Another Sunday came in at syempre family day iyon para kila Devon at tulad ng dati sama-sama silang nag simba. Maaga silang nag punta sa simbahan dahil gusto nilang umpisan ang first mass. Magkakasama sila at pati ang Manang Rosa nila ay kasama din nila. Nauna ng pumasok ang mga magulang at kapatid ni Devon at si Devon naman kasama si Manang Rosa ay bumili muna ng kandila. Papasok na sila ng simbahan ng may makasabay syang sumawsaw sa holy water sa unahan ng simbahan at para bang nakuryente si Devon kaya tignan nya kung sino ang taong nakasabay nya sa pagsawsaw.
Devon: Sam?!
Sam: Oh Devon! Nice to see you here!
Devon: You too.. Sinong kasama mo?!
Sam: Wala ako lang! Ikaw?!
Devon: Ahh.. I'm with my family!
Sam: Ahh ganun ba?! Sige dun na ko! (aalis na sana sya ng hilahin sya ni Devon)
Devon: Dun ka na lang din sa pwesto namin.
Sam: Wag na ok lang ako dun!
Devon: Wag kang maingay nakakahiya!
Sam: Ok lang nga ako dun!! (pero narating na nila ang pwesto nila Devon)
Devon: Pa, patabi daw po!
Nico: Oh Sam! Sige-sige tara dito!! (tumabi na nga si Sam sa upuan nila Devon at katabi nya ang Papa ni Devon at sa kabilang gilid naman nya ay ang Manang Rosa nila Devon at tsaka pa lang si Devon)
Tahimik lang na nakinig ng mga ito sa misa at hanggang sa natapos ang mass ay wagas ang abot-abot na sulyapan nila Devon at Sam napapansin na nga rin iyon ng Manang Rosa nila pero hindi na lang nya ito pinapansin. At ng matapos na ang mass napag desisyunan ng pamilya ni Devon na umuwi na lang ng bahay at doon na lang sila mag bonding at mismong si Nico ang umaya kay Sam para sumama sa kanila at hindi naman yun tinanggihan ng binata. At buong mag hapong nag tawanan, nag kwentuhan, nag laro, nag kainan at nag kantahan lamang sila. Nag shine ang buong araw ni Sam na iyon dahil ngayon lang nya naranasang makakita ng isang buong pamilya na masayang nag sasama-sama. Pakiramdam ni Sam naging buo sya kahit isang araw lang. Ianabot na rin sya ng gabi sa bahay nila Devon at ng mag aalas otso na ay napag desisyunan na nyang umuwi kaya nag paalam na sya sa pamilya ni Devon.
Sam: Sir Nico, Ma'am Kazel thank you po at shinare nyo sakin ang meron kayo.
Nico: Your welcome Sam, anytime.
Kazel: Tsaka wag mo na din akong tawaging Ma'am hindi naman ako teacher. Tita na lang.
Sam: Sige po tita. Thank you po ulit! Mauna na po ako.
Nico: Sige ingat ka sa pag-da-drive.
Kazel: Devon, ihatid mo na lang si Sam sa labas.
Devon: Sige po! Tara Sam.
Sam: Thank you po ulit sa inyong lahat!
Girlie: Wala yun nag enjoy din naman kaming kasama ka, sa susunod ulit.
Catherine: Oo nga, at sana madalas. Ingat ka!
Sam: Sige po! Mauna na ko! (at hinatid naman sya ni Devon palabas ng gate)
Devon: Ingat sa pag-uwi.
Sam: Sige thanks! Good night! Pasok ka na!
Devon: Sige good night din!
At tuluyan na ngang umuwi si Sam sa kanilang bahay. At sa hindi nya inaasahan andoon ang ama nya sa kanilang salas na nakaupo na tila bago para kay Sam.
Sam: Dad! Glad your here!
Thed: Saan ka galing?!
Sam: Dyan lang po kasama ng mga kaibigan ko!
Thed: Yung totoo saan ka galing?! (tumaas na ang boses nito at ramdam ni Sam ang galit sa tono ng boses ng ama)
Sam: Bakit Dad?!
Thed: Ayan! (sabay hagis kay Sam ng isang envelope at ng tignan ito ni Sam andun ang mga picture nila ni Devon na kumalat noon at ngayon may mga picture na kasama nya ang pamilya ni Devon na kuha kanikani lang)
Sam: Ano naman pong ibig sabihin nito Dad?!
Thed: Isa lang Samuel! Ayokong nakikipag kita sa babaeng yan at sa pamilya nya!
Sam: Bakit naman po Dad?! Ngayon na nga lang po tayo magkikita ganyan pa ang sasabihin nyo sakin?!
Thed: Cause I am your father!
Sam: Pero kahit kelan hindi ko naramdaman yun! Ang masakit pa dun kahit wala kayo sa bahay nato nagagawa nyo pa rin kaming manipulahin.
Thed: Dahil walang ibang pwedeng masunod sa pamamahay na ito kundi ako!! At sa susunod na makita kita na kasama ang mga taong yun hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!
Sam: Bakit Dad?! Anong gagawin mo? Tatanggalan mo ko ng mana at karapatan sa apelido mo!? Ok lang! Mas gugustuhin ko pa po kasing maging isang mahirap kesa mag karoon ng ganitong buhay! May pamilya nga ako pero madalang pa sa patak ng ulan kung makasama ko sila! Di bale na po na maging mahirap ako ok lang bastat makasama ko lang ang mga taong mahal ko!
Thed: Hindi mo alam kung anong sinasabi mo Samuel. Para sa inyo naman tong lahat ng ginagawa ko!
Sam: Pero hindi ko po kailangan ang lahat ng yan! Kayo po ang kailangan ko! Ang kahit minsan sana maiparamdam nyo samin na mahal mo rin kami! (iniwan na nito ang ama at hindi na hinintay na mag-salita)
Pag pasok ni Sam sa kanyang kwarto tanging unan lamang nya ang nayakap nya at nasandalan para iyakan. Samantalang...
Marie: Masakit ba?!
Thed: Pag sabihin mo ang anak mo!!
Marie: Bakit Thed, tama naman si Samuel eh, mas mahal mo pa ang pera mo kesa sa amin!! Kulang na lang mag paparty kami sa twing uuwi ka ng lintik na bahay nato!! Sana kahit minsan malaman at maisip mong hindi lang pera at kayamanan mo ang kailangan namin! (pagkatapos nun ay pumasok na rin sya ng kanyang kwarto)
I love it sis :)
ReplyDelete