Monday, August 29, 2011

Love Conquers All Chapter 7

Can we be friends?!


Hindi pa rin maka get over si Coleen sa nangyari hindi nya talaga inakala na ganun kagaling sumayaw si Devon. Lalo syang nainis sa dalaga at yamot na yamot syang bumaba ng stage at nilapitan pa sya ng mga mean girls at tila pinariringgan sya ng mga ito na lalong ikinataas ng dugo nya.

Ariane: Kawawa naman! Napahiya pa!
Valerie: Well, wala naman kasi talaga syang ibubuga eh.
Erika: Tumigil nga kayo dyan. Wag nyo ngang paringgan si Coleen!
Gellie: Excuse me! Pero hindi naman namin sya pinariringgan!! It's not our fault kung affected sya sa pinag-uusapan namin.
Ariane:  Korek! Tsaka eh ano naman ngayon kung paringgan namin sya?! Eh totoo naman yun mga sinasabi naman, wala naman kasi syang talent eh, kundi landiin si Sam!
Carla: Yun nga lang kahit siguro mag hubad pa sya sa harap ni Sam hindi sya papatulan nito! (sabay tawa ng mga ito)
Coleen: Hindi totoo yang mga sinasabi nyo, makikita nyo magiging akin din si Sam!
Valerie: Ah talaga lang ha. Tignan na lang natin loser!!
Shamie: Aba!! Sumusobra na kayo wah!! (akmang susugurin nito ang mga babae)
Gellie: Oh my gawd!! Sige subukan mo lang!! Paranoid!! (at ikot-matang sabi nito sa babae)
Ariane: Tama na yan girls!! Let's not waste our time sa mga talunan na katulad nila.
Aria: Sinong talunan ha?!
Ariane: Sino pa nga ba?! Edi kayo!! Alam you better changed your name, nakakinis kasi na malapit masyado ang name natin sa isa't isa. Baka mapagkamalan pa nilang ako ikaw, nakakahiya naman sayo! (mainsultong sabi nito sa babae at hindi na nila hinintay na sumagot ang mga ito at tuluyan na silang umalis)

Habang si Devon naman ay matapos nyang mag CR lumabas muna sya ng bar para mag pahangin, naupo sya sa isang bench na malapit sa gilid ng bar at ipinikit nya ang mga mata habang nakatingin sa langit. Tahimik lang si Devon na dinarama ang ihip ng hangin sa kanyang mukha ng may isang taong nag salita sa likod nya.

Guy: Bawala pong matulog dito.
Devon: Hindi naman ako tulog eh.. (hindi man lang nya tinignan ang lalaki)
Guy: Eh bakit ka nakapikit?
Devon: Wala lang gusto ko lang! Tsaka sino kaba bakit mo ko pinakikialaman? (sabay lingon nito at ikinabigla naman nya ng makita kung sino ang lalaking kausap nya)
Guy: Ang galing mong mag sayaw! (at naupo ito sa tabi ni Devon)
Devon: Sam?! Bakit nandito ka sa labas?
Sam: Masyado na kasing mainit sa loob sa dami ng tao kaya lumabas muna ko para mag pahangin, tapos nakita kita dito kaya nilapitan kita, kaya lang mukang ayaw mo naman magpaistorbo kaya aalis na lang ako. (akmang tatayo na si Sam ng biglang hawakan ni Devon ang kamay nya, at tili nakuryente naman si Devon sa pagkakahawak sa kamay ni Sam kaya mabilis nya itong binitawan)
Devon: O-ok lang naman, hindi ko naman nabili tong bench na to kaya ok lang mag stay ka!! (nabubulol at kabadong sabi nito)
Sam: Well, thanks!! Anyway, ang tapang mo talaga! Diba bago lang kayo dito?! Pero, pinahanga mo ko sa katapangan mo, hindi ka natakot na labanan si Coleen at ngayon nakaka-two points ka na sa kanya.
Devon: Hindi ko naman sya gustong labanan eh, kaya lang hindi naman kasi pwedeng hindi ako lumaban, hindi naman kasi porket bago kami dito magpapa-api na kami sa kung sino-sino lang na katulad ni Coleen. Kahit naman kasi na mayaman sya, pare-pareho lang naman tayong mahal ng Diyos ah. Oo nga mas maganda, mas maputi mas ok sya kesa sakin, pero hindi naman sapat na basehan yun para laitin nya ko.
Sam: Hindi totoo yan! Mas maganda at mas ok ka kesa kay Coleen.
Devon: Ha?! Sinasabi mo lang yan kasi ako ang kaharap mo nagyon.
Sam: Hindi ah.. Totoo ang sinasabi ko. Actually nung unang beses na mag harap kayo ni Coleen, ipagtatanggol sana kita nun kaya lang binara mo agad ako eh, hindi na tuloy ako nakapag salita. (natatawang sabi nito, at natawa na rin naman si Devon sa sinabi nya) Alam mo mas bagay sayo yan!
Devon: Ha?! Ang alin?!
Sam: Yan! Yang ganyan! Yung ngiti mo! Ang sarap mo palang panooring humahalakhak. Nakakadala!
Devon: Sira! (at napalo naman nya ang braso ni Sam na ikinagulat naman ni Sam at pati na rin sya ay nagulat sa nagawa) Naku! Sorry ha!! Hindi ko sinasadya!
Sam: Alam mo, favorite dialogue mo yan noh! Palagi ka na lang nag sosorry! Alam mo bang sa mundong ito hindi na uso ang sorry kasi aanhin mo pa ba ang mga pulis at ang mga batas na yan kung sa isang sorry lang pwede ng magpatawad!
Devon: Hindi totoo yan, siguro nga hindi sapat ang isang sorry para pag bayaran mo lahat ng mga kasalanan mo sa mundo, pero sapat na rin naman siguro ang isang sorry para matuto kang magpatawad. Maraming tao ang hirap na mag sabi ng salitang sorry. Pero para sakin, ang sorry ang tanging salitang masarap bigkasin lalo na kung alam mong mali talaga ang nagawa mo.
Sam: Pero pano kung ang taong nagawan mo ng masakit hindi tanggapin ang sorry mo?!
Devon: Pwes, hindi mo na problema yun tanggapin man nya o hindi ang sorry mo, at least you've done your part. Kung ang Diyos nga pinatawad tayo sa mga kasalanan natin eh, tayo pa kayang mga likha lang nya ang hindi magpapatawad sa kapwa natin?!
Sam: Alam para kang matandang mag salita, ilang taon kaba ha?! Early 30's 40's o baka naman 50 years old kana talaga!
Devon: Sira! Hindi noh! Nagsasabi lang ako ng totoo.! (sabay tingala ulit nito at tingin sa kalangitan) Ang ganda ng langit noh!?
Sam: Oo sobrang ganda! (habang sinasabi nya yun sa mukha naman ni Devon sya nakatingin, at yun ang eksenang inabutan ni Quen)
Quen: Excuse me!
Devon: Oh Quen! Kanina ka pa ba dyan?!
Quen: Ah hindi kararating ko lang, hinahanap ka na kasi ng mga ate mo kaya hinanap na rin kita, nag aaya na kasi silang umuwi.
Devon: Ah ganun ba?! Sige tara na! Inaantok na din naman ako eh. (sabay baling naman nito kay Sam) Ah, sige mauna na kami. See around at the school.
Sam: Sige! Ingat! (ilang hakbang na ang nagagawa ni Devon ng tawagin ulit ito ni Sam) Ahhh.. Devon sandali.
Devon: Ha?! Bakit?!
Sam: Gusto ko kasi sanang itanong kung ok lang bang maging magkaibigan tayo?!
Devon: Oo naman noh. Bakit hindi.
Sam: Friends?! (sabay abot nito ng kamay kay Devon)
Devon: Yah!! Friends!! (at nakangiti rin naman nyang inabot ang kamay ni Sam, at ikinasimangot naman iyon ni Quen)
Quen: Devon, let's go!! naghihintay na sila satin.
Devon: Sige, ba-bye! Ingat kayo.
Sam: Sige ingat din!! (at tuluyan na nga syang iniwan ni Devon, pero matapos yun naupo pa rin si Sam sa bench na inupuan nila ni Devon, at ilang minuto lang ang lumipas dumating naman si Robi sa pwesto nya)
Robi: Braw! Andito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap!
Sam: Pasensya na braw! Ang init na kasi sa loob eh, kaya nag pahangin na lang muna ko dito sa labas.
Robi: Pero braw mukang may malalim kang iniisip ah.
Sam: Hindi noh! Wala!
Robi: Sa kanila pwede mong sabihin yan baka mapaniwala mo sila. Pero sakin hindi! Alam kong may problema braw!
Sam: Sira! Wala talaga! Dyan ka na nga! Mauna na kong umuwi sa inyo. May gagawin pa kasi ko! (sabay tayo nito)
Robi: Ang daya mo talaga!!
Sam: Sige na! Bumalik ka na dun! Ingat na lang kayo pag uwi! (at tumakbo na sya papunta ng parking lot para hindi na sya kulitin ni Robi)

At umuwi na nga sya ng bahay nila. Madaling araw na yun pero pagdating nya wala pa ang sasakyan ng ama nya at hindi na yun bago para sa kanya pero sa puso nya alam nyang gusto naman nyang makasama ang ama kahit ilang oras lang o kahit isang buong araw man lang. Pumasok na sya sa loob ng bahay nila at naupo muna sa may sala nila.

Sam's POV: Pano ko nga ba magagawang patawarin ang taong hindi naman nakikita ang pagkakamali nya.?! Paano ako mag papatawad kung ni minsan hindi naman sya humingi ng sorry sa mga kasalanan nya?! Paano?! (nasabunutan na si Sam ang sariling buhok at bago pa tuluyang tumulo ang luha nya umakyat na sya sa kanyang kwarto at pag pasok nya roon nahiga na lang sya sa kanyang kama at doon naibuhos nya ang luhang pinipigil nya hanggang sa nakatulugan na nya ang pag iyak at hindi na rin nya nagawang mag palit ng kanyang damit)

No comments:

Post a Comment