Chapter 1: The Background
Samuel Lopez, 20 years old, 3rd year college student with the course of Business Management, the son of a very well-known businessman. Kilala rin sya bilang “Sam” sa kanilang university, may angking kagwapuhan si Sam at kilala rin sya bilang captain ball ng basketball team sa kanilang eskwelahan, at likas na matalino si Sam kaya naman isa sya sa mga kandidato bilang isang Cumlaude. Seryosong tao si Sam sa buhay at madalas ma misinterpret ng mga tao ang pagiging seryoso sya, madalas syang mapagkamalang isnaboro at mayabang, pero ang totoo ayaw lang ni Sam na naiinvade ang kanyang pribadong buhay. Dahil sa kagandahang lalaki ni Sam maraming babaeng nagkakagusto sa kanya, pero ni minsan wala man lang syang pinansin sa mga ito kahit pa mga ito na nga mismo ang gumagawa ng paraan makasama lang sya. Bukod kay Sam kasama rin nya sa university ang spoiled brat nyang kapatid na si Daiane, pero walang nakakaalam na kahit sino na magkapatid silang dalawa ayaw kasi ni Daiane na merong mga babaeng nakikipag kaibigan sa kanya ng dahil lang sa kuya Sam nya, dahil nag iisang babae at bunso pa sa pamilya si Daiane lahat ng hilingin nya mula sa ama ay nakukuha nya, naging motto na rin ni Daiane ang “what Daiane wants, Daiane gets”. Madalas man silang nagkakatampuhan dahil sa pagiging gastador nya ang ama naman nya ang kanyang kakampi sa lahat ng bagay. Si James ang twin brother ni Sam, 16 years old pa lang sila ng magkahiwalay dahil mas pinili ni James na sa ibang bansa mag-aral dahil na rin sa inggit sa kanyang twin na si Sam, feeling kasi ni James si Sam lang ang magaling sa mata ng ama kaya naman ikinaiinis nya iyon, kaya lahat gagawin nya maging magaling lang sya sa mata ng kanilang ama na si Thed Lopez. Thed is the elite businessman, at dahil sa kanyang trabaho napapabayaan na rin nya ang kanyang sariling pamilya, mas mahaba pa ang oras na inilalagi nya kasama ang mga kumpadre nya sa business kaysa sa kanyang pamilya, minsan nga magkita dili sila ng kanyang asawang si Marie. At ang lahat naman ng iyon ay tinitiis ni Marie lalo pa’t alam naman nyang sya lang ang babae sa buhay ng kanyang asawa kahit pa mas madalas silang hindi magkita, dahil na rin sa kanyang trabaho. She owned a boutique sa iba’t ibang lugar sa bansa and outside the country. Pero kahit gayun pa man sinisigarudo pa rin nyang nakakamusta nya ang kanyang mga anak kahit once a day lang. Walang kinakampihan si Marie kahit sino sa kanyang mga anak pero hindi makakaila na mas paborito nya si Sam kaysa sa dalawa nyang anak. Sapat na nga kaya ang pera at karangyaan para maramdaman ang tunay na pagmamahal sa pamilyang ito? Ano nga ba ang mas mahalaga para sa kanila ang pera nila ang isa’t isa?!
Devon Hernandez, 19 years old 3rd year student from Cebu, she’s taking up Business Management. Simpleng babae lang si Devon, sapat na sa kanya ang maging masaya lang sya sa simpleng paraan. Effortless din naman kasi ang kagandahan ng dalaga. At hindi lang sya maganda sa labas kundi maging sa loob. Matalino rin si Devon at isang talentandong babae, isa rin sya sa mga candidate para maging Cumlaude sa kanilang eskwelahan. Lumaki si Devon na sapat lang ang lahat sa kanilang pamilya. Meron din syang dalawang kapatid na babae, ang ate Girlie nya at ang kanyang ate Catherine. Si Girlie ay isa sa mga inaasahan sa kanilang pamilya, tumutulong ito sa mga gastusin sa kanilang tahanan, masaya si Girlie sa kanyang ginagawa kaya naman ni minsan hindi sya humingi ng kapalit sa kanyang ama at ina ng kahit ano. Si Catherine naman ang sinundan ni Devon, pareho silang nag-aaral sa iisang university at para kay Catherine lahat gagawin nya para sa pamilya kahit mag paubaya pa sya para kapakanan ng isa sa kanilang myembro ng pamilya. Si Kazel, ang kanilang mapag arugang ina, wala syang ibang hangad para sa kanyang pamilya kundi kaligayahan at kaligtasan ng mga ito. Isang mapagmahal na ina si Kazel at hindi nya hahayaang may kahit sinong manakit sa kanyang pamilya lalong lalo na sa kanyang mga anak. Si Nico ang haligi ng kanilang tahanan, lahat ginagawa nito para sa kanyang pamilya. Isang professor sa kolehiyo si Nico, at lahat ibibigay nya para sa kanyang pamilya kahit pa kapalit nito ay ang sariling kaligayahan nya. Ang pamilyang ito ay punong-puno ng pagmamahal kahit pa minsan ay kulang sila, pero hindi nila iyon papayagang maging dahilan upang hindi sila maging masaya. Pero tunay nga kayang sapat lang ang pagmamahalan upang manatili silang buo bilang isang pamilya?
Ano nga kaya ang magiging papel ng dalawang pamilyang ito sa buhay ng isa’t isa?! Sino nga kaya ang tatayo at maninindigan para sa kanilang pamilya. Sa huli ano nga ba ang tunay na mas mahalaga ang kayamanan at karangyaan o ang kaligayahan at pagmamahalan?
No comments:
Post a Comment