang naman po sigurong lumabas itong mga anak nyo kahit paminsan-minsan tsaka wag po kayong mag-alala ako pong bahala sa kanila.
Kazel: Mapagkakatiwalaan ka ba talaga? (nakatawang sabi nito kay Char)
Char: Ay ahh..Hindi daw ba ko pagkatiwalaan, huwag kang mag alala mommy itatali ko sila sa bewang ko ng walang mangyaring hindi maganda sa kanila. (at nag tawanana naman silang lahat sa sinabi na iyon ni Char, at iyong eksena rin na yun ang inabutan ng mag-aamang sila Nico, Girlie at Catherine)
Kazel: Ayan sakto ang dating ninyo.
Nico: Anong nangyayari dito, bakit andito kayo? May problema ba? (concern na tanong nito)
Quen: Tito kasi po aayain lang po sana naming lumabas ang mga anghel nyo.
Nico: At saan naman kayo pupunta?
Joe: Mag paparty lang po kami tito.
Nico: Party? Hindi pwede and that's final.
Girlie: Papa, sige na po pumayag ka na wala naman pong pasok bukas eh.
Catherine: Oo nga po Papa, pumayag kana tsaka para naman po magkaroon kami ng experience na maganda dito sa Manila.
Nico: Experience na maganda? Parang hindi naman atang magandang experience ang pumarty sa gabi.
Kazel: Pero honey parang mas hindi yata magandang experience ang pumarty sila sa gabi. (at ikinatawa naman nilang lahat ang sinabi ni Kazel)
Devon: Oo nga naman po Papa, kaya sige na po pumayag kana. Please po... (nakalabing sabi nito sa kanyang ama)
Nico: Ano pa nga bang magagawa ko eh mukang kinakampihan na kayo ng Mama nyo.
Devon: Yehey!! Thank you Papa. (sabay halik nito sa pisngi ng ama)
Nico: Pero sa isang condition! Juice lang ang pwede nyong inumin ha, kung hindi di na ulit kayo makakalabas ng gabi!
Girlie,CatherineDevon: Yes Papa...!! (sabay yakap naman ng tatlo sa ama)
Catherine: Wait lang guys ha, magbibihis lang kami.
Shey: Sige lang!
Kazel: Ako ba pwede ring sumama sa kanila?
Nico: Ikaw?! Ano makikiparty ka rin?
Kazel: Abay oo, pwede naman yun ah, diba mga bagets!
Char: Ay oo naman po, tara join ka!!
Nico: Hindi!! (madiing sabi nito at sabay walk-out)
Joe: Ayan tita, nag walk-out na po tuloy si tito.
Char: Dito na lang daw kayo pumarty, one-on-one daw kayong dalawa. (sabay tawa naman ng mga ito)

Matapos ang ilang minuto nakaalis na rin ang mga ito sa bahay nila Devon at nag punta na sa lugar kung saan sila gigimik. Palibhasa ay first time gigimik ng tatlo sa kamaynilaan may kabang nararamdaman ang mga ito lalong lalo na si Devon. Nang pumasok na sila sa loob ng restobar halos mga familiar faces din ang nakikita ni Devon.

Quen: Huwag ka ng magtaka kung sila-sila pa rin ang nakikita mo, hindi na bago yan dito.
Joe: Korak!! Kasi halos lahat ng mga estudyante ng Bubble U. dito nag pupunta para pumarty every friday night.
Shey: Hey guys, dito tayo!! (tawag nito sa mga kasamahan matapos makakuha ng pwesto)
Char: Let's go guys!! (at pumunta na nga sila sa pwesto nila na nakuha ni Shey)
Girlie: Ang cool naman dito.
Joe: Masaya talaga dito!! Order muna tayo ng drinks Quen.
Quen: Sige! Ano sa inyo guys?! (binigay na nila isa-isa ang order nila at tanging ang tatlong magkakapatid lang ang umorder ng juice dahil yun na rin ang mahigpit na bilin ng kanilang ama kaya yun lang ang pwede nilang inumin, kailangan nilang sumunod sa ama upang sa susunod ay makalabas pa rin sila)

Ilang oras na rin silang nandoon at todo party na din ang mga kaibigan at kapatid ni Devon. Madalas syang naiiwan mag-isa sa pwesto nila dahil ayaw nyang mag sayaw. Ilang minuto at oras lang ang nakalipas nagkaroon ng showdown sa gitna ng dance floor at hindi pwedeng magkamali si Devon, it is a showdown between the elit girls and the mean girls. Mainit ang alitan ng dalawang grupo kaya naman ang ibang tao ang pinaiikutan lang sila at nagkakasiyahan. At hindi rin nakaligtas sa paningin ni Devon si Arron at ang mga kaibigan nito. Sa hindi maipaliwanag na dahil naging malikot ang mata ni Devon na para bang may gusto itong makita. At nang nahilo na sya sa kalilinga bigo pa rin syang makita ang taong hinahanap ng kanyang mga mata.

Devon's POV: Bakit ko ba sya hinahanap? Ano bang pakialam ko kung andito sya o wala?
Kyra: (biglang lumapit kay Devon na galing sa dance floor) Hoy Devon wag mong butasin ang upuan nila tara na sayaw tayo!! (sabay hila nito sa kaibigan at wala na ding nagawa si Devon kundi sumama kay Kyra)

Pagdating nya sa dance floor nakita nya ang ate Girlie at ate Catherine nya na masayang nakikipag sayawan sa mga kaibigan nila. At maya-maya pa tinulak na rin sya ni Kyra dahilan para mabangga sya sa isang lalaki at ng lumingon ang lalaki biglang bumilis ang tibok ng puso ni Devon. Ang taong kanina pa kasi nya hinahanap ay ngayon nasa harapan na nya.

Devon: So-sorry. Hindi ko sinasadya.
Sam: Ok lang!! (at hindi na sya pinansin nito, at ikinagulat naman nya ang paghila sa kanya ni Arron papunta sa gitna)
Arron: Let's go Devz... (hinahamon nya si Devon sa isang showdown na ikinatawa naman ng dalaga)
Devon: Sira ka talaga!! Bakit mo naman ako hinala dito?!
Coleen: Le't see what you've got!! (biglang lapit nito sa dalawa at hinamon si Devon)
Arron: Leave her alone Coleen!
Coleen: No! You leave us alone Arron!! (sabay hila nito kay Devon paakyat ng mini stage)
Devon: Ano na naman ba tong ginagawa mo?
Coleen: You dance!!
Devon: At bakit ko naman gagawin yun?!

Nakita naman ni Quen na naiinis na rin si Devon sa ginagawa sa kanya ni Coleen at akmang aakyat na si Quen ng stage para pigilan si Coleen pero mismong ang kapatid ni Devon ang pumigil sa kanya.

Girlie: Let her Quen.
Quen: Pero ate Girlie?!
Catherine: Huwag kang mag-alala kay Devon, kayang-kaya nya yan!

At ilang minuto pa ang lumipas nag simula na si Coleen na sumayaw at hinila nya si Devon sa gitna. At tila napahiya naman si Coleen ng magsimula ng mag sayaw si Devon dahil hindi inakala ng babae na ganun pala kagaling mag sayaw si Devon. Nang matapos mag sayaw si Devon isang malakas na palakpakan ang natanggap nya mula sa mga taong nagroroon. At bago pa sya bumaba ng stage nilapitan nya si Coleen at binulungan.

Devon: The next time na hilahin mo ko kung saan siguraduhin mong ikaw ang mananalo. (yun lang at tuluyan na ngang bumaba ng stage si Devon at hindi na nya hinintay na mag salita pa si Coleen)

Nang bumaba na si Devon sa stage abot ang apir ng mga tao sa kanya kahit ang iba ay hindi naman nya kilala. Dirediretcho lang syang naglakad pabalik ng pwesto nila at sinundan na rin naman sya ng mga kaibigan.

Joe: Wow baby Devz ang galing mong sumayaw!!
Girlie: Sabi sa inyo kayang kaya nya yun eh..
Kyra: Grabe Devz ang galing mong sumayaw! Ikaw na ang idol ko!!
Devon: Sira!! Excuse me lang ha, mag si-c.r lang ako.

Pagtayo ni Devon si Quen naman ay hindi maialis ang tingin kay Devon na tila nag aalala sya para sa dalaga, pero hinayaan nya lang muna ang dalaga na umalis at naniniwala naman sya na walang mangyayari dito at kayang kaya naman nito ang sarili. Gayun pa man, bumilib si Quen sa galing mag sayaw ng dalaga talaga napahanga sya nito sa katunayan habang pinapanood nya ang bes nyang nag sasayaw ay hindi naman maalis sa mga labi nya ang isang malaking ngiti.

Sunday, August 28, 2011

Love Conquers All Chapter 5

New friends for Devon?!...


Kinabukasan pag pasok ni Devon maraming mata ang nakatingin sa kanya, lahat ng lugar na dinadaanan nya papunta ng classroom nila halos lahat ng estudyante nakatingin sa kanya. That time mag-isa lang sya kasi hindi pumasok si Quen sa unang subject nila dahil may aasyusin daw sya sa office ng Mommy nito. Nang malapit na sya sa pinto ng classroom nila may apat na babaeng humarang sa kanya.

Carla: Hi Devon! I'm Carla.
Devon: Hello!
Ariane: Huwag kang matakot samin hindi ka namin lalaitin. In fact, we want to be your friend.
Valerie: Tama yun, kasi narinig namin ang ginawa mo kay to the left, to the left na si Coleen.
Gellie: Masyado kasi syang nagmamagaling at kinaiinisan talaga namin sya.
Carla: Huwag kang matakot sa kanya at sa ibang estudyanteng tinitignan ka.
Valerie: First time lang kasing may lumaban dyan kay Coleen na hindi myembro ng mean girls.
Ariane: Wanna be a member?
Devon: Thank you, pero hindi na siguro.
Gellie: Ok! We respect you and your decision.

Iniwan na sya ng mga babaeng humarang sa kanya kaya dumiretcho na sya ng classroom nila, papasok na sya ng room nila ng makasalubong nya si Sam kasama ang mga kaibigan nito.

Arron: Wow braww..May kaklase ka pa lang maganda. Hi Miss..
Sam: Tumigil ka nga dyan baka awayin ka nyan. (sabay tingin nito kay Devon)
Patrick: Di naman namin sya aawayin eh.
Neil: Oo nga naman. Ahmm..Hi Miss, I'm Neil. (sabay abot ng kamay kay Devon)
Robi: Isa ka pa! Tumigil ka na nga din dyan hindi yan makikipag shake-hands sayo.
Sam: Tigilan nyo na nga si Devon, tara na ng makabalik agad tayo. (aalis na sana si Sam ng mag salita si Devon)
Devon: Excuse me, Sam, pasensya na nga pala sa nangyari kahapon pati ikaw nadamay pa.
Sam: Ok lang yun. Sige ha. Excuse us!
Arron: Bye miss beautiful.

Umalis na nga sila Sam at si Devon naman ay dumiretcho na sa loob ng classroom nila. Ang klase ng Papa nya ang first subject nya ngayon kaya naman nag focus talaga sya sa klase nito. Lahat din naman ng mga kaklase nya ay tahimik lang na nakikinig sa Papa nya. Natutuwa talaga si Devon pag nakikita nya ang Papa nya na masayang nagtuturo, likas na magaling talaga itong magturo pero hindi talaga maiiwasan na di magsungit ito lalo na't pag may mga estudyanteng hindi nakikinig.

Prof.Nico: Excuse me miss Garcia, may ibang discussion ba dyan? Are you listening to me?
Coleen: Yes Sir!
Prof.Nico: Oh really? So, tell me ano na nga ba pinag-aaralan natin?
Coleen: (tahimik lang si Coleen at hindi nakasagot sa professor nya)
Prof.Nico: You sit down! The next time I saw you and your group chit-chatting non-sense kayo na ang pag didiskasin ko dito sa harapan.

Inabutan na ng bell ang klase nila Devon at dinismissed na sila ng Papa nya. Pero bago pa man sya makalabas nilapitan ulit sya ni Arron at may ibinigay sa kanya.

Arron: Hi Devon! Kung wala kang gagawin mamaya baka pwedeng mag drop by ka sa studio mamaya. Eto oh... (sabay abot sa isang papel)
Devon: Looking for the next swagger princess.. (yun ang nakasulat sa papel na binigay sa kanya ni Arron)
Arron: Oo, naghahanap kasi kami ng female member ng dance troupe namin.
Devon: Eh bakit naman sakin mo ito ibinigay?
Arron: Looks palang kasi parang ang galing-galing munang sumayaw.
Patrick: Braw, let's go na!
Arron: Sige ha, hope to see you later. Bye! (umalis na sya at hindi na hinintay na magsalita si Devon)

Nag punta na din si Devon sa cafeteria usapin kasi nila ni Quen na dun sila magkikita after ng first subject nila. Pero pagdating nya doon si Ate Shey at Char lang ang inabutan nya na masayang nag kukwentuhan.

Char: Parang alam ko na kung sino ang magiging model mo.
Shey: Talaga? Sino?
Char: Ayun sya oh. (sabay nguso nito sa taong kapapasok lang ng cafeteria)
Shey: Sino?! (sabay lingon nito sa taong itinuturo ni Char)
Devon: Hello po sa inyo!
Shey: Mukang tama ka! (bulong nito kay Char)
Char: Wala ka ng klase?
Devon: Meron pa po, akala ko kasi nandito na si Quen eh, usapan po kasi namin after ng first subject dito na lang kami magkikita, hindi kasi sya pumasok ng first subject namin.
Shey: Ay oo.. Nag text sya sakin, di na daw sya makakapasok kasi hindi pa daw nya natatapos ang pinagagawa sa kanya ng Mommy nya.
Devon: Ay ganun po ba?! Thank you ate Shey.
Char: Dito ka muna, mamaya pa naman ata ang klase mo.
Devon: SIge po. (umupo na rin sya sa bakanteng silya)
Shey: Ah, Devon pwede ba kitang gawing model sa mga design kong damit?
Devon: Po?! Bakit po ako?! Si ate Char na lang po o kaya si Kyra.
Char: Gusto ko talaga sana kaya lang hindi ako available that day eh, si Kyra naman may pasok sya.
Shey: Don't tell me may lakad ka din that day, ikaw na lang ang pag-asa ko!
Devon: Pero ate Shey kasi po...
Shey: Ikaw na lang ang pag-asa ko baby Devz...please...
Devon: Kasi ate Shey baka po hindi ko mabigyan ng justice ang mga design mong damit.
Shey: Akong bahala sayo! So, it's a yes?!
Devon: Sige na nga po kaya na pong bahala sakin ha.
Char: Ayan your safe na Shey!
Shey: Oo nga! Thanks to Devon.
Devon: Ate Shey, Char, mauna na po ako sa inyo may klase na po kasi ko in an hour.
Shey: Sige! Ingat baby Devz...

Umalis na nga si Devon at pinasukan na nya ang iba pa nyang klase. Pagdating ng hapon hawak pa din ni Devon ang ibinigay sa kanya ni Arron. Malalim nyang pinag-iisipan kung pupuntahan ba nya ang audition o hindi. Magaling naman kasi talaga syang mag sayaw sa katunayan madalas syang masali sa mga program sa school nila nung nasa Cebu pa sya. And, at the last minute tumakbo na sya sa studio kung saan gagawin ang audition ng for the next swagger princess. Pagdating nya sa studio nag liligpit na sila Arron ng mga gamit indication na tapos na ang audition, pero nilapitan pa rin nya si Arron.

Devon: Tapos na ba?!
Arron: Devon?! Bakit ngayon ka lang kanina pa kita hinihintay!
Devon: Hinihintay mo talaga ko?!
Arron: Oo naman, kasi alam kong darating ka at di nga ako nagkamali. Braws, pag sayawin naman natin si Devon baka sya na ang hinahanap natin.
Neil: Pero braw naisoli na yung speaker eh, wala na tayong gagamitin for the sound system.
Patrick: Oo nga braw!
Devon: Ok lang! Baka nagkamali lang si Arron. Hindi talaga ko ang hinahanap nyong swagger princess.
Arron: Hindi! Pwede ka pang mag sayaw, teka lang gagawa ako ng paraan!
Devon: Wag na noh! Ok lang!
Sam: Maybe you can use this. (sabay labas ng isang maliit na speaker na pwede saksakan ng cord thru phone)
Arron: Yan! Pwede na yan! Akin na! (sabay agaw ng speaker kay Sam)
Robi: Wanna see her dancing too noh! (bulong nito kay Sam)
Sam: Sira! Gusto ko lang pagbigyan si Arron, pero anong malay natin tama pala sya!

Matapos ma-i-set ni Arron ang speaker, pinag sayaw na nya si Devon at hindi nga nagkamali si Arron, may angas, may gigil at talaga namang magaling si Devon at lahat sila all through out ay nakatitig lang kay Devon at may mga ngiti sa labi habang nanonood sa dalaga.

Patrick! Wow! Ang galing mo!
Arron: I told you brawss! Ang nya noh!! (sabay akbay nito kay Devon at ikinagulat naman ito ng dalaga at napataas nito ang kilay ni Sam)
Robi: Braw, yang kamay mo! Feeling close lang kay Devon?
Devon: Ok lang! So, pano Arron mauna na ko! Thanks ha. Thank you din sa inyo! (sabay ngiti ng wagas sa kanila na nakapag palambot naman ng puso ni Sam)
Arron: Sige! Thank you rin, sabihin ko na lang sayo magiging result pero for sure ikaw na ang swagger princess na hinahanap namin.
Devon: Thanks! Sige alis na ko. (hindi na nya hinintay sumagot si Arron at ang iba pa, tuluyan na nyang nilisan ang studio)
Arron: Grabe ang galing talaga nya.
Neil: Oo nga! Hindi ko inaasahan yun.
Patrick. Oo nga, pero tara na kain muna tayo, gutom na ko!
Robi: Tara! Manlilibra daw si Arron.
Arron: Oo ba! Masaya ko eh.
Neil: Don't tell me braw may gusto ka kay Devon.
Arron: Sira! Wala noh! Napahanga lang talaga nya ko!
Sam: Tama na yan! Tara na. (na parang nawala sa mood)
Arron: Ok! Let's go brawhsss!!!!

Nagkahiwahiwalay na silang magkakaibigan at si Sam ay nakauwi na rin sa bahay nila. Nakahiga lang sya sa kama nya pero may isang taong patuloy na bumabalik sa isipan nya.

Sam's POV: Ang galing na nga nya mag sayaw ang ganda pa nya! Hay naku Samuel ano bang nangyayari sayo?Bakit mo sya iniisip?! (isang tawag naman mula kay Robi ang nagpabalik sa kanya sya huwistyo)
Sam on the phone: Oo, sige na! Papunta na ko!Hintayin nyo na lang ako sa loob. Ok! ByE!

Love Conquers All Chapter 4

Devon the fighter!! 


Kyra: Hello sa inyo.. (masayang bati nito sa dalawa)
Joe: So, kamusta naman ang first day?!
Quen: Ayun ok naman at...
Joe: At?!
Quen: Professor lang naman kasi namin ni Devon ang Papa nya! Grabe ang sungit!
Kyra: Grabe ka Quen, andito si Devon oh...
Devon: Ok lang yun totoo naman kasi kahit nga ako ayaw kong nagiging professor yun eh, sobrang strict kasi! Pero sa school lang naman. Kasi pag sa bahay naman ok naman sya eh.. Hindi sya masungit.
Joe: Siguro kahit kailan di ka pa nag kakabf no, kasi ang sungit ng Papa mo.
Devon: Ang galing mo talaga papa bear! Tama ka dyan! Hindi pa nga ako nagkakabf.! Kahit yung dalawang ate ko!
Kyra: Grabe siguro sobrang strict talaga ng Papa mo sa inyo!!
Devon: Hindi naman! Cool Papa kaya yun! Ahmmm.. Hindi pa lang talaga pwede! Mabait naman kasi si Papa eh, ganyan lang talaga sya sa school. Strict at terror!!
Quen: Sabagay! Mabait naman kasi talaga ang tito Nico pag andun ako sa inyo!
Devon: Wag ka ngang maingay dyan! Baka me makarinig pa sayo! Remember the rule!!
Quen: Remember the rule eh ikaw nga dyan ang nauna!
Devon: Tse!! Ewan ko sayo!!
Kyra: Ahh.. Devon pwede mo ba kong samahan sa building namin may kukunin lang ako!
Devon: Oo ba! Sige tara!
Kyra: Oh iwan muna namin kayo ha. Mabilis lang kami!
Devon: Akin na lang tong kape mo papa bear ha, order ka na lang ulit!
Joe: Oo ba!! Ingat kayo!

Umalis na nga nag dalawa at masayang nag kukwentuhan papunta ng building nila Kyra ng hindi sinasadya may nakabangaang babae si Devon.

Devon: Ay!! Sorry po miss!!
Girl: Shit!! Sorry?! Matatanggal ba ng sorry mo ang stain na ito sa damit ko?!
Devon: Hindi ko naman sinasadya pasensya na talaga! (akmang hahawakan nya ang damit para punasan sana)
Girl: Don't you dare touch my dress kasi baka lalo pang madisgrasya! (masungit at ikot-matang sabi nito)
Kyra: Sorry Coleen! Hindi naman nya sinasadya!! Babayaran ko na lang!
Devon: Babayaran?! Bakit mo naman babayaran?! Pwede naman nyang palabhan yung damit eh, matatanggal naman yan noh! Tsaka kasalanan din naman nya kung bakit kami nag kabangga eh!!
Coleen: So, ako pa ang sinisisi mo sa nangyari!?
Devon: Hindi naman! Pero sana lang kasi marunong kang tumingin sa dinadaanan mo!
Coleen: Edi sana umiwas ka hindi mo sana ko nabangga!
Devon: Pasensya na ha, hindi ko kasi naisip agad yun eh!!
Coleen: So, ano na ngaying balak mong gawin sa kababuyang nagawa mo sakin?
Devon: Wala! Nag sorry naman na ko sayo kaya tama na yun!
Coleen: Anong sabi mo?! Alam mo ba kung magkano ang bili ko sa damit kong ito?! Tapos tatapunan mo lang ng kape mo?!
Devon: Ano naman ang pakialam ko dun!? Kahit pa isang daan lang yang damit mo hindi ko pa rin babayaran yan noh!!
Coleen: Teka! Siguro your not rich noh?!
Devon: Eh ano naman ngayon sayo?!
Coleen: Sabi ko na nga ba eh, you look so cheap kasi!
Devon: Ok lang! Kesa naman maging sosyal na katulad mo! Kung panget naman ang ugali di bale na lang!!
Coleen: Who do you think you are tell me that?!
Devon: Me?! I'm Devon! Excuse lang ha! Tara na Kyra!!

Umalis na si Devon at Kyra habang si Coleen naman ay inis na inis sa nangyari..

Kyra: Bakit mo naman ginawa yun?!
Devon: Ang alin?! (patay malisyang tanong nito kay Kyra)
Kyra: Bakit mo pinatulan si Coleen?
Devon: At bakit hindi?! Ang arte nya kasi eh!!
Kyra: Dapat pinigilan mo ang sarili mo!
Devon: Hayaan mo na nga yun, bilisan mo na! Kunin mo na yung kukunin mo!!
Kyra: Oh sya sige! Hintayin mo na lang ako dito, mabilis lang ako!
Devon: Sige! Bilisan mo ha!!

Sandali lang naman ang hinintay ni Devon para kay Kyra mabilis lang nito nakuha ang kukunin kaya naman nakabalik ito kaagad. Naglalakad na ulit pabalik ng cafeteria ang dalawa ng makita ulit nila si Coleen sa lugar kung saan nya ito nakabangga na para bang inaabangan talaga nito ang ang pagdaan ulit nila.

Coleen: Hoy ikaw!! (sabay hila nito kay Devon)
Devon: Aray ko! Bitawan mo nga ako! Saan mo ba ko dadalin ha?
Coleen: (hinila nya si Devon sa gitna ng maraming estudyante) Hey guys! Listen to me! Look at this girl mahirap lang sya pero nandito sya sa university natin I was wondering tuloy, hindi kaya kabit sya ng isa sa mga member ng board? O kung hindi naman isa syang working student at sa gabi ang trabo nya ay isang pokpok!! (may diin sa huling salitang binitawan ni Coleen dahil para umakyat lahat ng dugo ni Devon sa ulo nya)
Devon: Excuse me lang ha, first, hindi ako kabit ng kahit sinong board member ng university na ito, second, hindi ako isang working student at higit sa lahat wala kang karapatang laitin ako! Oo nga at mahirap lang ako, pero mas gugustuhin ko pang maging isang mahirap kaysa maka ugali ka! Alam mo kung ano, kung may buhay siguro yang damit mo, hindi sya papayag na maisuot mo! Bakit? kasi hindi sya papayag na mabahiran ng kapangitan ang isang katulad nyang magandang damit! At kahit pa anong ganda ng damit mo kung sing panget naman ni Santanas yang ugali mo hindi ka pa rin magiging maganda!(taas noong sabi ni Devon at ni hindi man lang sya natakot na patulan ang babae)
Coleen: (natahimik lang sya sa mga sinabi ni Devon, at this time kailangan nya ng katulong at nakakita naman sya ng isang taong pwedeng tumulong sa kanya) Sam, oh my gawd! Good your here! Look at this girl, she's ruining our university, she's not here yet she's here, I was wondering na baka may karelasyon sya isa sa mga board members. Your dad has a big share here at the school kaya... (hindi na nya natapos ang sasabihin ng magsalita na si Sam)
Sam: Coleen, hindi mo ba narinig yung sinabi nya?!
Coleen: Don't tell me, na niniwala ka sa kanya?!
Sam: (humarap kay Devon) Miss... (yun pa lang ang nasasabi nya ng mag salita na si Devon)
Devon: Wag ka nang mag sayang ng oras mo na mag salita para laitin ako! Ok lang! Ang isang taong mayaman kapwa nya lang mayaman ang kinakampihan, kaya ok lang, don't bother to talk! (hinarap nya ulit si Coleen) Alam mo hindi mo naman na kailangang humanap ng kakampi mo eh.. (tatalikod ng sana sya ng...) Devon! Devon ang pangalan ko paki tandaan na lang ng hindi "hoy" ang itinatawag mo sakin! Tsaka nga pala, pag yumaman ako huwag kang mag-alala bibigyan kita ng pera ko at pagkatapos bumili ka ng magandang ugali, kaya lang nakakaawa ka kasi baka kahit nakapag around the world kana wala ka pa ring mabibilhan ng magandang ugali! (yun lang at tinalikuran na rin nya si Coleen) Kyra tara na!

Umalis na nga ang dalawa at unti-unti na ding nag alisan ang mga estudyante sa lugar.

Coleen: Sam, bakit hindi mo man lang ako tinulungan?!
Sam: Why will I do that?! (hindi na nya hinintay na sumagot si Devon, umalis na sya at tinalikuran ang babae)
Colee: Bwisit ka!! May araw ka rin sakin! Hindi pa tayo tapos!!

Pagbalik nila Devon at Kyra sa cafeteria andoon na din sila Shey at Char.

Quen: Bakit ngayon lang kayo?!
Joe: Oo nga! Kala ko ba sandali lang kayo!?
Kyra: Actually mabilis lang naman talaga kami eh, etong si Devon lang naman ang natagalan eh..
Quen: Bakit?! Anong nangyari?!
Kyra: Eto kasing si Devon inaway ni Coleen!
Char: Coleen?! Yung "elite girl"?
Kyra: Oo sya na nga!
Shey: Bakit!? Anong nangyari baby Devz?
Devon: Wala po yun!
Kyra: Wala ka dyan ganito kasi yun........ (at si Kyra na nga ang nagkweento sa nangyari)
Char: Wow Devz, You already! Ang tapang mo wah!!
Quen: Ok ka lang ba?!
Devon: Oo ok lang ako! Tara na! Mag-i-eleven na baka malate pa tayo! (tumayo na sya at naglakad palabas ng cafeteria)
Quen: Sana nga ok lang! (sumunod na din sya kay Devon)
Joe: Siguradong pag iinitan si Devon ng elite girls na yan!!
Char: Mukang wala namang balak mag patalo si Devon eh.
Kyra: Oo nga! Ang tapang nya kaya kanina!
Shey: At syempre hindi rin naman tayo papayag na saktan si Devon ng mga yun diba?!
Char: Syempre naman noh!!

Matapos ang nangyari maghapong walang kibo si Devon at ni hindi man lang narinig ni Quen ang nakasanayan na nyang halakhak ng dalaga.

Quen: Bes, hanggang kelan ka ba magiging tahimik dyan ha, bahala ka pag napanisan ka ng laway dyan hindi kita kakausapin kala mo!!
Devon: (hindi pinapansin si Quen)
Quen: Hoy Bes! (ginulat nya si Devon upang pansinin sya nito dahil wala ring imik ito kahit pa kanina pa sya salita ng salita sa tabi nito)
Devon: ha?! Ano nga ulit yun?!
Quen: Aysus! Ginoo ko! Kanina pa ko salita ng salita dito hindi mo man lang ako pinapansin!
Devon: Pasensya na bes ha..
Quen: Bakit?!Iniisip mo ba yung nangyari kanina?!
Devon: Oo, baka kasi pati si Papa madamay sa nagawa ko!
Quen: Hindi yan bes! Wala ka namang kasalanan eh, ipinagtanggol mo lang naman ang sarili mo eh. Kaya wag munag isipin yun ok?!
Devon: Bes, meron sana kong hihilingin sayo!
Quen: Ano yun?!
Devon: Kung pwede sana wag na lang natin sabihin kay Papa ang nangyari!
Quen: Oo naman, yun lang pala eh..
Devon: Pakisabi na rin sa kanila na huwag ng ikwento kay ate Catherine ang nangyari!
Quen: Sige kakausapin ko sila mamaya. Tara na! Pasok na tayo sa last subject natin baka malate pa tayo!

Pumasok na nga ang dalawa sa kanilang huling subject at syempre dahil regular student sya kaklase pa rin nya si Coleen. Mag hapon na syang iniirapan nito at sya naman ay panay ang iwas dito.

Quen: Wag mo na lang sila pansinin ha.
Devon: Oo, hindi ko naman talaga ugaling mang away eh lalo na kung hindi naman ako inaaway!

Umupo na sila sa likuran at pagdaan nila sa pwesto nila Coleen inirapan na naman sya ng babae pero hind na nya iyon pinansin pa. Pag upo nya nakita nya rin si Sam na nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nito. Nag simula at natapos na ang klase nila, tahimik pa rin si Devon at hanggang kahit sa pag uwi nila wala pa rin itong kibo. At pagdating nya sa kanilang bahay wala ni isang tao doon, ang ate Girlie nya ay nasa trabaho, ang ate Catherine naman nya ay paniguradong nasa eskwelahan na pati na rin ang Papa nya, ang Mama at Manang Rosa naman nya ay may pinuntahan. Kaya dumiretcho na lang sya sa kanyang kwarto. Dahil wala namang nakakita sa kanya, kinagabihan nag-aalala ang lahat sa kanya dahil hindi alam ng mga ito kung nasan sya.

Kazel: Sigurado ka bang hindi mo sya nakita sa school nyo?!
Catherine: Opo mama!! Kasi pagdating ko dun sa room ko na agad ako dumiretcho at hindi ko naman sya nakita doon sa university.
Manang Rosa: Huwag na kayong mag-alala ang hinahanap natin ay mahimbing ng natutulog sa kanyang kwarto.
Kazel: Ganun po ba?! Nariyan na pala sya. Salamat po manang Rosa.
Manang Rosa: Wala iyon, sige na't magpahinga na rin kayo!

Love Conquers All Chapter 3

First day of school...


Natapos na ang isang linggong bakasayon at sa isang linggo na yun naging malapit si Devon at Quen sa isa't isa pati na rin sa pamilya ni Devon naging malapit din si Quen. Madalas silang mamasyal na dalawa, pinasyal at inilibot sya ni Quen sa buong kamaynilaan pero kung minsan isinasama din nila ang ate Girlie nya at ang ate Catherine nya, tinulungan din ni Quen si Girlie na makapasok sa trabaho, inirekumenda sya ni Quen sa Call Center na pag mamay-ari din ng pamilya ni Quen kaya naman malaki ang pasasalamat ni Girlie kay Quen. Malaki din ang naitulong ni Quen sa pamilya ni Devon para mas mabilis na makapag adjust sa bago nilang environment. Nang mag simula na ang unang araw ng pasukan napag pasyahan ni Quen na mag sabay sila ni Devon papasok ng eskwelahan. Maaga pa ay nasa bahay na nila Devon si Quen.

Catherine: Aga mo ha!!
Quen: Syempre para di tayo malate.
Kazel: Paano naman kayo malalate nyan eh isang oras pa bago ang klase nyo andito ka na!
Quen: (napakamot na lang si Quen sa batok)
Devon: (biglang sumingit sa usapan na kabababa lang mula sa kwarto nya) Ang sabihin mo gusto mo lang makikain dito sa amin kaya maaga ka!
Quen: Hindi ah...
Devon: Kunwari ka pa! Tara na kain na tayo!
Kazel: Sige na nga Quen umupo ka na at kumain na kayo.
Quen: Sige na nga po, mapilit kayo eh...
Devon: Mapilit?! Wala namang pumilit sayo ah.. (sabay tawa nito ng wagas)
Quen: Tita, si Devon po inaaway ako. (parang batang sumbong nito sa ina ni Devon)
Kazel: Devon anak itigil mo na yan, baka imbes na may gwapong driver na maghahatid sa inyo sa eskwelahan eh mawala pa!
Devon: Eto si BES mawawala po?! Imposible po yun hindi ako kayang iwanan nyan. Diba bes?!
Quen: Oo na! Panalo kana!!
Kazel: O sya sige na tama na yan kumain na kayo ng mabilis ng makaalis na din kayo.
Devon: Teka po Mama nasaan po pala si Papa?!
Kazel: Maaga syang umalis, tulad nyo ayaw nya din malate sa unang araw ng klase.
Catherine: Papa talaga napaka dedicated.

Matapos nilang kumain ng agahan umalis na din sila agad dahil hahanapin pa nila ang kanilang schedule at ang mga rooms nila. Pagdating nila ng school nag hiwalay na si Devon at Catherine, kasama naman ni Devon sa paghahanap ng schedule si Quen dahil para naman sila ng course. Pagdating nila ng building nila marami ng mga estudyante ang nag kukumpulan sa bulletin board para tumingin din ng schedule. Hindi sila makalapit sa dami ng estudyanteng mga nakaharang, samantalang ng may dumating na apat na babae agad nahawi ang daan at nawala ang mga estudyanteng nag kumpol sa harap ng bulletin board. Ipinagtaka at ikinataas naman ng kilay ni Devon ang nakita kaya tinanong nya si Quen kung sino ang mga babaeng iyo.

Devon: Sino ba yang mga yan?! Bakit parang takot ang mga estudyante sa kanila?!
Quen: Yan ang "elite girls" (quote unquote na senyas ni Quen)
Devon: Elite girls?
Quen: Oo! Mga anak mayaman kasi yang mga yan kaya ganyan ang mga ugali.
Devon: Eh bakit sila ate Shey mayaman din naman sila ah pero hindi naman ganyan ang ugali nila.
Quen: May mga connection kasi sa taas yang mga yan kaya ganyan kung magsi-asta!
Devon: Kahit na noh!! Pare-pareho lang tayong nagbabayad ng matrikula dito kaya dapat pantay-pantay lang tayo. (sabay talikod nito kay Quen, pero nahawakan sya ni Quen sa braso)
Quen: Saan ka pupunta?!
Devon: Edi titignan ang section at schedule ko!
Quen: Mamaya na! Hintayin na lang natin silang makaalis!
Devon: Eh paano kung maaga pala ang first subject natin edi malalate tayo dahil lang sa mga yan!
Quen: Hayaan muna! (hindi nya binitawan si Devon hanggang makaalis ang mga babae)
Devon: Bitawan mo na ko, wala na sila! Tara na! Tignan na natin ang schedule natin. (inis na inis na sambit ni Devon)

Agad na silang lumapit sa bulletin board at nakita nilang magkaklase sila at pareho halos lahat ng schedule nila.
At may klase sila ng 8:30 samantalang 8:15 na sa orasan ni Devon at sa kabilang building pa ang room nila. Kaya naman lakad takbo na ang dalawa para hindi sila malate sa first class nila.

Devon: Kasalanan mo to eh, yan tuloy kailangan pa nating magtatakbo!
Quen: Sorry na nga eh...
Devon: Sana wala pang prof.

Matapos ang sampung minutong pag takbo narating nila Devon at Quen ang room nila ng hingal na hingal at nakahinga na din sila ng maluwag dahil wala pa ang kanilang professor. Napasinmangot naman si Devon ng makita ang apat na babae sa loob ng classroom nila na nag kukwentuhan.

Devon: Sa dinami-dami naman ng pwedeng maging kaklase sila pa!!Anu ba yan! (bulong nito kay Quen ng nakaupo na sila)
Quen: Oo nga!! Pati ang mga "mean girls" kaklase natin, siguradong malaking patalbugan ang mangyayari araw-araw!
Devon: Mean girls?! Sino naman yung mga yun?!
Quen: Ayun oh (sabay nguso nito sa apat na babae para ituro kay Devon) Yang dalawang grupo na yan ang mortal enemies!!
Devon: Ganun?! (bigla syang nagulat ng mag sigawan ang mga estudyanteng babae sa labas at pati na rin sa loob ng room nila) Bakit anong meron?!
Quen: Andyan na siguro si Sam (taas kilay na sabi nito)
Devon: Sam?! Artista ba yun at kailangan pa nilang magtilian.?
Quen: Si Sam kasi ang anak ng business tycoon na si Thed Lopez.
Devon: Eh ano naman ngayon?! (sabay yuko nito dahilan para di nya makita ang lalaking pumasok sa kanilang room)
Quen: Tsk.. (naiiling na sabi nito)
Devon: Bakit?!
Quen: Ah wala!

After 10 minutes dumating na ang professor nila at laking gulat ni Devon at Quen ng makita ang first professor nila.

Devon: Papa?! (mahinang pahayag nito)
Quen: Ayos! Professor natin ang Papa mo!.
Devon: Oo nga!! (may kaba sa tinig nito)
Quen: Eh bakit naman parang kinakabahan ka?!
Devon: Strict kasi si Papa pagdating sa school, ayaw ko nga syang nagiging professor eh nakakapressurre kasi.
Quen: Ganun ba?! Naku po! Patay na!! (naputol ang usapan nilang dalawa ng magsalita na ang kanilang professor at kinilabutan naman si Quen dahil na rin sa takot)
Prof. Hernandez: Good moring class.
Students: Good morning Sir...... (mga nanlalatang sagot ng mga ito)
Prof. Nico: Haven't you guys take your breakfast?! Malata pa kayo sa kanin ahh... Good morning class!! (buong siglang ulit nito na may kasama pang hampas sa table nya)
Students: (nawindang sa bago nilang professor kaya naman buong sigla na ang bati nila ulit) Good morning Sir!!!!!!!!!!!!!
Prof. Hernandez: Very good!! Well, let's start the day right. (he lead a prayer then after nagpakilala na sya sa kanyang mga estudyante) Hi guys! I am Mr. Nico Hernandez, I'll be your professor for the whole semester. I am a new professor here in your university. I am from Cebu, I've been more than 5 years in service being a professor. And as of now it's my 3 years teaching the major subject of business management. I am expecting everyone to bear with me. I am a strict and terror professor inside the classroom but I can be your friend outside. Simple lang naman ang rules and regulation ko sa klase ko. Una, mortal sine para sa akin ang malate ang mga student ko. Pangalawa bawal ang makipag daldalan habang nag didiscuss ako! Pangatlo, bawal ang hindi marunong sumunod sa mga policies ko! At last, bawala ang mag hikab or better yet I will send you out of my class. And one more thing, sa loob ng classroom na ito walang mayaman, mahirap, walang anak ng isang business tycoon, walang may connection sa itaas, walang family-friend at higit sa lahat walang kamag-anak. (sabay tingin nito kay Devon at Quen) Ok! This time around it's your turn to introduce yourself cause later no one is allowed to talk maliban sa akin at sa mga taong tatanungin ko! So, let's start one by one introduce yourself, in front. (sabay punta nito sa likod ng room at umupo sa bakanteng silya)
Girl1: Do we really need to do that? We know each other na!
Prof. Hernandez: Do you know them na?! Really?!
Girl2: Yes! We knew each other very well.
Prof. Hernandez: If that's the case, so tell me the name of that girl sitting next to that white guy. (he was referring to his daughter Devon)
Girl2: (hindi makasagot at natigilan lang)
Prof. Hernandez: What now?! I am asking you, do you know her? What is her name?
Girl2:  No! I don't know her.
Prof. Hernandez: You better shut up if your just going to tell a lie. Sit down! You! (sabay turo nito sa unang babaeng nag salita kanina) You start!!
Girl 1: Why me?! (pero wala na din syang nagawa dahil natakot na sya sa prof nila kaya naman pumunta na sya sa harapan para magpakilala) Hey! Hi guys! I'm Aria Clemente. I am a daughter of Mr&Mrs. Clemente.
Prof. Hernandez: Of course! Your the daughter of your parents! So, tell me, why are you here? Taking up business management?
Aria: Because my parents wants too..
Prof. Hernandez: So, are you telling me that this is not what you want?
Aria: No! I want too but...
Prof. Hernandez: It's ok, you don't have to explain anymore! Next!

Sunod-sunod na silang nagpakilala at ng turn na ni Girl2.....

Girl2: Hello! I'm Coleen Garcia, my parents are not here so better not to talk anything about them.
Prof. Hernandez: Why Coleen? Aren't you proud to be a daughter of your parents?
Coleen: I am, but I don't wanna talk about anything about them.
Prof. Hernandez: Ok! Maybe they don't want to talk anything about you in front of their Amigos and Amigas too. Next please!

Nag pakilala na rin ang ibang student na sumunod kay Coleen until someone get Devon's attention.

Guy: Hey, I'm Samuel Lopez 20 years old, you can call me Sam, I'm the son of Mr. Thed Lopez and my mom is Marie Lopez, I have a twin-brother James but his not here!
Prof.Hernandez: So, your the successor  of the Lopez Company.
Sam: Maybe! (kibit balikat na sabi nito)
Prof. Hernandez: Is this really what you want?
Sam: Nope! All I want is to be a simple man, know by my name not because of my father's name.
Prof. Hernandez: So, you should pursue what you really want.
Sam: Maybe after I graduate and give what my father wants.
Prof. Hernandez: Ok! Thank you Mr. Lopez. Next please.

Limang estudyante na lang bago ang turn ni Devon at Quen at unti-unti kinakabahan ang dalawa. At nang dumating na ang turn ni Quen, lalong bumilis ang pintig ng puso ni Devon dahil sa kaba.

Quen: Hi, Good morning! My name is Enrique Gil but my friends used to call me Quen. Well, there's nothing interesting about me naman kaya yun...
Prof. Hernandez: I heard your family owns a Call Center company, right Mr. Gil?! So, why don't you take up any course regarding communication skills so therefore after that you can have your international school.
Quen: But this is what I really want Sir, ever since before.
Prof. Hernandez: Ow well.. Thank you Mr. Gil, take your sit now! And next please and I think the last student in this room. (nakatingin sya sa anak at lihim na natatawa sa kabang nakikita nya mula sa mukha ng kanyang anak)
Devon: (tumayo na at siniko si Quen ng magkaharap sila) Bakit ang bilis mo?! (bulong nito kay Quen)
Quen: Eh pinaupo na ko eh tsaka next na daw eh.. Bilisan mo na baka mapagalitan ka pa, kaya mo yan. (sabay ngiti nito ng matamis sa kaibigan)
Devon: (nakatayo na sya sa harapan at tinitignan ang ama)
Prof. Hernandez: Until what time are we going to wait for you to speak up?
Devon: Ha?! Ah... Sorry po!! (nauutal na sabi nito, huminga pa sya ng malalim bago nakapag salita ulit) Hi! Good morning! I'm Devon Mae Hernandez and I'm a transferee student from Cebu. (matapos nyang sabihin yun nag bulung-bulungan na nag mga kaklase nya pero ipinag patuloy pa rin nya ang pagpapakilala sa sarili) I have a two sisters, and my mother is Mrs. Kazel Hernandez and my father is a professor and his name is Nico Hernandez. (lumakas ang bulungan ng mga kaklase nya matapos nyang sabihing anak sya ng professor nila nagyon)
Prof. Hernandez: Quiet!! Am I asking you to talk?! I guess no!! So, you better quiet!! Is there something wrong if Ms. Devon is my daughter? You don't have to worry cause like what I've said a while ago. Walang kamakamag-anak! Ok, so, miss Devon, why did you choose this course? I mean, our family doesn't own any business. What will be your job after all? Unlike them may pwede silang patungahan pag graduate nila.
Devon: There's no any law na nagsasabing ang course na ito ay para lang sa mga taong may mamanahing negosyo mula sa kanilang pamilya. My job after this?! Honestly, for now I really don't know but I know someday I can find a job suited for me. It's better to work hard to get what you want than getting things as easy as spoon-feeding from your parents!
Prof. Hernandez: Ok! That's it!! Thank you, you may now sit down.
Devon: Thank you Sir.
prof. Hernandez: (bumalik na ulit sa harap.) Ok guys! Since, ang sabi naman sa itaas this day is just for an orientation lang, kaya you guys are excused!
Students: Thank you Sir.

Isa isa ng naglabasan ang mga estudyante sa room at naiwan na lang si Sir Nico at hinintay naman ni Devon at Quen na makalabas na ang lahat bago nila kausapin ang professor. Nang sila na lang ang naiwan, nilapitan na nila ang Papa ni Devon.

Devon: Ikaw talaga Papa, bakit mo pa tinanong sakin yun?
Nico: Nakita ko kasi sa mukha mo na masyado kang kabado kaya itinanong ko sa iyo yun, alam mo na!!
Devon: Ikaw talaga Papa.
Nico: Ah by the way, umuwi muna pala ang ate Catherine mo, dumaan sya sakin kanina, hapon pa kasi lahat ng klase nya kaya umuwi na lang muna sya. Oh sya dyan na kayo.
Devon: Sige Pa. See you around.
Nico: Wait, Devon you know our rules!!
Devon: Ay oo nga po pala sorry po!
Nico: Ok, sige na alis na ko!
Devon: Thank you po Sir!
Quen: Anong rules yun?! Tanong nito kay Devon habang naglalakad sila papunta ng cafeteria.
Devon: Bawal tawagin si Papa ng Papa pag nasa loob ng university! Kaya ikaw wag mo din syang tatawaging tito pag andito tayo sa school.
Quen: Ok! Grabe nakakatakot nga ang Papa mo!! Este si Sir Nico pala.
Devon: Sabi ko naman sayo eh..

Ilang minuto lang narating na nila ang cafeteria at inabutan nila doon si Kyra at Joe na masayang nag kukwentuhan.