Sunday, August 28, 2011

Love Conquers All Chapter 4

Devon the fighter!! 


Kyra: Hello sa inyo.. (masayang bati nito sa dalawa)
Joe: So, kamusta naman ang first day?!
Quen: Ayun ok naman at...
Joe: At?!
Quen: Professor lang naman kasi namin ni Devon ang Papa nya! Grabe ang sungit!
Kyra: Grabe ka Quen, andito si Devon oh...
Devon: Ok lang yun totoo naman kasi kahit nga ako ayaw kong nagiging professor yun eh, sobrang strict kasi! Pero sa school lang naman. Kasi pag sa bahay naman ok naman sya eh.. Hindi sya masungit.
Joe: Siguro kahit kailan di ka pa nag kakabf no, kasi ang sungit ng Papa mo.
Devon: Ang galing mo talaga papa bear! Tama ka dyan! Hindi pa nga ako nagkakabf.! Kahit yung dalawang ate ko!
Kyra: Grabe siguro sobrang strict talaga ng Papa mo sa inyo!!
Devon: Hindi naman! Cool Papa kaya yun! Ahmmm.. Hindi pa lang talaga pwede! Mabait naman kasi si Papa eh, ganyan lang talaga sya sa school. Strict at terror!!
Quen: Sabagay! Mabait naman kasi talaga ang tito Nico pag andun ako sa inyo!
Devon: Wag ka ngang maingay dyan! Baka me makarinig pa sayo! Remember the rule!!
Quen: Remember the rule eh ikaw nga dyan ang nauna!
Devon: Tse!! Ewan ko sayo!!
Kyra: Ahh.. Devon pwede mo ba kong samahan sa building namin may kukunin lang ako!
Devon: Oo ba! Sige tara!
Kyra: Oh iwan muna namin kayo ha. Mabilis lang kami!
Devon: Akin na lang tong kape mo papa bear ha, order ka na lang ulit!
Joe: Oo ba!! Ingat kayo!

Umalis na nga nag dalawa at masayang nag kukwentuhan papunta ng building nila Kyra ng hindi sinasadya may nakabangaang babae si Devon.

Devon: Ay!! Sorry po miss!!
Girl: Shit!! Sorry?! Matatanggal ba ng sorry mo ang stain na ito sa damit ko?!
Devon: Hindi ko naman sinasadya pasensya na talaga! (akmang hahawakan nya ang damit para punasan sana)
Girl: Don't you dare touch my dress kasi baka lalo pang madisgrasya! (masungit at ikot-matang sabi nito)
Kyra: Sorry Coleen! Hindi naman nya sinasadya!! Babayaran ko na lang!
Devon: Babayaran?! Bakit mo naman babayaran?! Pwede naman nyang palabhan yung damit eh, matatanggal naman yan noh! Tsaka kasalanan din naman nya kung bakit kami nag kabangga eh!!
Coleen: So, ako pa ang sinisisi mo sa nangyari!?
Devon: Hindi naman! Pero sana lang kasi marunong kang tumingin sa dinadaanan mo!
Coleen: Edi sana umiwas ka hindi mo sana ko nabangga!
Devon: Pasensya na ha, hindi ko kasi naisip agad yun eh!!
Coleen: So, ano na ngaying balak mong gawin sa kababuyang nagawa mo sakin?
Devon: Wala! Nag sorry naman na ko sayo kaya tama na yun!
Coleen: Anong sabi mo?! Alam mo ba kung magkano ang bili ko sa damit kong ito?! Tapos tatapunan mo lang ng kape mo?!
Devon: Ano naman ang pakialam ko dun!? Kahit pa isang daan lang yang damit mo hindi ko pa rin babayaran yan noh!!
Coleen: Teka! Siguro your not rich noh?!
Devon: Eh ano naman ngayon sayo?!
Coleen: Sabi ko na nga ba eh, you look so cheap kasi!
Devon: Ok lang! Kesa naman maging sosyal na katulad mo! Kung panget naman ang ugali di bale na lang!!
Coleen: Who do you think you are tell me that?!
Devon: Me?! I'm Devon! Excuse lang ha! Tara na Kyra!!

Umalis na si Devon at Kyra habang si Coleen naman ay inis na inis sa nangyari..

Kyra: Bakit mo naman ginawa yun?!
Devon: Ang alin?! (patay malisyang tanong nito kay Kyra)
Kyra: Bakit mo pinatulan si Coleen?
Devon: At bakit hindi?! Ang arte nya kasi eh!!
Kyra: Dapat pinigilan mo ang sarili mo!
Devon: Hayaan mo na nga yun, bilisan mo na! Kunin mo na yung kukunin mo!!
Kyra: Oh sya sige! Hintayin mo na lang ako dito, mabilis lang ako!
Devon: Sige! Bilisan mo ha!!

Sandali lang naman ang hinintay ni Devon para kay Kyra mabilis lang nito nakuha ang kukunin kaya naman nakabalik ito kaagad. Naglalakad na ulit pabalik ng cafeteria ang dalawa ng makita ulit nila si Coleen sa lugar kung saan nya ito nakabangga na para bang inaabangan talaga nito ang ang pagdaan ulit nila.

Coleen: Hoy ikaw!! (sabay hila nito kay Devon)
Devon: Aray ko! Bitawan mo nga ako! Saan mo ba ko dadalin ha?
Coleen: (hinila nya si Devon sa gitna ng maraming estudyante) Hey guys! Listen to me! Look at this girl mahirap lang sya pero nandito sya sa university natin I was wondering tuloy, hindi kaya kabit sya ng isa sa mga member ng board? O kung hindi naman isa syang working student at sa gabi ang trabo nya ay isang pokpok!! (may diin sa huling salitang binitawan ni Coleen dahil para umakyat lahat ng dugo ni Devon sa ulo nya)
Devon: Excuse me lang ha, first, hindi ako kabit ng kahit sinong board member ng university na ito, second, hindi ako isang working student at higit sa lahat wala kang karapatang laitin ako! Oo nga at mahirap lang ako, pero mas gugustuhin ko pang maging isang mahirap kaysa maka ugali ka! Alam mo kung ano, kung may buhay siguro yang damit mo, hindi sya papayag na maisuot mo! Bakit? kasi hindi sya papayag na mabahiran ng kapangitan ang isang katulad nyang magandang damit! At kahit pa anong ganda ng damit mo kung sing panget naman ni Santanas yang ugali mo hindi ka pa rin magiging maganda!(taas noong sabi ni Devon at ni hindi man lang sya natakot na patulan ang babae)
Coleen: (natahimik lang sya sa mga sinabi ni Devon, at this time kailangan nya ng katulong at nakakita naman sya ng isang taong pwedeng tumulong sa kanya) Sam, oh my gawd! Good your here! Look at this girl, she's ruining our university, she's not here yet she's here, I was wondering na baka may karelasyon sya isa sa mga board members. Your dad has a big share here at the school kaya... (hindi na nya natapos ang sasabihin ng magsalita na si Sam)
Sam: Coleen, hindi mo ba narinig yung sinabi nya?!
Coleen: Don't tell me, na niniwala ka sa kanya?!
Sam: (humarap kay Devon) Miss... (yun pa lang ang nasasabi nya ng mag salita na si Devon)
Devon: Wag ka nang mag sayang ng oras mo na mag salita para laitin ako! Ok lang! Ang isang taong mayaman kapwa nya lang mayaman ang kinakampihan, kaya ok lang, don't bother to talk! (hinarap nya ulit si Coleen) Alam mo hindi mo naman na kailangang humanap ng kakampi mo eh.. (tatalikod ng sana sya ng...) Devon! Devon ang pangalan ko paki tandaan na lang ng hindi "hoy" ang itinatawag mo sakin! Tsaka nga pala, pag yumaman ako huwag kang mag-alala bibigyan kita ng pera ko at pagkatapos bumili ka ng magandang ugali, kaya lang nakakaawa ka kasi baka kahit nakapag around the world kana wala ka pa ring mabibilhan ng magandang ugali! (yun lang at tinalikuran na rin nya si Coleen) Kyra tara na!

Umalis na nga ang dalawa at unti-unti na ding nag alisan ang mga estudyante sa lugar.

Coleen: Sam, bakit hindi mo man lang ako tinulungan?!
Sam: Why will I do that?! (hindi na nya hinintay na sumagot si Devon, umalis na sya at tinalikuran ang babae)
Colee: Bwisit ka!! May araw ka rin sakin! Hindi pa tayo tapos!!

Pagbalik nila Devon at Kyra sa cafeteria andoon na din sila Shey at Char.

Quen: Bakit ngayon lang kayo?!
Joe: Oo nga! Kala ko ba sandali lang kayo!?
Kyra: Actually mabilis lang naman talaga kami eh, etong si Devon lang naman ang natagalan eh..
Quen: Bakit?! Anong nangyari?!
Kyra: Eto kasing si Devon inaway ni Coleen!
Char: Coleen?! Yung "elite girl"?
Kyra: Oo sya na nga!
Shey: Bakit!? Anong nangyari baby Devz?
Devon: Wala po yun!
Kyra: Wala ka dyan ganito kasi yun........ (at si Kyra na nga ang nagkweento sa nangyari)
Char: Wow Devz, You already! Ang tapang mo wah!!
Quen: Ok ka lang ba?!
Devon: Oo ok lang ako! Tara na! Mag-i-eleven na baka malate pa tayo! (tumayo na sya at naglakad palabas ng cafeteria)
Quen: Sana nga ok lang! (sumunod na din sya kay Devon)
Joe: Siguradong pag iinitan si Devon ng elite girls na yan!!
Char: Mukang wala namang balak mag patalo si Devon eh.
Kyra: Oo nga! Ang tapang nya kaya kanina!
Shey: At syempre hindi rin naman tayo papayag na saktan si Devon ng mga yun diba?!
Char: Syempre naman noh!!

Matapos ang nangyari maghapong walang kibo si Devon at ni hindi man lang narinig ni Quen ang nakasanayan na nyang halakhak ng dalaga.

Quen: Bes, hanggang kelan ka ba magiging tahimik dyan ha, bahala ka pag napanisan ka ng laway dyan hindi kita kakausapin kala mo!!
Devon: (hindi pinapansin si Quen)
Quen: Hoy Bes! (ginulat nya si Devon upang pansinin sya nito dahil wala ring imik ito kahit pa kanina pa sya salita ng salita sa tabi nito)
Devon: ha?! Ano nga ulit yun?!
Quen: Aysus! Ginoo ko! Kanina pa ko salita ng salita dito hindi mo man lang ako pinapansin!
Devon: Pasensya na bes ha..
Quen: Bakit?!Iniisip mo ba yung nangyari kanina?!
Devon: Oo, baka kasi pati si Papa madamay sa nagawa ko!
Quen: Hindi yan bes! Wala ka namang kasalanan eh, ipinagtanggol mo lang naman ang sarili mo eh. Kaya wag munag isipin yun ok?!
Devon: Bes, meron sana kong hihilingin sayo!
Quen: Ano yun?!
Devon: Kung pwede sana wag na lang natin sabihin kay Papa ang nangyari!
Quen: Oo naman, yun lang pala eh..
Devon: Pakisabi na rin sa kanila na huwag ng ikwento kay ate Catherine ang nangyari!
Quen: Sige kakausapin ko sila mamaya. Tara na! Pasok na tayo sa last subject natin baka malate pa tayo!

Pumasok na nga ang dalawa sa kanilang huling subject at syempre dahil regular student sya kaklase pa rin nya si Coleen. Mag hapon na syang iniirapan nito at sya naman ay panay ang iwas dito.

Quen: Wag mo na lang sila pansinin ha.
Devon: Oo, hindi ko naman talaga ugaling mang away eh lalo na kung hindi naman ako inaaway!

Umupo na sila sa likuran at pagdaan nila sa pwesto nila Coleen inirapan na naman sya ng babae pero hind na nya iyon pinansin pa. Pag upo nya nakita nya rin si Sam na nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nito. Nag simula at natapos na ang klase nila, tahimik pa rin si Devon at hanggang kahit sa pag uwi nila wala pa rin itong kibo. At pagdating nya sa kanilang bahay wala ni isang tao doon, ang ate Girlie nya ay nasa trabaho, ang ate Catherine naman nya ay paniguradong nasa eskwelahan na pati na rin ang Papa nya, ang Mama at Manang Rosa naman nya ay may pinuntahan. Kaya dumiretcho na lang sya sa kanyang kwarto. Dahil wala namang nakakita sa kanya, kinagabihan nag-aalala ang lahat sa kanya dahil hindi alam ng mga ito kung nasan sya.

Kazel: Sigurado ka bang hindi mo sya nakita sa school nyo?!
Catherine: Opo mama!! Kasi pagdating ko dun sa room ko na agad ako dumiretcho at hindi ko naman sya nakita doon sa university.
Manang Rosa: Huwag na kayong mag-alala ang hinahanap natin ay mahimbing ng natutulog sa kanyang kwarto.
Kazel: Ganun po ba?! Nariyan na pala sya. Salamat po manang Rosa.
Manang Rosa: Wala iyon, sige na't magpahinga na rin kayo!

No comments:

Post a Comment