Natapos ang subject ni Devon sa klase ng Papa na hindi man lang nya kita si Sam at kahit ang Papa nya hinanap ang binata yun kasi ang unang beses na hindi pumasok si Sam. Inaya sya ni Quen na pumunta ng cafeteria pero sa hindi nya malamang dahilan hindi sya sumama rito at nag dahilan na kailangan nyang sumunod sa Papa nya dahil may sasabihin sya rito. Pero ang totoo dinala si Devon ng paa nya sa studio ng Bubbles Dance Troupe at pagdating nya doon nakita nya si Sam na nagsasayaw at kung titignan tila pagod na ang lalaki pero sige pa rin ito sa pagsasayaw, pinanood lang ni Devon si Sam na magsayaw mula sa pinto at ng huminto nakita nyang napaluhod ang lalaki at unti-unti nya itong nilapitan at ng makalapit na sya dito narinig nya ang ilang hikbi mula sa lalaki.
Devon: Are you ok?!
Sam: Anong ginagawa mo dito?!
Devon: Hindi ka kasi pumasok ng first subject natin kaya naisip kong baka nandito ka.
Sam: Umalis kana!! (mahinang sabi ni Sam pero sapat na yun upang marinig ni Devon)
Devon: Kung kailangan mo ng kaibigan nandito ko maikikinig ako sayo.
Sam: Sabi ko umalis kana!!
Devon: Yun ba talagang gusto mo?! Sige aalis na ko. (nag lakad si Devon palayo kay Sam at ilang hakbang na lang mararating na nya ang pinto pero natigil sya ng marinig ang lalaking mag salita)
Sam: Simple lang naman ang gusto ko yun ay ang makasama sya, hindi ko kailangan ng kahit anong kayaman o pera para maging maligaya, isang yakap lang naman mula sa kanya ang hinihintay ko pero isang dekada na kong naghihintay hindi ko pa rin yun maramdaman. Ni minsan hindi ko sinuway ang mga gusto nya, buong buhay ko sya lagi ang sinusunod ko kahit ayoko. Ok lang naman saking mabuhay ng mahirap, kahit dalawang beses lang akong kumain sa isang araw sapat na sakin basta maramdaman ko lang ang pagmamahal nya. Wala naman akong hinihiling na malaki mula sa kanya kundi kaligayahan na sana maibigay nya samin kahit minsan lang. Hindi ko naman kailangan ng pera nya eh. Ok lang kahit isang araw mamalimos ako, bastat maibigay nya lang ang oras na hinhingi ko mula sa kanya. Yun lang naman ang kailangan ko! Ang maramdamang mahal nya rin ako. (sa bawat salitang binibitawan ni Sam ramdam ni Devon ang sakit na nararamdaman ng binata, hindi nya rin alam kung lalapitan nya ba ito o hindi pero ilang sandali pa si Sam na mismo ang lumapit sa kanya at niyakap sya nito tsaka nag iiyak sa balikat nya) Ayokong makita mo kong umiiyak, ayokong maawa ka sakin mas gugustuhin ko pang umiyak sa likod mo kesa makita mo ang bawat patak ng luha ko. (hinayaan naman ni Devon na gamitin ni Sam ang balikat nya sa pag iyak nito, wala rin syang sinabi na kahit ano sa binata tanging pag haplos na lang sa likod ni Sam ang nagawa nya upang iparamdam nito ang kanyang pagiging concern)
Hindi rin naman nag tagal si Devon sa studio umalis din sya agad dahil yun ang hiling ni Sam sa kanya matapos nitong umiyak sa kanyang balikat. Hanggang makarating si Devon ng cafeteria ramdam pa rin nya ang bigat sa kalooban ni Sam at ngayon iniisip nya kung may paraan ba para matulungan nya ang binata. Nang marating nya ang cafeteria si Quen lang ang nandun at wala ni isang anino ng iba nilang kaibigan.
Devon: Nasan sila?!
Quen: Wala eh, si Joe kaalis lang may klase pa kasi sya si ate Shey naman nag punta sa boutique ni Ms. Marie Lopez. Nga pala kamusta?! Anong nangyari sa usapan nyo ng Papa mo?!
Devon: Ha?! Ah.. A-ayun ok naman. (nauutal na sagot nito kay Quen)
Quen: Bakit parang kinakabahan ka?! May nangyari bang hindi maganda?!
Devon: Ah wala nagugutom lang siguro ko. (hindi alam ni Devon kung bakit kailangan pa nyang mag sinungaling sa kaibigan gayung wala naman syang ginagawang masama)
Quen: Sige oorder na lang muna ko ng makakain natin!
Devon: Sige! (at iniwan sya ni Quen sa table nila, at bumalik nanaman sa ala-ala nya ang nangyari kanina sa Dance studio, habang si Quen naman na nasa counter ay pinag mamasdan lang ang kaibigan)
Quen's POV: Bakit kailangan mong mag sinungaling sakin Devon?
Matapos nilang kumain at tumambay sa cafeteria pinasukan na nila ang iba pa nilang subject at pumasok na din sa Sam, sa twing tinitignan ni Devon si Sam hindi nya makita ang emosyon na kanina ay pinakawalan ni Sam sa balikat nya, ngayon isang nakangiti at masayang Sam na ang nakikita ng mga mata nya napansin din naman ni Quen na panay ang tingin ni Devon kay Sam pero hinahayaan na lang nya ito. Hanggang sa matapos ang klase nila Devon kailangan na nyang mag punta sa practice ng fashion show dahil ilang araw na lang ay gaganapin na ito. Doon makakasama nya ang iba't ibang ramp model kaya naman pursigido talaga sya sa pag papractice ng hindi sya mapahiya sa araw ng fashion show. Alam nyang ihahatid sya ni Quen may emergency sa Call Center nila Quen at kailangan nyang puntahan iyo.
Quen: Devz, pasensya na ha emergency lang kasi talaga. Hindi na din ako mangangako na susunduin kita baka kasi matagalan eh.
Devon: Ok lang yun noh, ngayon sure ng hindi na kita kailangang hintayin.
Quen: Pero check mo munang mabuti kung nandyan ang wallet mo.
Devon: Oo don't worry dala ko.
Quen: Ok sige pano mauna na ko sayo (bago pa umalis si Quen hinalikan nya si Devon sa noo at ikinagulat naman yun ng dalaga pero hindi na nya nagawang mag reklamo dahil tumakbo na si Quen malayo sa kanya at ng malingon sya kay Sam nakita nya tong nakatingin sa kanya at ilang sandali pa ay lumabas na din ito ng classroom nila)
Matapos yun dumiretcho na si Devon sa labas ng campus at nag abang ng taxi para sakyan papunta sa lugar kung saan gaganapin ang rehearsal for fashion show. Ilang oras na rin syang nag aabang ng taxi pero wala pa rin syang mapara dahil kundi may sakay ayaw naman huminto ng mga taxi na pinapara nya. Ilang minuto pang nag hintay si Devon ng sa wakas may tumigil na rin na taxi sa harapan nya. Pagsakay nya ng taxi sinabi nya agad kung saan sya baba. Kung tutuusin malapit lang naman ang pupuntahan nya mga isang oras lang pwede na syang makarating sa venue pero tila dalawang oras na hindi pa rin nya nararating ang venue at para bang hindi na yun ang daan pa punta sa venue kaya nag tanong na sya sa driver dahil abot abot na ang kabang nararamdaman nya.
Devon: Manong, naliligaw po ba tayo?! Kasi kanina pa tayo paikot-ikot dito tsaka hindi naman ho ata ito yung way papunta sa pupuntahan ko.
Driver: Hindi mag sho-short-cut lang tayo?!
Devon: Short-cut po!? Eh halos dalawang oras na po tayo paikot-ikot dito.
Driver: Hindi iha. Sa katunayan malapit na tayo. (nang sabihin ng driver yun tumahimik na lang ulit muna si Devon)
Pero ilang minuto lang ang lumipas huminto ang taxi sa isang isolated na lugar at kinabahan na si Devon ng mabilis kaya agad nyang binuksan ang pinto ng taxi at mabilis na nag tatakbo pero inabutan sya ng driver at hinila pabalik sa taxi nito.
Devon: Manong ano po bang ginagawa natin nito, aalis na lang po ako kung ayaw nyo kong ihatid sa pupuntahan ko! Bitawan mo ko! (pilit na nag pupumiglas si Devon pero sadyang malakas talaga ang lalaki)
Driver: Sandali lang naman tayo dito! Mabilis lang toh!! (at tili hinahalikan na nito ang ulo ni Devon pababa sa tenga nito, pilit namang nanlalaban si Devon kahit pa nanghihina na sya pero hindi iyon ang oras para makaramdam sya ng panghihina, nag-ipon si Devon ng lakas at nang makakuha ng tyempo tinuhuran ni Devon ang lalaki sa maselang bahagi nito at tsaka sya nagtatakbo, pilit pa rin syang hinahabol ng driver kahit pa sakit na sakit na ito, nabuhayan naman ng loob si Devon ng makakita sya ng isang ilaw na nang-gagaling sa isang sasakyan, hinarang nya ito para humingi ng tulong at hindi naman sya binigo ng taong nakasakay sa kotse)
Devon: Tulong! Tulungan mo ko!! (hindi na nagawa ni Devon na tignan kung sino ang taong naharang nya ang tanging alam nya lang ay isa itong babae)
Girl: Bilisan mo pumasok ka na ng sasakyan. (ng matanto nito kung bakit ganun na lang ang takot ng babaeng humarang sa kanya, agad din naman syang sumakay ng sasakyan at mabilis na pinaandar ito at pininahan pa nya ang lalaki dahilan para mabangga nya ang gilid nito)
Pagdilat ng mata ni Devon nakita nya doon ang Mama at Papa nya kasama ang mga kaibigan niya.
Devon: Mama!!
Kazel: Devon anak ano bang nangyari sayo?!
Devon: Mama!! (nang maalala nya kung anong nangyari yumakap sya sa ina at humagulgol ng iyak dito habang yakap-yakap sya nito)
Nico: Mabuti na lang at may nakakita sayo doon at walang kahit na anong nangyari sayo kundi hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko!!
Kazel: Tama na anak ko, ligtas ka na!!
Devon: Nasan na po yung babaeng nag ligtas sakin?! (nang maalala nya ang babae na hinarang nya)
Quen: Umalis na sya at walang iniwan na kahit ano para malaman natin kung sino sya.
Catherine: Pagdating namin dito wala na sya eh, ni hindi na nga kami nakapag thank you eh. Pati bills mo dito binayaran na rin nya.
Devon: Sino kaya sya?! Kailangang makapag pasalamat ako sa kanya!
Kazel: Pero paano naman nating sya hahanapin kung hindi man lang natin malaman kung sino sya, ikaw hindi mo ba matandaan ang mukha nya?!
Devon: Hindi po eh. Hilam na hilam na po sa luha ang mga mata ko nung harangin ko sya eh. Ang tanging natatandaan ko lang po pinasakay nya ko ng kotse nya tas ng pinahan nya yung lalaki nawalan na po ata ako ng malay hindi ko na po alam kung anong nangyari.
Char: Maswerte ka at nadaan yung babae na yun sa lugar na yun at nahuli na nga rin pala yung gagong taxi driver na yun.
Joe: Oo nga! Kundi baka nasa kankungan ka na ngayon!
Kyra: (siniko si Joe) Tumigil ka nga dyan!!
Joe: Sorry!!
Devon: Matatagal daw po ba ko dito?
Nico: Ah hindi actually anytime pwede ka na din naman daw lumabas.
hay.....namiss ko toh grabeh tagal ko na palang hindi naka pag open ng FB.....luv it
ReplyDelete