Friday, September 2, 2011

Love Conquers All Chapter 18

Maagang nagising si Sam para mag prepare for school. Paalis na sana sya ng makita ang ina sa salas nila na may kausap sa phone.

Sam: Is it James?!
Marie: Ah, yah..
Sam: Uuwi na po ba sya.
Marie: I don't know! Wala syang sinabi eh.
Sam: Sana naman umuwi na sya!! I miss my twin brother.
Daiane: Baka naman maiyak ka pa nyan Kuya Samuel! (singit nito na bagong labas lang mula sa kanyang kwarto)
Sam: Why?! Aren't you missing James?!
Daiane: Hmmm.. Maybe no maybe yes!! Anyway, papasok ka na ba?! Pasabay ha!!
Sam: Sure! Sige tara na!!
Marie: Sige na umalis na kayo baka malate pa kayo! Mag ingat sa pagda-drive ha.
Sam: Yes mom!! You too, take care always!!

Pagdating ni Sam ng school para feeling nya guguho na ang mundo dahil sa nakikita nya. The elite girls being nice to Devon is bago sa paningin nya. Pag pasok pa lang kasi nya ng room nila nakita na nya si Coleen na katabi si Devon at nakikipag kwentuhan dito. Pati ang ibang mga kaibigan nito tila inaayusan pa si Devon at may mga kung ano-anong ibinibigay sa dalaga. Hindi naman sya nagtaka ng kumprontahin ng mean girls ang mga ginagawa ng elite girls kay Devon. Naupo at nakinig na lang sya sa usapan ng mga ito ng makakuha sya ng idea kung ano ba talaga ang tunay na nangyayari.

Carla: Wow Coleen sitting beside her mortal enemy!! May sakit kaba?!
Ariane: Baka naman may nakain syang di maganda kaya ganyan ang ugali nya ngayon! Ang plastik ha!!
Erika: Pwede ba, leave us alone kung wala naman kayong magandang sasabihin.
Valerie: Nakakapagtaka lang kasi. Parang ang bait nyo ata kay Devon. May kasalanan nanaman kayo sa kanya noh?!
Coleen: Wala noh!! (defensive na sagot nito) Hindi naman porket mabait kami kay Devon ngayon may kasalanan na kaming nagawa sa kanya!! Pwede ba leave us alone!
Aria: You and your group leave Devon alone cause the last time na nabalitaan kong naging mabait kayo sa isang tao may nagawa kayong kasalanan dito at para mapagtakpan yun nagbabait-baitan kayo!!
Coleen: That's not true!!
Carla: Shut up Coleen!! Accept the truth! Plastik ka!! (sasampalin na sana sya ni Coleen ng hawakan ni Ariane ang kamay ng babae)
Ariane: Don't you dare try to hurt one of my friends baka imbes na ilong mo lang ang to the left, to the left baka buong ulo mo na ang nasa kaliwa!!
Aria: Tama na yan Coleen, let's go na!! (at umalis na nga ang mga ito)
Valerie: Wag ka masyadong magpapaniwala sa mga yang elite girls na yan mga plastik yang mga yan!!
Devon: Thanks!! (at iniwan na sya ng mga ito)

Habang papunta si Devon sa dance studio naguguluhan pa rin sya sa naging kilos ni Coleen kanina, dahil sa pagiging mabait nito, hindi nya alam kung totoo ba yun o tama sila Ariane na parte lang yun ng kaplastikan ng mga ito.

Devon's POV: Hay naku! Hayaan mo na nga lang sila Devon!!
Arron: Devz!!!!!!!!!!
Devon: Ay kalabaw!!
Arron: Di ako kalabaw noh!!
Devon: Eh kasi naman bakit mo ko ginugulat!!
Arron: Para kasing ang lalim ng iniisip mo eh!!
Devon: Hindi naman noh!! Tara na nga sa studio!!
Arron: Ah hindi muna ko pupunta dun didiretcho ko sa court nag aaya kasi si Sam na maglaro ng basketball eh.
Devon: Ganun?! Eh sino makakasam kong mag practice?!
Arron: Yun ang hindi ko alam kasi baka pati sila inaya rin mag laro ni Sam.
Devon: Ang daya naman!!
Arron: Tara sumama ka na lang sakin sa court.
Devon: Ano maglalaro din ako?!
Arron: Hindi noh!! Basta tara na!! (inakbayan nya si Devon at hanggang makarating sila ng court naka-akbay pa rin sya sa dalaga)
Neil: Hey braw!! Ano yan ha?!
Arron: Mga sira!! Were friends kaya ok lang yan!!
Devon: Oo nga, wala namang masama noh!!
Patrick: Sayo walang masama kaya lang hindi mo alam baka may mga nag seselos dyan sa tabi-tabi.. (sabay tingin nito kay Sam)
Robi: Tama na nga yan!! Tara na laro na tayo! Devz, upo ka muna dyan!!
Devon: Sige, salamat Robi!! (tinignan nya si Sam pero hindi sya pinansin nito)
Devon's POV: Anong problema nun?! (at umupo na rin sya sa bench, tanging sila lang ang tao sa court nung mga oras na yun)

Sadyang magaling talaga mag laro si Sam ng basketball at halos lahat ng tira nito ay pumapasok, hindi naman maalis sa mga labi ni Devon ang ngiti habang pinapanood ang mga ito maglaro. Mga nagkukulitan din kasi ang mga ito habang naglalaro kaya pati sya ang tuwang-tuwa din. Natapos na ang fist game nila ang laro ay Robi and Sam vs Arron, Neil and Patrick.

Devon: Ano ba yan, tatlo na nga kayo natalo pa din kayo!!
Arron: Wala kasing thrill eh..
Neil: Oo nga!! Walang kwenta!!
Robi: Dami nyong palusot! Sabihin nyo magaling lang talaga kami ni Sam.
Sam: Oo nga! Aminin nyo na kasi!!
Arron: Hindi braw!! Let's have another set! With pusta!!
Neil: Oo, pustahan tayo!!
Robi: Ano namang pagpupustahan natin?!
Arron: Si Devon!!
Devon: Ha?! Bakit ako?!
Sam: No! Sige kayo na ang panalo wag na tayong mag pustahan! Wag si Devon.! Tara na Devz! (sabay hila nito kay Devon)
Arron: Tignan mo yung lalaki na yun! Hinuhuli ko lang naman sya, nag pahuli naman!!
Neil: Huli ka balbon!! (at ng mawala na ang dalawa sya namang hagalpak nila ng tawa)

Nung umalis sila Devon at Sam sa court dumiretsyo lang sila ng dance studio.

Devon: Bakit naman natin sila iniwan?!
Sam: Bakit gusto mo bang pag pustahan ka nila!?
Devon: Sira kaba?! Bakit naman ako papayag?!
Sam: Eh bakit gusto mo pang mag stay dun?!
Devon: Wala lang! Syempre mga kaibigan ko din sila noh!!
Sam: Isa pa nga pala! Hindi lahat ng mga kaibigan mo pwedeng umakbay sayo!
Devon: Ano bang pinagsasabi mo dyan?!
Sam: Ayokong inaakbayan ka ni Arron o ng kahit sino pang lalaki!!
Devon: Ha?!
Sam: (nilapitan si Devon, face to face) Hindi mo ba nararamdaman nagseselos ako sa twing makikita kong kumportable ka kay Arron, pag kasama mo si Quen!! Devon, mahal kita!! Hindi mo ba nararamdaman yun?!
Devon: (natulala pero nakabawi din naman agad at hinawakan ang muka ni Sam sabay tulak dito) Sira! Malamang nararamdaman ko yun! Pero ayoko mag assume noh!! Dyan ka na nga!!
Sam: Can I court you!? (sabay hawak nito sa kamay ni Devon)
Devon: Si Papa nga pumayag na eh, kaya syempre papayag na din ako!!
Sam: Alam mo yun?!
Devon: Oo! HIndi naman ako tulog nun eh... (sabay tawa nito at naglakad na palayo kay Sam)
Sam: Saan ka pupunta?!
Devon: Ginutom ako kaya kakain ako!! Sasama kaba?!
Sam: Syempre!! (at sinundan nya naman ang dalaga)

No comments:

Post a Comment