Sunday, August 28, 2011

Love Conquers All Chapter 3

First day of school...


Natapos na ang isang linggong bakasayon at sa isang linggo na yun naging malapit si Devon at Quen sa isa't isa pati na rin sa pamilya ni Devon naging malapit din si Quen. Madalas silang mamasyal na dalawa, pinasyal at inilibot sya ni Quen sa buong kamaynilaan pero kung minsan isinasama din nila ang ate Girlie nya at ang ate Catherine nya, tinulungan din ni Quen si Girlie na makapasok sa trabaho, inirekumenda sya ni Quen sa Call Center na pag mamay-ari din ng pamilya ni Quen kaya naman malaki ang pasasalamat ni Girlie kay Quen. Malaki din ang naitulong ni Quen sa pamilya ni Devon para mas mabilis na makapag adjust sa bago nilang environment. Nang mag simula na ang unang araw ng pasukan napag pasyahan ni Quen na mag sabay sila ni Devon papasok ng eskwelahan. Maaga pa ay nasa bahay na nila Devon si Quen.

Catherine: Aga mo ha!!
Quen: Syempre para di tayo malate.
Kazel: Paano naman kayo malalate nyan eh isang oras pa bago ang klase nyo andito ka na!
Quen: (napakamot na lang si Quen sa batok)
Devon: (biglang sumingit sa usapan na kabababa lang mula sa kwarto nya) Ang sabihin mo gusto mo lang makikain dito sa amin kaya maaga ka!
Quen: Hindi ah...
Devon: Kunwari ka pa! Tara na kain na tayo!
Kazel: Sige na nga Quen umupo ka na at kumain na kayo.
Quen: Sige na nga po, mapilit kayo eh...
Devon: Mapilit?! Wala namang pumilit sayo ah.. (sabay tawa nito ng wagas)
Quen: Tita, si Devon po inaaway ako. (parang batang sumbong nito sa ina ni Devon)
Kazel: Devon anak itigil mo na yan, baka imbes na may gwapong driver na maghahatid sa inyo sa eskwelahan eh mawala pa!
Devon: Eto si BES mawawala po?! Imposible po yun hindi ako kayang iwanan nyan. Diba bes?!
Quen: Oo na! Panalo kana!!
Kazel: O sya sige na tama na yan kumain na kayo ng mabilis ng makaalis na din kayo.
Devon: Teka po Mama nasaan po pala si Papa?!
Kazel: Maaga syang umalis, tulad nyo ayaw nya din malate sa unang araw ng klase.
Catherine: Papa talaga napaka dedicated.

Matapos nilang kumain ng agahan umalis na din sila agad dahil hahanapin pa nila ang kanilang schedule at ang mga rooms nila. Pagdating nila ng school nag hiwalay na si Devon at Catherine, kasama naman ni Devon sa paghahanap ng schedule si Quen dahil para naman sila ng course. Pagdating nila ng building nila marami ng mga estudyante ang nag kukumpulan sa bulletin board para tumingin din ng schedule. Hindi sila makalapit sa dami ng estudyanteng mga nakaharang, samantalang ng may dumating na apat na babae agad nahawi ang daan at nawala ang mga estudyanteng nag kumpol sa harap ng bulletin board. Ipinagtaka at ikinataas naman ng kilay ni Devon ang nakita kaya tinanong nya si Quen kung sino ang mga babaeng iyo.

Devon: Sino ba yang mga yan?! Bakit parang takot ang mga estudyante sa kanila?!
Quen: Yan ang "elite girls" (quote unquote na senyas ni Quen)
Devon: Elite girls?
Quen: Oo! Mga anak mayaman kasi yang mga yan kaya ganyan ang mga ugali.
Devon: Eh bakit sila ate Shey mayaman din naman sila ah pero hindi naman ganyan ang ugali nila.
Quen: May mga connection kasi sa taas yang mga yan kaya ganyan kung magsi-asta!
Devon: Kahit na noh!! Pare-pareho lang tayong nagbabayad ng matrikula dito kaya dapat pantay-pantay lang tayo. (sabay talikod nito kay Quen, pero nahawakan sya ni Quen sa braso)
Quen: Saan ka pupunta?!
Devon: Edi titignan ang section at schedule ko!
Quen: Mamaya na! Hintayin na lang natin silang makaalis!
Devon: Eh paano kung maaga pala ang first subject natin edi malalate tayo dahil lang sa mga yan!
Quen: Hayaan muna! (hindi nya binitawan si Devon hanggang makaalis ang mga babae)
Devon: Bitawan mo na ko, wala na sila! Tara na! Tignan na natin ang schedule natin. (inis na inis na sambit ni Devon)

Agad na silang lumapit sa bulletin board at nakita nilang magkaklase sila at pareho halos lahat ng schedule nila.
At may klase sila ng 8:30 samantalang 8:15 na sa orasan ni Devon at sa kabilang building pa ang room nila. Kaya naman lakad takbo na ang dalawa para hindi sila malate sa first class nila.

Devon: Kasalanan mo to eh, yan tuloy kailangan pa nating magtatakbo!
Quen: Sorry na nga eh...
Devon: Sana wala pang prof.

Matapos ang sampung minutong pag takbo narating nila Devon at Quen ang room nila ng hingal na hingal at nakahinga na din sila ng maluwag dahil wala pa ang kanilang professor. Napasinmangot naman si Devon ng makita ang apat na babae sa loob ng classroom nila na nag kukwentuhan.

Devon: Sa dinami-dami naman ng pwedeng maging kaklase sila pa!!Anu ba yan! (bulong nito kay Quen ng nakaupo na sila)
Quen: Oo nga!! Pati ang mga "mean girls" kaklase natin, siguradong malaking patalbugan ang mangyayari araw-araw!
Devon: Mean girls?! Sino naman yung mga yun?!
Quen: Ayun oh (sabay nguso nito sa apat na babae para ituro kay Devon) Yang dalawang grupo na yan ang mortal enemies!!
Devon: Ganun?! (bigla syang nagulat ng mag sigawan ang mga estudyanteng babae sa labas at pati na rin sa loob ng room nila) Bakit anong meron?!
Quen: Andyan na siguro si Sam (taas kilay na sabi nito)
Devon: Sam?! Artista ba yun at kailangan pa nilang magtilian.?
Quen: Si Sam kasi ang anak ng business tycoon na si Thed Lopez.
Devon: Eh ano naman ngayon?! (sabay yuko nito dahilan para di nya makita ang lalaking pumasok sa kanilang room)
Quen: Tsk.. (naiiling na sabi nito)
Devon: Bakit?!
Quen: Ah wala!

After 10 minutes dumating na ang professor nila at laking gulat ni Devon at Quen ng makita ang first professor nila.

Devon: Papa?! (mahinang pahayag nito)
Quen: Ayos! Professor natin ang Papa mo!.
Devon: Oo nga!! (may kaba sa tinig nito)
Quen: Eh bakit naman parang kinakabahan ka?!
Devon: Strict kasi si Papa pagdating sa school, ayaw ko nga syang nagiging professor eh nakakapressurre kasi.
Quen: Ganun ba?! Naku po! Patay na!! (naputol ang usapan nilang dalawa ng magsalita na ang kanilang professor at kinilabutan naman si Quen dahil na rin sa takot)
Prof. Hernandez: Good moring class.
Students: Good morning Sir...... (mga nanlalatang sagot ng mga ito)
Prof. Nico: Haven't you guys take your breakfast?! Malata pa kayo sa kanin ahh... Good morning class!! (buong siglang ulit nito na may kasama pang hampas sa table nya)
Students: (nawindang sa bago nilang professor kaya naman buong sigla na ang bati nila ulit) Good morning Sir!!!!!!!!!!!!!
Prof. Hernandez: Very good!! Well, let's start the day right. (he lead a prayer then after nagpakilala na sya sa kanyang mga estudyante) Hi guys! I am Mr. Nico Hernandez, I'll be your professor for the whole semester. I am a new professor here in your university. I am from Cebu, I've been more than 5 years in service being a professor. And as of now it's my 3 years teaching the major subject of business management. I am expecting everyone to bear with me. I am a strict and terror professor inside the classroom but I can be your friend outside. Simple lang naman ang rules and regulation ko sa klase ko. Una, mortal sine para sa akin ang malate ang mga student ko. Pangalawa bawal ang makipag daldalan habang nag didiscuss ako! Pangatlo, bawal ang hindi marunong sumunod sa mga policies ko! At last, bawala ang mag hikab or better yet I will send you out of my class. And one more thing, sa loob ng classroom na ito walang mayaman, mahirap, walang anak ng isang business tycoon, walang may connection sa itaas, walang family-friend at higit sa lahat walang kamag-anak. (sabay tingin nito kay Devon at Quen) Ok! This time around it's your turn to introduce yourself cause later no one is allowed to talk maliban sa akin at sa mga taong tatanungin ko! So, let's start one by one introduce yourself, in front. (sabay punta nito sa likod ng room at umupo sa bakanteng silya)
Girl1: Do we really need to do that? We know each other na!
Prof. Hernandez: Do you know them na?! Really?!
Girl2: Yes! We knew each other very well.
Prof. Hernandez: If that's the case, so tell me the name of that girl sitting next to that white guy. (he was referring to his daughter Devon)
Girl2: (hindi makasagot at natigilan lang)
Prof. Hernandez: What now?! I am asking you, do you know her? What is her name?
Girl2:  No! I don't know her.
Prof. Hernandez: You better shut up if your just going to tell a lie. Sit down! You! (sabay turo nito sa unang babaeng nag salita kanina) You start!!
Girl 1: Why me?! (pero wala na din syang nagawa dahil natakot na sya sa prof nila kaya naman pumunta na sya sa harapan para magpakilala) Hey! Hi guys! I'm Aria Clemente. I am a daughter of Mr&Mrs. Clemente.
Prof. Hernandez: Of course! Your the daughter of your parents! So, tell me, why are you here? Taking up business management?
Aria: Because my parents wants too..
Prof. Hernandez: So, are you telling me that this is not what you want?
Aria: No! I want too but...
Prof. Hernandez: It's ok, you don't have to explain anymore! Next!

Sunod-sunod na silang nagpakilala at ng turn na ni Girl2.....

Girl2: Hello! I'm Coleen Garcia, my parents are not here so better not to talk anything about them.
Prof. Hernandez: Why Coleen? Aren't you proud to be a daughter of your parents?
Coleen: I am, but I don't wanna talk about anything about them.
Prof. Hernandez: Ok! Maybe they don't want to talk anything about you in front of their Amigos and Amigas too. Next please!

Nag pakilala na rin ang ibang student na sumunod kay Coleen until someone get Devon's attention.

Guy: Hey, I'm Samuel Lopez 20 years old, you can call me Sam, I'm the son of Mr. Thed Lopez and my mom is Marie Lopez, I have a twin-brother James but his not here!
Prof.Hernandez: So, your the successor  of the Lopez Company.
Sam: Maybe! (kibit balikat na sabi nito)
Prof. Hernandez: Is this really what you want?
Sam: Nope! All I want is to be a simple man, know by my name not because of my father's name.
Prof. Hernandez: So, you should pursue what you really want.
Sam: Maybe after I graduate and give what my father wants.
Prof. Hernandez: Ok! Thank you Mr. Lopez. Next please.

Limang estudyante na lang bago ang turn ni Devon at Quen at unti-unti kinakabahan ang dalawa. At nang dumating na ang turn ni Quen, lalong bumilis ang pintig ng puso ni Devon dahil sa kaba.

Quen: Hi, Good morning! My name is Enrique Gil but my friends used to call me Quen. Well, there's nothing interesting about me naman kaya yun...
Prof. Hernandez: I heard your family owns a Call Center company, right Mr. Gil?! So, why don't you take up any course regarding communication skills so therefore after that you can have your international school.
Quen: But this is what I really want Sir, ever since before.
Prof. Hernandez: Ow well.. Thank you Mr. Gil, take your sit now! And next please and I think the last student in this room. (nakatingin sya sa anak at lihim na natatawa sa kabang nakikita nya mula sa mukha ng kanyang anak)
Devon: (tumayo na at siniko si Quen ng magkaharap sila) Bakit ang bilis mo?! (bulong nito kay Quen)
Quen: Eh pinaupo na ko eh tsaka next na daw eh.. Bilisan mo na baka mapagalitan ka pa, kaya mo yan. (sabay ngiti nito ng matamis sa kaibigan)
Devon: (nakatayo na sya sa harapan at tinitignan ang ama)
Prof. Hernandez: Until what time are we going to wait for you to speak up?
Devon: Ha?! Ah... Sorry po!! (nauutal na sabi nito, huminga pa sya ng malalim bago nakapag salita ulit) Hi! Good morning! I'm Devon Mae Hernandez and I'm a transferee student from Cebu. (matapos nyang sabihin yun nag bulung-bulungan na nag mga kaklase nya pero ipinag patuloy pa rin nya ang pagpapakilala sa sarili) I have a two sisters, and my mother is Mrs. Kazel Hernandez and my father is a professor and his name is Nico Hernandez. (lumakas ang bulungan ng mga kaklase nya matapos nyang sabihing anak sya ng professor nila nagyon)
Prof. Hernandez: Quiet!! Am I asking you to talk?! I guess no!! So, you better quiet!! Is there something wrong if Ms. Devon is my daughter? You don't have to worry cause like what I've said a while ago. Walang kamakamag-anak! Ok, so, miss Devon, why did you choose this course? I mean, our family doesn't own any business. What will be your job after all? Unlike them may pwede silang patungahan pag graduate nila.
Devon: There's no any law na nagsasabing ang course na ito ay para lang sa mga taong may mamanahing negosyo mula sa kanilang pamilya. My job after this?! Honestly, for now I really don't know but I know someday I can find a job suited for me. It's better to work hard to get what you want than getting things as easy as spoon-feeding from your parents!
Prof. Hernandez: Ok! That's it!! Thank you, you may now sit down.
Devon: Thank you Sir.
prof. Hernandez: (bumalik na ulit sa harap.) Ok guys! Since, ang sabi naman sa itaas this day is just for an orientation lang, kaya you guys are excused!
Students: Thank you Sir.

Isa isa ng naglabasan ang mga estudyante sa room at naiwan na lang si Sir Nico at hinintay naman ni Devon at Quen na makalabas na ang lahat bago nila kausapin ang professor. Nang sila na lang ang naiwan, nilapitan na nila ang Papa ni Devon.

Devon: Ikaw talaga Papa, bakit mo pa tinanong sakin yun?
Nico: Nakita ko kasi sa mukha mo na masyado kang kabado kaya itinanong ko sa iyo yun, alam mo na!!
Devon: Ikaw talaga Papa.
Nico: Ah by the way, umuwi muna pala ang ate Catherine mo, dumaan sya sakin kanina, hapon pa kasi lahat ng klase nya kaya umuwi na lang muna sya. Oh sya dyan na kayo.
Devon: Sige Pa. See you around.
Nico: Wait, Devon you know our rules!!
Devon: Ay oo nga po pala sorry po!
Nico: Ok, sige na alis na ko!
Devon: Thank you po Sir!
Quen: Anong rules yun?! Tanong nito kay Devon habang naglalakad sila papunta ng cafeteria.
Devon: Bawal tawagin si Papa ng Papa pag nasa loob ng university! Kaya ikaw wag mo din syang tatawaging tito pag andito tayo sa school.
Quen: Ok! Grabe nakakatakot nga ang Papa mo!! Este si Sir Nico pala.
Devon: Sabi ko naman sayo eh..

Ilang minuto lang narating na nila ang cafeteria at inabutan nila doon si Kyra at Joe na masayang nag kukwentuhan.

No comments:

Post a Comment