Sunday and it's family day!!!
Nakalipas na rin ang ilang araw, linggo at buwan ng pagtira ng pamilya nila Devon sa kamynilaan habang tumatagal mas lalo pa silang nagiging masaya sa bagong buhay nila roon, at syempre kahit bago na ang environment nila hindi pa rin nila nakakalimutan ang mga bagay na ginagawa nila noong nasa Cebu sila, every Sunday lumalabas sila at sama-sama lang silang nasa bahay nag kukulitan matapos nilang mag simba. Pero ngayong araw na ito ay importante dahil kaarawan ng isang kasama nila sa bahay kaya naman lumabas silang mag-anak kasama ang Manang Rosa nila. At matapos nilang mag simba dumiretcho na rin agad sila sa mall na malapit lang sa pinag-simabahan nila para doon na lang mananghalian.
Manang Rosa: Kayo naman, hindi nyo naman na ako kailangang dalin dito.
Kazel: At bakit naman hind Nanay Rosa?!
Nico: Oo nga naman ho Nanay, tsaka mahigpit pong bilin ni Sonny na dapat ilabas daw ho namin kayo kundi palalayasin nya kami sa bahay.
Manang Rosa: Aysus! Parang hindi naman magagawa ni Sonny yun.
Devon: Pero nanay Rosa dapat talaga i-celebrate natin ang birthday nyo noh. Ilang taon na nga ho ba ulit kayo!? 18 ba?!
Manang Rosa: Aba ang batang ito masyado mo naman ata akong pinatatanda 17 pa lang kaya! (at nag tawanan naman sila sa sinabi ng matanda)
Girlie: Dito na lang po tayo, masarap dito tsaka mura!
Nico: Ano Nanay Rosa ok na ba sa inyo toh?!
Manang Rosa: Aba'y oo naman, kahit nga sa turo-turo lang tayo ok na sa akin eh, basta't kasama ko kayo.
Catherine: Aysus! Baka maiyak pa ho kayo nyan Nanay Rosa!!
Kazel: Tumigil na nga kayo dyan, mapaiyak nyo pa si Nanay Rosa, tara Girlie umorder na tayo.
Girlie: Sige po!
Devon: Mag c-c.r lang po ako ha.
Nico: Sige ingat ka, bumalik ka kaagad!!
Devon: Opo!!
Pabalik na si Devon galing ng c.r ng may makabangga syang isang babae.
Devon: Naku! Sorry po, hindi ko po sinasadya!
Girl: Naku! Iha, ok lang ako nga dapat ang mag sorry hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko, pasensya na iha.
Devon: Pasensya na din po.
Girl: Sige iha, pasensya na ulit ha, excuse me.
Devon: Sige po. (at lumakad na rin sya malayo ng makarinig sya ng isang pamilyar na boses at ng pag lingon nya may isang lalaking lumapit sa babaeng nakabangga nya ngunit hindi nya na nakita kung sino toh dahil na rin sa dami ng taong nagdadaan at naharangan na ang mga ito)
Catherine: Ang tagal mo naman mag c.r isang drum ba ang inihi mo.
Devon: Sira, may nakabangga kasi akong isang babae.
Girlie: Kahit kailan ka talaga walking disaster ka, ang hilig mong mangbangga.
Devon: Hindi ko naman sinasadya eh..
Kazel: Tama na yan, kumain na lang kayo. (biglang tumunog ang phone nya) Hello, sino toh?! Ah oo, eto sandali lang!
Kazel: Nak, si Shey oh, gusto ka daw makausap. (sabay abot ng phone kay Devon)
Devon on the phone: Hello ate Shey?! Ahmmm.. Ngayon na po?! Sige po, mag papaalam na lang po ako kay Papa. Ok po! Babye!!
Nico: Ano yun!?
Devon: Kasi po gustong makipag kita ni ate Shey sakin ngayon.
Kazel: Bakit daw?!
Devon: May gagawin daw po kasi kami about dun sa sinasabi ko po sa inyo na gagawin nya kong model, mag fifitting daw po kami ngayon.
Nico: Eh nasan ba sya?!
Devon: Sabi po nya pupuntahan na lang daw po nya ko dito eh.. Ok lang po ba Papa?!
Nico: Ok lang, sige pero huwag kang mag papagabi ha.
Devon: Opo. Siguradong ihahatid naman po ako ni ate Shey eh.
Kazel: Ok! Basta ma iingat ka lang ha, at makitext ka kung nasan na kayo or pag-pauwi ka na.
Devon: Opo mama.
Ilang oras na rin ang nakalipas ng iwan si Devon ng mga magulang at kapatid nya, dahil dun sa mall din naman yun sila magkikita ni Shey at napagkasunduan nilang sa Starbucks na lang sila magkikita kaya umakyat pa si Devon ng second floor para doon hintayin si Shey, ngunit isang oras na ang lumilipas wala pa din ang hinihintay nya, hindi naman nya toh magawang tawagan o itext man lang dahil wala syang cellphone. Habang nakatingin sya sa malayo may nakita syang isang pamilyar na tao sa loob ng isang boutique at hindi naman malaman ni Devon kung bakit dinala sya ng mga paa sa boutique na iyo.
Devon: Sam?!
Sam: Uy Devon! Anong ginagawa mo dito?! (masayang bati nito sa lalaki)
Devon: Ah nandyan kasi ko sa may Starbucks ng makita ka, hinihintay ko kasi si ate Shey kaya lang isang oras na lumilipas wala pa din sya eh. Ikaw anong ginagawa mo dito?!
Sam: Ah kasi yu... (hindi pa natatapos ni Sam ang sasabihin ng may isang babaeng lumapit sa kanya)
Marie: Sam, iho.. (nang mapansin si Devon) Hey! It's you again.
Devon: Po?!
Marie: Ako yung nakabanggaan mo kanina.
Devon: Ay oo nga po! Naku! Pasensya na po.
Marie: Ok lang! Teka Sam, magkakilala ba kayo?!
Sam: Ah opo Mom, mag kaklase at mag kaibigan po kami.
Marie: Oh really?! Well, ang ganda naman nitong kaibigan mo.
Devon: (namula naman sya sa sinabi ng Mama ni Sam) Ay!! Hindi naman po, pero salamat na rin po.
Marie: So, iha anong ginagawa mo dito?! Bibili kaba, sige I'll give you a discount. Ano bang gusto mo?! (at naghanap sya ng mga damit para ipakita kay Devon)
Devon: Naku! Hindi po ako bibili. (nahihiyang pahayag nito)
Sam: Ah Mom, matagal ka pa naman po diba?! Dyan lang ako sa may Starbucks mag kakape muna kami ni Devon. Sige Ma. (sabay halik nito sa kanyang ina at hinila na si Devon)
Pagdating nila ng Starbucks wala pa din doon si Shey, at sinamahan na ni Sam si Devon sa paghihintay at ibinili rin nya ito ng maiinom.
Sam: Pasensya ka na kay Mommy ha.
Devon: Ha?! Bakit naman?!
Sam: Ah wala, wala... Wag mo na lang akong intindihin. Nasan na ba kasi yang ka-meet mo?! Tawagan mo na kaya sya!!
Devon: Gusto ko sana kaya lang wala naman kasi kong phone kaya hindi ko sya matawagan o matext man lang.
Sam: Ahmmm.. Alam mo ba ang number ng phone nya?!
Devon: Ah.. Oo!!
Sam: Oh eto. Tawagan mo na sya. (sabay abot ng phone nya kay Devon, at tinawagan na din ni Devon si Shey)
Devon: Eto na. Salamat!
Sam: Oh nasan na daw sya?!
Devon: Hindi na daw sya makakapunta eh. Nasiraan kasi yung sasakyan nya.
Sam: Ganun ba?! So, anong balak mo na nyan?!
Devon: Edi uuwi na lang ako.
Sam: Uuwi ka na?!
Devon: Oo, wala na rin naman akong gagawin dito eh..
Sam: Ok lang ba kung samahan mo na lang ako?!
Devon: At saan naman tayo pupunta?! Tsaka baka hanapin ka pa ng mama mo.
Sam: Hindi yan, itetext ko na lang sya. Tara na! (at hinila na ulit sya ni Sam at hindi sya nito binitiwan kaya naman hindi na sya naka tanggi kay Sam)
Dinala ni Sam si Devon sa isang lugar tanging silang dalawa lang ang nandoon. Hapon na yun at hindi na mainit kaya ok lang. Nasa rooftop sila ng isang building.
Devon: Bakit tayo nandito?! Tsaka alam Sunday ngayon dapat family mo ang kasama mo.
Sam: Ano naman kung Sunday ngayon!? Bakit kailangan pamilya ko ang makasama ko?!
Devon: Alam mo kasi Sunday is a family day!
Sam: (nangiti sa sinabi ni Devon) Siguro oo, sa ibang pamilya at hindi sa pamilya ko.
Devon: Ha?! Ano namang ibig mong sabihin!?
Sam: (lumapit kay Devon at tinabihan ito sa pagkakatayo) Hindi uso sa pamilya ko ang family day, ang totoo nga nyan parang wala naman akong pamilya eh.
Devon: Bakit mo naman nasabi yan?!
Sam: I have a twin brother but he's not here he's leaving at Australia and my younger sister, mas gugustuhin pa nung makasa ang mga gamit nya sa kwarto buong araw kaysa kaming pamilya nya ang makasama nya, my Mom she's busy on her own business pero oo kahit papano naman kinakamusta pa rin nya kami. And my Dad?! Hindi ko alam, I don't remember na nga when was the last time I saw him eh.
Devon: Hindi ba kayo magkakasama sa bahay?!
Sam: Bahay?! Sa bahay namin mas madalas ko pang makita ang boy at driver namin pati ang mga katulong kesa sa Daddy ko, lagi kasi syang busy, kahit nga madaling araw na ko umuuwi minsa nauunahan ko pa sya eh. Kundi naman lagi syang out of the country for his business. Kaya pano naman kami magkakaron ng family day?!
Devon: Sorry ha, di ko alam.
Sam: Ayan ka nanaman sa sorry mo. Wala ka naman kasalanan dun eh. Alam naiingit nga ako sa iba kong mga kaibigan eh kasi kahit busy ang mga ama nila sa trabaho nagagawa pa rin nilang makabonding ang mga ito. Samantalang ako hindi ko na nga sya nakakabonding natatakot pa kong suwayin sya. Wala kasing ibang pwedeng masunod kundi sya kahit pa hindi naman nya kami madalas makita.
Devon: Pero ginagawa naman ng Daddy mo yun para sa inyo eh, para mabigyan kayo ng magandang buhay.
Sam: Pero aanhin naman namin ang magandang buhay kung sya mismo na kailangan namin hindi man lang namin masandalan pag kailangan namin sya. (bigla naman natahimik si Devon at alam ni Sam na hindi na rin alam ni Devon kung anong sasabihin nito sa kanya) Hay naku! Bakit ko ba sinasabi sayo toh!!? Pasensya ka na ha. Tara ihahatid na lang kita sa inyo.
Devon: Siguro nga mas mabuti pang ihatid mo na lang ako samin.
At hinatid na nga ni Sam si Devon sa bahay ng mga ito. Hindi na rin naman sya nag tagal doon dahil hinahanap na ito ng kanyang Mommy.
Devon: Sige ha. Salamat sa paghatid. Ingat sa pag da-drive.
Sam: Sige. Salamat din.
At tuluyan na ngang umalis si Sam habang si Devon naman ay pinapanood na mawala sa paningin nya ang sasakyan ni Sam at ng hindi na nya ito matanaw pumasok na rin sya sa loob ng kanilang bahay.
No comments:
Post a Comment